Posted by: kidlatanvillage | October 7, 2011

Ala-ala ng Sumakabilang Bahay na Minamahal

Ilang araw ding pinaglamayan ni aling Beatriz ang pagkawala ng kanyang minamahal na asawang si ka Baldo. Kasama ng kanyang mga loyalistang kumare ay araw-araw silang nagtitipon-tipon sa kanyang tahanan upang mag-karaoke.

Panay ang birit nila sa mga malulungkot na awiting nababagay lamang sa mga martyr na asawa o kasintahang iniwan o kinakaliwa ng kanilang mga karelasyon. Paulit-ulit ang kantang “Release Me” ni inkong Engelbert, at “My Way” ng matagal nang yumaong si lolo Frank Sinatra. Paminsan-minsan ay may mga love songs ding sabay-sabay nilang kinakanta kagaya ng “Ang Tangi Kong Pag-ibig” at “Ay Ay Kalisod” ni tita Pilita Corrales.

Umaangal na ang mga kapit-bahay nila sa magdamagang pambubulahaw nila. Kaya nang nabuwisit at di na makatiis pa  ang mga di makatulog na kapit-bahay ay pinaulanan na sila ng mga pumapalakpak na bato sa bubungan.

Sa Barangay Hall sila nagkita-kita. Pero dahil na rin sa pagiging maunawain ng mga kapit-bahay ay nakuha rin ang lahat sa magandang pakiusapan. Nangako si aling Beatriz na hindi na sila mambubulahaw pa ng mga kapit-bahay pa. At tinutoo nga ng aling byuda ng buhay ang kanyang pangako.

Nanahimik ang dating maingay na bahay; at pagkaraan ng ilang buwan ay nakapag-move on na si aling Beatriz. Ibinuhos na lang niya ang kanyang panahon sa paggawa ng mga basahan at foot rugs na ibinebenta naman ng kanyang mga kumare si Divisoria.

Ngunit itong mga nakaraang araw pagkatapos hagupitin nina bagyong Pedring at Quiel ang ating bansa na siyang nagdulot naman ng matinding pagbaha ay biglang may dumating at nagbabalik na isang nawawalang minamahal.

Yes mga kaibigan muling nagbalik bahay itong si ka Baldo matapos niyang iwanan si aling Beatriz at ipag-palit sa isang dancer sa isang waklas (walang kaclass-class) na beer house.

Matapos niya kasing matikman ang isang 20 anyos na pinagsawaan na ng mga Hapon at Arabo sa Ermita ay nagpasya na siyang igarahe na lang ito at ituring bilang isang asawa. At somewhere in the flooded area in Central Luzon nanirahan sina ka Baldo at ang karelasyon nitong si Malou “Wangna.” Paglalako naman ng sorbetes at mga tinapay ang naging hanap-buhay ng magka-relasyon.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana at binaha ng lampas sa bubungan ang bahay na kanilang inuupahan. Walang naisalbang gamit kundi ang kanilang mga katawan lamang. Kuwento nga ni ka Baldo ay nasa aktong nagsisiping pa nga sila ni Malou nang dumating ang rumaragasang tubig.

Nagkahiwalay ang dalawa at di na alam pa ni ka Baldo kung ano ang nangyari kay Malou. At habang lumalangoy papuntang ligtas na lugar si ka Kardo para iligtas ang sarili ay naisip niya ang kanyang dalawang anak na sina Jean at Johnny at ang niluko niyang kabiyak.

Saglit na nagliwanag ang kanyang isipan sa mali at kasalanang nagawa sa kanyang maybahay at mga mahal na anak sa mga oras na iyon.

Oo, kati lang ng katawan ang lahat. Libog, o kalibogan nila ni Malou ang sumira sa kanyang buhay at tahanan. Ang lahat na ito ay kanyang naala-ala habang namimiligro ang kanyang buhay sa pataas at pataas pa na tubig baha.

At sa mga oras na iyon ay nagsisi siya at nanalangin na kapag maligtas siya sa kapahamakan ay babalikan niya ang kayang pamilya at tuluyan na niyang hihiwalayan ang kanyang babae.

Laking pagkabigla ni aling Beatriz sa muling pagbalik ng kanyang mahal na kabiyak. Sa una ay may sama ng loob at galit na naramdaman ang ginang. Ngunit sa isang banda ay naroon pa rin ang dating pagmamahal na sa lalaking ito lang niya inalay.

Muli niyang pinatawad si ka Baldo alang-ala na rin sa kanilang mga anak.

Mahirap mang sabihin ngunit blessing in disguised din pala ang muntikan niyang pagka-lunod sa rumaragasang tubig baha dahil ito ang nagbigay daan sa kanyan upang talikuran ang kanyang kinakasama at balikan ang iniwang pamilya.

Marami pa sana akong gustong tanunging kay ka Baldo ngunit huwag na lang at tila tinatawag na siya ni aling Beatriz na kanina pang nakapagluto ng paboriting sopas nito, ang soup number 5.

Advertisements

Responses

  1. Kap,

    Tignan mo nga naman ang nagagawa ng bagyo at pagbaha. Maraming natatauhan dahil sa mga bagyong dumarating sa kanilang buhay.

    Nakakaawa naman iyong dancer na iniwan ng kanyang kabit. Akala niya ay mananahimik na siya sa piling ng isang lalaking nangakong mamahalin siya ng tapat.

    Pero mas lalong kaawa-awa iyong misis at mga anak na iniwan ni mang Baldo kung tuluyan na silang iwan.

    Bakt kasi napakaraming lalaki diyan na madaling matukso at bumigay sa tawag ng laman.

    O tukso layuan mo ako, hehehe.

  2. alam mo mer, madaling sabihin na istik to wan ka lang kung nakikinig ang iyong asawa. kapag barkada na ang kaharap mo daig mo pa ang lsinusulsolan ng sandamakmak na demonyo.

    sabi nga nila laging nasa huli ang pagsisisi.

    masuwerte ka kung sa edad mong sinkuwenta ay babalikan ka pa ng iyong mister na tinangay ng 20 anyos na dalaga.

    but me wala na, ni di na makalakad sa may baha dahil sa pesteng rayuma.

    mabuti na lang lagi akong minamasahe ang asawa kong mabait kahit nauunsiyami na sa araw-araw na paghimas ng aking tuhod gamit ang luyang nakababad sa langis ng niyog.

    ay rayuma, bati balakang sinisipa rin ng malamig na hangin, aruyyyyyy!

  3. Kap hindi kaya kailangan mo nang magpakunsulta sa Maalikaya nang mamasahe ka ng nakbikining masahista.

    Madam, ingatan ninyo si Kap baka, hehehe

  4. mer, tumatanggap ba sila doon ng nakatungkod? at amoy tiger balm?

    he he he heeeh!

  5. Instead of oil po, tiger balm na lang ang ipapahid nila sa iyong katawan. Problema lang kung pati iyong ayaw nang tumayo ang mapahiran.
    Aray ko pooooo kayyyyy init, hehehe

  6. salbahe ka!

    pati ba naman kilay na baluktot papahiran ng tiger balm? eh, kung madamay pati mata?

    nakupong dalaga ka!

    he he he.

  7. Di tiisin po baka sakaling tumayo.

    Ay Seg, ano ba iyan. Tulong naman o at naipit na, hehehe

    Ibig sabihin tumayo iyong may tuhod na binabaluktot ng rayuma, eh.

    Hehe, baka ano na naman ang masabi ko.

    Kap, anong nangyari sa batuta mo? I mean iyong tanod mo? Nabaluktot ba ka mo?

  8. aba, ano ‘yun? naging boy scout ng hapon? laging nakayukod? magalang, hane?

  9. Naku Mer ha,kunwari ka pa.
    Kung hindi ko alam kina-career mo na ang mga usapin tungkol sa pagkakaiba ng sunrise at sunset sa buhay ng mga sweet and going strong oldies, hmmm factual lang po and walang personalan.
    Pero kay kuya Mags at Kaps kabayo lang ang tumatanda, standing ever pa ring sila, naks naman a.

  10. And since kunwa’y nagapapatulong si Mer sa usaping sunrise and sunset ay nais ko siyang bigyan na kaunting kaalaman. Paumanhin nga po lang kung ang binibining ito ay kulang sa kaalaman.

    Now Mer as you may know sunset ay bow ka na diyan, sunrise ay laging nagkatayo, tigasin at walang inuurongan kahit saan pa siya sumuksok,lumublob, at pumasok. Walang masikip o maluwag na daan always on the go, up and down, up and down, hehehe!

    On the other hand iyong sunset laging nasa tamang landas lang, at may schedule ang lahat. Pati pagtayo may schedule, pati pagpasok di numero. At higit sa lahat laging may alalay. Kung wala nang V ay vaya con tungo na lang at hindi na makapasok pa sa loob kahit pinagbuksan pa siya ng pintuan ni manang.

    Ang kasunod ng sunset Mer ay karimlan, madilim na ang paligid at ang lahat ay dinadaan na lang sa kapahan. Borrowing the famous expression of your favorite madam Ana: kuha mo?

  11. kagandang nilabasan nire. parang kuwento ni elasticman na sa bandang huli ay naging si lugawman na kakambal ni katarataman.

  12. Segundina kapag di na nakikiliti pa si misis ay malaking peligro and idudulot niyan sa iyong kaligayahan, masasunset ka nga. Ako’y naniniwala na walang batutang babaluktot sa misis na magaling mangurot, ala hoy, haha.
    Hindi pa uso sa amin ni pareng Mags ang lumuluhod kaalinsabay ng paglubog ng araw. Matatag pa ang aming mga sandata at handang sumabak sa anumang giyera sa kama-sutra ng buhay, amen.

  13. Kap.

    I will say
    Kamasutra con viagra,
    Coz if you don’t have one forget about it
    And all you get is Sunset

    Hehehehe

  14. Pssst Seg over na iyan.

    Behave dear, behave.
    Ganyan behave lang tayo. Alalahanin mo na ang dalagang Pilipina ay dapat mahinhin at di malaswa ang kanyang bunganga.

    Hayyyyyy antok na ako.

  15. Ang sakit mo namang magsalita Segundina. Porke matanda nang kaunti hanggang viagra na lang ba kami?

  16. sige lang, gunding. ipagpatuloy mo panlalait pero huwag kang maglulupasay kapag mas matanda pa sa amin ang iyong mapangasawa, hane?

    tandaan mong ang pagkakaroon ng kasukob sa kumot at kalaro sa hatinggabi ay katulad ng kamatayang hindi mo alam kung kailan darating.

    sige, tawa ka pang pilya ka.

  17. Iyan kasi itong babaeng ito kung makapagsalita, beee bute nga sa iyo Gunding


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: