Posted by: kidlatanvillage | May 17, 2010

IMBITADO KAYO LAHAT SA DESPEDIDA NI KRIS

Ano ba naman kayo hindi pa nakakaupo si brother Noynoy Aquino ay pinuputakte na ngayon ng intriga itong sistah niyang si Kris. Maliban sa pagkairita ng mga hukom sa pagsasabing mas nanaisin pa niyang manumpa sa isang Barangay Tanod kay sa bagong appointed na Chief Supreme Court Justice. Wala naman daw batas na nagsasabi na sa isang Supreme Court Chief Justice siya manunumpa. Dito pa lang ay umani na siya ng katakot-takot na batikos sa pagiging arogante at di makatuwiran daw niya. At ito na naman siya ngayon ipinagtatanggol si sistah Kris na pinapag-abroad na ng mga kababayan nating inis sa kanya.

Ito ang ugat ng lahat:

I promised Noy that if he does win and I’m a cause of stress for him and his presidency, I’ll gladly take my two boys and live anywhere … ” – Kris Aquino

Kaya naman ay may naglabas sa Facebook ng discussion na may pamagat na Kris Aquino Despedida. At ano naman ang sari-saring reactions dito ng ating mga kababayan? Nandito ang ilan na napulot ko naman sa Facebook. Hindi ko na babanggitin ang kanilang mga pangalan tutal libre naman kayong pumasok doon at basahin ang kabuoan ng mga reactions nila:

“Currently, the whole nation, 95 Million strong, is waiting for Kris’ Grand Von Voyage Party that will see her realize a promise she expressed during her eldest brother’s campaign for the presidential race.[21][22] On an April episode of her talkshow “The Buzz”, Aquino who just a week before had a rift with co-host Ruffa Gutierrez, addressed the nation of her intentions in leaving the Philippines if her brother’s presidential bid will be successful to save both her family and the entire Philippines for further scandals of her making.”

“It’s a pity that Cory Aquino has such a daughter. Watch her in her shows. She over talks her guests, she always manages to relate whatever topic to her and her family. She raises to high heavens her brows while looking at her female co-host from head to foot, scrutinizing the gown. or dress or accessories. She is very condescending and she thinks everybody else is so way below her intellectual level…”

“Kailangan Na niyang Umalis. She Promised. Na Eh i hope You’ve Never Come Back. Nakakasira ka lang eh!; Pra Makagawa Nman ng sriling Moves Si Noy. Kailangan Kanang umalis. Para di ka na rin Maghing First Lady!”

Ganitong klase ng reactions ang mga nababasa mula sa mga taong  ayaw o inis kay Kris. Pero ano naman on the other hand ang sinasabi ng mga nagmamahal at nagtatanggol sa kanya? Ito naman ang ilan sa mga napulot ko from the same source:

“WHATEVER….KRIS PA RIN….KRIS! KRIS! LOVE…LOVE…LOVE…ANG FIRST LADY NI MR. PRS. NOY….MAMATAY KAU SA GALIT..”

“we should be glad of having kris around…di man perfect, madami din namang sablay,pero may puso…di lang sa pamilya kundi sa sambayanang pilpino! anak kaya ni ninoy at cory yan! patriotismis in her blood”

“Don’t worry about other people…kung saan ka masaya, doon ka…walang puedeng magdikta sa iyo ok…I love you Krissy!!!Stay as what u are!!!”

“Korek, huwag mong intindihin yong mga tao hindi ka nila gusto napapatunayan nyo na mahal pa rin kayo sa buong pinas.”

At ano naman ang sinasabi ni brother Noy niya in defense of his cute sistah? Ito:

“She is a citizen of the republic, she has not committed any crime, why should she leave the country? You can’t please every one.”

Tama nga naman bakit ninyo palalayasin si Kris e hindi naman siya born in the US and a US Citizen. Kayo talaga, hindi pa man ay binibigyan na ninyo ng sama ng loob ang ating magiging presidente.  Anyway here is his second banat:

“If my sister leaves, the lives of my nephews (Joshua and Baby James) will be disrupted. For what reason? What did she do? What are the allegations that she did [anything] wrong? There is no allegation but they want punishment; I don’t think that’s fair,” said soon to be president Noy.

Well said senator Aquino and soon to be president of the Republic of the Philippines!

Mga kababayan totoo naman iyong sinabi ni senador Noynoy na you can not please everybody lalo na iyong mga talunan sa nakaraang election. Pero nasabi na ni Kris iyong kanyang nasabi at ito sinisingil na siya ng mga tao. Ang tanong dapat nga ba siyang singilin? Aminin natin marami pa ring nagmamahal sa pamilya Aquino bagamat hindi rin matatawaran ang dami ng mga taong ayaw sa kanila at mga naaasiwa sa mga pananalita at pagkilos ni Kris on and off the television. Ngayon pa man ay kailangan ng timbangin at pag-aralan kung ano ang magiging bahagi ni Kris, na siya namang tumulong ng husto sa pangangampanya ng kanyang kapatid, sa bagong administrasyon na ito.

Sabi nga ni senadora Mirriam Defensor Santiago kay Kris na stay out muna siya sa politics and refuse any government position offered to her by her brother. Aba magandang advice ito lalo na’t minsan ay nabansagan ng kamag-anak incorporated ang administrasyon noon ng nasirang pangulong Cory Aquino. Dapat patunayan ngayon ni president “to be” Noynoy Aquino na serioso ang kanyang administrasyon sa pagtugis ng mga korap at kawatan sa gobiyerno.

Despedida para kay Kris, puwedi bang ipospon muna, hane?

Advertisements

Responses

  1. May balita ako, dadalhin daw ni president Noy sina Joshua at baby James para may makalaro siya ng tagutagoan. Pinagiisipan na rin nila kung isasama din si Boy Abunda para makumpleto daw ang kanilang makakalaro ng patentiro at bahay-bahayan, hehehe.

  2. Ito ang latest na nasagap kung news. Kung dati ay hindi sila nagsusuot ng kulay dilaw na polo dahil nagmumukha silang mga uling sa kaitiman, ngayon naka-yellow t-shirts na sila at palaging nasa bakuran ngayon ng LP.
    Ano ang dahilan?
    Gustong pomorma at magkaroon ng Juicy position in the government.
    Balimbing?
    Expected na iyan ng Malacanang.
    Expected na rin iyan ng LP.
    Pero kailangan nila ang mga balimbing para mailuklok nila sa pagka-speaker si newly congressman elect at dating Mayor Belmonte ng QC. On the other hand naman ay sisikapin din ng LP na ligawan ang mga Senador para makaupo naman sa trono ng pagka-senate president si senator elect Franklin Drilon.
    Sorry Kap hindi nila pansin ang pagka-pogi mo sa LP, hindi daw ikaw ang hinahanap nilang Barangay Captain.
    Mas gugustohin pa raw ni Noynoy na manumpa sa harap ng isang Barangay Tanod kay sa isang Chief Justice na appointed ni Gloria Arroyo.
    Sa mga ginagawa ngayon ni Noy, ay lumalabas tuloy na mabait pala itong presidente natin na tinatawag nilang Bitch noon.
    Ay buhay, kapag nasa iyo na ang kapangyarihan ay magbabago na rin ang mga pananaw at pagu-ugali mo.

  3. hay naku kung walang masasabing maganda shut-up na lang, mag tulungan nalang para sa ikaununlad ng bansa, at wag pan sarili lamang. ng umusad naman ang pinas. go kris kung maganda ang maggawa mo para sa bayan nasa likod mo kami.

  4. amphi,

    Bago ka, ah?

    Welkam ka dito. Sana ay magustuhan mo ang site na ito na walang itinatangi. Pro man o con. Puwede rin ang bacon.

    Nasaan ka ba ngayon? Nasa dagat o nasa lupa?

    He he he he! Dyoks lang!

  5. Amphi welcome to Barangay Kidlatan.

    Kami po dito ay walang pinapanigan kundi ang katotohanan lang. Kung maganda ang ginagawa ng mga pulitiko ay sinusuportahan namin, kung hindi ay tinutuligsa.

    Iyan ay responsibilidad ng bawat isa sa atin na bantayan ang kapakanan ng bayan.

    Itong issue kay Kris ay inilalahad lang ni Kapitan dahil sa paglabas mismo ng kanyang kapatid upang ipagtanggol si Kris na “sistah” niya.

    Masama pang pagusapan kung ano ang sinasabi ng iba laban kay Kris dahil sa mga nabitawan niyan salita.

    Si Kris na rin mismo ang nagsabi na kung pabigat siya kay “Noy” ay mabuti pa aalis na lang siya kasama ang mga anak at maga-abroad.

    Pabigat nga ba siya kay Noy? Sa ngayon ay hindi ngunit napaguusapan lang ito para paalalahanan ang mga Aquino sisters na huwag na huwag silang gagawa ng ikasasama ng imahen ng kanilang mga magulang lalo na itong President apparent ngayon na kapatid nila kapag nasa puwesto na.

    Kung baga ito ay paala-ala lamang na kagaya din ni ginang Arroyo ay sila man din ay babantayan ng taong bayan. Mahirap na amphi baka bumalik na naman iyong Kamag-anak incorporated.

    Isang analogy lang naman ito: nagpalayas ka ng sawa, naglagay ka naman ng buwaya sa kulungan ng mga manok ano ang pagkakaiba? Sa kataohan lang di ba. Pero sa pamiminsala, pareho lang sila.

    Mabuhay!

  6. Maganda naman ang pagkasulat ni sir Kap dito a, inilalahad lang niya ang isang issue ni wala nga siyang pinapanigan. Inilahad lang niya dito kung ano ang opinyon ng mga tao pabor man o hindi sa mga Aquino.

    Di ba tama lang na out muna si Kris sa pulitika at huwag makisawsaw sa pamamalakad ni Noy sa kanyang gabinete?

    Balanse lang naman ang pananaw ni Kap, a.

    Kap pautang nga ng pambayad ko sa mga Bumbay na suki ko, please… Hehehe!

  7. You might be interested with the pahayag of Kris Aquino regarding her despedida sa kanyang mga showbiz talk shows:

    “Sa tulong po ng aking mga kapatid na babae – dahil in fairness po kay Noy hindi naman niya ito in-impose – napagpasyahan po namin na for the duration of Noy’s presidency magpapaalam po ako sa aking mga shows that could cause controversy for him.” (she said it at SNN.)
    “Ang ibig sabihin po niyan, iiwan ko po ang SNN on June 25, 2010, at ang last The Buzz ko po ay on June 27, 2010.” (Talaga Kris?)

    “[Sa] inyo po, most especially sa mga sumusubaybay sa The Buzz – kasi naman Boy [Abunda, her co-host], 11 years nating pinagsamahan iyon – sana po maunawaan nyo, hindi ko po minamaliit ang programa. In fact, I love the program. It is a choice, a sacrifice I’m making, kasi napakahirap po na any comment that I make can be misinterpreted,” (Ganon pala, sige good luck na lang, hehehe!).

    “Kawawa naman po ang kapatid kong si Noynoy kung dahil nagpaka-taklita ako, eh siya po ang magiging tagasagot pa di ba? Eh opinyon ko naman ho iyon eh,” (Siya nga naman ano, why make your brother president your PR man, hehehe.)

    “He will have enough problems, solving everything that is a crisis here. Lahat ng mga nagpapabigat at nagbibigay ng suliranin sa bawat Pilipino. I’m giving that to Noy. I want Noy to succeed,” (Good luck na lang po sa inyong lahat. Sige Kris, nasa likud mo kami.)

    Wana ko sey…

  8. Mer and Kap, peace be with you.

    Salamat po, hehehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: