Posted by: kidlatanvillage | January 4, 2010

Ilang Taon na Nagtiis sa Piling ng NPA (Wishing you all a prosperous New Year)

WISHING YOU ALL A PROSPEROUS NEW YEAR !

We spent our family vacation in a farm where the only source of electricity is a small generator and a solar panel. There is no telephone, the only source of entertainment is a small television where the only clear signals you get are from the giant networks and a government television. It’s alright we went there for outdoor adventure fishing and mountain climbing. There is plenty of food, all from mother nature. We get our sugar from honey, we ate fresh fruits and vegetables, and our chicken are organic. So there is nothing to worry about from toxic chemical substances. Our host is a religious couple so the order of the day is pray, pray, and pray.

What did we learn, of course how to pray and live a simple life. But there is something else, compact farming. The couple owns less than an acre of land but they could produce sufficiently for their needs and even get some money selling vegetables, fruits, organic chicken, goats, tilapia, and bamboos. They have a combined banana and papaya plantation.

Who says there is no hope in the provinces? If you only know how to use your head and willing to work, you will live happily ever and after in the province. Why go to Metro-Manila and enjoy all the traffic and pollution around plus the floods during rainy season. If the government could only channel its resources to agricultural productivity and advocate and support compact farming to all the people who love farming, we will have sufficient food and money for our other needs.

As a positive thinker I still believe this is oing to be a prosperous New Year for all of us.

Ilang Taong Nagtiis sa Piling ng NPA

Anak mayaman, iyan ang pagkaalam ng pamangkin kong si Nelly kay Roger nang magdisisyong sumama ito sa kanya at magpakasal sa isang Hukom. Palusot ng lalaki noong una ay mahigpit daw ang mga magulang kaya sa isang Judge na muna sila magpakasal. At kung tanggap na sila ng mga mayayamang magulang ni Roger ay saka na sila magpapakasal muli sa simbahang Katoliko. Bulag sa pag-ibig kaya nabola itong pamangkin kong isa ring ilusyonada at dating saleslady sa isang malaking department store.

Iyon pala ay sa isang NPA lang siya napakasal, kay Kumander Roger isang taxi driver lang pala at palipat-lipat pa nang tirahan. NPA nga siya, no permanent address dahil sa dami ng kanyang bisyo ay ni wala siyang maibigay na perang panggastos sa kanyang asawa at pambayad ng upa sa tinitirhang bahay. Ito ang dahilang kaya lagi lagi silang pinalalayas at palipat-lipat ng matitirhan.  At dahil na rin sa siya’y pala-utos sa kanyang asawa kaya tinawag naman siya ng mga magulang ni Nelly na Kumander Roger.

Nasa bandang huli nga ang pagsisisi, ngunit wala nang magawa pa si Nelly kung hindi magtiis. Sa loob ng tatlong taong pagsasama nila ay nakadalawang anak kaagad si Nelly. Masipag pala sa paggawa ng bata si Kumander Roger na isang  nagpapanggap mayaman. Kailangan ding magpaganda kahit hirap sa maghapong pagtatrabaho sa bahay at pagaalaga itong si Nelly para hindi siya ipagpalit sa iba ni Kumader Roger. Kailangang mabango siya para naman daw sulit sa maghapon na pagmamaneho ng taksi ang tarantado niyang asawa. Kaya ngayon ay buntis na naman si Nelly.

Galit  na galit si ate Ibyang (Sylvia) nang ibalita niya ang  masaklap na nangyari sa buhay ng kanilang ala senioritang anak. Inalok na nila si Roger na manirahan sa probinsiya at doon na lang sila magnenegosyo nang maranasan naman nila ang magkaroon ng sariling bahay. Ngunit sanay na sa buhay Maynila itong si Kumander Roger at ni sa guni-guni ay wala sa kanyang isipan ang manirahan sa probinsiya. Tinanggihan niya ang alok ng kanyang biyenan dahil ma-pride din itong  mala-gagong  taksi driver na ito. Isa pa ayaw iwanan ni Kumader Roger ang kanyang mga magulang na saksakan din ng kayabangan dahil hindi raw maganda para sa kanilang pamilya ang magkakalayo silang magaanak.

Ngunit kung ayaw ni Kumader Roger si Nelly naman ay nakapagpasya nang umuwi sa kanilang probinsiya at doon mabuhay siya ng tahimik, may maituturing na sariling bahay, at saka makapag-alaga pa ng mga baboy at manok upang may pagkakakitaan gaya ng kanyang mga magulang. Mayroon din naman siyang malaking lote at puwedi siyang magpatayo ng kahit na maliit lang na tahanan. Ang mahalaga puwedi siyang magtanim dito at maghayopan.

Nagtalo silang mag-asawa. Bago magpasko nag-alsa balutan si babae kasama ang dalawang anak. Abala sa pagpapasada ng kanyang taksi si Rogelio kaya hindi niya namalayang umalis ang kanyang  asawa at mga anak kasama ang kanyang biyenan pauwi ng probinsiya. Nagalit si Kumander Roger, nag-text siya sa kanyang asawa: “kung hindi kayo babalik bago magpasko ay magkakahiwalay na tayo.”

“E di hiwalay kung iyan ang gusto mo,” ang sagot naman ni Nelly. Pagod na siya sa kalilipat ng matitirhan, pagod na siyang makisama kung sino-sino diyan, at natatakot siya na walang magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanyang mga anak kung ipagpilitan nila ang kanilang mga sarili na manirahan sa Kamaynilaan.

Sa pamamagitan ng tulong ng kanyang mga magulang ay nakapagtayo ng maliit na bahay itong si Nelly at gaya ng kanyang mga naiisip na gawin noon ay nagkaroon siya ng manokan at baboyan. May kambing pa siyang inaalagaan. Dahil nakapagtapos naman siya ng Business Administration ay sinubokan naman niyang magtinda ng gulay at karne sa palengke.

Resulta sa loob lamang ng ilang buwan ay umunlad ang kanyang buhay. Hindi na naging masasakitin pa ang kanyang mga anak dahil sariwa ang pagkain at hangin na nilalanghap nila sa probinsiya. Ibinaon na rin ni Nelly sa limot ang kanyang mayabang na asawa. May pera na siya ngayon at kayang-kaya niyang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Sa loob ng tatlong taon ay nakabili na rin siya ng isang ektaryang sakahan na ngayon ay sinasaka naman ng kanyang nakakabatang kapatid na si Leonardo. Hati sila sa anihan, hati din sila sa gastosin sa pagsasaka.

Samatala nagkasakit naman si Kumander Roger dahil sa kanyang madalas na pag-inom ng alak, paninigarilyo, kakulangan sa pagkain at kalungkotan. Hindi na siya makapagmaneho pa ng taksi kaya nanging pabigat na rin sa mga magulang. Sa totoo lang ay pinapalayas na rin siya sa kanila at pinagpayohang makipagkasundo na sa asawa at manirahan na sa probinsiya.

Ginawa naman niya dahil ito na lang ang natitirang paraan para siya mabuhay. Naawa naman si Nelly kahit papaano (siguro dahil born again Christian na siya) at muling tinanggap ang asawa. ipinagamot niya si Kumander Roger sa sakit niyang tuberculosis sa isang  pampublikong hospital at gumaling naman ito.

Nagbago na rin si Kumader Roger na ngayon naman ay isa nang butihing (taga-sunod na nga lang kay misis) padre de pamilya. Hindi man natotong magsaka si Rogelio ay napapakinabangan naman ng kanyang biyenan ang galing niya sa pagmamaneho, para maging driver at operator  ng kanilang maliit na traktorang naipondar. At ito ang kanyang pinagkakakitaan ngayon ang magpasada ng traktora sa halip na taksi.

Advertisements

Responses

  1. Huli man daw at magaling ay naihahabol din.

    Isang abot pusong pagbati sa kaarawan (Jan.1) ni pareng Magno.

    Kapwa ko mahilig tumula ngunit siya ang aking idol sa pagiging makata.

    Malalalim at matalinhaga ang mga mga salita at pangungusap na ginagamit. Nakakakiliti sa puso at isipan.

    Sinong matimtimang birhen diyan ang hindi bibigay sa tamis at lambing ng bawat taludturan kanyang mga tula.

    Mabuhay ka pareng Magno!

  2. Kap, totoo ba na sa farm kayo nag-Pasko? I’m so jealous.

  3. Kap asan ang pasalubong namin? Nakakainggit naman kayo. Alam ko iyang pinuntahan ninyo, malapit sa bayan namin sa Isabela.

  4. Akala ko tunay na NPA ang pinaguusapan dito, may Kumander Roger pa. Iyong pala ay people who keep on changing places of residence.

    Kasi hindi na natoto ang karamihan sa ating mga kababayan. Akala nila ay paraiso ang malaking syudad ng Kamaynilaan. Ito kasing mga pelikula ay ginawa nilang land of opportunities ang Metro Manila.

    Sabagay land of opportunities nga to be productive legally and illegally. Bakit po? Maraming kawatan, holdappers, pushers, addict, pokpok, manggaganso, etc. Idagdag mo diyan ang sandamakmak na street children at mga palaboy sa kalye. Ano pa, iyong mga taong natutulog na lang sa bangketa dahil sa walang matutuloyan.

    Ay nandito na lahat yata ang mga problema, pollution, basurang nagtambak sa kalye, traffic, crime, vices na ang dulo ng lahat ay kahirapan at kamangmangan. Pati na ang esteros at ilog na dinadaluyan ng tubig ay binabahayan na rin ng mga professional squatters.

    Ang mamahal pa ang mga bilihin. Lingid sa kaalaman ng marami ay may mga tao sa Kamaynilaan na dalawa o isang bises na lang ng isang araw kung kumain.

    Partly to blame sa magulong buhay ng Metro Manila ay ang rural to urban migration na ilang dekada nang pinuproblema ngunit hindi masulosyonan ng gobierno.

    Pulitika, iyan ang masama sa mga pulitiko. Ginagamit nila ang mga mahihirap para sila ay maluklok sa puwesto.

    Mabuti at natauhan ang inyong pamangkin. Kaso hindi lahat ng mga taong nagbalik probinsiya ay pinalad. Karamihan ay muling bumalik sa magulong lungsod upang makipagsapalaran. Kapit patalim nang mabuhay lamang. Hindi kasi sustained ang programang balik probinsiya ng gobierno. Walang kabuhayan o sapat na puhonan na ibinibigay sa mga pinababalik upang magsimula muli.

    Kailangan pa ba dito ang legislation para magkaroon ng ganap na programa ang gobierno para sa mga gustong bumalik na sa probinsiya?

    Sa susunod na presidente ng Pilipinas, tugonan ang problemang ito. Sa mga pulitikong nakakabasa nito, ano ang inyong naiisip na paraan? At may maasahan ba sa inyo?

  5. Mareng Chi tama ka. For a change naman. Mabuti na lang nagyaya ang kumare ni Tisay. Hindi na kami nagdawang isip pa.

    Mer hindi sa province ninyo ito, sa ibang pulo ng Pinas. Kaya lang secret…

  6. Akala ko din, tunay na NPA itong kumander na napangasawa ng may akda.

    ‘Yun pala ay isang langaylangayang walang sariling pugad.

    Katulad ko din.

  7. napangasawa ng pamangkin ng may akda pala ‘yun.

    Kaps, salamat sa pagbati.

    Huwag mong dibdibin ang mga tula ko. Bunga la’ang ‘yan ng kawalan ko ng magawang matino sa buhay.

    He he heeh.

    Puwede ko namang sabihin nang diretsong pangungusap kumbakit naiisipan ko pang ibanghay at bigyan ng taludturan.

  8. You are welcome pareng Magno. My pleasure.

    Tuloy lang ang pagtula natin upang kalampagin ang mahal na reyna nang bumaba na siya sa kanyang trono at ibigay sa iba ang pamamahala.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: