Posted by: kidlatanvillage | August 18, 2011

Mga Insultong di Nararapat sa Philippine Dragon Boat Team

Anong mentalidad ang mayroon itong mga sports leaders natin. Sa halip na purihin ang ating kuponan na Philippine Dragon Boat team na nakakuha ng limang gold at dalawang silver medals sa Florida ay katakot-takot na insulto ang kanilang inaabot sa mga utak talangkang lideres natin mula sa  PSC at POC.  m

Limang medalyang ginto at dalawang pilak na medalya na inuwi sa ating bansa na nagdala naman sa atin ng karangalan ay tawagin pa sila ng AMPAW.

What? Ang lupit mo naman tsong sa sinabi mong iyan. Nakakahiya naman para sa ating mga magigiting na magsasagwang atleta ang ganyang kumento. And to rub salt to the injury ay isa na namang opisyal ang nagsabing “babalik na lang sila sa pagkain ng tahong” kung ayaw nilang makipag-ayos sa Philippine Kayak Federation. Bakit ano bang track record ang mayroon nitong Philippine Kayak Federation? Besides noong araw ay kasali naman iyang Philippine Dragon Boat Federation sa PSC a noong araw?

Pulitika, iyan ang dahilan kung bakit lagi tayong kulelat sa Olympic at iba pang international event. May mga minamanok ba ang ating mga pinuno ng Palakasan sa bansa?

Ang palakasan ba ay literal na palakasan talaga?

“Five gold medals, 2 silver, 1 team” iyan ang papuring isinalubong ng ating mga kababayang nagmamalasakit sa Philippine Dragon Boat Team na nabigay lang naman ng karangalan sa ating bansa. Ako’y natutuwa na kahit papaano ay maraming nagmamalasakit at nagbibigay ng papuri diyan sa ating mga mananagwang atleta ng Philippine Dragon Boat Team.

Salamat sa mga Media Network kabilang na ang ABS CBN na nagbigay ng isang milyong pisong suporta para sa kanilang pag-eensayo, sa AFP na nagbigay ng papuri sa mga sundalong atleta, at sa mga may mabubuting kaloobanng kababayan natin sa labas at sa loob ng bansa na nagmamalasakit sa ating mga di pinapansing atleta.

Sa mga pumupunang namumuno ng ating palakasan sa bansa, sana po ay maliwanagan lahat ang inyong mga kaisipan at isipin na lang ang kapakanan ng ating bansa, hindi pamumulitika.

CONGRATULATIONS AGAIN PHILIPPINE DRAGON BOAT TEAM. MABUHAY!

Advertisements

Responses

  1. Buwesit iyang babalitong nagkomento ng ganyan.

    Imagine pasisisirin at pakakainin ng tahong ang mga pobre.

    Kap talagang talangka ang dalawang taong ito. Masakit magsalita ni hindi iniisip ang kanilang mga sinasabi. PWE

  2. dine, medyo apdeyted ang bahay.

    yuhooooo!

    hellllloooowww!

    haw is di owner op di haws baga?

    ay siguro naman ay payn, eh.

  3. sa sunod na pagsali nila sa international competition, dagdagan nila ng mane, hopya at monay ‘yung kinakain nikang tahong. baka madoble ‘yung 5 golds na naiuwi nila.

    he he heeh!

    ay, kahirap baga naman niyong para la’ang makasali sa kumpitisyon ay magkasya na la’ang sa tahong dahil walang suporta ang alinmang sports body, eh.

    ay. maige’t hindi sila na-red taed, eh.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: