Posted by: kidlatanvillage | May 7, 2010

SINO BA ANG GUSTO MONG MAGING PRESIDENTE?

Kung si Senador Dick Gordon ang ating tatanongin ay tanging mga Pilipino daw ang talunan kapag nanalo si Senador Noynoy Aquino sa pagkapresidente ng ating bansa. Wow, mabigat na paratang yata iyan ha Senador Dick? E kasi naman,  ipagkakatiwala mo ba ang iyong boto sa isang kandidato ng pagkapangulo na wala man lang karanasan? Anong klaseng pamumuno ang mayroon siya? Ano na lang ang mangyayari sa ating bansa?

Ito pa ang banat ni Senator Richard Gordon kay Senador Noynoy Aquino na namamayagpag sa mga pre-election surveys: He “will be co-opted totally. He cannot even answer simple questions.” Ano ang ibig sabihin ng kagalang-galang na senador, mahina ba ang brains nitong LP presidential bet na nakakasiguro na ng panalo pagkatapos siyang iyendorso ng INC?  At may gusto daw siyang itanong pa kay Senador Noynoy Aquino: “Have you ever taken drugs? Have you undergone psychiatric treatment or consultation?” Ha, ibig  niyang sabihin may history of drug abuse itong si Senador Noynoy Aquino at emotional and mental instability? Naman, siya pa ang napipisil ng karamihan daw sa mga Pilipinong botante ngayon. Kung totoo man ang kanyang paratang (kung masasabi ngang paratang ito) ay, Banong Capalaran kapatid anong naghihintay na kinabukasan ang mayroon ang ating bansa sa kamay ng ganitong pinuno? Nagtatanong lang po at  hindi nanghuhusga.

Teka lang kapatid, kung talagang ayaw ng mga tao kay Noynoy dahil sinasabi nilang “abnoy” siya at unfit for the presidency, bakit sangkaterban ang mga bomoboto sa kanya sa mga surveys? Siguro inggit lang ang mga kalaban niya ano at di sila makahabol pa sa kanya sa mga surveys. Pero mga surveys nga ba ang nagpapanalo sa isang kumakandidato sa pagka-presidente? Aba, ay hindi, sabi ni Banong Capalaran na aking kaibigan. Gawa-gawa lang daw ito ng mga propagandista upang magkaroon ng trending at mapaniwala ang mga tao na ang buong bansa ay sumusuporta nga sa kandidatora ni Senador Noynoy Aquino. Kasi, sabi ni Senador Gordon mga kamag-anak at kaalyado daw ni Senador Noynoy Aquino ang nasa likuran ng mga surveys na ito. Aha, may kinalaman ba dito ang Kamag-anak incorporated, etc.? Hehe, sino kaya ang makakasagot niyan? Pero makinig ka sa sasabihing ito ni Senador Dick, “surveys created a bandwagon effect, influencing voters to back candidates based on popularity.” Ala e, si Senador Gordon naman nagsabi pa ng totoo. Dick talaga, oo!

Sino ba talaga ang gusto mong maging presidente? Aba e, doon sa maka-Diyos, makatao,  malinis at walang bahid,  makatarungan, at magaling? E sino nga ba sa kanilang lahat ang nagtataglay nito.

Kung si Senator Manny Villar ang tatanongin ay hindi raw si Senador Noynoy ito.  Sa sinasabi nilang pagka maka-Diyos niya ay hindi naman daw totoo.  “Ako’y tinatanong, ano raw kaibahan naming halimbawa ni Noynoy? Si Noynoy daw ay maka-Diyos, e alam ko naman ho pinagtatawanan niya ang nanay niya e. Simba ng simba. Sa atin lang ho naman yan.”

Teka, iyong walang bahid, ano naman kaya ang masasabi dito ni Senador Manny Villar? “Number one, Diyos lang ang walang bahid. Pangalawa, talaga namang malamang konti lang ang bahid mo dahil wala ka ngang nagagawa.” Ayun, kaya pala walang bahid ang iba dahil wala silang nagagawa. Nagagawang magagandang bagay para sa kabutihan ng mga tao at bayan, hindi iyong wang ginagawang kalokohan.

Sandali lang mga katropa, okay lang ba sa inyo kung ang iboboto ninyo sa pagkapangulo ay chain-smoker? Doon ba sa three packs na yosing sinusunog ng isang kandidato sa pagka-presidente ay nakakabuti sa kanya at sa mga taong nasa kanyang kapaligiran? I don’t want to be a victim of second hand cigarette smoke for sure. Pero sabi ni Senador Noynoy mabuti na iyan kay sa nangungurakot ka sa bayan, di ba Senador Manny Villar?

How about  playing games okay lang ba sa inyo na mahilig mag-PSP ang susunod nating presidente? Aba magandang endorser iyang presidente sa mga produkto ng PSP. Biro mo magiging famous ang ating bansa because we have a PSP playing president in the country? Did somebody say addict sa PSP? Nagbibiro lang, haha.

Tatlong araw na lang ay botohan na. Dito natin masusukat kung ang mga taong nanliligaw sa atin upang iboto sila sa pagka-pangulo ng Pilipinas ay karapat-dapat ihalal. Hindi sa survey, hindi sa sinasabi ng iba ang batayan kundi ang ating mga puso at konsensiya. Alalahanin natin mga kapatid, anim na taon tayong nasa ilalim na naman ng kanilang mga kapangyarihan. Maari tayong sumulong, maari tayong mapag-iwanan ng mga ibang bansang mas mahirap pa sa atin.

Sa akin lang, hindi pulitiko ang aking pinapakinggang dahil parepareho lang naman ang kanilang mga sinasabi. Pero pinagaaralan ko ng mabuti ang mga katangian, karanasan, at katapatan ng mga pulitikong ito na maglingkud sa bayan na may pananagutan at takot sa Diyos. Wala sa kulay at papolaridad ang aking presidente, kundi sa talino, prinsipyo at gawa.

Vote Wisely !

Advertisements

Responses

  1. No for Noynoy. Yes for Gibo!

  2. Seg,

    If this time Gibo shall renounce his aso-ciation with that bitch, I may ask my family, relatives, friends and former colleagues to vote for him. Pero wala, eh.

    Ginawa na nga siyang parang tisyu paper na ipinampunas sa wetpaks, ni ha ni ho wala tayong mabasang wala na siyang kaugnayan kay gloria. But I do respect your choice.

    Para sa akin naman, anyone kina Noynoy, Eddie Villanueva, Irap at JC, huwag lamang kahit kanino Dick loving Gordon, Gibo (ewan kung anong galing at talino meron), at lalong lalo na sa swimmer in the sea of etats na si Money Villar, okey na sa akin.

    For VP, I stick to Mar!

  3. Hello mga kabalen, maliban lang doon sa bitch at sa mga alipores niya na hindi ko kabalen, hehehe.

    I love you Philippines and Happy Mother’s Day!

    Unlike Seg hindi pa ako daisy-dido, hehe, kung sino ang iboboto ko. Daisy my deer na may crush daw noon sa akin (biro lang mare), sino ang iboboto mo? May nakita akong yellow ribbon na nakasabit diyan sa lumalaylay mong, hehe kuwelyo, ngunit hindi ko matiyak kung kay Noynoy ka o kay brother Eddie.

    Pinagpipilian ko pareng Mags ay sina Erap at Binay, or any of the three independent candidates for president, o kung hindi ay Dick at Bayani. I am considering also Jamby and Mar dahil magkamag-anak iyong dalawa kaya baka sakaling maganda ang kanilang working relationship.

    Ang mahalaga pareng Mags I could exercise my rights and responsibility as a sitisin of dis kantry, hehe.

    Seg, good luck na lang kabalen sa choice mo. If ever ay dapat mo nang ihanda ang iyong sarili sa ano mang mangyari, win or loss maaring Gibo ka pa rin just like Anabelle Rama and her byutipol doter na si Ruffa.

  4. Mer,

    Kanino ka namang boboto para sa presidente? Magparamdam ka naman kahit padaplis lang, hehe.

    Baka naman nagsabit ka na nag yellow ribbon sa iyong bintana?

    Sabagay kahit sino diyan a puweding iboto kaya lang piliin po nating ang pinakarapatdapat dahit walang ibang sisisihin natin kung pumalpak sila but awer on sarili, hahaha!

  5. Linteykz na Banong naglasing sila ng mga kaibigan niyang tanod kahapon dahil hindi na raw sila makakainon ng alak magmula sa araw na ito hanggang katapusan ng election.

    Ayun si Banong ay parang ibinabad sa sukang Paombong na galungong sa kalasingan, hehehe.

  6. Iyong isang tanod naman ay hinubaran na ng kanyang misis para mapunasan niya ng tubig sa buong katawan dahil hirap nang huminga, hehe. Bakit hindi na lang niya dinala sa carwash at doon ay binombahan ng tubig na parang kotseng winawasing.

    Disiplina lang ang kailangan mga kaibigan sa halalang ito. Sana Honest Orderly at Peaceful ang ating Election.

  7. SA LAHAT NA MANDADAYA SA ELEKSIYON NA ITO AY ISUSUMPA DAW KAYONG LAHAT NG ULYANING PINSAN NG AKING BIYENAN.

    Be careful, watch your steps ladies and gentlemen of the Republic of the Philippines.

  8. Before I forget, para naman mabawasan ang mga tambay diyan sa Pinas, ‘yung kaibigan kong general manager dine sa Saudi ay nangangailangan ng experienced masons, gypsum board installers, welders, carpenters, heavy equipment operators, mechanics at, tile setters.

    If there’s any one you know, just send passport copy and CV at MRivera@almabani.com.sa. Ages from 25 to 40.

    Huwag kayong mag-iisip na magkakapera ako dit, hane? Para la’ang makatulong at nang mabawasan ang mga nakatingala at nakatunganga.

  9. Kap and Manong Magno matagal po akong nawala dahil sa aking ministry at medical mission. I am back for a while lang dahil sa election na ito. Kumosta na po kayo?

    Mer and Seg sana matagumpay ang ating election. Let us pray.

    Kap, by the way, sana manaig ang katotohanan sa election na ito at tayo’y magkaroon naman ng tunay na lingkud at halal ng bayan. Sawa na ba kayo kay Kabalen? Hahaha!

    Kumosta kayo diyan sa Tondo mang HaydeenKoi? Sino ba ang malakas diyan, haha. Kay Asiong ba o kay Manny Astig kayo? Regards to mang Dolphy too.

    My best wishes and prayer to all of you my dear friends!

  10. Tapos na ang eleksiyon. Tapos na rin ang bilangan. Tapos nang humusga ang taong bayan. Subalit hindi tapos ang TUNAY NA LABAN.

    Nariyan pa, hindi pa nawawala ang tinik sa ating lalamunan. Nagpalit lamang siya ng paghahasikan ng kawalanghiyaan kung saan hindi halos nabago ang hawak niyang kapangyarihan. Nandiyan pa rin ang mga ulol niyang kawan. Mga gabineteng hinalal ng mga tangang botante at gunggong na tagapagtaguyod na naniniwalang nabago sa maaayos ang kanilang pamumuhay kahit naghuhumiyaw ang katotohanang gapang sa dusa at hilahod sa gutom ang nakararaming mamamayan.

    Dahil sa ginawa ng mga taga ikalawang distrito ng Pampanga ng paghahalal bilang kinatawan nila si gloria, SILA ang mga walang damdaming nagtanim muli ng binhi ng katiwalian.

    Sa ginawa nilang ito, hindi n’yo siguro kami masisisi kung ipagdasal naming sa muling pagdanas nila ng katulad na kapinsalaan noong pumutok ang Bulkang Pinatubo ay tuluyan nang malibing sa lahar at mabura naturang lugar kasama na ang mga naninirahan.

    Pinatunayan lamang nila na sila, ang nagluklok kay gloria sa konggreso ay walang pasubaling mga dugong ASO!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: