Posted by: kidlatanvillage | November 22, 2011

Manny Pacquiao is Back; Magpakatotoo ka

Manny Pacquiao is back to the Philippines. He told his Filipino fans that he is confident he was the real winner of their last bout with Mexican boxer Juan Manuel Marquez in Las Vegas. Pacquiao the match via a controversial majority’s decision. Boxing analysts however continue to doubt and question the results of the fight.

Marquez on the other hand continue to claim he had been robbed of his victory. He felt so disappointed after the fight when Pacquiao was declared the winner instead of him. Pacquiao’s performance during his last fight lacked the same explosiveness he displayed with his previous fights.

Magpakatotoo Ka!

Sa maiksing pakikipagpanayam ng pambansang kamao sa mga reporters pagkalapag niya sa paliparan ay kaagad niyang pinasaringan ang kanyang mga kritiko, “Sa mga ibang tao na naniniwala na hindi tama ang desisyon, magpakatotoo ka. Maging Pilipino ka.”

Mukhang dinibdid yata ng ating pambansang kamao ang mga paratang na hindi siya kundi si Juan Manuel Marquez ang nanalo sa huli nilang laban. Ayon kay Pacman, “Ang paniniwala ko bago pa natapos ang 12 rounds ay lamang ako at panalo ako.” Gayon pa man, ayon sa kanya, ay hindi siya lubosang nasisiyahan sa kanyang ipinamalas na galing sa loob ng ring.

“Yung ine-expect ng mga tao at ine-expect ko rin na maibigay ko sa mga tao, hindi nangyaring ganoon,” dagdag pa ni Pacquiao.

Sa isang banda ay tinatanggap din ni Pacman na, “Kasalanan ko rin ang lahat ng pangyayari. Hindi ko masisising may doubts sa pagkapanalo ko, dahil sinanay ko kasi sila na palagi akong panalo ng knockout, o binubugbog ko ang kalaban ko.”

Paliwanag ni Pacquiao, “Yung kaliwang paa ko, tumigas ng third round, pinapisil ko kay Buboy (Fernandez) nung pang-apat na round dahil halos hindi ko maigalaw,” Pero pagdating ng pangwalong round hangga ng matapos ang labanan ay wala na daw siyang naramdamang sakit.

Kung ganon ito ang malaking hadlang kung  bakit siya hindi gaanong nakaporma kay Marquez na siyang sinamantala naman ng huli upang paulanan siya ng mga matitinding counter punches na muntik nang magpatumba sa kanya. Dahil dito ay naapektohan daw ang kanyang galing sa pakikipagsuntokan kay Marquez.

Hirit naman ni Pacman: “Baka naman payagan n’yo ako na pwedeng manalo kahit na close fight. Hindi ba ako pwedeng manalo ng close fight?” he said. “Kailangan ba ang panalo ni Manny Pacquiao laging one-sided fight?”

Oo nga naman, anong magagawa ng ating pambansang kamao kung talagang magaling at mautak din naman itong si Juan Manuel Marquez na isang mahusay na counter-puncher.

“Maging Pilipino ka”

Dito ako nahihiwagaan kung ano ang ibig sabihin ni Manny Pacquiao na, “Maging Pilipino ka.”

Parang ang intinde ko kasi ay lahat ng mga Pilipinong bumabatikos sa kanya at lihis ang paniniwala sa kanya kung sino ang tunay na panalo sa labanan nila ni Marquez ay para bagang hindi mga Pilipino.

Nasasabi tuloy ng ilan sa ating mga kababayan na tila di yata naiintindihan ng ating magaling na boksingero kung ano ang ibig sabihin ang magpakatotoo ka.

Hindi ba sila nagpapakatotoo kung ang talagang nararamdaman nilang nanalo sa labanang iyon ay si Juan Manuel Marquez? Alangan namang iyong itakwil ang iyong paniniwala at nararamdaman dahil lamang sa pagiging Pilipino mo kung ang tunay naman na panalo  ayon sa iyong palagay ay iyong Mehikanong boksingero. Mababawasan ba ang iyong pagkapilipino dahil hindi si Pacquiao ang pinili mo? Tila mababaw yatang kaisipan iyan.

Kaya Magpakatotoo din si Manny Pacquiao

Hindi pa man naguumpisa ang labanan may taning na ang oras na itatatagal ni Juan Manuel Marquez sa loob ng ring. Mahaba na ang anim na rounds na itatagal niya. Paniwala ng marami ay bogbog sarado itong si Juan Manuel Marquez at patutulogin pa siya ng mga kamao ng Pacman. Ngunit hindi ito nangyari, tumagal si Juan Manuel Marquez sa loob ng ring at nangunguna pa sa mga puntos (ayon sa pananaw ng iba).

At bakit nangyari iyan? Hindi basta-bastang kalaban itong dinamitang boksingero ng Mexico. Magaling din siya at basang-basa niya ang mga galaw ni Pacquiao. Sinabi niyang hindi oobra ang mga bilis, lakas, at kombinasyon ni Pacquiao sa kanya at talaga namang nangyari ang lahat ng mga ito.

Kung magpapakatotoo talaga si Manny Pacquiao ay aaminin niyang hindi siya masyadong focused sa kanyang insayo. Maraming distraction, at kung ano-anong mga commitments pa ang kanyang mga pinupuntahan. Ito ang puna sa kanya ng mga boxing analyst, at ganito rin ang palagay ng maraming tao.

Pero sabihin man nilang hindi na siya ang pound for pound king kundi si Mayweather, si Manny Pacquiao ay siya pa rin ang ating boxing champion. Siya pa rin ang nagdadala ng karangalan sa ating bansa. Kaya hanggat maari nais nating makita na siya pa rin ang tunalo ng pound for pound king at hindi ang impostor na si Mayweather.

At kaya naman natin sinasabi ito ay upang magising sa katotohanan ang ating pambansang kamao na kailangang mag-focus siya sa boxing at hindi sa kung ano-anong mga bagay na nakakasira lamang sa kanya.

Mahal natin si Manny Pacquiao kaya naman natin sinasabi sa kanya, ” Magpakatotoo ka!”

 

 

Advertisements

Responses

  1. sige na nga, panalo na si pakwan kahit walang kalatoylatoy ang huli niyang laban.

    ano’ng magagawa natin, eh ilang araw nang tapos ‘yun at kunibra na niya ang more or less USD30m niyang premyo including his share sa kinita sa PPV.

    meron bang nabalatuhan dine?

  2. …………..ilang araw nang tapos ‘yun at KINUBRA na niya ang more or less USD30m…

    (mabilis ngang magtayp, duling naman)

  3. mani pakyaw, tabi ka muna dahil laging laman ng headline ang iyong pinakamamahal na lola goyang. eniwey, kahit hindi mo naman sabihin, KAMPI ka pa rin sa kanya, di ba?

    pero sa totoo lang, maraming kababayan namin (mga Pinoy kasi kami, eh) ang biglang tinabangan sa huling laban mo. sumobra kasi kayo (ng kampo mo) sa pagsasabing pababagsakin ninyo si marquez. nakalimutan (o sadyang kinalimutan o kaya’y sumobra na bilib mo sa sarili mo) ninyong buhay ‘yun, gumagalaw, sumusuntok, umiilag at higit sa lahat ay gustong ipanalo katulad mo ang laban upang patunayang kayang kaya ka rin niyang talunin.

    sa susunod, tikom na lang sana ang bibig ninyo. bawasan na ang sobrang kayabangan!

  4. ano na ‘yung sabi nu’ng isang ka-isparing mo?

    kapag meron nanonood na medyo kilalang tao ay nagiging sobrang show off ka?

    ano na nga ba ibig sabihin niyon?

  5. …………kapag meron nanonood na medyo kilalang tao ay nagiging sobrang may pagka- show off ka? ………………

  6. Tito, Kap, may hero’s welcome din pala si Manny Pacman doon sa kanyang hometown na Gen, Santos City.
    Well, wala naman tayong angal diyan dahil karapatan ng mga mamayan na ipagbunyi ang tagumpay ng kanilang iniidolong bayani sa larangan ng boxing. Ang sa akin lang naman ay kailangan bang bigyan ng hero’s welcome itong si Pacman every time na manalo siya ng boxing sa Las Vegas? Well kung iyan ang likes nila sino ba naman tayong hahadlang sa kanilang paniniwala at kaligayahan.
    Pero mayroon lang akong katanungan, saan kaya kinuha iyong panggastos sa nasabing pagbubunyi? Okay lang bang manggaling ito sa kaban ng bayan?

  7. Ito may patutsada naman si Pacman sa kanyang pangunahing kritiko:

    “In a press conference after his return to General Santos City, Pacquiao was asked regarding criticisms from boxing analysts.”

    “Although naintindihan ko sila… ‘Yung isyu na ‘yan ay nagsimula kay Ronnie Nathanielsz,” Pacquiao said. “We know naman Ronnie Nathanielsz is not a real Filipino, adopted lang siya.”

    “Nathanielsz was born in Sri Lanka and is a naturalized Filipino.”

    “Wala siyang dugong Pilipino, hindi natin masisisi siya kung anong paniniwala niya,” Pacquiao said.”

    “The boxer said he hopes real Filipinos support him the way Mexicans supported Marquez.”

    “Kung ‘yung mga Meksikano nga, nagagalit sila pag talo ‘yung kababayan nila, tayo naman, ganoon din sana tayo,” Pacquiao said, adding that Filipinos should get rid of their “crab mentality.”

    “Nathanielsz refused to comment on the issue.”

    http://www.abs-cbnnews.com/sports/11/24/11/pacquiao-takes-swipe-nathanielsz

    Ay, galit din pala si Cong. Manny saw crab mentality. Tanong ko lang ayaw ba ng ating pambansang kamao na nakakarinig siya paminsanminsan ng mga kritisismo para maitama ang ano mang pagkakamaling marahil ay di niya napapansin? Para din naman ito sa kanya, di ba? Isa pa puro papuri na lang ba ang gustong marinig ng isang boxing champion kagaya ni Kong. Manny?

  8. Another question, totoo kayang pumawag na si Gay este Mayweather na makipagbasagan ng panga kay Pacman?

    Paano na iyong hamon ni Bob Arum ng rematch kay Juan Manuel Marquez? Is the dinamita boxer too much for Manny Pacquiao to handle?

    Nagtatanong lang.

  9. mer, ikaw nga takot humawak ng rebentador, dinamita pa kaya?

    he he he heeh!

    basta payo ko kay pakwan, TIGILAN na nila ng kampo niya ang kung ano anong kayabangan. magtreyning na lang siya nang husto at huwag nang dumaldal kung hindi din kayang gawin.

    pinatunayan ni marquez na hindi siya pipitsuging tulad nina kuto at kluti na pumayag basta bugbugin nang walang laban at ang depensang ginawa ay takpan ang mukha at makipagpatintero sa loob ng ring.

    gusto ko ring tumahimik na si geyweder kaya dapat labanan ni pakwan, that is kung magagawang bugbugin ng ating pambansang bangasero.

  10. Pareng Kaps,

    Inamin na niya sinabing maging siya ay hindi nasisiyahan sa kanyang naging laban. Nahirapan siya kay Marquez. Kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala pagkatapos ng laban sapagkat tanggap na niyang talo siya. Ngayon naman ay iniiba niya ang ihip ng hangin?

    Ano pa ba ang gusto niyang palabasin? ‘Yung ipinupustang itlog ni Topak-siya?

  11. Kap sabi ni Kong. Manny ang fighter daw ay must be a lover.

    Kaya pala lagi silang nagaaway ni Jinky dahil sa pagiging great lover in Kong, Manny, inside and outside?

  12. Kap, wanna buy dead cock?

    Puwedi mon gawing adobo at tinula. Huwag lang soup no. 5 at wala kang pakinabang dito baka hindi ka na tayuan pa forever, LOL.

  13. What will you do if your wife decided to sell your penis?

    http://segundina.wordpress.com/wp-admin/post.php?post=784&action=edit&message=4

  14. Seg,

    Totoo bang wala si madam Jinky doon sa victory party ni Kong. Manny sa Congress?

    Aba, mukhang di pa tapos iyong isyu nilang magjowa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: