Posted by: kidlatanvillage | January 7, 2012

Goodbye Gloria!

Oh yes,  Gloria is gone and she’ll never come back again. But don’t get me wrong this is not Gloria the former president and now a Pampanga representative. This is Gloria Materiales Fuertes, the bitter half, I mean the better half of my kumpare Tikyo, Eutiquio Santos Fuertes.

Mareng Gloria surprised pareng Tikyo when she came home for a vacation last Christmas but broke her hubby’s heart when she left without any warning on the New Year’s Eve.

He waited long enough for his OFW wife to come home, imagine spending his Christmas alone without her for seven years? And what about those sleepless night missing that beautiful face and sexy body?

That’s why for 10 nights he gave everything he could to regain back his lost heaven and to satisfy his wife with his solid performance on bed which is getting better and better each day.

So what now that she’s gone, how could he ever enjoy sex again with his hot and horny wife?

Kaya ganon na lamang ang pag-atungal ni pareng Tikyo noong Bagong Taon nang malaman niyang nilayasan na pala siya ni kumareng Gloria. Daig pa niya ang sabay-sabay at pinagsamang pagputok ng mga  kuwitis, sawa, super lolo, Bin Laden, pla-pla, Goodbye Philippines, at ang mala-atomic bomb sa lakas ng pagsabog na Goodbye Gloria.

Earlier nang nakikipag-inoman siya sa amin kung saan siya ang laging taya ay ubod naman siya ng saya. Panay pa nga ang bida niya na mula daw nang dumating ang kanyang misis ay walang gabi na di binabaha ang kuweba ng glorya sa magdamagan nilang pagsisiping. Corny kung magkuwento ng katatawanan itong si Tikyo, ngunit nang sabihin niyang daig pa ng binaha ng bagyong Ondoy, Pepeng, at Sendong ang pag-apaw ng kanyang katas sa puwerta ng kanyang misis ay d i na namin mapigilan pa ang napakalakas na pagtawa.

Kitang-kita naman na umaapaw sa kaligayahan itong si pareng Tikyo magmula nang dumating ang kanyang misis. Naging galante tuloy ito sa mga inaanak at kaibigang humihingi sa kanya ng pamasko. Muntik pa nga niyang ibinigay sa akin ang kanyang Blackberry na cellphone nang biniro ko siyang aarborin ko na lang ito. I-phone da  ang gusto niyang gamit at ayaw daw niya sa mga cellphone na gamit na.

Kung makapal man ang pagmumukha ni pareng Tikyo (huwag na nating ungkatin pa kung bakit) wala itong sinabi sa kakapalan ng kanyang pitaka sa dami ng perang laman. Madami daw perang dala at bigay sa kanya ni kumareng Gloria. Malakas daw kumita ang OFW na misis kaya okay lang na gumasta  ng malaki dahil Pasko naman daw.

Kaya maraming natuwa sa hindi inaasahang pagbabakasyon ni mareng Gloria. Marami siyang naambonan ng kanyang mga kinita sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit kung may natuwa man mayroon ding hindi.  At iyan ay walang iba kundi si tiya Paning.

May nakapagbalita kasi kay tiya Paning na may kinakasama daw na namayamang matanda itong kanyang manugang sa pinagtatrabahoang bansa. Dahil dito ay naging malamig ang pagtanggap ng biyenan sa pagbabalik ng kanyang manugang. Kalaonan ang matabang na pagtitinginan ng magbiyenan ay nauwi sa pag-aaway. Hindi alam ito ni Tikyo dahil bawat isa ay naglilihim sa kanya sa tunay nilang niloloob. Kapwa ayaw nilang masaktan ang kalooban ni Tikyo baka magwala pa ito at pagtatagain sila.

At dumating nga ang sukdolan sa pag-aaway ng magbiyenan nang paratangan ni tiya Paning na nagpopokpok at iniipotan ni mareng Gloria ang ulo ng kanyang asawa kapag nasa ibang bansa ito. Dito na nag-alsa balutan itong manugang at nagpasyang iwan ang kayang asawa kinagabihan sa pagsalubong ng bagong taon.

Nabigla si Tikyo nang malamang nilayasan na pala siya ng kanyang misis. Di makapagsalita at parang natutulala pa sa tindi ng kanyang pagdaramdam sa biglaang pag-iwan sa kanya ni Gloria.

Sa maliit na liham na iniwan ni Gloria kay Tikyo:

“Sorry na lang Tikyo at kailangan kong iwan kita nang di man lang tayo nag-usap. Hindi ko na kayang masinungaling sa iyo. Tama ang iyong nanay na ako ay hindi karapat-dapat na maging asawa para sa iyo  dahil ako ay isang masamang babae. Nagbalik ako upang ituwid ang mga pagkakamali ko at magbabagong buhay sana sa piling mo pero sadyang masikip na ang mundo para sa aming dalawa ng iyong ina dahil hinusgahan na niya ako sa mga nagawa kong pagkakamali. Patawarin mo rin sana ako.  Please lang huwag mo na akong hanapin pa at aasahang babalik pa sa iyo. Ngayon pa man ay sasabihin ko na sa iyo na humanap ka na ng iba dahil ako ay sasama na kay Harold at mangingibang bansa kami. Paalam, Glo.”

Nakakaawang Tikyo magmula nang layasan siya ni Gloria ay araw-araw na lang na nalalango siya sa alak. Maganda si Gloria at talagang matutukso ka sa kanyang  ganda at hubog ng katawan. Talagang pamatay ang mga malulusog niyang dibdib at matambok na hinaharap. Sinong lalaki ang hindi mahuhulog sa ganitong kagandahan. Kaya nang payagan ni Tikyo na magtrabaho ang kanyang misis ay kaagad siyang pinagpayuhan ng kayang mga malalapit na kaibigan na ihanda na niya ang kanyang sarili sa ano mang mangyari sa pagsasama nilang dalawa.

Nasilaw sa salapi si Gloria kaya sinira niya ang kanyang pagkatao at dangal ng kanyang asawa. Sa isang banda naman ay malaki din ang pagkukulang ni Tikyo sa kanyang asawa dahil hindi niya pinatunayan na kaya niyang buhayin ito at suportahan ang kanyang magiging pamilya.

Best Wishes to everyone and may we have a very prosperous  NewYear ahead of us.

Advertisements

Responses

  1. hellow, gloria. bang! bang! bang! bratatatatatttttt! boooommm!

  2. Hayyyyyyyyyyy marami pa ring naputokan noong New Year!

    Mabuti na lang at di naputokan iyong dakilang reyna, hehehe.

  3. seg, maraming reyna ang naputukan noong bagong taon. pero hindi sila nakahilera sa firing squad.

    ewan ko lang ang propesor n’yo kung nag-test fire ng kanyang de sabog.

  4. Narito ang magandang balita!

    Ayon sa isang article na aking nabasa ay pinag-aaralan ngayon ng DOST kung merong medicinal content ang damong MAKAHIYA upang gawing herbal medicine at gamutin ang isang uri ng karamdamang nagpapahirap ngayon sa buong sambayanang Pilipino – ang KAPAL ng mukha ng maraming pulitiko at opisyales ng gobyerno lalo na ‘yung mga naging kaalyado at tuta ng nagdaang administrasyon.

    Kasabay din ito nang pagpapasinungaling sa nauna ng balita na ang TUKO diumano ay maaaring pagkunan ng substance upang gawing lunas sa ilang uri ng kanser sa halip ay para daw itong isang stimulant na lalong gumigising at nagpapasigla sa cancer cells ng KASIBAAN ng mga hindi gustong bumitiw sa pinangungunyapitang posisyon dahil sa pagkakamal ng yaman at pagtatampisaw sa kapangyarihan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: