Posted by: kidlatanvillage | June 18, 2010

Sorry ka na lang Dayana Mendoza at ayaw tumuka ang tandang…

(Courtesy ABS-CBN News)

Pagdating na pagdating niya sa Pilipinas ay agad nagpahayag itong former Miss Universe from Venezuela na si Dayana Mendoza: “I’m very excited to be here. I want to congratulate you guys for the election. I think it was amazing. Also, I’m here to support Smartmatic’s [advocacy for] transparency,” sa pakikipanayam sa kanya ng ABS-CBN.

Okay lang  sana pero may dagdag pa siya na: “I’m trying to get President-elect Aquino to have an appointment with me. Maybe, we can have lunch or coffee. I would love to meet him.” Kung hindi pa kayo nalalaglag sa upuan may pabuntot pa siyang, “Please just take a little bit of your time – I know you’re super busy to say ‘hi’ to me. Now that I’m in the Philippines. I’d love to meet you.”

Kaya itong dalawang magkaibigang dalagang kakilala ko na malapit nang mahuli sa biyahe ay nagbiro tuloy, “palay na ang lumalapit ayaw pa niyang tumuka”Aba mga iha, mahirap sa isang binatang tandang na tumanda na ang tuka nang tuka baka iba pa ang matuka niya.

Nakakainggit naman, masuwerte talaga itong ating bagong halal na presidente at hindi pa man nakakaupo sa trono ay pinagkakaguluhan na ng mga dilag. Kaya ang kumpareng Ambo ko na tatlong taon nang byudo ay nagkaroon tuloy ng interest na maghanap ng panibagong langit. Pakiramdam niya, ay dumating na ang panahon na mga kalbong lalaki ay kinalolokohan ngayon ng mga babae.

Mabuti na lang at may anghel dela guwardia siyang taga Valenzuela city na nagliligtas sa kanya sa immoral at makamundong balakin ng isang banyagang ti-tsing o bebot. Pero ano ang magagawa natin kung iyan ang nararamdaman nitong dating miss Universe, karapatan niyang sundin ang itinitibok ng kanyang puson puso at damdamin.

Sino ba siya, lalo na’t di man matimtimang birhen, na hindi naakit sa kislap ng noo at ningning ng tagumpay ni P-Noy? Isa lang siyang makatotohanang babae na alam ang kahinaang madali siyang madarang, o mandarang, at matangay ng kanyang damdamin at puso upang umibig ang lubos?

Sorry ka na lang Dayana at mayroon na “Sha’ng”  Shalani Soledad ng Valenzuela City  na nagmamay-ari na sa puso ni president-elect Noynoy Aquino. Ewan ko ang pakay mo, kung nagpapapansin ka lang sa mga malalaking networks dito baka ka mabigyan ng break, o bilin ito ng mga tao o grupong nag-sponsor sa pagpunta mo rito kaya nasabi mo ang mga bagay na namutawi sa iyong dila.

Sa gitna ng pagkasuya ng mga kababayan natin sa mga binitiwang salita ng dating Miss Universe ay nagpahayag naman itong bolerong si Flores ng Smartmatic na kaya daw inimbitahan at dalhin sa Pilipinas itong si Dayana Mendoza “as a gesture of appreciation to the people of the Philippines.”At para linawin ang punto niya dagdag pa niya: “She’s being very active in different advocacies so we thought she is the right person to be our ambassador of goodwill, and to congratulate the people of the Philippines for such clean, successful and fast elections.”

Magaling! Kasama na rin ba diyan iyong gagawin ninyong pang-aareglo sa naging kapalpakan ninyo noong nakaraang halalan? Ito perception ko lang, hindi kaya ipinapain na ninyo ang isang dilang sa aming bagong halal an pangulo? Ang lagay ba niyan ay upang sirain ninyo ang kanyang kridibilidad at dignidad bilang pangulo ng aming bansa?

Kaya kung si  president elect Noynoy Aquino ang tatanungin ay isang napakalakas na “no senyorita” ang kasagutan. “No” sapagakat magagalit (Sha) siya, ang kanyang minamahal na konsehala… At “no” na naman kasi sabi ni Lacierda “affairs of the state take precedence over personal visits and meetings.” Napornada tuloy ang pangarap ni byuti  for a meeting with P-Noy  upclose and personal.

Pero mapilit itong dalagang humahanga at marahil ay may espesyal na damdamin para sa ating pangulo na umaasang magkikita pa rin sila ng personal and upclose with president-elect P-Noy.  Wala siyang pinag-iba sa aking lolang si Tonyang na palaging nasa Luneta tuwing dapit-hapon at naghihintay ng pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na si GI Joe na nangakong babalikan siya at pakakasalan.

“I’m still waiting Mr. Aquino, what’s up? I wanna be able to meet you.”

Naks naman, ganyan pala katinding umibig at magmahal itong si Dayana. Seg and Mer, hindi ba kayo naiinggit niyan?

Advertisements

Responses

  1. Wala. Hindi umubra ang byuti ni Dayana. Sa Pinay pa din ang atensiyon ni P’Noy. Ka-suwerteng Shalalani.

    Baka sakali ding matipuhan ni P’Noy itong si Dayana kung makagat ng langgam ang kanyang peanut peanut at ihain niyang parang flower cracker nuts o chitcharong bulaklak upang maging pulutan sa inuman.

    Ano sa palagay mo, Kaps?

  2. HAHAHAHA, PEANUT PEANUT FROM VENEZUELA!

  3. Bago po ako makalimot at may duty pa me may I make bati to all the wonderful fathers in the world including my father who had the courage to marry my mother for whatever reason. Hahaha!

  4. HAPPY FATHERS DAY PO SA LAHAT NG MGA MABABAIT AT RESPONSABLING PADRE DE PAMILYA NA MGA CERTIFIED BIDA DITO SA AKING DAMPA LALO NA SA AKING TITO MAGS AT KAY SIR KAPITAN KIDLAT. HAPPY FATHERS DAY RIN KAY DOK AT KAY TATANG HAYDEEN. MAY YOU ALL BE PRODUCTIVE AS YOU FEEL YOUNGER EACH DAY IN YOUR LIFE.

    AND IF I MAY ADD, MAY YOU STILL STAND ON YOUR GROUNDS AND NOT TO FALL DOWN EVERYTIME YOU MAY SEE A PEANUT-PEANUT, HEHE…

  5. Psst Dayana huwag mong tatantanan si president elect P-Noy. May kasabihan, ang umaayaw ay di nagwawagi. Keep trying Dayana, no man can forever ignore a pretty woman’s peanut-peanut.

    LOL

  6. Kap hindi po ako naiinggit sa kanya. Pagtabihin ninyo kami, alam po naman ninyo na wala kayong halos itulak at kabigin, hehehe.

    Narito pa ba ang biyauti of the world? Nakaalis na ba?

    Better luck next time na lang ha Day?

  7. Purnada si Dayana. Purnada rin ang Ismart-sa-atik dahil bokya ang kanilang angel na maakit si PeNoy.

    Akala nila komo dating Miss Universe ang ipinadala nila ay magkakandarapa na ang bachelor-presidnet natin na kagatin ang kanyang pagpapakyut.

    Hoy! Hindi na kayo makakaulit na goyoin ang Pinoy. Nagkamal na kayo ng salapi kakutsaba ang mga ganid at ‘yan ang pinakamalaki ninyong pagkakamali. Hindi habang panahon ay uubra ang inyong hokus PCOS, no?

    Hindi na lulusot uli ‘yang pakulo n’yo.

    Ang lagay, ganu’n na lang? Di ba, Kaps?

  8. May dayaan daw sa nakaraan halalan, panagutin din ang Smart-maatik kung may kinalaman sila dito.

  9. Kaya hindi u-obra ang kanilang Dayana na pagtakpan ang mga kapalpakan ay dayaan sa nakaraan halalan. Pero may ebidensiya ba daw?

    Mayroon nga ba Cong. Locsin?

  10. Ngayon ay lumisan na ang sanhi ng bangungot
    Na sampung taon nating pinagtiisan halos
    Sakbibi ng kagutuman, di matingkalang hikahos
    Nagtangkang gumupo sa katatagan nating moog.

    Bigyang puwang natin ang hinirang ng bayan
    Subukan ding ang tiwala sa kanya ay ibigay
    Huwag muna natin siyang bigyang puna at husgahan
    Hindi pa naman nag-iinit ang puwitan niya sa upuan.

    Ang pagpapanuto ng buhay bakit natin iaasa
    Huwag lagi ang paghingi ang kagawian sana
    Matuto din tayong magtiis at magbata
    Magsikap at magsikhay upang bukas ay guminhawa.

    Iwaksi na natin ang kaugaliang natanyag
    Sa pagiging Pinoy na husga ng lahat
    Sikaping alisin ang balintuwad na alamat
    Bantog na karangalan ng isang Juang Tamad!

  11. Iyang si Juan Tamad ay naging idol na yata ng maraming mga Pulitiko. Mahilig mangarap ngunit ayaw magtrabaho.

    Sabagay masipag lang sila kapag supot-supot nang pilak ang nakataya.

    Ay, Juan magbago ka na. Kailangan natin ngayon ang Juana Change.

    Kaso unang araw pa lang ni P.Noy sa Malakanyang ay pumalpak na ang kanyang unang executive order. Siya ba o mga tauhan niya ang nagkulang.

    Sige ka, baka iyong 100 days honeymoon mo sa mga press people ay hindi na matupad pa.

    Ingat lang pres, ingat.

  12. Umuwi na ‘ata si Dayana Mendoza’ng hindi man lamang nagawang punlaan este, paunlakan ni PeNoy.

    Bigong bigo ang dilag. Akala ay kandarapa sa byutipul en tisay ang ating most illigitimate, este eligible bachelor. Mali siya sa diskarte. Hindi laging okey ang pagiging game katulad nang kantiyaw niyang she’s ready and game upang maka-date ang ating presidente.

    Siguro, kung hindi siya naging ahente ng Ismart-sa-atik, baka sakaling hinarap siya ni PeNoy.

    Baka naman kaya meron lang nakapagbulong kay PeNoy na kahit ganu’n kakinis si Dayana ay meron itong itinatagong super lolo sa kilikili kapag pinawisan.

    Inang, kadiri! D’yahe!

  13. Haha, may mga nakapaligid kasing sisters nahihiyang tumuka ang manok pareng Mags.

    Biro mo kahit Sha ay hindi makalapit sa kanya dahil sa mga Sistas.

    Tatandang binata na siguro itong tandang,hahaha.

  14. Ibig mong sabihin Kaps, hindi man lamang makakatikim ng mane ‘yung tandang natin?

    Aba’y baka hindi alam ni Noynoy na pinakamabisang pampaitlog ang mane?

    ‘Yung alaga ko ngang tinale noong nasa probinsiya pa ako, makakita lang ng mane labas na itlog, eh.

    Kaya naniniwala din akong kahit tandang ay nangingitlog. Sabi lang nila, inahing manok lang.

    Kahit naman ikaw Kaps, di ba?

    Ibig kong sabihin, kahit ikaw ang mag-alaga ng manok.

  15. Dapat mabasa niya ito nang makapag-isipisip si Senior Presidente.

    Kasi pareng Mags kung puro trabaho na lang ang iisipin nito si P.Noy baka mabugok na iyong kanyang itlog, hahaha.

  16. Sabi nga nila aanhin mo ang pagiging bayani mo kung makaligtaan mo namang magpatuka ng iyong manok.

    Baka maghurumentado pa iyan at sisigaw katulad ni Tarzan. Hahaha

  17. Ako rin naniniwala na may tandang na nangingitlog. Maliit nga lang. Ilang bises na akong nakakita niya sa probinsiya noong araw.

  18. Naniniwala ka ba pareng Mags sa kasabihan na kung ang tandang ay maliit, mahina raw siyang tumuka. If ever ay lalambot kaagad at madidismaya si aleng Mariang nagaalaga nito.

    Mga ladies what can you say? hahaha

  19. Kaps,

    Ewan ko lang. Kasi hindi pa naman ako nakakapag-alaga ng panabong na labuyo, eh.

    Ang pinaniniwalaan ko, kahit na teksas ang panabong, kung walang kuwenta naman ang tutukain, wala din. Paano’ng sisigla ang panabong kung ang tutukain ay katulad ng ipa ng palay?

    Isa pang madaling makapagpasigla sa panabong ay ang pagpapatuka ng sariwang laman ng talaba o kaya ay karne ng bagong tuklap na taklobo.

  20. Sa kaso naman ni PeNoy, baka sa pagkalibang niya sa pagiging presidente ay makalimutan na din niya ang sariling kaligayahan.

    Alalahanin niyang ang ulong panot ay hindi maaaring gawing pamalit sa panabong ng sumusuko na sa pag-uulot. Habang may tikas pa ang alaga niyang talisayin ay samantalahin niyang ilaban kahit sa hackfight lang muna. Parang praktis para sa malakihang derby, kumbaga.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: