Posted by: kidlatanvillage | February 7, 2012

Dapat ay kampeon ka rin sa iyong pamilya

Haay I am back again pagkatapos nagbakasyon sa isang isla na walang electrisidad at internet.  Masarap ang sim oy ng hangin at ang maalat na tubig dagat at mainit na buhangin ay nakakapagpaginhawa ng mga tuhod na matagal nang nirarayuma. Sarap mamingwit at kumain ng isdang huli mo mismo.

Ideya ni Banong ito, tignan mo nga naman ang Capalaran, este kapalaran. Kung si Banong noong araw ay sunod-sunoran sa akin, ngayon ay siya naman ang aking bosing. Siya nga pala, hindi ito bakasyon grande, trabaho po ito sa pamumuno ni project director Banong. Isang pag-aaral ang aming isinagawa para malaman ang kung papaano nakaka-survive ang mga mangingisda sa isang maliit na pulo kung saan ay lagi itong nasasalanta ng mga bagyo at malakas na pag-ulan.  Pero isa lang ang sinasabi ng aming pag-aaral ng team Banong, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Kung may isang bagay na na-miss ko nang nasa maliit na pulo kami ay ang aking misis na naiwan sa isang magulong siyudad ng Metro-Manila. Kaya pagdating ko at pinasabogan ko kaagad siya ng aking dinamitang pampaligaya not once but twice, hehe. Ang lagay na ito, mukhang pabulusok na ang ating level of fertility.

Ang daya kasi ni Banong, dala niya ang kanyang Milagring (Psst. may mga kasama pa kasi kaming mga byutis na researchers. Mantakin mo ba naman na mahilig palang maligo sa dagat ang mga ito na nakabikini lang).  Kaya itong si Milagring ay kapit tuko sa kanyang mister nang pagbabantay. Binalaan din ako ng kontra bidang ito na huwag daw akong gagawa ng milagro sa mga kasama naming byutis at magsusumbong siya sa kanyang ninang Tisay. Papatul pa ba tayo ng iba e, kay Tisay my love forever na lang itong inyong abang lingkud? Mabalik tayo kay Banong at Milagring, parang mga love birds ang dalawa; unang gabi pa lang namin sa pulo ay halos magiba na ang kubong tinutuluyan namin sa lindol na dulot ng paglalaro ng apoy ng dalawa, hehe.

Dapat ay kampeon ka rin ng iyong pamilya

Congrats Nonito Donaire for bringing another honor to our country. Now we have another boxing champeon in the super bantamweight division. Shall we say there is another Pinoy who will be another Manny Pacquiao, my idol, in the near future?

Nakapagtataka lang at sa halip na matuwa ang mga kamag-anak at kapamilya ng Pinoy Flash ay na-report pang “disappointed” sila sa “Filipino Flash”? Mantakin mo ba namang sabihing “sana ay natalo na lang siya.” Dagdag pa ng kanyang lola san GenSan, “Kung natalo s’ya ako lang yata ang magtatatalon sa tuwa dito.”

May problema nga sa pamilyang pinagdadaanan itong ating kampeong boksingero. Pero huwag na nating kalkalin pa ito at makakasira lang sa image ng ating boksingero. Palagay ko lang, malaki ang naging epekto ng problemang ito ni Donaire sa kanyang performance itong huli niyang laban kung saan siya ay nagwagi bilang bagong kampeon ng superbantam weight division ng WBO.

Kaya nga kung intindihin natin ang payo sa kanya ni idol Manny Pacquiao  ay dapat niyang ayusin itong problema niya sa kanyang pamilya bilang isang ulirang anak. Kagaya niya, itong si Cong. at Lt. Col. Manny Pacquiao hindi lang siya kampeon sa boxing, at pambansang kamao ng Pinas, isa rin siyang ulirang anak at kampeon sa kanyang pamilya.

My best wishes for you idol Nonito, sana ay magkayos-ayos na kayo bilang isang pamilya at mabuhay nang may pagmamahalan at respeto sa bawat isa.

Hapi Balentayns na lang sa lahat. Mabuti nang bumati ngayon nang maaga kaysa makalimot pa at may balak akong dalhin sa isang kubo itong aking magandang misis upang mag-something something kami doon at pasasabogan ko siya ng aking el-dinamita de kanaog at sabay kaming aakyat sa tugatog ng umaapaw na kaligayahan, hehe.

Advertisements

Responses

  1. Kap sa akin lang sana ang dapat na title nitong article mo ay “Dapat ay kampeon ka rin sa kama” based on content.

    Duda ako Banong kung siya nga ang project manager ninyo, talaga bang kasama ang misis niya sa pulong pinuntahan ninyo?

    Magtatanong kaya ako sa kumander niya nang masatisfy itong curiousity ko.

    Siyempre whatever I know I will share ito to ma’am also.

    Ay, ang saya saya kaya kapag kuwan….

    Hehehehe

  2. Itong si Gunding nainggit na naman, una kay Shalani Soledad na bagong kasala lang sa mister niyang poging congressman. Now TL na naman siya, tulong laway ba sa Grace Lee-PNoy brewing romance?

    Di bale Seg, just be content na lang sa pagpaparamdan ng secret admirer mong graduate school prof. Ano ang gift mo sa kanyang 60th birthday?

    Ay sis, pagtiyagahan mo na iyan. Laging may 20% kayong discount everytime na magd-date kayo sa MAKDO at DYALI Bey.

    Kap, ha, makikibalita ako kung ano talaga ang nangyari noong nasa isla de misteryo kayo ni Banong. Balita ko ang mga kasama ninyong researchers ay mga palaban din daw sa kuwan, ayyyyyyyy ewan.

  3. ahahaha! tumambay here at tumawa much nang bonggang bongga! sobrang green naman neto! ampfff! pero keribels ^^

    hapi balentayms din sa inyO ni misis … ^__^

  4. Pareng Kaps,

    Puwede pa ba ‘yung panabong mo sa pintakasi sa Feb. 14? Dapat hinahasa mong maige ang tari para kapag sumiyapol ang iyong teksas ay hindi sasablay at talian mo na rin nang maayos para hindi kakabyos at para diretso na rin ang tusok.

    Bago nga pala ang pintakasi, a-13 pa lang nga gabi ay patukain mo ang iyong tandang ng mani, hane?

  5. Hala bira, hala bira

    Dapat di bibigay iyong banana
    Dapat ay sintigas siya ng patula
    Nang ang iyong mahal ay laging
    Nakakarating sa glorya!

    Beware Kap
    Kapag pumalya ang iyong tandang
    Baka guntingin pa ni misis
    Ang iyong Ampalaya!

    Balentayns day offer
    Buy one take one Bayagra
    Nang uulit ka pa
    Hahahaha

  6. Pareng Mags handa na akong makipagderbi sa aking misis. Kahapon pa ako uminom ng aking mga herbal remedies para makipagsabong sa aking misis,

    Bumili siya kahapon ng talaba at niluto ang paborito naming pampaganang ulam para erect lagi ang ating katayuan sa buhay.

    Problema ko lang itong buwiset na rayuma, baka hindi ako makapagperform ng maigi nito, ay mariano garapon na patron ng mga Hapon may salompas ka na may tai chi.

    Naku po, nadali yata ang aking mina ng tiger balm at umiinit na na parang nabudburan ng isang dosenang siling labuyo!!!

  7. Mer huwag ka nang mangasar pa diyan. Mabuti pa iha humanap na kayo ng inyong makakapareha ng maging masaya naman ang araw ng mga puso sa inyong dalawa ng kaibigan mong mas pihikan pa sa madreng kinakalawang na ang mga tuhod sa karorosaryo.

  8. Kap yahoooooo

    Magaling na ba ang tuhod ninyo? May seksing modelo yata na naghahanap sa inyo.

    Biro lang po, sana happy kayong lahat sa balentayns dey.

  9. Lalaki: Sana naging alak ka na lang

    Babae: bakit?

    Lalaki: Kasi kong lagi mong pinapaiinit ang pagkalalaki ko.

    Lalaki: Mangingisda ka ba?

    Babae: Bakit?

    Lalaki: Kasi hindi mo lang nabingwit ang puso ko, nalambat mo pa ang buong buhay ko.

  10. pareng kaps, ngayon ko la’ang ikukumpisal ireng aking masaklap na balentayms ekspiryens noong aking kabinataan pa. muntik na ako noon na paglamayan ng hindi oras dahil hinabol ako ng taga ng amang mabagsik ng aking sinisintang si cristina (hindi si cristina gonzales, pero kahawig din niya).

    dahil nga mahigpit ‘yung tatay niya ay napagpasyahan naming magtanan noong araw ng balentayms noon. napagkasunduan naming daanin sa harana ang paglabas niya ng bahay tuloy pagtatanan namin.

    ewan ko kung bakit pati siya ay nagalit sa akin noong gabing yaon at kumampi sa tatay niya. eto ang kanta ko noon:

    o, tinay…….(o, tinay) (barkada ko ‘yung bumabakgrawnd)
    o, tinay… labas na! (o, tinay… labas na)

    aba’y bigla ba namang pumalahaw ng iyak sa loob ng bahay nila at tinawag ang tatay niya.

    nakow, ay sabi ko iyo namumuti ang talampakan namin sa pagtakbo noong lumabas ang tatay niya’t iwinawasiwas ang bagong hasang sinampalok, ah.

    matanong nga kita, pati itong dalawang dalaga natin dine. ano ga ang masama sa kanta ko’y pinapalabas ko la’ang naman siya, ah.

  11. Haha, ano kaya pareng Mags kung hindi kayo nakalipad, este nakatakbo kaagad… di ko maimadyin kung iyong nakalawit diyan ay tinamaan ng taga ni ka Andres Bonifacio, inay ko po baka pagaagawan pa ng mga gumagala-gala diyang bawawaw, hahaha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: