Posted by: kidlatanvillage | November 2, 2011

Police Stop Gay’s Beauty Pageant at Manila North Cemetery

First  fake priests had been arrested by the police in Manila’s largest cemetery scamming relatives of the dead for apparent act of blessing their tombs and asking for payment of their services.

But Monday night eight people were arrested for staging an impromptu gay beauty pageant inside the Manila North Cemetery.

According to the police the arrested suspects, whose names were withheld, desecrated the dead and disturbed other visitors at the cemetery.

Prior to the arrest a crowd of over hundreed people had gathered to watch the scantily-clad transvestites dance on top of tombs. Security volunteers had to disperse the crowd before their numbers got swollen.

Most of the pageant’s however escaped and eluded arrest. But for those who were nabbed defended there’s nothing wrong with their actions as gay pageant at the cemetery is a yearly activity held during All Saints Day.

Their reasoning however did not deter the authorities for filing charges against those arrested of alarm and scandal and desecration of the dead. The suspects are currently at the custody of the police.

 Pagmumultohin Sana Kayong Mga Pasaway Sa Sementeryo

Ano ba iyan Kulasing hindi na yata tayo nauubosan ng mga pasaway nating kababayan. Taon-taon na nga tayong binabaha ay hindi pa rin matigil itong mga kababayan natin sa pagtatapon ng kanilang mga basura kung saan-saan. Ilang beses nang may mga nasasagasahan sa pagtawid sa mga lugar na ipinagbabawal ng pagtawid ng mga pedestrians ay marami pa ring pasaway diyan at di paaawat na nakikipagpatintero kay kamatayan. Ay buhay alamang hanggang kailang tayo maging pasaway?

Noong panahon ng martial law ay may panawagan noon ang pamahalaang Marcos para sa pagpapatupad ng tinatawag nilang national discipline. Ika nga nila “para sa ikauunlad ng bayan ay disiplina ang kailangan.” For sometime maraming Filipino, marahil sa takot, ang tumino at kumilala ng kahalagahan ng disiplina.

Sa totoo lang, may mga pananaw na kaya daw hindi umuunlad ang ating bansa ay dahil sa kawalan natin ng disiplina. Ako naman ay naniniwala dito. Ang question ay kung papaano nating patitinohin ang malaking bahagi ng atin papolasyon na mga pasaway at walang disiplina sa kanilang mga sarili. Hindi lang sa kawalang disiplina marami din sa mga taong ito ang hindi takot na lumabag sa mga panuntunan ng ating kumunidad at mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan.

Sa batas ay hindi tayo nagkukulang, I presume, ngunit sa implementation ng mga batas na ito may mga nasisilip na kakulangan. Ito ba ay dahil sa maraming nakakalusot at hindi napaparusaan? Sa isang banda ningas cogon lang dawa kasi ang action ng ating mga namumuno kontra sa mga pasaway at lumalabag sa batas.

Ay marami tayong paguusapan tungkol sa mahinang pagpapatupad ng batas at kawalan naman ng pakilaman ng mga mamayan natin sa pagtupad at pakikiisa sa pagpapatupad ng mga simpleng alituntunin, kagaya ng batas trapiko, ang anti-littering ordinances, jay walking, anti-smoke belching at mga iba pa.

Nakakalungkot na isipin na ang kawalang disiplina at tuwirang di pagkilala ng mga batas at ordinansa ay walang hangganan. Kahit sa sementeryo pa ay dala-dala pa rin nating ang ating pagiging pasaway at kawalan ng disiplina.

Maalala ko noong kabataan ko ay may mga naririnig na rin akong mga kuwento ng aking mga kaibigan tungkol sa mga sugalan, inuman, at pagpapalabas ng mga burles sa sementeryo. Pero kahit pala ngayon na naghihigpit na ng todo ang ating mga otoridad ay may mga di kanais nais pa ring ginagawa ng ilan sa mga kababayan natin sa ibabaw ng mga nitso. Hanggang ngayon ay may nahuhuli pa ring mga pokpok na nakikipagtalik sa kanilang mga customers sa ibabaw ng mga nitso sa sementeryo. Maryosep Hindi na kayo nahiya sa isang milyong taong bumisita ng kanilang mga patay sa Manila North Cemetery

Ay, Kulasing ng buhay ko, pati ba naman sa simpleng paggalang ng mga patay ay di pa nating magawa? Pagmumultohin nawa kayong mga pasaway!

 

Advertisements

Responses

  1. Kawawang mga BEKENG bakit pa sa mga patay kayo nagpapakita ng gilas at kagandahan ninyo. Ang lagay niyan ay imbitado ba si FPJ sa inyong byuti kontes?
    Naku pagmumultohin sana kayo mismo sa inyon mga bahay ng mga patay na inapakapakan ninyo ng nitso.

  2. paano didisiplinahin ang mga taong walang gsutong kundi ang sariling magustuhan? paano din pasusunurin sa batas ang mga taong ang nakikita ay kapalpakan ng mga namumuno na siyang dapat unang magpakita ng halimbawa kung nilang sila’y sundin ng taumbayan?

    pangit din ang kalakaran sa ating lipunan kung saan ang mga masalapi at may kapit sa kapangyarihan ay tila hindi pinupuna anumang batas ang labagin samantalang ‘yung karaniwang mamamayan ay madaling husgahan at isakdal sa munting kamaliang kung ikukumpara sa ginagawa ng mga maykaya ay butil lamang ng buhangin sa malawak na disyertong tatawirin.

    para kanino ba at sino ang dapat magtamasa ng proteksiyon ng batas? ang mayaman lamang ba at ang mga pobre ay asa na lamang sa limos at habag?

    di ba dapat ay parehas ang pagpapatupad?

  3. “……paano didisiplinahin ang mga taong walang gustong sundin kundi ang sariling magustuhan?…….”

    nabulol na naman!

  4. Marami kasi sa atin na negatibo ang tingin sa mga batas lalo na iyong mga ipinagbabawal.
    Kapag sinabi mong bawal ang tendency ng ilan sa ating mga kababayan ay iyong mag-resist. Ang bawal ay gagawing puwedi para maisakatuparan lang ang gusto ng kanilang katawan.
    Iyong pagyoyosi na lang na ipinagbabawal sa mga pangunahing lansangan ng Kamaynilaan ay marami pa ring hindi sumusunod, kung ano anong palusot ang ginagawa.
    Motorcycle lane sa Commonwealth Ave. marami pa ring nahuhuling hindi sumusunod.
    May natural na resistance ang mga Filipino sa pagsunod sa mga batas. May natural tendendies ang mga Pinoy na maging pasaway.
    Ito ha experience ko lang, noong minsang nagpunta ako ng California may nakita akong lalaking naglalakad sa may damuhan ng isang public park na kung saan ay may nakalagay doon na no crossing. Nang malapit siiya sa akin laking gulat ko nang makilala ko siya, kababayan natin na senior citizen.
    Di ba bawal tumawid sa may damuhan tanong ko. Natawa lang siya, pasensiya na, nagmamadali lang. Amerika na iyan, may mga mangilan-ngilan pa ring kababayan natin na pasaway. Dito pa kaya sa Pinas.

  5. Kung sanay ay tutupad lang tayong lahat sa mga batas at altuntunin ng ating bayan at lipunan ay hindi na sana tayo umabot pa ng ganitong estado; mukhang napagiwanan na tayo ng ating mga bansa na dati ay mas mahirap pa sa atin.

    Ang hirap sa ating bana ay ang tao ang masusunod hindi ang batas.

    Sa ganitong kalakaran ay mailap talaga ang kaunlaran sa ating bansa.

  6. Half Pinoy, half Pinay ano pa nga ba ang masasabi ko.

    Half-half din ang pananaw ko diyan.

    Kung sa nagagawang kabutihan, umaapaw at bumabaha ang nagagawang kabutihan ng mga beki sa ating lipunan. Kung sa masama, ay di mabilang na rin ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga bading.

    Ako, bahala na sila sa kanilang buhay. Nawa naman ay puro sa kabutihan lang sana sa lipunan ang nabababalitaang ginagawa nila.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: