Posted by: kidlatanvillage | July 18, 2010

Nakakabuti bang palayain na ni P.Noy ang mga rebelding sundalo?

Tila tumitindi na ang panawagan na palayain na ni P.Noy ang mga rebelding sundalo.  Sabagay ito naman ang layunin ng unang isang daang araw (1oo days) ng bagong administrasyon ni presidente Aquino na pagkaisahin ang lahat ng mga Pilipino at nang makamtan na natin ang kapayapaan at nang umunlad naman ang ating bansa.

Naniniwala ang militar na sa pagbabago ng pamunuang pambansa ay isang hudyat upang akitin ang ilang rebelding mga sundalo na pag-usapan na ang kapayapaan at manumbalik sila sa pamahalaan at muling magpasailalim sa batas. Gaya nang dati muli nilang sundin at protektahan ang layunin ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Sa tutoo lang ang karamihan sa mga enlisted personnel at military officials na nakakulong ngayon ay napag-initan lang sila ng dating administrasyon sa pagsisiwalat ng mga di umanoy katiwaliang kinasasangkutang ng administrasyon ni Ginang Arroyo. Sila’y napaghinalaan ng pag-alsa pagkatapos bawiin ang kanilang suporta sa administrasyon ni Ginang Arroyo.

Isang magandang hakbang siguro para kay pangulong Benigno C. Aquino na palayain na ang mga nakakulong na mga sundalo at ang kanilang mga pinuno. Sayang, marami pa silang magagawa para sa bansa. Di ba balak ng bagong pangulo natin na dagdagan pa ang bilang ng mga sundalo at pulis upang pangalagahan ang kapayapaan at protektahan ang interest ng bansa? Bakit ka pa gagasta para sa training ng mga bagong sundalo kung nadiyan na ang mga highly trained professional soldiers na iyong maatasan para maglingkud sa bayan. Palayain lang sila sa pamamagitan ng isang amnestiya at hindi nila bibigoin ang ating pangulong Aquino.

Alam na natin ang dahilan ng kanilang pagaalboroto ng mga nakaraang panahon. Alam na natin kung anong klaseng pamahalaan at administrasyon ang mayroon noon. Di ba nasusuka rin si Pangulong Noynoy sa mga kalakaran ng nakaraang administrasyon? Pareho lang naman ang kanilang mga ipinaglalaban, ang parusahan ang mga naging kasangkapan ng korapsiyon sa nagdaang administrasyon at bagohin na ang takbo ng ating bansa alang-ala sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino.

May proseso ang batas, ngunit may kakayahan ding magbigay ng pardon at amnestiya ang bagong pangulo ng ating bansa.

Palayain na po ninyo kagalang-galang na Pangulong Benigno C. Aquino ang mga nakakulong na sundalo sampo na ang kanilang mga pinuno. Bigyan pa sila ng isang pagkakataon upang ipamalas ang kanilang mga kakayahan na maglingkod sa ating bansa.

Advertisements

Responses

  1. Hindi naman kailangang agarang palayain ang mga nakakulong pang sundalo lalo na si Sen Trillanes kundi litisin ayon sa mga ebidensiya at tumpak na sakdal.

    Marapat lamang na ituwid ang inhustisyang kanilang dinanas sa loob ng pitong taon.

    Nagsusumigaw ang katotohanan. Bulok ang justice system nating umiral sa ilalim ng pamumuno ng isang presidenteng hindi kailanman naging dapat sapagkat nang-agaw lamang siya noong una at nandaya upang manatili sa kanyang kinubkob na palasyong sagisag ng kapangyarihan.

    Hindi dapat ipagkait sa kanila ang karapatang ipagtanggol ang katwiran at katotohanang kanilang ipinaglaban. Ngayong wala na sa poder ang mga salot sa pamahalaan ay hindi na mahirap makamit ang bunga ng kanilang ipinakipaglaban.

  2. Korek ka diyan pareng Mags. Pero nakakalungkot naman itong nangyari noong Lunes, isang kabayan nating dating opisyal ng pulis ang nanghostage at napatay dahil lang sa pagkakasibak sa kanya sa tungkulin. Kawawang mga Hongkong nationals na nandito lang ang napagbuntonan ng kanyang galit at pagkadismaya sa kanyang palagay na injustice sa kanya. Kawawang mga buhay ang naisakripisyo sa pagkaboryong ng isang pulis at sa kakulangan naman ng kahandaan ng mga pulis din na sana ay nagrescue sa mga hostages. Anong dagok na naman ito sa ating bansa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: