Posted by: kidlatanvillage | December 26, 2009

Rizal’s Death Anniversary

A tryenta ng Disyembre ng binaril ng mga guardia sibil si Rizal sa Bagumbayan na naging hudyat naman ng himagsikan sa bansa. Hindi man ganap na nakamit natin ang kalayaan ay naging daan naman ito upang magkaisa ang karamihan sa mga Pilipino at naitatag nga ang Unang Republika ng Pilipinas. Iyong nga lamang ay naudlot dahit muli tayong sinakop ng mga Amerikano. Dumating ang pangalawang digmaan at sinakop naman tayo ng mga Hapon. Muling nagkaisa at nakipaglaban ang mga dakila nating sundalo at gerilyerong Pinoy. Napatalsik ang Imperyo ng Hapon sa Pilipinas sa tulong na rin ng mga Amerikano. Nakamtan natin ang kalayaan noong July 4, 1946 mula sa Estados Unidos at tayo’y naging isang malayang bansa ng Asia.

Ngayon at tayo’y malaya na bilang isang bansa ay katakot-takot naman problema ang ating hinaharap dahil na rin sa hindi magandang pamumuno sa gobierno at ang di pagkakaisa ng mga Pilipino dahil na rin sa ideolohiya at pulitika ng bansa. Gayon pa man kahit sabihin nilang “run like hell” ang ating bansa mas maigi pa rin kaysa tayo’y Kolonya ng makapangyarihang Amerika. Bagamat ganon ang ating sinasabi, sa hirap ng buhay ngayon sino nga ba ang ayaw manirahan sa Amerika?

Maganda ang pangarap ni Rizal para sa bansang ito kaya kanyang isinakripisyo ang sariling buhay. Ngunit hanggang kailan kaya tayo na maghihintay upang mabuo ang pangarap ng ating dakilang bayani?

Advertisements

Responses

  1. I would like to tell to our young peoples that Dr. Jose Rizal is our national hero not Pacman.

    Kapiitan dapat malaman ng ating mga kababayan na si Maria Clara ang ideal woman of kahinhinan not Krista Ranillo.

    Si Pacman ang wife ay si Jinky but Dr. Jose Rizal belongs to his live-in partner which is Josephine Bracken.

    Kaunting kaalaman lang mula sa hamak na janitor po lamang.

  2. Ang galing naman niyang tumula sa espanyol. Sayang I did not study very well kasi toca la campana lang ang alam ko.

    I remember tinanong pa ako ng teacher ko noong high school student pa ako, adonde esta el camino? Sagot ko naman Kap el camino esta diyahay kabila. Nagalit.

    Ang grade ko tuloy ay 74 sa fifth grading period. Mabuti na lang ipinasa din ako nang sabihin ko sa kanya yo te amo mi corazon.

  3. Joke lang po.

    But I know in my heart idol ko pa rin si Rizal. Not Ninoy, not Cory, not Pakyaw, not even aling Dionisia can take away his place in my heart.

    I will say mabuhay to all na nagmamahal kay Rizal.

  4. Sana matupad na ang mga pangarap ni Jose Rizal na matagal ng hinihintay. Good history lesson Kapitan.Dapat matutunan ng mga kabataan ito dahil kay Rizal mismo galing na ang Kabataan ang pag-asa ng bayan.

  5. Clap!Clap! Clap! Excellent rendition of Mi Ultimo Adios.

    Waaaaaaaaaaaa!!!! Huhuhuhu!!!! Tulo uhog ko!

  6. Kagabi ko pa ito inulit-ulit, Kap. Hindi muna ako nagtayp ng komento to preserve the beauty of the the poem in my heart.

    Nag-iisa sa puso ko si tito Joey. While I admire the kabayanihan of his contemporaries, nasa pinakatuktok ng pedestal para sa akin ang Dr. Jose M. Rizal.

  7. A (More than) Hundred Year Since and his beloved country is still yearning for freedom…..

    Waaaaaaaaa!!!!

  8. Manay Chi

    Altho I’m not a member of the Knights of Rizal, I’m always a Rizalista at heart. In fact, my son Noli is actually Noli Me Tangere. My second son should have been named El Filibusterismo but I suffered a humiliating defeat at the hands of my inlaws for refusing to name him that way. Sobra na raw ang pag idol ko kay Rizal, hindi sila pumayag.

  9. Pareng Joe and Cocoy at Mareng Chi ako man din ay Rizalista at heart.

    How I miss all those discussions about Rizal’s heroism in the class. Dumayo pa ako noon sa ibang departamento upang makinig ng debate ng dalawang propesor na nagtuturo ng Rizal. Ang kanilang topic ay kung si Rizal nga ba’y tinalikuran ang kanyang paniniwal at prinsipyo bago pa siya binaril sa Bagumbayan gaya nang balitang ikinalat ng mga prayle. At ito’y inilahd niya sa isang liham. Pero ako ay naniniwala na de did not retract from his beliefs and principles, peke ang sulat at gawa-gawa lang ng mga prayle.

    Pina-memorize pa sa amin noong ng teacher namin ng Espanol ang Mi Ultimo Adios. Mahirap gawin pero nai -memorize ko iyan hindi lang para pumasa kundi bilang paghanga din sa ating National Hero.

  10. Pareng Joe kung dalaga iyong isa mong anak ay lusot na sana kung pinangalanan mo ng Fili short of Filipina, Hehe.

  11. Hahaha!!!

    Joe, pero ni Noli ay hawig nga ni tito Pepe.

    Triumvirate sana kayong mag-aama: Jose, Noli, at Fili….hehehhe!!!!

  12. Mabuhay ka, gloria

    Mabuhay ka! Ikaw na pangulong nakaupo sa palasyo
    Ikaw na nagpumilit nang-agaw ng boto
    Huwag lang mapaalis sa ninakaw na trono
    Ginawa ang mo lahat kinutsaba si Garcillano.

    Mabuhay ka, babaeng pinagpala
    Tulad nang sinasabi mong sugo ka ni Bathala
    Tila baga’y anghel kang ipinadala sa lupa
    Naghasik ng lagim sa halip na pagpapala!

    Mabuhay tayong lahat, lagi mong sinasabi
    Dahil sa patnubay mo, gumanda ang economy
    Subalit bakit hanggang ngayon ay pobre pa kami
    Samantalang ikaw ay laging ’round the world ang biyahe?

    Mabuhay ka pangulo naming walang makakapantay
    Sa pagiging masipag at walang bahid na dangal
    Dahil sa walang sawa mong patnubay at paggabay
    Inaani namin ngayo’y pawang kahirapan.

    Matatapos na itong taon, araw mo rin ay bilang na
    Sa inagaw mong poder na tila ayaw mong mapasaiba
    Wala ka nang pagkasawang sa pagkalasing ay magbawa
    Kapangyarihan at salaping lumasing sa iyong walang duda.

    Isa lamang ang panalangin naming sa iyo ay nagpupuri
    Sana naman ang yaman mo kahit konti ay ibahagi
    Latak man ang ilimos mo’y sobrang kuntento na kami
    Matitikman din sa wakas ang pinawis ng dugo ng marami.

    Sana sa pagyukod nitong 2009 sa 2010
    Kasabay nito’y matanto mong gobyerno mo’y tapos na rin
    Maisip mong may hangganang bawat simula’y nararating
    At hindi mangyayaring maging presidente ka namin forever.

    Baka ako’y mapahaba na’t mga bumabasa ay magsawa
    Tagubilin ko, Aling Gloria ay sundin mong may pang-unawa
    Tanggapin mo ang katotohanang sukdulan ay nagbabadya
    Katapusan ay dumarating kaya sumuko kang buong kusa.

    Upang kami ay makatiyak sana’y dingging nitong langit
    Matagal na naming hinihingi, noon pa’y aming ‘hinihibik
    Magtika ka sa mga salang buong palalo mong inihasik
    Mabuksan ang iyong puso at luminaw ang iyong isip.

    Tatapusin ko na ito ng may pagsamo’t panalangin
    Sana ngayong Bagong Taon sa dusa kami ay palayain
    Kasabay ng salimbayan ng mga paputok sa papawirin
    Pagsambulat mo’t paglalaho’y buong saya naming sasalubungin!

  13. Hapi Nyu Yir, Byutipul Pipol!

    Hapi Birtdey tu mi tu.

  14. Happy Birthday p’rengMags!

    Today yan ha (dito sa YUIS) January 1, 2010.

    Big Bang for a Gold repeater, hehehe!

  15. Salamat sa pagbati.

    Sa mga gustong humabol sa handaan, meron pa akong nakareserbang limang Turkey na kakatayin.

    Hindi kinain ng mga bisita ‘yung labinlimang Itik na aking kinatay dahil sobra daw ang lansa ng amoy kahit pinakuluan muna sa suka bago inadobo, sizzling fried, stuffed at calderetta. Itinapon ko na lamang dahi baka malason pa sila.

    Baka sakali itong mga Turkey ay pagtiyagaan ng mga susunod na bisita.

    Happy New Near to all for you!

  16. Tito Mags,
    Isang taon na naman ang naidagdag sa kasaysayan ng iyong buhay. Sabi nga nila habang lalong tumatamis daw ang isang mamahaling alak sa pagdaraan ng mga panahon.

    Sana po ay you will have more bithdays to come. Happy birthday po sa inyo. Araw-araw daw po tayong ipinapanganak at araw-araw din tayong lumalago in terms of experience.

    Isa pong karangalan ang laging nababahagian po ninyo kami ng inyong mga ideas at magagandang pananaw sa buhay.

    Ang humor din po ninyo ay hindi matatawaran sa talas at galing.

    God bless po tito.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: