Posted by: kidlatanvillage | March 5, 2010

Manalangin Tayo Brother Eddie

Napanood ko kanina sa isang morning show ng telebisyon si brother Eddie Villanueva habang ini-interview siya ni Ka Toning Taberna ng ABS-CBN sa programang Umagang Kay Ganda. Marami siyang tinanong ngunit ang huli ang siyang nabaon ng husto sa aking utak. Ganito ang takbo ng tanong, paano na kung sa pangalawang pagkakataon ay matalo siya muli, masasabi pa bang kagustohan ng Diyos na siya’y tatakbo bilang isang lider ng bansa?

As usual may ready nang sagut diyan si brother Eddie: Gusto ng Diyos na malusog at walang nagkakasakit na tao. On the other hand ang mga tao naman ay binabale-wala nila ang kagustohan ng Diyos sa kanilang mga bisyo at unhealthy life style kaya maraming nagkakasakit at namamatay na tao. Gusto ng Diyos na maging maunlad ang ating bansa kaya dapat nating magtatag ng isang righteous and honest . Ngunit iba naman ang ibinoboto ng mga tao, mga pulitikong makasarili at korap na lider ng bansa. Kaya ano ang ating maasahan? Kahirapan at kagulohang na sanhi ng sumpa at kasalanan sa pagbabale wala ng kagustohan ng ating Panginoong Diyos na magtatag ng isang matuwid na pamahalaan at competent leadership na may takot sa Diyos. Para kay brother Eddie ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin na magbigay ng isang alternatibong pamunuan sa bansa, nasa tao na iyan kung tatanggapin ito o piliing mabuhay sa isang bulok na sistema at makasalanang uri ng pamahalaan.

Tungkol naman sa edukasyon nais ni brother Eddie na magkaroon ng access sa isang world class na edukasyon ang lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap. Pagtutuonan pansin daw niya ang pag-angat ng standard of education with upgraded facilities for learning. Aba, kung siya nga ang pipiliin ng mga tao ay ito na siguro ang katapusan ng hindi matapos-tapos na problema ng kakulangan ng mga classrooms at kagamitan para sa pagtuturo magmula elementary hanggang tertiary education. Ibig bang sabihin dito ni brother Eddie ay dodoblehin niya ang pondo para sa programang pang-edukasyon ng pamahalaan? Sinong ayaw nito? Ang tanong kaya ba ni brother Eddie na isagawa ang kanyang plata porma para sa mahusay na programang pang-edukasyon ng ating bansa? Ang sagot diyan ay isa ring tanong marahil. Wala ba tayong tiwala sa kakayahan ng Diyos?

Pagdating sa kanyang accomplishments, aba marami na ring nagawa si brother Eddie kahit hindi pa siya naihahalal bilang isang lider ang bansa. Una napakulong niya ang mga sindikato ng landgrabbing daw sa Bulacan nang siya ay isang student leader pa lamang. No doubt kaya din niyang resolbahin ang isyu ng Hacienda Luisita kapag nahalal siyang pangulo ng bansa. Para sa edukasyon ay siya ang isa sa mga rason kung bakit may sarili nang campus ang PUP dahil ipinaglaban nila ito noong araw ng siya ay student leader pa lamang. Ngayon kung mananalo siya bilang presidente ay lalong madadagdagan pa ng mga Unibersidad at kolehiyo, offering high standard quality of education, sa buong bansa para sa mga mahihirap. Ayaw ba ninyo iyan?

Alam ni brother Eddie na napakayaman sa natural resources ang ating bansa. Kalabisan nang may mga naghihirap pang mga tao na kumakain diyan ng ipis at pagpag, at mga tinapong pagkain sa mga basurahan. Ito ang nagtutulak kay brother Eddie para tumakbo bilang presidente ang ating bansa. As an economist ay pasisiglahin niya ang pangangalakal at industrialization para magkaroon ng kita ang pamahalaan at hanap-buhay ang mga tao. Ang ating mga natural resources ay maingat at nagagamit nang mahusay para sa ating pag-unlad na hindi nanganganib ang ating kalikasan at magkaubusan ang ating likas na yaman.

Sabi nga ni Ka Toning marami nang klase ng tao ang ating ihinalal na pangulo, may mandirigma, may housewife, may napakatalinong tao, mayroon ding artista, etc. Ngunit hanggang ngayon ay kulelat pa rin ang dapat sanang maunlad na bansang ito. Hindi kaya panahon na para maghalal ng isang taong may takot sa Diyos? Hindi kaya panahon na para ipaubaya natin sa kamay ng Diyos ang pamumuno ng ating bansa? Para sa akin mas mainam na ito kaysa sa ang ating pamahalaan ay nasa kamay ng mga baboy at aso ayon sa pananaw ni brother Eddie.

Pero, ang Diyos pa rin ang siyang nagpapasya para sa lahat di ba brother Eddie? Gaya ng sabi nga aking kaibigan na si Doc.bobonyo, dapat tayo’y magsuri at manalangin nang ating malaman kung ano talaga ang kalooban ng Diyos para sa atin.

Para sa kinabukasan ng ating bansa, di ba dapat ay manalanging tayo brother Eddie nang magliwanag ang ating mga isipan at maihalal natin kung sino ang talagang karapat-dapat at pinili ng Diyos na magaahon sa atin sa kahirapan.

Advertisements

Responses

  1. Bilang isang lider ng mga mananampalataya ay hindi na dapat pang kumandidato sa pagkapangulo si Brader Edi sapagkat magkakaroon ng conflict sa kanyang pamumuno. Sa kanyang simbahan, sa buong sambayanan.

    Alin ba ang mas pagtutuunan niya ng pansin? Ang kapakanan ng kanyang kawan o mangibabaw ang kagalingang pangmamamayan?

    Dapat sana, irespeto niya ang separation of the Church and the State. Hindi, eh.

    Maliwanang na gusto niyang sakupin lahat.

    Puwede ba ‘yun?

    How can he serve two masters at the same time? Or does he like to be called a master of both sides?

    Natalo na nga nu’ng una, hindi pa nadala gayung maliwanag na ‘yung ipinagmamalaki niyang milyong JIL members ay hindi bumoto sa kanya lahat?

    Sa mga pinuno ng simbahan o alinmang pananampalataya, HUWAG na kayong sumawsaw sa pulitika. Iisa din lang ang tungkulin ninyo bilang mamamayan pagdating ng araw ng eleksiyon – ang bumoto sa gusto at inaakala ninyong magiging matapat na lider ng bansang maglilingkod ng walang pag-iimbot at hindi pangingibabawin ang kaway ng katiwalian.

  2. Para ding si goyang ‘yang si Brader Edi, eh.

    Hinirang daw ng Diyos upang mamuno sa Pilipinas.

    ‘Yung isa nang-agaw noong una at nadaya nitong pangalawa at ninakaw pa ang boto ng kalaban samatalang itong isa ay natalo na nga’y nagungulit pang kagustuhan ng Diyos na siya ay maging pangulo ng Pilipinas?

    Diyuspuday!

  3. Hehehehe, kailangan talaga na may legal separation ang church and the state. Kung hindi babangon muli si Rizal sa kanyang puntod upang hanapin si Padre Damaso at hahatawin sa ulo.

    Ang ponto dito, no doubt maaring maging matapat si Brother Eddie sa pagsisiserbisyo ng bansa na walang kinukurakot. Pero ito na lang ang ating isipin, kapag ibinoto siyang presidente at nanalo siya na ang makapangyarihang tao ng Pilipinas.

    May state power na siya, may church power pa siya, aba siya na ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa. What he says will always be done.

    Sa parteng ito ay malaking bagay iyong may kaugnayan siya sa isang malaking religious organization.

    So in his decision ano ang mananaig, his church or state’s principle?

  4. Fly fly fly the Kannaway, lumipad sa Ifugao, pagdating sa Bontoc, Ipinagpalit ng Balitok (gold).

    Our leaders should be guided by Constitutional principles not by the dogma of the church where they belong.

    Otherwise our democratic values and ideals will be subordinated by a religious doctrine not shared by the many.

  5. Mer and to everybody, is it true na kapag kumakati ang itlog ng isang (guy) lalaki ay wla daw laman ang kanyang bulsa?
    Hehehehehe!

  6. Teka, ano naman ang kaugnayan ng bulsa sa itlog?

    Ikaw Seg, saan mo na naman nakuha ‘yang kasabihan na ‘yan?

    Ano’ng malay mo kung kati ng itlog ng kapitbahay mo ay dala o bunga ng El Nino?

    Bakit na naman ba napasama ang itlog dito?

    Brader Edi, pakisagot nga. Teka, may itlog ka ba?

  7. Prinsesa Segundina namasyal ka na naman sa palengke ano at may nasagap ka na naman sa mga kumare mong pasaway?

    Sa akin lang kumakati ang itlog ng gay or guy dahil sa kakamot ng kanyang ulo tuwing nauubosan siya ng pera at sabay-sabay pa ang mga naniningil na kanyang pinagkakauatangan.

    Curious lang me, ano ang kulay ng kinakating itlog Tito M? Hehehe!

  8. Tito Mags ibig mong sabihin naging balut na o kaya’y nabugok iiyong itlog ng manok ni brother Eddie? Ay sarap sipsipin iyong sabaw mula sa mainit-init na balut.

    Balut, balut, para po-ki- boy, hahaha.

  9. Mga salbahe kayo!

    Bakit ba pinagkakatuwaan ninyo angitlog ng mga barako?

    Pero, dahil tinatanong ninyo, eto ang sagot ko, base doon sa karanasan namin noong mga tinedyer pa kami.

    Ang kulay ng itlog na kumakati ay parang namumuting namumula dahil sa nanunuklap na balat at parang nagsusugat na kalamnan. In short, kulay ng binubuni!

    Ngak!

    Kahit itanong ninyo doon sa mga kelots na bihirang maligo at mahilig kumain ng binagoongang ulam.

    Parang pagkakaalam ko nagado didyay ti Ilocano.

    He he he! Pasensiya na ‘yung mahilig kumain ng pakbet.

  10. Aray, parang nangangamatis pa ang kulay?
    One time nga ay may binatang kinagat ng babaeng langgam daw ang kanyang itlog. Nagkapantal pantal daw at ang kulay ng pantal na humahapding makati-kati at masarap kamotin ay kulay ginisang alamang ng Lingayen Pangasinan.
    Naranasan na kayang kagatin ng mga amasonang langgam ang dalawang itlogs ni Kaps, hahaha!

  11. Hoy Mer-cury nasa school lang ako at hindi tumatambay sa palengke ngayon. Ayaw kong may makatabi akong Bumbay baka kung anong maamoy ko at maitransmit dito.
    Kawawa naman si kuya Mags baka hindi siya masupokeyt siya sa singaw ng gas chamber ng mga hari ng payb siks.

    Hehehe.

    Girl, bakit puro kalbo ang mga lalaking nakakasabay mo ngayon sa LRT. Mga marino ba ang mga ito na mahilig sumisisid pagitan ng dalawang hita, este dagat–China sea and Pacific Ocean.

    Bago ka magalit basahin mo nang maigi ang poste ko ha???

  12. Correction to my above comment.
    hindi siya makahinga… at masupokeyt siya sa singaw….

  13. Seg,

    ‘Kasalbahe naman at sobrang class ‘yung langgam na ‘yun.

    ‘Yung binata ay sigurado akong nagtitiis lang sa tuyo at kamatis samantalang ang langgam ay di pa-itlog itlog pa. Maige siguro kung hindi naamoy ‘yung langgonisa.

    Baka ang naging labas niyon ay parang langgonisang mukhang atis.

  14. Villanueva takes the hot seat on DZBB’s ‘Ikaw Na Ba? The Presidential Interview’

    http://www.gmanews.tv/largevideo/related/55930/qtv-villanueva-takes-the-hot-seat-on-dzbbs-ikaw-na-ba-the-presidential-interview#Scene_1

    Siya na nga ba ang tatapos sa mga katiwalian at mag-aahon sa Pilipinas?

    One more chance once again for the second another time?

  15. Isang tao lang kasi ang nagsasabi nito tito M. Kailangan ay collective voices of the majority of the people. Brother Eddie may have good intentions but the greater majority of the Filipinos voters have other names in their minds. They may even elect a corrupt leader, or one corrupt politician may even forces his way to the presidency, or may simply buy the voters. In a way tama rin si brother Eddie, people might even elect one which is not necessarily Godly. Problema lang kasi, kung sino ang may pinakamataas na boto ay siya nang tatanghaling pangulo.
    Sabi natin God’s will pero even God’s will is undemined by the voice of the majority. The voice of the majority is the voice of God which may not even be true since there is such a thing as cheating.

  16. Kagaya ni Senator C-5 at tiyaga, kung siya ang mananalo masasabi ba nating na truly God’s will ang kanyang pagkapanalo. E kung matalo si brother Eddie, God’s will din ba o di pagsunod ng mga tao sa Kagustohan ng Diyos?
    Ay mahirap yatang intindihin kapag pinaghalo mo ang relihiyon at pulitika.

  17. Outside the topic na.
    Question tito Mags. Kung biglang mautot si Segundina sa harap ng kanyang mga manliligaw di ba nakakahiya? E kung nandoon ako at natawa, pero sa pagtawa kong iyong ay lumubo ang uhog sa aking ilong, sino po ba sa amin ang mas nakakahiya?
    Kasi sabi ni Seg ako raw ang mas nakakahiya dahil ay ebidensiyang nakita. Sa kanya raw ay wala dahil ang utot ay di naman nakikita, hehehe.

  18. Mer,

    Huwag mong sasabihing magiging bias ang sagot ko sa tanong mo, hane?

    Pero sa totoo lang, huwag sasama ang loob mo. Ikaw ang kahiya hiya, hindi doon sa ebidensiyang paglobo lang ng ilong mo kung hindi sa maaaring hinalaing dahil sa kabag ay hindi lang sa likuran lumabas ang masamang hangin bilang utot kundi umakyat pa sa ilong at doon sumabog at kasama pa ang pinaglaruang nalulon mong plastic balloon.

    Subalit, kung ang pag-utot ni Seg habang nakaupo ay sa harapan ng kanyang manliligaw ay nakakahiya din dahil dapat, kung uutot siya ay tatalikod siya sa kanyang bisita. Hindi na baleng maamoy niya, basta ‘yun ang tinatawag na proper ethics when you are discharging an unwanted low pressure accommodation of air.

    Pero, ‘yang mga kahiya hiyang ‘yan ay may maganda rin namang resulta dahil kung hindi ninyo mailalabas at pipigilin pilit ang masamang hanging ‘yan ay baka sa ospital pa kayo bumagsak.

    Hindi na baleng maging kahiya hiya huwag lamang maospital sanhi ng kabag.

    Payo at moral of the lesson: Bawasan ang sobrang kain ng kamote o anumang pagkain na sobrang dami. Uminom ng tubig upang madaling matunawan.

    And, if symptoms persist insult Doc Bobonyo.

  19. HAHAHAHA!

    Dapat mabasa ito ni Segundina. Pero alam ko umiiwas siya sa ganitong topic dahil quilty.
    Anong masasabi mo miss O-2-10 hehehe. Magkuwento ka nga kung papaano mo napalayas iyang si Mr. Makisig (yuck!) na pomoporma sa iyo.
    Bagay nga kayo, pareho kayong mahilig sa hangin. Si Makisig sa utak may hanging, ikaw naman ay laging kinakabag.
    Sorry Seg enjoy lang akong mang-asar sa iyo, hahaha.

  20. Bastos ka. May araw ka rin.
    Siya nga pala malakas daw sa police dog ang pang-amoy mo kaya ultimong singaw ng niluluto kong bulalo sa Makati ay naamoy mo pa, hehehe.

  21. Insult you doctor, hehehe.

    Si dok B. ay hindi kinakabag? Maniwala ka diyan, kagaya din naming taga Cordie iyan. Mahilig kumain ng kamote. And mind you ha, masarap kainin ang kamote.

    Di ba iyan nag palagi mong binibili at kinakain nating meryerda noon ha Mer-cury?

  22. Mrivera

    Kaya pala hindi ka pumapasok PI ni PareCoy, dito ka umiistambay at kinakalantari mo ang nagagandahang tsikas todits.

  23. Kumusta na kayo mga Ineng at kay Kapitan K? Mahirap mawala sa sirkulasyun, ang dami na palang nangyayari, hindi ko namamalayan. At ‘tong kay Bro. Eddie, siya rin ang latest topic sa PI pero minarapat kung dito mag-komento dahil mas malamig ang environment dito ngayon. Nagbabaga at nakakapaso ang political debate sa kabila eh wala tayong masyadong alam dun sa Zambales except yung Pinatubo eruptions.

  24. Mayroon din akong nasagap tungkol sa kandidatura ni Bro. Eddie at hayaan nyong ilipat ko dito ang nabasa ko sa sinulat ni Atty. Batas kung sakaling hindi pa nyo napapagtuunan ng notice:

    20 M FILIPINOS NOW CONSTITUTE “BANGON PILIPINAS” MASS BASE: As of Wednesday, 03 March 2010, some 20 million Filipinos nationwide already constitute the mass base of “Bangon Pilipinas” Party of presidential candidate and Jesus Is Lord (JIL) head Bro. Eddie Villanueva, and these millions of people will work to ensure that he becomes the next president of the Philippines, and to see to it that all of the candidates of the party will win in the May elections.

    This was disclosed Wednesday by Dr. Israel Virgines, a masteral and doctoral-degree holder pastor-turned- top caliber educator-and- aspiring lawyer, when he guested and was interviewed for more than an hour at my program “Batas Media Reports” at BATAS INTERNET TV and BATAS INTERNET RADIO at the Internet website http://www.batasradio. com.

  25. Virgines, who hails from San Antonio, Nueva Ecija but who has since taken up his residence at Silang, Cavite to devote his time as a vice president of the Adventist University of the Philippines in that town, said this number of supporters for Villanueva and his entire slate, including lawyer Perfecto Yasay Jr. who is running for vice president, comes from people who believe in God no matter what their religious or spiritual leanings may be.

    Speaking in glowing terms about God’s hand in the selection of this country’s leaders in the May 2010 elections, Virgines told me that Bangon Pilipinas has become certain of its victory in the polls principally due to the desire of believers, whether Christians or Muslims, to band together for good and graft-free governance, and that it would take a miracle to make Villanueva and his candidates lose this time.

  26. Dugtong pa ni Dr. Virgines:

    “GOD WILL INTERVENE IN THIS ELECTION”: Victory will come even if Bangon Pilipinas does not have candidates for congressmen, governors, mayors and councilors in any of the country’s provinces, cities or municipalities, Virgines said, explaining that some sense of urgency seems to have enveloped Filipinos now, who are vocal that they have already enough of corruption and abuse in government.

    “The people themselves will not allow us to lose, because they are the ones campaigning, they are the ones funding our campaigns by their purchases of Bangon campaign materials, organizing speaking events and bringing food and drinks paid for by their own pockets during sorties,” Virgines told me.

    Supporters are also carrying out motorcades, fanning out to markets, malls and other public places, distributing campaign leaflets and propaganda materials, all by themselves, without even bothering to ask for even a single centavo from Brother Eddie and from Jun Yasay.

    In fact, even big religious organizations now are supporting Brother Eddie and Jun Yasay, Virgines said, as demonstrated by a group’s gift of a brand-new van and several multi-cab vehicles for Bangon’s campaign.

    Most of all, Virgines said, it is the perception that God will intervene in the May elections so that only leaders who are really working for God, who have the true fear and love of God in their hearts, in their minds and in their souls, will win, so that the destiny of the Philippines as the source of evangelizers for the whole world will be realized.

  27. Salamat pareng Joe at nakarating ka dito. Matagal-tagal ko na ring kinasasabikan ang mga magaganda among comments na ipinoposte dito pati iyong mga readings mo. Lalong lumalawak ang kabatiran ng bawat isa habang nababasa dito ang iyong mga inputs.
    Salamat uli pareng Joe.

  28. Medyo nabigla ako sa poste mo ngayon regarding the 20 million votes for brother Eddie coming from various religious organizations.

    Pero lalong nakakabigla iyong balita tungkol sa pagsurporta ngayon ng mga Seventh-Day Adventists
    kay brother Eddie. Kasi hindi kilalang nakikisawsaw sa pulitika ang grupong iyan. FPJ went to the Adventist University in Silang Cavite noong kumandidato siya sa pagka-pangulo pero he was just welcome like an ordinary visitor doon. Hindi ko lang alam kung sinuportahan siya ng grupong ito.
    If ever na ang mga religious groups na hindi dati nakikisawsaw sa pulitika ay sumusuporta na ngayon kay brother Eddie then there must be a problem na nakikita ng mga ito na sa kanilang paniniwala ay si brother Eddie lang ang nakakalutas.
    The 20 million votes for brother Eddie, malaking himala ang mangyayari niyan sa Pilipinas.

    Pero tanongin muna natin si Nora Aunor, mayroon bang Himala?

    Everything is possible, may tinatawag pa rin tayong silent majority. Baka naman magsalita na sila ngayon at sasabihin, “E, di Kay Villanueva tayo!!!”

  29. Kapitan K

    Nabasa ko rin lang yan pero actually, hindi naman sinabing 20M votes kundi yan ang tinatawag nilang mass base. Kapag 20M boto yan, jesusjosemaria or jejomarbinay, out of 50M registered voters, panalo na si Bro!

  30. Gitgitan na ang labanan sa ngayon at anything can happen pa isa kabila nang nagsusulputang surveys. Sana, ang mga botante ay hindi madala o mapaniwala sa mga surveys, suriin nilang mabuti kung sino ang kanilang gusto matapos tanggapin ang datung kung mayroong nagbibigay.

    Puro kasi pagsugpo sa kahirapan ang bukambibig ng mga kandidato kung kaya kapag sinundan ng alok na pera , mahirap na ring tanggihan ang iniaalok. Ariin na lang na delayed Christmas gift sapagkat aminin o hindi, yan ay pampa-agdong buhay sa talagang naghihirap.

  31. Mr. Joe,

    If not for my very mahigpit na bantay, I most likely join also sa PI but the sorrow of it is you already know. And besides, I found here in the Captain’s Village a fountain of happiness and joy to include a warm acceptance going into the kitchen of abundant provision of jokes with no limitations but not like the kind the asungot in CD used to injectionize to us.

    I also understand that hambog penetrated the PI already making that corner stand the literary short cut of P..ang Ina.

    Nakakalungkot naman.

    Dapat haplusin siya ni Brader Edi.

    Baka sakaling magkaroon ng himala at ‘yung bastos niyang utak ay mahugasan.

  32. Hahaha, pareng Mags nasa top billing pa ang pangalan ninyo. Hindi na ako sumagot pa dahil alam ko naman na nagpapasingaw lang siya ng init ng ulo nang pagsarhan siya ng pintuan ni pareng Cocoy.

  33. Pareng Joe, salamat sa koreksiyon mo.
    Basta inisip ko na lang kasi na 20M.
    Panalo na nga si Bro niyan, hahaha.

  34. Puro pagsugpo ng kahirapan ang bukambibig nga nitong mga pinagpipitaganan nating mga kandidato sa pagkapangulo.
    Ibig sabihin pagkatapos ang election 2010 ay magsimula nang umunlad ang ating bansa dahil kahit sino man sa kanila ang manalo ay ito ang una nilang gagawin, ang sugpoin ang kahirapan.
    Ganyan lang kaya kadali niyan? Ay buhay mabibingwit na naman si Juan sa mga matatamis ng pangako ng mga pulitiko na palang iihawin na tilapia.

  35. Hindi naman kaya ‘yang 20M na ‘yan ay mga born against at hindi born again?

    At ang JIL na nire-represent nila ay Jess In Love at hindi ang JIL ni Brader Edi?

  36. Hindi naman kaya ‘yang 20M na ‘yan ay mga born against at hindi born again?

    At ang JIL na nire-represent nila ay Jess In Love at hindi ang JIL ni Brader Edi?

    Teka, di ba’t yang mass base ay ‘yung ginagamit sa pagtugtog sa banda na apat lang ang kuwerdas?

  37. Kaps, medyo minulto ‘ata ‘yung koment ko.

    Plis ereys mo ‘yung una.

  38. Sabi ng mga Obispo kung sino ang makapagpapatigil ng pagbebenta ng condom ay siya ang susuportahan nila. Kaya lahat ng mga presidentiables silent muna sila sa Family planting hanggang hindi pa sila nananalo.
    Pero lahat ng mga Obispong iyan ay natitiyak ko na kung may hindi sila susuportahan ay si Brother Eddie na kasi kapag si Eddie ang nanalo E, di tuloy ang Family planting, este family planning magalit man sila. After all hindi lang sila ang malakas kay Bro, aba malakas din si Brother Eddie kay Lord.

  39. Masamang balita!

    http://www.abante.com.ph/issue/mar1310/luzon04.htm

    Mga BUWAYA’t SAWA, LINTA at BUWITRE, naglalabasan na naman dahil malapit na ang eleksiyon.

  40. We are so much focused on searching for the right candidates but unmindful and unaware of what those vultures are doing behind our back:

    http://www.abs-cbnnews.com/views-and-analysis/03/13/10/malampaya-sellout-miriam-coronel-ferrer

    Hindi ba mas nakakatakot magising kinabukasan na UBOS na ang ariarian ng Pilipinas at itinakas ng mga gahaman sa pangunguna ng pamilyang ganid sa kayamanan?

    Mahigit siyam na taong ginago tayo ng mga demonyong ‘yan ang nagkatawang tao, mga kunyaring maaamong asal hayop naman sa totoo.

    Pilipinas, kailan ka pa matututo? Saan ka patutungo pagkatapos nito?

    Ikaw kasi Juan, patulog tulog sa pansitan. Para kang bakang may tali sa ilong. Kung saan ka hilahing direksiyon doon ka pupunta kahit alam mong bangin na ang iyong kahuhulugan.

  41. Panalo na naman si Pakwan.

    Nandun pala ‘yung alaga nating baboy sa malakanyang. Siguradong milyong dolyar na naman din ang pinanalunan sa pustahan ng bastos na ‘yun.

    Lintek! Sa pagsusugal ay malakas ang katawan, nakakabiyahe hanggang Amerika subalit kapag inimbitahan sa korte o sa senado ay nagsasakit sakitan.

    Unang Ginoo daw na dapat ituring subalit salaulang nakakasuka ang pag-uugaling hindi dapat pamarisan. Malaking pasanin ang mawawala sa ating balikat kung ang baboy na ‘yan ay kunin na ng kanyang kakambal sa impiyerno.

    • Wag mong kalimutan si “Sab-it da woman beater”, andun din na parang langaw. Akala mo siya ang trainer ni Pakyaw, no freaking shame!

  42. Akala ko kung anong baboy nang llilitsunin, hehehe.

    Tito remember bawal sa inyo ang kumain ng baboy, hipon, at mga alimasag.

    Kaya sa kumpari mo na lang na taga Palasyo mo ipakain ang lahat na bawal sa iyo.

    At bawal din na mag-isip kayo ng anything na may kinalaman sa baboy lalo na kung madalas pa itong sumakay sa eroplano at manood ng boxing, hehehe.

    • Magandang parusa sa mga Ampatuans eh pakainin ng lechon, hehe…secretly that is.

  43. Baka tamaan siya ng kidlat kapag kumain ng baboy. Anong tawag dito kapag nalitson iyang si Ampats dahil sa tama ng kidlat, natural justice ba? Hehehe.

  44. Huwag kayong maniwalang hindi kumakain ng karneng baboy ‘yang mga Ampatuan.

    Maaaring hindi, kung merong kapwa nila Muslim na kaharap.

    Kunsabagay, hindi na importante kung literal na pag-uusapan ang pagkain ng karneng baboy dahil sa asal na lamang ng angkan nila ay mas masahol pa sila sa baboy.

  45. Mer,

    Huwag mo akong hinahayblad diyan, hane?

    Hindi na baleng ipagpilitan mong maging kumpare ko si Hudas dahil nagsisi ‘yun sa kanyang mga kasalanan bago nagbigti sa kanyang kuweba dito sa Hofuf, pero ‘yung kumparehin ko’t kaibiganin ‘yung pinapatabang baboy sa kural ng malakanyang ay sukal at hindi matatanggap ng aking kalooban.

  46. Hehehe, sorry po. Hindi pala matanggap ng konsensiya ninyong maging kumparing putik ninyo si Porky.

    Hindi ho literal na kumpare ang ibig kong sabihin, it’s person you totally dislike.

    Huwag na po kayong ma-high blood, magpa-proxy na lang kayo kay Porky. Siya na lang po at hindi kayo dahil mas kailangan po kayo sa daigdig kay sa siya, hahahaha!

  47. Ha ha ha ha haah!

    Salbahe ka!

  48. Mer nagtinda ka pala ng halo-halo sa PI. Uminit na naman ang ulo ni kuya True Blue at si kuya Benigno dahil sa kanilang playmate. Tamang-tama pampalamig ng ulo. hehehe.

    Puwedi utang?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: