Posted by: kidlatanvillage | September 22, 2011

Halik ni Hudas, Suntok ni Barabas

Hindi ito sinakulo.

Ito ay ang boxing match nina Mayweather at Ortiz para sa kampionatong pangwelterweight.

As usual nanaig ang estilo ni Mayweather para talunin sa mga naunang tatlong rounds si Ortiz.

Gustong humabol si Ortiz sa fourth round kaya pinaulanan niya ng mga suntok si Mayweather. Panay ilag naman ang challenger kaya hindi siya na-knock out ni Ortiz.

Napikon ang kampeon kaya sinuwag niya si Mayweather. Intentional head bat iyon kaya nakulangan siya ng isang punto. Saglit namang itinigil ang bout.

Lumapit naman si Ortiz at mala Hudas niyang hinalikan si Mayweather bilang paghingi ng paumanhin.

Muling tinawag ang mga boksingero para ituloy ang suntokan.  Nagyakapsaan pa ang dalawa.

Ngunit hindi pa nakakaporma si Ortiz ay binanatan na kaagad ng dalawang suntok ni Mayweather na pa-traydor.

Bumagsak si Ortiz, naagaw ni Mayweather ang korona at itinanghal siya muling welterweight champion.

Maraming nadismaya sa napanood na laban. Maraming nainis.

Sabi nga ni Pacquiao ay unsportmanship daw ang ginawa ni Mayweather.

Humingi naman ng re-match si Ortiz.

Sinagot naman ni Hudas, este Mayweather ang patutsad ng isang matandang announcer.

Okay lang daw ang kanyang ginawa, dahil rule daw ng boxing: protect yourself at all time .

Oo nga naman, kaya walang violation na nagawa itong si Mayweather dahil nasuntok niya ang kalaban nang tumunog na ang bell sa ring.

Kayo anong masasabi ninyo sa larong ito?

Ayaw kong sabihing nakakahiya pero maraming nagsasabi ganun na nga.

 

Advertisements

Responses

  1. Pareng Magno sana magawi ka rine, salamat sa huli mong comment.

    Sorry at medyo madalang na tayong mag-blog ngayon dahi sa rayuma, di makapagtype.

    Ha ha ha

  2. traydor ang dapat na itawag kay dismayweather. foul ‘yung ginawa niya at hindi ako agree sa sinasabi nilang walang nilabag sa ruls ng boksing. ni hindi nakatingin ang reperi. lalong walang sinabi ang reperi na “payt”. parang tinatanong pa ‘ata ni ortiz ang hindi nakikinig na reperi kung tuloy na ba ang laban nang banatan siya ni dismayweather at nu’ng binirang una ay aktong nagrereklamo pa sa bulol na reperi’ng tila walang pakialam kasunod ng pamatay na WHAM! ‘ayun, parang tinibang puno ng saging na bumagsak si ortiz.

    kasama ba ‘yun sa ruls ng boksing? sige nga?

  3. pareng kaps,

    talagang ganyan na ang mga katulad natin. we are becoming too fragile to handle na, eh! he he heh.

  4. Nako Kap baka hindi na lang tuhod mo bumibigay na, hehehe.;

    Wala po akong ibang ibig sabihin.

    Kay gayweather, hanggang salita lang iyan. Kapag tinamaan i Pacman ng upper cut tulog iyan na walang unan.

  5. Mr. Kapitan

    Ang solution diyan sa rayums ninyo ay VCO, uminom kayo ng dalawang kutsar 3 times a day.
    Ewan ko lang kung di tanggal kaagad niyan.

  6. Sana matuloy na ang boxing nina Pacman at Mayweatherweather lang para magkaalaman na.

    Lots of money na naman di ba Jinky?

  7. pareng kaps, nakakahalata na ako sa dalawang dalaga natin dine. hindi lang ipinapahalata pero pinagtatawanan ang ating sobra nang pagkahinog kumbaga sa saging!

    hoy, mga ineng! ay darating din kayo sa edad namin, baka akala n’yo. ala’y baka abutin kayo ng pagkalog ng inyong baba at pangungulubot ng pisnge ay wala pang mag-aalaga sa inyong pagtanda.

    ala, ay bago n’yo kami pagtawanan, ay magsipag-asawa muna kayo, ah!

    malapit na naman ang tag-lamig, ey. kasarap baga ng may kasukob sa kumot. kahit nga ngay-ong tag-ulan ay nakakapagpaginhawa ‘yung hunab ng kasalong kataw-an, ey!

    ala, ay kasarap!

    ay, sige nga, tawa pa kayo!

  8. Salamat po sa paala-ala ninyo, sa 2012 ay uunahan ko na si Shalani na magpakasal. Mahirap na kung kailan pa ako nagkarayuma ay saka pa lang ako magaasawa.

    Pero, teka mukhang may ibang pinopormahan itong crush ko ah. Maturokan nga na pampatulog at makidnap kasama ang kanyang nanay, hehehe.

  9. ilang tag-ulan pa kaya at taglamig ang lilipas bago matuloy ang pagpapakasal na ‘yan?

    alalahanin ninyo, baka kung akilan kayo nagkukumahog ay saka naman wala nang pumansin sa inyo na mga kelots. puwedeng itago ang edad kung mukha lang ang titingnan dahil kayang takpan ng limang patong na foundation, tatlong blush on at apat na mascara panghuli ang last touch na pintura subalit kapag nanginginig na ang kamay na naglalabasan ang ugat at nangunguluntoy na ang balat, aba’y kahit manghila ka sa tabi tabi ay walang papayag. kakaripasan pa kayo ng takbo at kahit pa siguro adik sa bangag na bangag ay matatauhan kapag magaspang nang kamay ang nasalat.

    heheheheh! kapag hindi pa kayo tinablan niyan aba’y hindi lang kayo sobrang matimtiman o pihikan kundi kayo mismo ang nagtatadhana ng inyong magiging buhay.

    kaps, pakiabot nga ng langis na may dinikdik na luya at pakitawag na rin si dok dahil kumikirot ‘ata ang aking baywang at mga dalire sa kamay.

    araggguuuy! haaaayyy!

  10. Hahahaha

    Mahusay nga iyang luya at langis pareng Mags na panlaban sa rayuma. Minsan naglagay ako ng salompas sa akig tuhod, gumaling kaunti at nawala ang kirot. Kaso nang tanggalin ko ang salompas ay may kumapit na buhok at sumamang nabunot. Ang masama ay nagkaimpeksiyon kaya nagantaybayotiks na lang ako.

    Mula noon ay sa pahidpahid na lang ako kahit vicks pa iyan o tiger balm.

    At saka ngayon lumalamig na naman ang panahon, aruyyyy tuhod ko’y sumasakit na naman tuwing umaga.

  11. Kayong dalawa baka gusto ninyong mapansin kayo ng ating pangulong Noy na mahilig sa ligaw tingin. Abangan lang siya sa mga evacuation centers ng mga biktima ng pagbaha at sabay kayong magpabyutipol eyes sabay pakendeng-kendeng ala tsunami walk ni Shamcey Supsup.

    Tignan lang natin kundi kapwa kayong yayaing magmeryenda sa Dyali bee.

    Hahahahha

  12. Kap, masyado namang binabarat ang aming beauty. Pero kapag si Pres Noy ang magyaya ng date sa amin, kahit sa karinderia na lang sa wet market ay puwedi na rin.

    Marami yatang nakatutok sa amin na television cameras kaya araw-araw na mapaguusapan tayo di ba Mer?

    Kaya lang baka habang buhay na kaming tawagin na mga karenderia beauties.

    Hehehehe

  13. hindi karenderia byutis ang itatawag sa inyong dalawa kundi tinapa beauties.

    heheheh.

    biruin n’yo ‘yung kasama ninyo’y hari ng tsiminiya?

    hohoho!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: