Posted by: kidlatanvillage | April 3, 2012

Magpapapako Daw sa Krus Itong si Banong sa Biyernes Santo Alang-ala kay PNoy

Pagkatapos bumaba ang people’s net satisfaction ni presidente Aquino  from +58 in December to +49 in March ay nalungkot ng husto at nabahala na si Banong sa katayuan ngayon ng kanyang iniidolong pangulo. Ano na lang daw ang mangyayari sa ating bansa kung puro puna tayo sa pangulo at lahat na lang na problema ng bansa ay isinisisi sa kanya. Sa halip na suportahan siya ay lalo pa raw nating hinihila siyang pababa sa paglalantad ng kanyang mga kahinaan, kapalpakan, at kakulangang ng karanasan sa pamumuno(in short KKK). Idagdag pa raw ninyo ang pagsasabi ng na siya ay wala nang ginawa pa kundi magnoynoying araw-araw. Aba, hindi naman yata makatarungan iyan.

Sabi ni Banong ay tama na, sobra na, tigilan na raw ninyo ang mahal nating pangulo kayong mga kritiko, kalaban niya sa pulitika, at mga naiinggit sa kanya.

Sa katunayan ay maiyak-iyak pa nga si Banong nang kanyang sabihin na lahat na lang daw tungkol sa kanyang personal na buhay ay pinakikialaman siya. Oo nga naman anong pakialam natin kung mag-on na nga sila ni Grace Lee. Anong pakialam natin kung pagsabihan niya ang North Korea na huwag nang ituloy pa ang pagpapalipad at pagpapasabog ng kanilang ICBM. At ano naman ang masama kung uunahin pa niya ang matutong magsalita ng Korean language kaysa magsalita ng Waray, Ilonggo, at Bisaya. Halos madurog ang puso ni Banong tuwing pinagmumura ng mga aktibista ang ating pangulo dahil siya raw ay walang pakiramdam, puro pahirap na lang daw siya sa mga tao; nagbibingibingihan tuwing tumataas ang presyo ng mga produktong langis, gasolina, at LPG na inaangkat lang din naman natin sa ibang bansa. Kung sa mga oil producing countries nga raw ay tumataas ang presyo ng mga ito bakit sa Pinas hindi raw din ba tayo naapektohan?

Ayun kay Banong lahat na lang daw ay ginagawa ng ating kagalang-galang na pangulong Noynoy Aquino para matupad naman ang kanyang mga binitiwang pangako nang siya ay tumatakbo pa lamang bilang presidente ng Pilipinas. Ngayon at nakaupo na siya, ano ba naman iyong maghintay-hintay lang tayo ng kaunti at pasasaan ba ay matutpad din niya lahat ng kanyang mga ipinangako nang manumpa siya bilang pangulo ng bansa. Huwag masyadong mainipin daw tayo dahil hindi naman Superman itong si PNoy. Sabi nga ng isang eksperto ang kalaban ni PNoy ay itong bureaucracy na nagpapabagal sa kanyang pagkilos at pagpapatupad ng kanyang mga program sa hustisya at kaunlaran ng ating bansa.

Dahil dito ay gustong magpapako sa krus ni Banong nang siya na raw ang umako sa lahat ng mga ibinibintang nilang pagkukulang at kahinaan ng ating mahal na pangulo sa kanyang pamumuno. Utang na loob lubayan na raw nati sa kapupuna ang ating mahal na pangulo dahil hindi lang daw ito nakakasira sa imahen ng ating panguno, nakakasira din daw ito sa pananaw ng buong mundo sa ating mga Filipino.

Ewan ko kung totoo o umaarte lang si Banong nang kanyang ibulalas sa amin ang kanyang saloobin tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng ating mahal na pangulong Noynoy Aquino. Nakailang kahon na rin kami ng nainom na serbesa nang mangusap na parang sugo at tagapagligtas itong si Banong.  Pero mukhang seryoso naman siya at tapat sa pagsasabing siya raw ay magpapapako sa krus alang-ala kay PNoy at sa hangarin nitong ipagpatuloy ang pagtahak sa isang matuwid na landas.

Mayamaya pa ay dumating na si Milagring, ang butihing kabiyak ni Banong, upang siya ay sundoin. At habang siya ay isinasakay sa tricycle ay muling nagsalita itong si Banong:

“Ama patawarin nawa sila (mga kritiko ni PNoy) at di nila alam ang kanilang dinadada.”

Nang makaalis na sina Banong at mga kainoman namin, at mag-isa na lang ako sa bahay, ay napaiisip naman ako. Sa dalawang taong pamumuno ano na nga ba ang mga nagawa ng ating mahal na pangulo. At talaga bang kailangan siyang punahin ng todo-todo para umaksiyon o unawain na lang siya dahil gumagawa din naman siya sa abot ng kanyang makakaya upang umunlad naman itong ating bansa?

Advertisements

Responses

  1. Kap alalahanin ninyo na kapag lagi na lang natin sinisiraan ang pangulong Aquino ay sino pa nga bang taga ibang bansa ang magtitiwala sa atin?
    Nakasalalay hindi po ba sa ating pagkakaisa ang kinabukasann ng ating bansa.
    Suportado ko pa rin si pangulong Aquino. At tama kayo, kahit ipako pa nila ako sa krus ay gagawin ko magkaisa man lang tayong lahat na Pilipino at magtutulungan para sa pagkamit ng hustisya at kaunlaran para sa bansa.
    Kung kailan ako magpapapako ay pagiisipan ko muna, kailangan kasi diyan ay matatag ka at may pananampalataya sa iyong sarili na wala ako ngayon.

  2. pareng kaps, hige, ako na ang bahala sa pako at martilyo.

    saan mo nga pala gustong ipako, banong?

    sa krus na gawa sa kahoy? o sa konkretong hinugis krus?

    dami kong natira dine’ng concrete nails na de dose.

  3. Wala yata sa character ni Banong ang magpapapko sa krus. If ever gawin ninyo iyong Salem style na sinisilaban din siya hanggang matusta,

    Sabagay tapos na ang Viernes Santo, kung di pa napapako ngayon si Banong ay baka sa susunod na lang na taon at kasama niyang magpapasan ng krus iyong leader ng North Korea.
    Hehehe.

  4. Mang Mags concrete nails lang? Sobrang makunat na po ang balat ni Banong at indestructible pa. Daig pa nito bullet proof vest. Kailangan mo pang gamitan mo iyan ng jack hammer para lang mabutas.

  5. Para sa mga taong mapanghusga pakibasa lang ito na na-email lang naman din para sa akin. I hope na magliwanag sana ang inyong mga isipan sa intension ng bawat isa sa atin.

    AN EMOTIONAL EASTER EGG STORY
    What was the “Real Message” behind this wonderful story?

    Jeremy was born with a twisted body, a slow mind and a chronic, terminal illness that had been slowly killing him all his young life. Still, his parents had tried to give him as normal a life as possible and had sent him to St. Theresa’s elementary school. At the age of 12, Jeremy was only in second grade, seemingly unable to learn.

    His teacher, Doris Miller, often became exasperated with him. He would squirm in his seat, drool and make grunting noises. At other times, he spoke clearly and distinctly, as if a spot of light had penetrated the darkness of his brain. Most of the time, however, Jeremy irritated his teacher.

    One day, she called his parents and asked them to come to St. Teresa’s for a consultation. As the Foresters sat quietly in the empty classroom, Doris said to them, “Jeremy really belongs in a special school. It isn’t fair to him to be with younger children who don’t have learning problems. Why, there is a five-year gap between his age and that of the other students!” Mrs. Forrester cried softly into a tissue while her husband spoke. “Miss Miller,” he said, “there is no school of that kind nearby. It would be a terrible shock for Jeremy if we had to take him out of this school. We know he really likes it here.”

    Doris sat for a long time after they left, staring at the snow outside the window. Its coldness seemed to seep into her soul. She wanted to sympathize with the Foresters. After all, their only child had a terminal illness. But it wasn’t fair to keep him in her class. She had 18 other youngsters to teach and Jeremy was a distraction. Furthermore, he would never learn to read or write. Why spend any more time trying? As she pondered the situation, guilt washed over her. “Oh God,” she said aloud, “here I am complaining when my problems are nothing compared with that poor family! Please help me to be more patient with Jeremy.” From that day on, she tried hard to ignore Jeremy ‘s noises and his blank stares.

    Then one day he limped to her desk, dragging his bad leg behind him. “I love you, Miss Miller,” he exclaimed, loudly enough for the whole class to hear. The other children snickered, and Doris’s face turned red. She stammered, “wh-why, that’s very nice, Jeremy. Now please take your seat.”

    Spring came, and the children talked excitedly about the coming of Easter. Doris told them the story of Jesus, and then to emphasize the idea of new life springing forth, she gave each of the children a large plastic egg. “Now,” she said to them “I want you to take this home and bring it back tomorrow with something inside that shows new life. Do you understand?”

    “Yes, Miss Miller!” The children responded enthusiastically – all except for Jeremy. He just listened intently; his eyes never left her face. He did not even make his usual noises. Had he understood what she had said about Jesus’ death and resurrection? Did he understand the assignment? Perhaps she should call his parents and explain the project to them.

    That evening, Doris’ kitchen sink stopped up. She called the landlord and waited an hour for him to come by and unclog it. After that, she still had to shop for groceries, iron a blouse and prepare a vocabulary test for the next day. She completely forgot about phoning Jeremy ‘s parents.

    The next morning, 19 children came to school, laughing and talking as they placed their eggs in the large wicker basket on Miss Miller’s desk. After they completed their math lesson, it was time to open the eggs. In the first egg, Doris found a flower. “Oh yes, a flower is certainly a sign of new life,” she said. “When plants peek through the ground we know that spring is here. “A small girl in the first row waved her arms. “That’s my egg, Miss Miller,” she called out. The next egg contained a plastic butterfly, which looked very real. Doris held it up. “We all know that a caterpillar changes and turns into a beautiful butterfly. Yes, that is new life, too” little Judy smiled proudly and said, “Miss Miller, that one is mine.”

    Next Doris found a rock with moss on it. She explained that the moss, too, showed life. Billy spoke up from the back of the classroom. “My daddy helped me!” He beamed. Then Doris opened the fourth egg. She gasped. The egg was empty! Surely it must be Jeremy ‘s, she thought, and, of course, he did not understand her instructions. If only she had not forgotten to phone his parents. Because she did not want to embarrass him, she quietly set the egg aside and reached for another.

    Suddenly Jeremy spoke up. “Miss Miller, aren’t you going to talk about my egg?” Flustered, Doris replied, “but Jeremy – your egg is empty!” He looked into her eyes and said softly, “yes, but Jesus’ tomb was empty too!” Time stopped. When she could speak again. Doris asked him, “Do you know why the tomb was empty?” “Oh yes!” Jeremy exclaimed. “Jesus was killed and put in there. Then his Father raised him up!” The recess bell rang. While the children excitedly ran out to the school yard, Doris cried. The cold inside her melted completely away.

    Three months later Jeremy died. Those who paid their respects at the mortuary were surprised to see 19 eggs on top of his casket, ……………….all of them empty.

    If this wonderful story has touched you, pass it on. Take care and treasure the times with those you love…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: