Posted by: kidlatanvillage | February 5, 2010

Oh no, this one is not Lady Gaga the Singer– but a “real gaga?”

She said, Gibo despite all the ratings at the bottom, may still emerge as the winner at the end.

“Kung hindi ka talaga gaga niyan (fool) paano mo sasabihing mananalo iyang si Gibo Teodoro e laging nasa buntot kada survey?” said her mother.

But “lady gaga” is one who is not convinced with poll surveys. Propaganda lang, she said. GMA won despite surveys indicating an FPJ win. Of course some other factors (such as magic?) could be cited as the culprit particularly a phone call to one named only as Garci. If her amo (master) won, the annointed successor (is he?) of the throne should also win.

“Bakit mandadaya na naman sila para panalunin si Gibo?” The mother (an Erap loyalist) blurted out.

“No, cheating is not on Gibo’s system. He is more morally upright than other presidential candidates. All he needs is to fix and fine tune his campaign strategy.” “lady gaga” said.

“Saan ka ba pumuposta kapag may laban sa UAAP, sa La Salle or Ateneo?”

“Anong kinalaman ng eskuwelahan dito ang labo naman ninyong kausap?”

“Wala naman kasi masyado mong ipinagtatanggol si Gibo, taga La Salle ka nga.”

“Ay malabo kayong kausap, you are off tangent in everything you say. You are not worth arguing with.”

“Lady gaga” left her fuming mother after saying: “Malagas na ang lahat na buhok ni Noynoy, maubos na ang lahat ng pera ni Manny Villar, mag-erapsion pa mga tuhod ni Erap sa kagagala, talo pa rin sila ni Gibo. Kung bakit? Matalino siya, magaling mag-analyze ng problema at solusyon para sa bansa. And the last but not the least, he has a campaign machinery all over the country which others do not have.”

According to the news Gibo has been doing well in the presidential debates and mock polls. However his standing on national election surveys remained where it has been pegged. There must be something wrong with his propaganda machine needing to be fixed. Teodoro’s camp however  believes that the presidential candidate who is alien to many people is not given enough media mileage.

“Mass media do not seem to be carrying a lot of stories about how former [defense] Sec. Teodoro is coming out in all the political debates that have been going on,” said so by Executive Sec. Eduardo Ermita.

But some neutral corners analyzing these survey results, where Villar and Aquino are now on similar statistical level, can not help but point on Gibo’s relation with the President being her former Defense Secretary as main obstacle for his poor rating. While it may not be so, people could always associate Gibo with the various corruption issues eyed against Gloria Arroyo’s administration. Although some people believe also that a promise made by Gibo to prosecute the president of alleged corruptions during her administration upon winning may improve his chances.

Meanwhile that he has not done so, more efforts should be channeled of introducing Gilbert Teodoro. And exactly this is now what the Lakas-Kampi-CMD is trying to do. Voters may simply change mind for Teodoro once they will know more about him.

Teodoro in his campaign ads should be seen with the poor, the slum dwellers, the sick, and the youth in an effort to boot them out from degrading condition of poverty according to “lady gaga.” In this manner he will be seen as a capable man to effect changes in the land and bring about progress not necessarily flying high with his intellect. We need practical measures to reverse or curb the index of poverty, crime rate, hunger, diseases, unemployment, homelessness, etc. If Gibo Teodoro could assure us of this he could just be voted for the throne. In his campaign strategy he should highlight the concept of winning for all, “ang panalo ni Gibo ay panalo ng lahat.”

“Now Kapitan tell me, sino ang gaga sa amin ng nanay ko,” asked “lady gaga”

I just kept quiet, if I opened my mouth one of them will be hurt.

Advertisements

Responses

  1. First thing first….

    Kap, you might want to meet up with joeseg. Nadyan sa Manila ngayon and asking kung gusto ninyong mag get together with Mer and Seg.

    If yes, please email him…alam mo naman ang addy niya. Her does not have your emails.

  2. Kap kung minsan ay mahalaga din pala ang hindi nating ibinubuka ang ating mga bibig baka kung ano pa ang ating masabi.

    Karamihan sa atin kapag may nais sabihin sa isang tao ay banat kaagad na hindi pinipili kung ano ang sasabihin.

    Karapatan po ng bawat tao na sabihin ang kanilang paghanga o mga bagay na hindi nagugustohan sa isang tao lalo na kung tinatangkilik na kandidato ito.

    Related kay Gibo, mukhang galit yata sa kanya iyong isa niyang kamaganak na babae, ang sabi kasi, kahit sino ang manalo diyan huwag lang si Gibo.

    Ay apo, talagang ganito ang takbo ng pulitika sa atin. Walang kama-kamag-anak diyan, walang kai-kaibigan diyan, mayroon ka lang permaent political interest.

  3. Dok, alam n’yo bang ako’y ibinuko ng aking doktor kahapon? Documented at tested ang ibidins. Ako daw ay napakatamis magmahal dahil mataas ang aking blood sugar. Hindi na ako nakatanggi nang mabisto ang aking sikreto. Hindi naman binanggit kung gaano katamis ang aking dugo, pero may palagay akong may lahing bampira ang doktor na ‘yun. Ako man ay hindi makapaniwala pero parang ito ang dahilan ng aking hindi mahimbing na pagtulog at pagkakaroon ng morning siknes. Niresetahan nga ako ng dalawang klase ng gamot pero hindi ko na binili’t bukod sa ‘alang pera ay sobra sobra na ang gamot ko. Hindi ko na nga iniinom at bumili na lang ako ng bawang supplement para panakot sa mga asuwang, gaya ng adbays nung aking on-line doctor, nurse at propesor. Nagpahanap ko ang potassium supplement subalit nagalugad na halos ang buong town proper nung aking pinakiusapan ay walang nabili kaya sa nagbakasyong kasama sa Pinas na lang ako nagbilin. Nagpabili na rin ako ng ampalaya capsule.

    Gumaling la’ang ako’y ipinangako ko sa aking sarili na hinding hindi na ako tutuntong sa ospital. Gagawin ko at susundin ang mahigpit na ipinagbabawal ni JoePreng, HUWAG MAGKASAKIT. Gaganti ako sa mga doktor na ‘yun at sa bampirang nurse na walang habag sa pagsipsip sa aking dugo nang ilang ulit. Gayundin sa potograper na kumuha ng piktyur sa aking ulo at tuhod. Hindi na uli nila ako magiging biktima. Pramis.

    ‘Yung epol cider (Bragg, organic) ay dati ko nang iniinom, 1 kutsara sa 1 kutsarang honey bawat 1 basong tubig o tsa. Naghahanap ako dito sa Riyadh pero wala akong masumpungang organic stores o Bragg authorized outlet.

    Itong Circulan, ano ba ito, Dok? Itong Beta Life? Available kaya ito sa mga botika? Baka naman diyan lang sa Pinas?

    Naniniwala ako sa iyong mga adbays ngunit akin ding susubukan muna ang aking nabasang alternative healing (dahil pakiramdam ko’y luto na ang aking katawan sa kaiinom ng gamot at itong aking “kakambal” na dati ay parang matikas na panabong subalit ngayon ay parang tiyopeng takbuhin na). I’ll go vegetarian. Walang gamot. I’ll take only supplements gaya ng iyong mga nabanggit.

    Ibabalik ko ang dati kong mga activities noon na aking pansamantalang nakaligtaan kaya hindi na ako pinapawisan na alam kong pinakamalaking dahilan bukod sa pagkaka-edad kaya ko nararanasan ang mga sakit na ito.

    Sa tulong ng inyong mga panalangin at paalala, alam kong hindi man 100% ay babalik ako sa dating ako. Kahit mga 110% lang, kuntento na ako. Hehehe.

    Huwag kang magsasawa, Dok, sa pagtulong sa mga nangangailangan.

    Mapalad ako sapagkat nakilala kita at kahit hindi pa tayo nagkakaharap ay hindi mo ipinagkait ang pagdamay at patnubay. Dalangin kong nawa’y magpatuloy pa ang malulusog mong mga araw upang lalong lumawak ang bilang ng mga taong mabibiyayaan ng iyong mapagkawanggawang misyon.

    Pagpalain ka pang lalo ng Dakilang Lumikha.

  4. Napahaba ‘ata ‘yung aking iskrip sa itaas, contrary to what Doc said.

    Iniwey, minsan nga ay dapat nating kontrolin ang buka ng ating bibig lalo’t nakasalalay ang maselang bahagi ng relasyon natin sa kapwa. Mahalagang isaalang-alang ang magiging saloobin ng iba, limiin kung ano ang magiging bunga ng maaari nating masabing hindi muna pinag-iisipan.

    Subalit kung ang nakasalalay naman ay kapakanan ng nakararami’t alam nating nasa tama naman tayo, huwag ding hayaang hanggang dulo ng dila la’ang, ibulalas na rin kung ano ang gusto, subalit sa isang maayos at mahinahong paraan.

    Makasugat man ng malalim ang ulos ay hindi gaanong hapdi ang mararamdaman ng tatamaan.

    Kumbaga’y tigok kaagad ang kalaban. Hehehe.

  5. Hindi baga’t yung asawa daw ni Gibo ay napabalitang hindi man lang nagpakipot very much willing na parang hindi na makapaghintay ng eleksiyon sa pagkagustong maging First Lady of the Philippines?

    Kunsabagay, bagay naman sa kanya. Bagay sa kanyang huwag nang mahalal ang kanyang asawa.

  6. Kuya, feeling first lady na ba? Hehehehe.

    Hindi pa deneretso ni dok ang sinabi, iyong asawa ni lolo Danding ang galit sa pamangkin dahil wala daw itong utang na loob. Kaya sinabi sa mga LaSalista na huwag iboboto si Gibo. Iyan ang say ng nabasa ko sa isang on-line na balita.

  7. Sabi nila hindi na raw makakahabol pa si Gibo. Pero bakit pa siya tatakbo kung makakalipad naman sakay ng kanyang Gibo Airlines, hehehehe.

  8. Kap hindi kay lady GaGa iyong tamang pagkasulat ng pangalan ng singer? Not unless ibang Gaga iyong sinasabi mo. haha

  9. p’rengMags, pinakamagaling ang kumain na lang ng mga halaman muna, wala kang talo dyan.

    Iyang si Nikki, libong beses kong gugustuhin si Kris kesa sa kanya.

    Huh, malaki ang galit ni aling Gretchen kay Bigo. Mahirap kalabanin ang asawa ni boss Danding! Kuha na ni Noynoy ang Tarlac.

  10. Kung baga sa naglilihi ayaw niyang makita kahit anino pa ni Gibo Hahaha. Hindi po kaya tita isa na naman itong palabas? Kung baga sa professional wrestling ay may tinatawag na WWE. Sasampalin kunwari ngunit choreographed iyong mga movements nila. Paawa effect ba ito para kay Gibo?

  11. Ungaaaa! Meeeeeeeeeh! Hiiiihiiiiiihiiiii!! Graaaaah! Kik kwik kwi kwiiiiiiik!

    Masarap nga ang pagkain ng mga halaman at damo. Tinutubuan na ako ng buntot at sungay.

    Pakiramdamam ko’y crossbreed na ako ng Australian bull, African chimpanzee, Batangas goat, San Lazaro thoroughbred at Arabian squirrel.

    Diyaskeng mga sakit kasi ire!

  12. Mer,

    Maaari ding totoo ang sapantaha mo. Pulitiks, eh. Away ngayon bukas makalawa sila rin ang magkakasama.

    Ganyan talaga. Larong baliw ang takbo ng pulitiks sa Pinas.

    Mahirap intindihin ang pagkukunyaring mahirap nung iba subalit walang hirap sa kalooban ang paggamit sa pagiging mahirap ng mga mahihirap at hindi mahirap para sa kanila ang pag-asam na hindi mahirap maluklok sa malakanyang kung saan ang papalitan ay mga nagpahirap sa mga mahihirap na pinaasang paglilingkurang iaahon sa hirap subalit lalong ibinaon sa kumunoy ng paghihirap.

    Mahirap bang intindihin ‘yun at iboboto pa sila?

  13. Tito, kaunting tiis lang po. Para din iyan a inyong kalusogan. Isipin mo na lang na kapag nagdadamo kayo ay high na high po kayo sa buhay…

    Hahahaha!

  14. Maganda po ang kumain ng gulay at mga prutas. Tignan ninyo iyong mga unggoy at gorilla kung maglambitin sa mga sanga ng kahoy at nagbabaging, parang naglalakad lang sila sa ilalim ng buwan.

    Ayaw po ninyo dahil sa gulay ay muling lalakas po ang pangangatawan ninyo baka daigin pa ninyo si Tarzan niyan.

    Sige po tito, kain lang kayo ng kain ng mga masustansiyang gulay, prutas, at saka seaweeds.

    Nguya lang ng nguya, huwag iluluwa. Hahaha.

  15. Tingin ko ay totoong galit si Gretchen C kay Gibo. Aba, kagandang babae pero sa picture ay hindi maitago ang bwisit niya sa nephew ng asawa.

    Also, Charlie C was interviewed before and he confirmed that his dad Danding and cousin Gibo are not on speaking terms, masyado raw nasaktan ang kanyang ama who apparently was preparing the nephew to become president via NPC but by the looks of it Nikki the wife…err Gibo pala ay nagmamadali and thought that Gloria Arroyo was the right connect and padrina, or would make available her Hello Garci for him to become the next president.

    Well, napakaboooobooo pala nitong si Gibo na graduate ng Harvard!

  16. Ate Chi, nakakabobo pala ang ma-associate kay Goyan, hehehehehe.

  17. May itatanong lang ako kay kuya Mags.
    May alam ho ba kayo tungkol sa Korean bugs. Naguusap kasi iyong mga middle age na professor namin at panay ang tawa nila kapag nababanggit ang Korean bugs. At saka tinitignan nila ako from head to foot. Kaya umalis na lang ako baka ka ko ako ang tinatawag nilang Korean bug.
    E hindi ho naman ako mukhang insekto. Mga buwiset na matatandang iyon wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

  18. At saka hindi ho naman ako mukhang Koreana. Magandang Igorota lang naman po ako, hehehehehe.

  19. Seg,

    Kung natatandaan mo doon sa thread kung saan si Haydeen ay nahihirapang pilitin ang esmi niya na magkaroon ng bedtime encounter ay nai-suggest ko ‘yang Korean bug dahil epektibo daw ‘yan parang aprodisyak.

    Baka kaya ka tinitingnan nang head to feet ay dahil sa ganda mong ‘yan batay na rin sa sinabi mong ikaw ay magandang Atorogi ay iniisip nilang meron kang partner na napakalamig pa sa freezer sa kama at ikaw naman ay naghahanap ng ipampapainit upang itong partner mo ay hindi parang diskargadong baterya.

    Kaya uli uli, huwag nang Korean bug ang itatanong mo. Viagra na lang.

    He he he he.

  20. Seg,

    ‘Sensiya na, hane? Medyo grogi kanina, eh.

    Ikaw nga pala’y nakikinig la’ang sa usapang ng mga hayok at hindi nagtatanong tungkol sa Korean bug.

    Pero, parang pareho na rin. Kaya tumitingin sa iyo tapos magtatawanan ay dahil iniimadyin nilang sila ang mga Korean bug at ikaw ang nilalantakan nilang piraso ng tinapay.

    ‘Yun kasi ang kalimitang ipinapakain sa Korean bug, eh.

    Hindi mo sila dapat kaiinisan bagkus dapat kaawaan dahil laway na laway sila sa iyong kariktan at tila baga mga asong ulol na anumang sandali ay maaaring magbangayan mapansin mo la’ang. Ganu’n talaga, papansin na la’ang sila.

  21. Naku Seg hindi ka na ipinanganak pa ng kahapon. Magingat lang sa mga isinusuot mong damit lalo na iyong mga shorts kasi kaming mga lalaki (haha) ay takaw tinging diyan. Ikaw din damay sa aming makasalanang mga mata.
    Alam ko kung ano ang mga isinusuot mo. Bakit hindi mo na lang sundin iyong attire ng mga babaeng taga Middle East? Iwas disgrasya ka pa.

    And speaking of Middle East may sinulat akong makaka-inspire sa inyong lahat.

    Happy Valentines lalo na kay Kap na nasa field daw ngayon at nagroronda para sa kanyang project.

  22. By the way ito po ang link

    http://bobonyo.wordpress.com/2010/02/

  23. Doc.B.
    El amor verdadero está desprovisto del egoísmo. Si usted piensa adorar está seguro dar libertad para otros mover. Usted no puede atar el cariño de personas so pretexto de amor.

    Hehehehe!

  24. Hapi balentayms tu ol op yu pipol.

    Ingat kayong nakatanggap ng libreng condom mula kay goyang. Gamit na ni Pig G ‘yung mga ‘yun. Delikado.

    Kaya nagagalit ang mga taga-simbahan. Hindi sila binigyan eh magsiselebreyt din daw sila ng Balentayms ng kani kanilang Rosario.

  25. Seg Tagalogin mo na lang kasi hindi ko naiintindihan ang sinabsabi mo.
    HIndi kasi ako pumasa doon sa Tsabakanong doktora na nililigawan ko noon. Pumatol siya sa isang doktor na may sinasabi. Kaya hindi ako natutong magspangyol.
    Ang sinasabi mo ba ay ang pagmamahal ay hindi paraan para kontrolin ang buhay ng iba?
    Kung ito nga, kailangan ay pag-usapan natin kung ano ang ibig sabihin ng kontrolin. Ito bay pagdidisiplina o pagkuha lang ng atensiyon ng iba para sa iyo.
    Classic example, may mga tao na araw araw na pumupunta sa mga simbahan, not to praise the Lord but to ask for favor. Mahal lang nila ang Diyos kung may mga nakukuha silang pabor sa kanya. Papaano na lang kung wala.
    Gaya ng sinabi ng Bibliya, ang pagmamahal ay hindi makasarili. Tinuroan tayo ng Diyos na magmahal ng dakila, hindi iyong sariling natin ang ating minamahal.
    “For God so love the world that He gave his only begotten Son that whosoever believes in Him shall not perish but shall have an everlasting life.”

  26. Seg and Mer sana wala kayong kinalaman dito:
    Hindi masaya ang Valentines day namin. Kung sino kasi sa mga kakilala namin ang nag-email ng pictures na may kasama akong OFW galing ng Greece na nagkakape. At hindi ko rin alam kung bakit magkaholding hands pa kami sa table e para nagkakape lang.
    Wala ba sa inyong dalawa ang gumawa nito?
    Tama iyong babae pero iyong picture ko raw ay mahirap ngang makilala kung ako dahil malabo at may kadiliman.
    Kumuha na nga lang ng picture ay cellphone pa ang gamit. Dapat iyong pang papapratzzi para mas malinaw ang ebidensiya.
    Mga babae kasi, masabi lang may kasamang ibang babae ang mister ayon nagpuputak na sa galit.
    Paano ngayon iyan ni hindi ko man lang mahipo sa siko ang misis ko.
    Sumasakit na tuloy ang puson ko.
    Mabuti kung hindi pa bumalik sa America iyong byudang kaibigan ko nang may mapagsasabihan ako ng sama ng loob.
    Kung sino man ang may kinalaman sa inyo nito, wala lang. Haha.

  27. Sinabi ko na sa misis ko na kaibigan ko lang iyon at wala nang iba pang relasyon mayroon kami. Ayaw naman niya akong paniwalaan. Kung kailan pa daw tumanda saka nagloloko pa.

    Haay, magkukuwento na lang ako kapag hindi na magulo ang isip ko, hehe.

  28. Kaps,

    Baka naman ikaw nga ‘yun. Saka ano bang masama kung mahawakan mo naman ang kamay niya (la’ang ba?), eh ka-ibigan, este kaibigan mo naman.

    Sila talaga, mga suspetsoso at ibinigay pa ang piktyur kay kumander mo.

    Tanong la’ang, ano mo talaga ‘yun? Pagkatapos niyon, saan pa kayo pumunta? Baka naman nagsiyaping pa kayo?

    Alam mo, duda ako sa motibo nu’ng kumuha ng piktyur n’yo, eh. Kung babae ‘yun, hindi kaya ‘yung akala mo’y bumalik na sa Amerikang biyudang kumare mong lagi mo ‘kamong pinaghihingahan (nga la’ang ba) ng sama ng (aling) loob mo, pero may kras sa iyo’t naghihintay lang na mapansin mo?

    O, kaya nama’y isang bading na naglalaway sa iyong minsang nagparamdam ay dinedma mo dahil sa sobrang lab mo sa esmi mo?

    Nagtatanong la’ang. Huwag magagalit, bawal.

    He he he heeeh.

  29. Teka nga pala Kaps, baka naman kaya ayaw ipahipo ni misis mo ang siko niya ay sinusumpong ng artraytis?

    Ano sa palagay mo, Doc?

  30. Tagumpay ang matiyagang manalangin. Sa talaok ng aking tandang mga kapatid ay muli tayong pinalad na makasakay sa carrier nang makipagbakbakan sa Midway.

    Three points.

    Wala ba kayong mga balut diyan o sabaw man lang ng Bulalo para hindi mangatog nireng tuhod. Hahaha.

  31. Labs na labs ko talaga itong misis ko Mhwaaaaa. Tsup!

  32. haii nku ang gandah moh tlg lady gaga
    xna meet tyeo with my frnds noh…….!!!

  33. well, even if gibo didn’t win, he’s still for me the best candidate so far out there…

  34. Potassium is a mineral that the body needs to work normally. It helps nerves and muscles communicate.”

    Look at the freshest piece of writing on our very own web blog
    http://www.melatoninfaq.com/melatonin-sleep-aid/

  35. Potassium is a crucial mineral for the functioning of the heart and tissues. This mineral aids muscle function and digestion, and it plays a vital role in nerve function. Additionally, potassium functions as an electrolyte in the body, meaning it conducts electricity. Some studies indicate that potassium may be instrumental in b”

    My own blog site
    <'http://www.foodsupplementcenter.com/vitamins-for-weight-loss/one health, lowering blood pressure and reducing the risk of stroke.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: