Posted by: kidlatanvillage | January 20, 2010

Pareng Erap: “I’ts All Systems Go”

“Let the people decide who will be the next president,” the Comelec ruled junking all the petitions to disqualify the former president for running again during the 2010 presidential election.

On his part, Erap expressed his gratitude to the COMELEC for its decision as his supporters may no longer doubt about his qualifications to run.

“This decision has lifted that cloud of doubt with respect to my candidacy. Now the people know that it is all systems go for Erap for the May elections,” he said in a statement.

Former President Estrada on the other hand could not help but note the date on the promulgation of the decision as it coincided with his ouster from office nine years ago.

“This date of the promulgation of this decision saying that I, Joseph Estrada, am qualified to run for president, is significant to me personally because it was exactly on this day nine years ago, January 20, 2001, when the honor to serve the Filipino people as president was stolen from me. Today, the opportunity to serve has been returned and it seems as if I am being told that I need to complete the mission that my administration started in 1998,” said the former president.

“I wish to thank the Comelec commissioners  for their sense of fairness and for deciding to act expeditiously on this case. This victory is not mine; but a victory of our people and our democracy.  Finally, it is settled: as sovereignty emanates from no less than the people, in this matter of choosing our president, we should let the people decide.” He added.

Sa pagbibigay ng desisyon ng COMELEC pabor sa kanya ay ano na ngayon ang mga susunod pang mangyayari? Malalampasan niya kaya sa survey sina Villar at Aquino? Marahil ay muling hihirit pa ang kanyang mga kaaway sa pulitika at sasampahan na naman siya nang kung ano-anong kaso laban sa kanya para masira lang ang kanyang pangalan at kridibilidad.

Magkagayon man tiyak na nagbubunyi na sa galak at tuwa ngayon ang mga kaalyado at supporters ni Erap. Alam nila na wala nang makakahadlang pa sa kanyang kandidatora bilang presidente ng bansa. Marahil ay inaasahan na rin ng marami sa mga nagmamahal sa dating pangulo ang muli niyang pagbabalik sa Malacanang at maglingkud muli lalo na sa mga mahihirap.

Hindi rin maikukubli ngayon ang pangamba ng mga karibal ni Erap sa pagtakbo sa pagka-pangulo. Malakas pa rin ang dating ni Erap sa mga botanteng mahihirap na may pinakamalaking bahagi sa mga botanteng Pilipino. Maglupisay man diyan sa galit at pagkadismaya si Ely Pamatong at wala na siyang magagawa pa. All systems go na nga ba kay Erap?

Pero isang katanongan lang ang dapat nating sagutin, wala kayang kinalaman dito ang Malacanang?

Advertisements

Responses

  1. Erap para sa mga mahihirap. Paano na iyong mga mayayaman? Hehehe.

  2. Kap, malamang na divide and rule na naman ito. One way to chop-chop Noynoy’s votes and Villar.

  3. Mabuti naman pinayagang tumakbo si Erap. Kung hindi ay maglalakad na lang daw siya pauwi ng bahay niya sa Tanay. Hehehe

  4. Palagay ko may mga kinakabahan na dito.

    Alam mo Kap happy sila sa Malacanang dahil pinayagan si Erap na tumakbo. Kasi kung mananalo siya ay muli daw niyang isusuko kay tita ng trono. Hahahah. P

    Payag kayo?

  5. Seg, may renovation yatang ginagawa sa bahay ni tito Cocoy. Mahirap pumasok ngayon ng nakatapak ka lang. Baka makatapak ka ng pako. Hehehe.

  6. Wala naman akong masasabi kay Erap.Hindi lang ako bilib sa kanya dahil tinalo siya ng 4’1 na babaing may nunal,hindi lang siya na outside de kulambo kundi pinag-alsa balutan pa siya.

    Gaganti kaya ang bida sa bandang huli sa mga pangugulpi sa kanya ng mga kontra-bida.—Abangan

  7. Colege girl,

    Nag hire ako ng bouncer doon kasi mayroon customer na kapag naparami na ng tagay ay nang-aaway na.

    Hindi maganda sa negosyo ang may ganuong customer.

  8. Nilalaro uli ni Gloria si Erap for her own selfish motives. Itong si Erap naman ay hindi talaga nag-iisip. Akala ba niya ay basta palulusutin lang sya na ganun ng Comelec na alam ng lahat ay against sa interpretasyon mismo ng mga sumulat ng 1987 Pinas Constitution?

  9. Nagkakagulo din pala sila sa Senado. Ang sanhi ng kagulohan ay tongpats na naman.

    Kawawa po itong ating bayan, hindi na natigil ang korapsiyon. Nagbabangayan lang ang mga pulitiko.

    Vote for a righteous government. Wala akong sinasabi kung sino man siya. Bahala na lang kayo mga kapatid na kumilala.

  10. For the millions of working people ,even the millions of mahihirap for Erap, journalists, and bloggers; NO ONE (except me) seems to be asking – where the f**k does Bigote gets the money he spends on a daily basis. Bigotilyo has been out of work and was on house arrest for so many years BUT still has the money.

    It only shows just how much tons of money ang hinakot ni Bigote sa taong-bayan, in other words, pera ni Erap for Mahihirap. Add jueteng money in to his treasure chect and Bigote will never go broke. What a croc! But I also lay lots of blame to the electorate.

    Cheers regardless.

  11. Ay napasyal ka kaibigang True Blue. Welcome ka dito kapatid at maraming salamant sa iyong brillant comment.

    Sabi nga nila si Mr. Bigotilyo daw na may bionic na paa ay isang rich man pretending to be poor. Pero talagang mapang-akit siya at hanggang ngayon pinagkakagulohan pa nila si lolo Asyong.

  12. I window shop here pati na rin sa mga blog ng mga good looking chicks natin (Seg. Mer, Kimuchi), kaya lang – pag nagkomento si Pareng Cocks, eh yun din ang sasabihin ko, yung sinabi nya, hehe….

    You guys have a very informative kitchens here and there. Cheers again.

  13. Oks lang na si Erap ay payagan na lumaban para matigil na lang, hahaha!

    Seriously, dapat ay si Noynoy at Erap ang maglaban, pareho silang hindi mandaraya. Ang resulta ay tatanggapin ng ordinaryong pinoy, pero kung si Erap ang mananalo ay hindi sya tatantanan ng evil society at simbahan.

    Ewan ko ba, wala na akong katiwa-tiwala sa simbahan at civil society raw. Sila ang nagpapagulo ng Pinas. Kung hindi nila ginulo si Erap e di matagal ng wala sa picture si Asiong.

    Halatado sila. Kunwari ay sigaw ng “Gloria Resign” pero hanggang dun lang, dahil ayaw naman talaga nilang palitan si Gloria kung tulad lang ni Erap o Noli ang papalit. Ipokritos!

  14. Salamat kaibigan. Lalong tumitibay ang aking adhikaing imulat ang sino man sa riyalidad ng ating lipunan at pamahalaan sa inyong magagandang komento na inspirasyong maituturing on my part. Kasyahan nawa tayong lahat na ating mapagpalang Diyos.

  15. Dito pala kayo nagkakagulo, ha? Nagkukulumpon at pinagpipistahan ang sari saring tsismis sa politics.

    What is na ba l8est?

    Nakabili na ba ng bagong pampers si Lolo Nene?

  16. Sa aksyon/dramang May Election, dalawang laking Tondo ang magsasagupa. Mga hari ng kanya kanyang balwarte.

    Sila sina Asyong Tomador at Maning Taga.

    Sino kaya sa kanilang dalawa ang mamamayani’t maghahari?

    Hindi kaya atakihin si Asiong ng kanyang rayuma dahil sa walang tigil niyang pagtoma kahit walang pulutan?

    Malusutan naman kaya ni Maning ang kasong kinakaharap hinggil sa diumano’y pagkatay niya sa baboy ng kanyang kapitbahay? Makatulong naman kaya sa kanya ang pagtatanggol habang nagmamalditang si Brendang Talon?

    Abangan ang mga nakakalasing at madudugong kabanata. Hik.

  17. Kuya nandiyan ka pala.

    Maganda itong obserbasyon mo lalo na kay Brendang talon. Hindi kaya kapag nanak-awt si Maning Taga ay bigla na lang siyang magtatatalon at sabihin sa madlang people, “Sinasabi ko na nga ba, walang tatalo kay Asyong Tomador?”

    Mahirap talagang ispilingen ang mga takas sa Nueve de Pebrero, hehehehe.

    Alam mo na iyon kuya.

  18. Problema lang bayan kong minamahal, Palpak na naman sa testingan ang mga makinang pang-election.

    Gamitin na lang sa susunod na erection, hindi ngayon. Hehehe.

    Mamaya diyan ay ililipad ng eroplano ni Gibo ang resulta ng bilangan ng boto?

    Sige tagay pa nang malasing lahat. At kong may nalalasing may napagnanakawan diyan ng halik. Hehehe.

  19. Kuya Mags hindi lang pampers ang nabili, suspender pa baka malaglag ang kanyang karsonsilyo sa sobrang laki nito,

    Diyan muna kayo at magpapabyuti pa ako, hehehe.

  20. Kap,

    Happy Birthday! Pinadalhan kita ng isang katerbang balloons, hehehe.

  21. Kaps, birtdey mo pala. Adbans hapi balentayms para sabay.

    Huwag ka nang maghahanda ng marami. Dapat osteriti. Saka hindi ako makakarating dahil hindi pwede sa akin ang mamantikang pagkain. Imbitahan mo na lang si Luningning para ganahan si Pareng Cocoy.

    Saka ‘yung ating mga byutipul na binibini dito, dahan dahan lang ang subo, konting pino at huwag kayong magsasalita nang may laman ang bibig lalo’t may kaharap. Baka masamid at mapabuga sa mukha ng iba, nakakahiya. Du’n na lang kayo magtago sa likod ng pinto ng kusina.

    Mahirap nang maulit ‘yung meron mamilipit sa sakit ng tiyan dahil sa dami ng kinain. Maghahanap na naman ng pagsasabugan ng lagim.

  22. Duda ako sa balloons na ipinadala.

    Baka ‘yun ay mga gamit na. Huwag sanang pumutok o sumingaw.

  23. MARAMING SALAMAT MARENG CHI. Huwag lang ipagkakalat na above 50 na tayo at malapit nang magkaroon ng discount ID, Sana ay palaging nakabusal ang bunganga ng dalawang diwata diyan at nang di tayo mabuking.

    Maraming salamat sa pagbati din kasamang Magno. Ang bilis ng panahon, dati nagja-jogging lang tayo sa madaling araw, ngayon madaling araw ay nagpapahid na ng pangtanggal rayums, he-he-he.

  24. Kapitan,happy birthday!

    May ID na ba kayo? Hehehehe. Tagay na lang para kay Kap! Mabuhay ka!!!!

  25. Ayus lang po, may dala kaming Orocan na ngayon, hahaha.

  26. Kap, the 60 is the new 30 daw ngayon. So mga eary 20’s ka pa lang, hehehe.

    Enjoy the b-day with the beloved kabiyak ng puso.

  27. Kap may bagong tungkod ka na na inorder ko pa sa Mt. Province. Ngayon at nadagdagan na ang iyong taon tiyak na bibigat naman ang iyong paghakbang. Gamitin mo ito para tatlo na ang paa mong naglalakad.

    Huwag magagalit, tatanda ka ng sampung ulit, hehehehehehe.

  28. Kuya Mags, next year na lang ang para sa iyo, Huwag magagalit, ang puso ninyo, Hehehehehhehe.

  29. Kap, P’re, este Pareng Kaps,

    Sinasalbahe na tayong dalawa. Palibhasa tayo’y napakabait kaya parang inaabuso na nitong dilag natin ang pagmamahal anak sa kanya.

    Isipin mong tungkod ang iniregalo sa iyo? Tapos, bibigyan din ako next year?

    Ganyan na ba talaga tayo katanda?

    Hige’t ak’e magpapahid pa ng liniment oil. Kumikirot na naman kasi ireng aking bayag-awang, este baywang. Diyaskeng rayuma ire.

    Dati ay moisturizing cream ang ipinapahid sa katawan. Ngayon ay pain killer namang.

    Haaaay!

  30. Orocan na pala ‘yung dinala nina Mer.

    May balak pa ‘atang gawing bath tub o pag-swimming-an.

    Talagang naghanda para sa masarap na kainan.

    Ang poise, baka masira. Konting hinhin naman.

  31. Nakakatawa naman ang kuwentohan sa barangay. Pilya talaga itong mga dalaga natin. Pero nakakapagbigay ng saya kahit papaano. Sanay na kasi sila kay Kap, at sa iyo na rin kuya.

    Pero on the positive side ay concerned lang siguro sa mga nakakatanda sa kanila kabilang na ako at nalalapit na akong umabot sa sinko…

    Mer, kasalanan din ang pagkain ng labis-labis. Alam mo iyan.

  32. Gusto ko iyong sinabi ni nanay chi, parang 30 na lang daw ang mga 60’s ngayon. Ang aking biyenan ay ganyan din ang outlook sa buhay.

    Ngayon nakikipagbasketball pa siya sa mga bagets. Umuuwi tuloy ang aking binatilyong si Magdiwang dahil nakakantiyawan siya sa galing ng lolo niyang magbasketball. Laging lampas sa board ang mga tira, hehehe.

    What is important kapag sinabi natin sa ating mga sarili we are young at heart, biglang babalik sa kondisyon ang ating pakiramdam.

    May tinatawag tayong psyco-somatic illness diyan at ang lunas lamang ay pananalig sa Diyos una, at sa ating mga sarili pangalawa. Kung ano ang itinanim mo sa iiyong isip ay siyang iyong mararamdaman.

    Napahaba na yata, hahaha.

  33. Dok,

    Parang ako pala ‘yung biyenan mo kapag naglalaro ng basketbol. Pero talo ko siya sa shooting, lalo’t three points dahil pagpukol ko ng bola ay palaging ringless at bahagya nang sumasagi sa net. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi counted at ako’y kinakantyawan.

    ‘Yun pala ay sa ilalim ng ring tumatama at sa laylayan lang ng net umaabot.

    Kaya ang ginagawa ko, kapag naglalaro ng basketbol ay nagdadala ako ng baston para ipamalo sa sino mang ako’y pinagtatawanan. Natatauhan sila at nagpapalakpakan na lamang at walang kantyaw. Utakan lang ‘yan, eh.

  34. Hala bawal po iyan, baka makasuhan kayo ng child abuse. Sa totoo lang nakakapikon din itong mga bata kapag makakantiyaw. Si Mer nang maglaro ng volleyball at puro sablay ang mga serving niya pinagtawanan. Sa init ng ulo, ibinato iyong bola sa mga binatilyong nangangantiay. Nakapagpahinga tuloy ng matagaltagal sa intrams. Nasuspinde, hehehehe.

  35. Pasyalan ninyo ako sa classroom at makikita ninyo kung sino itong mga susunod nating tongresman at senatong.

  36. Seg,

    Child abuse ba ‘yung may akay akay na ring mga apo ang aking mga kalaro?

    Maaari nga. Second childhood abuse.

  37. Hehehehe May naimadyin tuloy ako.

    Mamaya ang laro hindi na basket ball, baseball dahil may tungkod lahat ng mga naglalaro. Wala nang sasablay pang makapalo ng bola dahil sa laki ng basketball na iyan ay ewan ko lang kung sino pa ang hindi makak-homerun.

    Second childhood abuse, bago ho iyan. Hehehehehe. But I like the term. May isyu na naman kaming paguusapan ng aking mga istudyints.

  38. Dok,

    Bakit ganu’n? Naubos ko na yung Betagen, patuloy pa din ang pag-inom ko ng Lescol, Lipanthyl, Amvasc, Tofranil at Jusprin at mauubos na rin pero ganu’n pang sige ang sumpong ng taas ng presyon ko?

    Sa pagkain naman, sa umaga brown bread, sa tanghalian ay salad o any fruits available at sa gabi ay konting konti ang kanin, isda at salad. Hindi na ako umiinom ng hot drinks maliban sa green tea at/o anise tea. I exercise deep breathing and drink more than two liters of water sa maghapon puwera pa ‘yung minsan ay halos one liter sa gabi.

    Ang pinakamababang BP count ko ay 150/90 at madalas akong hilo’t hindi makatulog nang mahimbing sa gabi dahil sa hugong ng tenga ko.

    Balak ko ngang magpatingin naman sa ibang doktor dito para na rin humingi ng second opinion. At sa iyo na rin.

    Sabi kasi din nila, hiyang lang sa doktor na tumitingin minsan. Which I believe naman.

  39. p’rengMags,

    Hindi ako doktor pero masyado ka yatang maraming iniinom.

    Baka masyado kang stress sa tarbaho, hinay-hinay lang. Matagal talagang maging normal ang dugo pero korek na magpa-second oipinion ka dahil baka meron ibang sanhi ng nagpapataas ng presyon mo maliban kay Gloria Arroyo, hehehe.

  40. Nakupunamanpu!

    Ipinaalala mo na naman ang pangalang ‘yan.

    Kapag nga ako’y nagbabasa ng balita ay hindi ko na nga tinitingnan ang litrato’t ako’y sobrang nai-istres, eh. Ni hindi ko na nga binabasa ang mga artikol tungkol sa kanya’t inaalibadbaran ako lalo’t panay pagtatakip at pagtatanggol ng kanyang mga imbudo’t parang salaang tagapagsalita.

    Teka, alin bang sinasabi mong maraming iniinom eh wala namang alak dine.

    Huwag mo nga akong ibuyo’t nanunuyo ang lalamunan ko.

    Pero aaminin ko. Sa aking palagay ay sobrang tarbaho ang at hindi pinapawisan at sobrang istres.

    Para tuloy ako ngayong naglilihing surot sa pagkahilo. Lagi akong merong morning siknes.

    Haaay!

  41. ….sobrang tarbaho ang isang dahilan at hindi…….

  42. Pinapabalik nga ako sa ospital bago daw maubos ‘yung gamot at papalitan ng iba kaya sa loob ko noon ay mas maige pang sa ibang doktor naman at baka mas magandand eksamin ang gawin sa akin.

    Noong ako’y nag-check up, imbes na iksaminin ay tiningnan lang ang medical records at para akong nasa witness stand na tinatanong ng doktor. Pinay pa naman ‘yung nars na alalay at parang tsutsuwang inuulit lamang ang sinasabi ng doktor. Meron palang ganu’n.

  43. mReng cHI,

    ‘Yun namang mga gamot na ‘yun ay reseta sa akin. Merong para sa kolesterol at lagi akong nagpapa-BP sa aming company nurse at lagi siyang on call kapag ako’y sinusumpong. Hindi automatic ang ginagamit niya kundi ‘yung di pindot na parang ginagamit ng nagtitinda ng binatog.

    Noong isugod ako sa ospital first week ng January ay kinunan ng CT scan ang ulo ko. Negative na daw ‘ata ang utak ko. Wala din akong nakita nong aking sinuri ‘yung mga litrato ng ulo ko kundi kulangot na nakabara.

    Teka, hindi naman kaya ako tubuan ng buntot at magmukhang unggoy kapag kumain ng maraming saging?

  44. Saka ano pa bang pag-relax ang gagawin ko, eh negative na nga ‘yung utak ko ayon sa CT scan? Paano ko pa i-e-empty ang mind ko?

    Help naman, o. Plis naman, o

  45. Hindi pa dumarating si doc.bobonyo…

  46. May I suggest something is you remembering your old people resting in the Heaven already?

    You try to kill a chicken and then you cook and get also a gin. You do not eat. You give to them your relatives so they will be happy.

    Maybe you need to remembering them because sometimes if you dont they will make tampo so they will also kulit kulit you.

    We do this in our barrio. Why don’t you try sir so tat you will now feel good.

    My sugestion only. But you will lose nothing if you try it by and by.

  47. Mr. HaydeenKoi,

    Tengkyu sa adbays mo. Gagawin ko. At hindi lang manok ang kakatayin ko mamayang gabi. Meron akong kasamahan dineng tatlong Turkey, matataba, malalaman. Ireng mga ire na la’ang ang aking ihahanda dahil sobrang lalakas lumamon tamad namang magtarbaho, mga peste sa kumpanya. Sayang ang ipinapasuweldo. Marami dineng asong gala. Sa kanila ko na lang ipapakain dahil may konting pampalubag loob na tuwa kapag tinatawag ko ay kumakawag pa ang buntot kung lumalapit.

    Salamat en tengkyu very much uli.

  48. Alam po ninyo tito may gumagaling din sa mga ganitong paniniwala. Minsan sa probinsiya ng mommy ko sa Isabela may hindi gumagaling sa kanyang pagkahilo. Marami na rin pong gamutan sa doktor. Pero nang mag-alay sila ng sakripisyo para sa mga yumao ay gumaling iyong ale.

    Parang nagdahilan lang.

  49. Mang Haydeen talaga po bang malakas sa Tondo si Manny Villar? Paano na iyan si Dolphy ay taga Tondo rin. Mukhang pinagtulungan na nila si Erap.

  50. Nabili na ni Money and masa ni Erapski sa Tondo? Kasi 12% na lang daw ang natira, yun na lang loyalists.

    Paano natin ilalaban si Erap kung ganyan na dahil lang sa Wowowee ay pinagtaksilan siya ng kanyang mga mahal na masa.

    Aba, kung ganyan ay talagang walang pag-asa ang Pinas sumusurender kaagad si Juan kung may kumikinang. Akala yata ay sasabugan sila ni Villar at Revillame ng milyunes bawat isa kung manalo si plunderer Villar. Hala, kung ganyan sila e bahala sila sa buhay nila…pagkatapos ng eleksyon balik sila sa sikmura na kumakalam.

  51. Nandoon sa aking parlor si ka Manny kasama pa niya si ka Boni at nagsisisigaw sila kanina ng SUGOD MGA KAPATID, AT READY NA ANG LUTONG MAKAW, ESTE SIOPAW.

    Wala daw duwag na taga Tondo, itanong mo pa sa kumaripas ng takbo. Hehehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: