Posted by: kidlatanvillage | April 23, 2010

Pinagpalang Manikyurista, Inggit Lang Kayo…

Kung dati rati ay ikinahihiya ni mareng Metring ang pagiging manikyurista ng kanyang kaisa-isang anak na lalaki (bading?) dahil puro nakapag-aral at may matataas na katungkulan na sa gobierno at pribadong organisasyon ang kanyang mga anak, ngayon ay muling nabuhayan loob at taas noo nang ipinagmamalaki ang kanyang si Mimi (Geronimo) na isang all-around beautician magmula nang kanyang nabalitaan ang paghirang ni Pangulong Arroyo sa kanyang personal na manikyurista na maging kasapi ng Board of Trustees ng Pag-ibig Fund na may malaking pondo na umabot na sa P202 billion pesos.

Ano ba ang ginagawa ng isang member of the Board of Trustees ng Pag-ibig Fund?

“The Board of Trustees reviews the policy recommendations coming from the management of Pag-IBIG. If we have housing loans or membership guidelines, the Pag-IBIG management will make a policy recommendation and we will submit it to the Board of Trustees for their appreciation and approval. There are also projects that are not under the authority of the officers and employees of Pag-IBIG, which are supported to the Board of Trustees,” ayun kay Jaime Fabiaña, president and CEO of Pag-IBIG Fund nang siya’y interbyuhin sa dzMM.

Kaya ba itong gawin ng personal manicurist ni Mrs. Arroyo na si Anita Carpon?

“Mabigat iyan in terms of responsibility,” sabi  ni Fabania. “Basically, it’s more of policy formulation and review of projects that need approval,” dagdag pa niya.

Pero palusot naman ng Malacanang:  nais lang daw ng presidente na magkaroon ng representasyon ang mga kawani ng gobiyerno sa housing fund ayun sa kanyang spokesman na si ginoong Gary Olivar. Sabihin na nating maganda ang intensiyon ng palasyo sa pagtatalaga kay Anita Carpon bilang kinatawan ng mga manggagawa ng gobiyerno sa Pag-ibig Fund, nasa tamang katuwiran ba sila?

Kung ang pagbabasehan ay ang komposisyon ng Board of Trustees ng Pag-ibig (Board of Trustees is composed of the chair of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), the secretaries for the trade, finance, budget and labor departments, the CEO of the Pag-IBIG Fund, 2 representatives of private employees and a representative for government employees) ay masasabi nating tama ang paghirang sa isang manikyurista lalo na kung talagang kawani siya ng gobiyerno.

Kaso ito ang problema ko mga kapatid, in terms of qualification ay insulto  ito sa mga ibang kawani ng pamahalaan na mas nakakahigit pa ang kanilang qualifications, experience, at kakayahan kay sa isang manikyurista lamang.

Ano siya sinusuwerte? Ay, talagang sinusuwerte. Presidente na itong nag-appoint sa kanya. May angal kayo?

Bakit ka nga hindi aangal niyan tignan mo naman kung magkaano ang kikitain ng isang manikyurista kapag nahirang na siya bilang kinatawan ng mga manggagawa sa Board of Trustees ng Pag-ibig Fund.Tumataginting na P130,000 a month in per diem. Maliit pa raw iyan, baka madoble pa at umabot pa sa P300,000 sabi ni Jarius Bondoc isang kulumnista na unang naghayag ng balitang ito.

Pero ayun naman kay Fabania ay sobra daw naman iyan. Ang isang tustee ay tumatanggap lang ng “P1,000 per diem for the monthly Pag-IBIG board meeting” at “P3,000 monthly representation allowance.” Ayun pa kay bosing (Fabania) P20,000 hindi P130,000 ang monthly income ng isang trustees. Ang payat naman nito, hehe.

Sino kaya sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan?

Suma tutal ito’y isang kahibangan at walang pakundangang pag-abuso ng kapangyarihan ng pangulo. Ang tawag dito ni Mayor Binay na tumatakbo ngayong bilang vice-president ay isang “brazen abuse of presidential power.” Ayun pa sa mga ibang kritiko ni pangulong Arroyo, ang pag-appoint kay Carpon ay isang karagdagan sa dumadaming bilang midnight appointment of incompetents ng pangulo. Hindi na inisip pa ng pangulo ang kapakanan ng publiko sa pagtatalaga ng mga taong loyal sa kanya kahit wala silang kakayahang humawak pa ng mga senstibong posisyon sa gobiyerno ang sintemyento de asukal naman ni Butch Abad ang Liberal Party.

At bakit naman daw ginagawa ito ng pangulo? Ayun sa kanyang mga kritiko hindi sa nais niyang bigyan ng magandang puwesto ang mga taong naglilingkud ng tapat sa kanya kundi pinaghahandaan lamang niya ang kanyang pagbaba sa puwesto  na kahit hindi na siya presidente ay malakas pa rin ang kanyang inpluwensiya sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan lalo na sa mga may kaugnayan sa pananalapi. Totoo kaya ito, hehe.

Sabagay hindi lang naman si Ginang Arroyo ang gumagawa nito, pati mga gobernador din at saka mga mayor. Bago sila aalis sa puwesto ay tinitiyak muna nilang promoted ang kanilang mga tao, o kaya mabigyan ng maganda at permanenteng puwesto sa gobiyerno. Noon pa man ay nangyayari na ito. Ginagaya o hinihigitan lang ng pangulo ang maling gawain ng mga nauna na kanya sa puwesto.

Kawawang bansa, kawawang mamayan, kailan ba tayo aasenso? Pero bago ako magtapos, tama ba ang dinig ko sa balita na ang isang gardener daw ni pangulong Arroyo na nagngangalan ng  Armando Macapagal ay in-appoint na deputy Park Administrator ng Luneta? Aba hindi masama, oks na sa kanya ang item. Isang bagay lang, hindi niya kaya pupunuin ang Rizal Park ng napakaraming dwarf coconuts?

Advertisements

Responses

  1. Hay nakwo, inggit nga lang kayo.

    Tse!

    Ano’ng magagawa kung nagustuhan ni ma’am ‘yung pagpepedikyur ko sa mga patay niyang kuko sa paa at pagdedesayn na diretso sa tingin ang mga baluktot niyang kuko sa kamay? Kasi, kung hindi niya ginawa ‘yun, ibabando ko sa buong Philippines and around da werld na may tibak ang kamay niya at sobrang baho ng kanyang mga paa.

    Kapag pino-foot massage ko nga siya walang magawa kahit ilang galong deodorizer ang maubos para bumango ang paa niya.

    Kapag kinakausap naman niya ako, ay tumatalsik ang laway at naku, alam n’yo ba kung bakit ‘yung kanyang dentista ay binigyan niya ng posisyon sa gabinete niya?

    Ammmbaaaaaaaahhhoooooooooooooo ng bad breath pala ng bruha!

    Parang bulok na sibuyas Indian!

    Kaya, huwag na kayong mainggit. Balatuhan ko na lang kayo.

    Sey n’yo? Hmmmm?

  2. Hahaha!

    May joke joke si Anthony Taberna:

    Kinausap daw ng manikyurista niya si madam at humihingi ng umento sa kakarampot na sahod niya.
    Manikyurista: Madam kailangan mo nang itaas ang suweldo ko. Kasi ang liit-liit naman ang kinikita ko (something like that).
    Madam Gloria: What nagrereklamo ka na maliit ang suweldo mo. Bakit di mo ba alam na maliliit din naman ang minamanikyur mong kuko ko.

    Oo nga naman, kuko ng duwende, hehehe!

  3. ……….P20,000 hindi P130,000 ang monthly income ng isang trustees…

    Sino kayang tanga ang akala nitong si Fabania ang maniniwala sa kanya?

    Kung ganyan lang ang buwanang kinikita ng isang trustee ng Pag-IBIG, meron kayang magkakainteres?

    Baka naman itong P20,000 na sinasabi niya ay allowance lang, hindi kasama ‘yung sadyang buwanang suweldo?

    Kahit pa. ‘Andaming mas kuwalipikado kaysa dito kay Ms. Carpon. Saka hindi siya empleyado ng gobyerno. Personal lamang siyang tagapaglinis ng mga kuko ng Barbie ni Lucifer.

  4. Ang sarap naman ng buhay ng mga ito. Pera ng mga kawawang empleyado ay winawaldas para sa kanilang pansariling kapakanan.

    Sorry to say that pero iyan ang aking perception sa taas ng kanilang mga tinatanggap na benepisyo.

  5. Mer silent na silent ka kapatid. Nagaaral ka na rin bang magamanikyur?

    Sino ang pinagpapraktisan mo ang kuko, iyong anak ng lola mong buwaya, hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: