Posted by: kidlatanvillage | June 3, 2010

Sabi ng Kampo ni Erap Inilaglag daw sila ni Binay, True or False?

Isang napakalaking daguk sa buhay ng isang pulitiko ang siya ay traydorin at ipagkanulo ng kanyang mga kaalyado. Unang araw pa lang ng kampanya para sa halalan ng pagkapangulo ay kitang-kita na kung gaano kadikit sina Pangulong Erap at si Mayor Binay. Bagamat may mga nagsusulong ng Noynoy-Binay ay hindi ito pansin ni Binay sa una dahil nangako siyang hindi siya kakalas sa tambalan nila ni Erap. Pero nang sumulpot ang endorsment ni Chiz Escudero na nagsusulong ng tambalang Noynoy at Binay ay parang niyanig ang buong Pilipinas ng malakas na lindol. At sino nga ba ang hindi nababahala dito, maging si Mar Roxas ay nanginig din ng pagkabahala. Pero napawi lang ito nang lumabas sa isang TV Ad noon si Senador  Noynoy Aquino upang sabihin na si Senador Mar Roxas pa rin ang kanyang bise-presidente. Kung si Judas nga ay trinaydor pa ang Anak ng Diyos sa halagang tatlumpong piraso ng pilak lang, e?

Pilyo, pilyo talaga itong si Chiz. Biro mo dalawang kampo ang kanyang ginimbal sa kanyang pag-indorso noon ng Aquino-Binay tandem. Kung baga sa isang binatilyo ay puwedi mong batukan itong si Chiz sa kanyang kapilyohan. Ngunit matanda na siya at may isip;  kung ano man ang kanyang pinaniniwalaan at sinusunod, iyon ay kanyang karapatan bilang isang malayang mamayan. Bagamat hindi siya natuloy na tumakbo sa pagka-pangulo ay kaligayahan na rin niyang makita si Noynoy Aquino at Jojo Binay na maging pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas.

Kahit papaano ay may pagaalala na rin si Erap, ano kaya kung sa halip na siya ay si Senador Noynoy Aquino na ang ikakampanya ng kanyang katandem? Pero tiwala sa tiwala pa rin itong si Erap. Dama niya kasi sa kanyang puso, ang kanyang itinuturing na malapit na kaibigan at kaalyado ay hindi siya iiwanan magunaw man ang mundo! Pero hala ka, may lumabas na survey, si Binay na ang nangununa at pumapangalawa na lang sa kanya si Mar Roxas sa preference nang mga tao noon sa pagka-bise presidente. Bagamat binale wala lang ito ni Mar Roxas ay kitang-kita naman ang kanyang pagkabahala at tila ang kanyang kampo nagkakagulo na kung papaano nila pigilin ang pag-angat ng ratings nitong si Mayor Binay sa mga surveys. Di ba may mga lumabas din noon na black propaganda against Mayor Binay? Pero kung  baga sa lason ay no-effect lang siya, suyot as in saluyot.

Kasi, sa halip na tulungan ang kanyang sarili ay inuna pa ni Senador Mar Roxas sa pangangampanya ang kandidatora  ni Senador Noynoy Aquino sa pagka-presidente. Kampante siya na sa bandang huli, siya at hindi si Binay ang mananaig. Kaya ito ngayon ang bunga ng kanyang kapabayaan (ngunit dakila siyang kaibigan) nalamangan na siya ng mahigit na 800 thousands na boto ni Binay. Magingay man sila na dinaya sila, wala na itong kabulohan pa sa ngayon dahil ilang dangkal na lang siya sa tagumpay.

Kaya ito ang ikinasasama ng loob ngayon ng kampo na presidente Erap. Kung bakit sa mga lugar na nananalo ng napakalaki itong si Binay ayt kulelat naman itong si Erap? Ang lumalabas kasi ay kung saan panalo si Noynoy ay panalo din doon si Binay. At kung saan nananalo si Erap ay panalo din doon si Binay. Ano ang ating magagawa iyan ang kagustohan ng mga tao. Maliban lang kung tuwirang sinabi ni Binay sa kanyang pangangampanya na, iboto ninyo ako bilang bise presidente ni Senador Noynoy Aquino.  Pero may nakarinig bang sinabi niya iyon? Wala. Kaya bakit siya pinaghihinalaang inilaglag niya si Presidente Erap? Nasaan ang katibayan?

Sa pulitika kasi ay wala kang permanenteng prinsipyo, may permanente ka lang interest. Mahirap burahin ang ganitong kaisipan lalo na kung ang agwat nina Senador Aquino at Presidente Erap ay napakalaki na kahit sampo pang mga Garci ang ilagay mo diyan para mandaya ay hindi na kayang malampasan pa sa dami ng boto itong si Senador Noynoy Aquino. Hindi ba sabing INC ay kay Noynoy Aquino sila? Ilang milyong boto din iyan! Idagdag mo na rin diyan ang boto din ng mga kasama ni brother Mike Velarde bagamat silent siya at kunwari walang kandidatong inindorso o sinusuportahan ng kanyang grupo.

On the other hand valid pa rin ang claim ng kampo ni Erap mga kababayan, maaring inilaglag nga siya ni Binay para lamang manalo. Kung bakit at papaanong nangyari, iyan ay lalabas din sa mga susunod na araw. Mag-abang na lang tayo ng mga balita at kaganapan sa larangan ng pulitika.

Hindi pa tapos ang bilangan,  hindi pa tapos ang laban. May bukas pang aabangan!

Advertisements

Responses

  1. Talo na nga ayaw pang mag-concede.

    Pabayaan na ninyo si Noynoy na magkaproblema, mamahinga na lang kayo at alagaan ang yong mga apo.

    Gayain mo si Tabako lagi siyang nasa abroad.

  2. Ako pinaghahandaan ko na ang mga crisis na darating, may nabili akong maliit na lupain at tinataniman ko ngayon ng mga gulay at may maliit pa akong manokan. Baka magalaga pa ako ng tilapia niyan. Huwag ka nang umasa sa gobiyerno para sa mga mayayaman lang iyan. Umasa ka na lang sa iyong sarili.
    Six years is too long for a lousy president but too short also for a good one. Hihintayin ko na lang si Gibo.
    Wala na akong pakialam pa diyan, period.

  3. Mer, ang mga alaga mong manok ay hindi mo mayayakap sa gabi. Ang mga tanim mong gulay ay mabubusog ka subalit ang kasiyahan mo ay matatapos kapag tumakbo ka sa takobits.

    Kailangan mo ay makakatuwang sa panahon ng krisis at mayayakap sa gabing malamig.

    He he heeh.

    Mag-asawa ka na.

  4. Pati na rin si Seg.

    ‘Uwag hubusin hang maliligayang araw sa mga hestudyanie. Kailangang ‘umanap din siya ng matuturuan at magtuturo sa kanya sa gabi.

    Nakakahinip na kayong dalawa, halam n’yo ba ‘yun?

    Kaps, kailan kaya tayo makaka’igop ng mahinit na sabo?

  5. It’s water under the bridge. But this is Pinas we’re talking about, yung ibang talunan, labas ang mga bulok, puro turuan, pati kapartido binabatikos. At least si Bigo, este Gibo…tahimik…in six years eh he will be lording over Pinas, hapi na kami ni Cgirl and to the few millions who voted for him this time.

    During the debate at ET’s blog, the trio of TonGuE Twisted, Chi, and Anna had been so negative if Bigo was the topic….daming inilabas na batikos ki Bigo. Halos maiyak ako at kung babae lang ako, naparegla siguro ako sa mga pangit na pintas sa aking aso, este manok. But beware! Gibo will be ready the next time around. Cheers!

  6. TB,

    If you could still remember, we had been after Bigo’s entry into the presidential derby sa 2016, the time when da goyang and her family are already in the bliss of incarceration. Even you, alam mo naman na isang napakalaking pasanin ang pagiging identified niya sa mga magnanakaw sa malakanyang, don’t you?

    Ibinitrey pa siya. Saan siya pupulutin?

    One thing na inihanga ko sa kanya, he went on by himself kahit alam niyang inilaglag siyang parang ebak.

    Kasama mo ako sa boboto sa kanya sa 2016 KUNG hindi tatakbo si Kuya Kuring, este Mar pala.

    Maige na’ng nagkakaintindihan kitang dalawa, di ga?

  7. Tito hehe, salamat sa paala-ala. May kapit-bahay po akong mahilig din sa mga ornamental plants doon. Pogi siya at masarap kausap. Nangarap tuloy ako na siya na iyon. Tito ano bang malas ang mayroon ako, iyong pogi na mahilig sa mga ornamental plants ay hindi lang pala business minded, mahilig din pala magalaga ng mga papa.
    Ibebenta ko na po iyong nabili kong lote, nakaka-frustrate.

  8. And speaking of papa, talagang hindi pa panahon para kay papa Gibo TrueBlue. But this election is a good exposure for him.
    Analysis ko lang, kapag pumalpak si Noynoy sa ibinigay ng bayan ng pagkakataon para maglingkud bilang presidente, nasisiguro ko na sa susunod na halalan ay hindi na lang simpatya ang pagbabasehan ng boto ng mga tao kundi galing, talino, sipag, kakayahan, katapatan, at karanasan.
    Huwag sanang mawalan ng pag-asa si papa Gibo which I think he should do.
    Six years will not be long enough to wait.
    Papa Gibo you still have my support!

  9. Ang sabi ni Erap kanina quit na siya sa pelikula, sa pulitika as of now. Malayo na raw ang kanyang narating.
    Kay Mar Roxas naman, may pag-asa pa siya. Don’t say die, think like Jawo, hehe.
    I am sure aling Koring is praying na sana makabawi naman sa mga huling bilangan ang kanyang husband.
    Wish you luck na lang.

  10. ‘Langyang kapitbahay mo ‘yan. Minsan ka lang makakursunada ang hilig ay ornamental flowers pa?
    Nag-aalaga pa ng papa?

    Ibenta mo na nga ‘yang lote mo’t lumipat na lang sa ibang lugar. Baka habang nakikita mo ‘yang kakambal ni Bebe Gandang-ari ay ma broken heart ka lalo at maisipan mong magbigti sa puno ng talong gamit ang sintas ng sapatos.

    Haaay. Kapag nga minamalas, malas talaga.

    Baka naman kaya hindi mo lang talaga tayp kaya sinasabi mo ‘yan dahil mababasa ni Gundina, maagawan ka pa.

    Puwera intriga, ha?

  11. Baka naman kaya tayp mo lang kaya sinasabi mo ‘yan dahil mababasa ni Gundina, maagawan ka pa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: