Posted by: kidlatanvillage | May 28, 2010

SLOW BUT SURE, THE CONGRESSIONAL CANVASSING OF VOTES

Slow but sure that’s what  happening now in the joint Senate and House of Representatives canvassing of votes for the presidential and vice presidential candidates before one shall be proclaimed as president and vice president elect of the country. Congress is so careful this time not to install one who is not exactly what the people have elected. With allegations of fraud in the electronics counting and transmissions of votes, and with reprogrammed CFs reinstalled in the PCOS machines being suspected now as the platform of vote rigging or “dagdag bawas,” the more caution shall be exercised in the congressional canvassing of votes.

Bakit naman nagmamadali itong mga ibang kababayan natin na magbilangan kaagad ng boto samantalang napakaraming questions at kadudadudang bagay na nangyari sa computerized counting at transmissions of votes. Aba, hindi porke nangunguna sa bilangan ang inyong kandidato na bale walain na lang ninyo ang maraming isyu at katanungan sa pagkukulang ng Comelec at Smarmatic noong nakaraang halalan.

Sabi nga ni Congressman Teddy Boy Locsin, may indikasyon talaga ng nangyaring dayaan doon sa local level ng halalan. Pero bakit local lang, sa nasyonal level ba ay walang dayaan? Kung totoo itong sinabi ni ginoong Manoling Morato na siya mismo ay kinausap ng mga dagdag bawas operators na iyan para panalunin lamang o protektahan ang boto ni Gibo Teodoro sa halang isang bilyong piso ngunit tinanggihan niya dahi wala daw sa pagkatao ni Gibo ang mandaya, paano na kung may iba diyang grupo na  pumayag? Aba kailangan ng masusing pagsusuri ngayon sa mga naganap na canvassing o bilangan ng boto ng mga presidential candidates sa ibat-ibang presento (manual o electronics) dahil hindi nating maisantabi na may pandarayang naganap. Kahit sabihin pa ni Senador Noynoy Aquino (apparent president) na fishing expedition lamang itong sinasabi nilang electoral fraud. Siempre nananalo siya at walang pakialam kung nadaya man ang kanyang mga katunggaling mga kandidato sa pagkapresidente. Baliktarin kaya natin, paano na kung si Erap o Villar ang nangunguna magko-concede ba kaagad siya at sasabihin, fair and honest election ang nakaraang halalan.

Sa dami ng tinatanong, at valid issues naman, nitong si Kong. Dilangalen ay binabatikos tuloy siya nitong mga supporters ng leading candidate na si Noynoy Aquino ng LP ng grandstanding. Bakit wala na bang karapatan ang iba na alamin ang katotohanan. Bakit ba sila atat na atat nang matapos ang bilangan e sinabi naman nina Senate President Enrile at House Speaker Boy Nograles na hindi matatapos ang buwan ng Hunyo at may maiproproklama nang presidente at marahil ay bise presidente. Kailangan lang sagutin at malinawan sa mga isyu ng irregularities sa naganap na  halalan.

At sino ang hindi nababahala sa mga isyung ito: unreliable time, lack of digital signature (sabihin man nila may machine assigned signature na), unreliable transmission (according to IT experts), machines not properly tested (sinadya nga ba?), sabi ng isang election observer iyong CF cards na ni-recall days before election ay hindi 100 percent na “cheat proof” at maaring ma-tamper,  at iyong Cagayan de Oro case hindi kaya may mga ibang lugar din na may ganitong pangyayari? Nagtatanong lang. Kaya obligasyon ng Senado at House of Representatives na ipakita sa mga tao na honest at orderly election ang nangyari kaya binubusisi nila ng maigi itong mga nagsusulpotang isyu at problema ang nakakapagdulot ng pagdududa sa resulta ng naganap na halalan. Kaya okay lang na sinubpina ng Kongreso itong 76,000 na CF cards. At okay lang na walang magaganap na bilangang ng mga electronically counted and transmitted COCS hangga’t di nabubura ang pagdududa pa sa authenticity at integrity ng mga ito.

Advertisements

Responses

  1. Ngayon ay nagumpisa na ang bilangan ng mga electronics transmitted COCs pagkatapos ng masusing pagsusuri ng mga mambabatas sa integridad ng mga votes counting machines na ito. Pero nandiyan pa rin ang pagdududa, kung insider ang gagawa ng pandaraya iyan ay pinaniniwalaang pa ring maisasakatuparan.

  2. Sali na kayo, pasyal kayo sa aking hardin at nandoon si president Noynoy. Kinukumosta nila ang kaniyang sex life. Sali na, hehehe.

  3. Slow but sure dito. Sa kabila naman, sex life ni Noynoy.

    Ano ba ‘yan?

    Parang pinag-swak!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: