Posted by: kidlatanvillage | November 20, 2009

Sayonara, Sa ‘Yo Na Siya

In politics there are so many things you will sacrifice; relationships, moral values, honor and dignity, freedom, security, and resources. All for the sake of your political goals and ambition. And when you win an elective position there are people you need to thank too for their support and sacrifices. But when we thank people who helped us we don’t just say it in words, we have to give in to their demands from simple thing as giving a cabinet position to a friend to highly complex multi-billion transaction involving tax payer’s money, etc. 

With this set-up in our political system and governance how can you get rid of corruption? Only people change but the system remains basically corrupt.

Sa pulitika kung may aalis ay mayroon ding magbabalik. Sabi nga nila politics is addition. Kapag nagbawas ka ng kasamahan ay nangangahulugan ang panghihina ng iyong political party. Ngunit ito’y isang reyalidad na sa ating sistema ng pulitika, darating at darating ang panahon na ang iyong mga kaalyado ay lilisanin ang iyong partido para sa kanilang sariling interest. Kaya tuloy nasabi nila, sa pulitika walang permanenteng kaibigan, wala ring permanenteng kaaway, mayroon lang permanenteng interest bawat pulitiko.

Kaya sa pagpili ng iyong makakasama sa pagtakbo-from the national to the local office-kailangan mo ang isang matapat at mapagkakatiwalaang running mate. Ito ang naging problema nina Manny Villar at Gibo Teodoro, matagal din silang naghintay bago nakakuha sila ng kanya-kanyang running mate sa pagka bise-presidente. Kapwa nga nilang inawitan si Loren Legarda ngunit isa lang ang naging mapalad sa kanila, si Manny Villar. Finally nakapili din si Gibo ng running mate, kapwa niya guwapo na si Edu Manzano.

Ngunit sa pagtakbong iyan ni Edu ay may kapalit. Nawala sa kanya ang babaeng kanyang minamahal-si Pinky Webb. Magpapakasal na nga lang ngunit ingaw ng pulitika ang kanilang relasyon. Matagal din ang kanilang pinagsamahan at nakapanghihinayang. Ngunit dahil lamang sa tawag ng pulitika naglaho ang isang matamis na pagmamahalan.

Noong una si Ate Vilma nga ang sinusuyo ng administration party Lakas-Kampi-CMD na maging running mate sana ni Gibo ngunit nabigo ang partido ni Ginang Arroyo. Ayon pala ay may balak ang mag-asawang Governor Vilma Santos at former Senator Ralph Recto na lumipat ng partido. Sa LP sila nangibang-bakod. Welcome naman sila kay Noynoy Aquino at Mar Roxas, at sa mga iba pang matataas na pinuno ng LP. At dahil diyan ay naka-line up na rin si kuya Ralph Recto na tumakbo bilang senador sa partidong Liberal.

Sa kasamaang palad hindi naman ito nagustohan ni former senator Sergio “Serge”  Osmena dahil ayaw niyang makasama sa kampanya si Ralph na itinuturing niyang matapat na alagad ni Ginang Arroyo na siyang naging daan upang maisabatas ang E-Vat. Dahil dito ay nagpasyang iwan na lang ng dating senador ang kanyang partido. At least hindi plastic itong si Serge Osmena, ngunit saan naman kaya siya lilipat? Saan naman kaya siya ipapadpad ng kapalaran sa pulitika?

Hindi rin nagustohan ng mga kaanib ni senador Manny Villar na mga taga Party List (Ka Satur, etc.) ang pagsasanib puwersa ng NP at KBL ni Bongbong Marcos. Kinukuwestion nila ito. Hindi pa malinaw kung anong aksiyon ang kanilang gagawin kapag formal nang nagsanib ang NP at KBL. Sa totoo lang ang KBL ay dati namang NP iyan na siyang partido ng nasirang si Apo Ferdie Marcos.

Ay, pulitika. May umaalis, may lumilipat, may bumabalik, may nagkakahiwalay at may nagkakaalyansa. Ay, sayonara, sa ‘yo na lang siya. Puwedi ba?

Advertisements

Responses

  1. Broken hearted pala si Pinky kawawa naman.

    Sana ay napaghihiwalay nating ang personal na buhay sa pulitika dahil maraming nasasaktan na hindi dapat.

  2. Ano ba talaga kuya, ano ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay? Dahil ba sa ayaw ni Pinky na madamay siya sa mga maglalabasang intriga laban sa pagkandidato ni Edu o ayaw lang ni Edu na masama si Pingky sa kanyang kaibigoan, ay!

    Mahirap ito kap, kapwa dalaga pa naman ang involved kaya hanggang dito lang ang aking comment.

    Wait and see na lang baka magkakabalikan pa sila.

  3. Massacre sa Maguindanao, wala kayong mga puso. Mga wala kayong kaluluwa. Mga babaeng walang kalaban-laban ay ni-rape at pinagpapatay ninyo?

  4. Kailangan mahuli kaagad at ikulong ang mga pumatay ng mga inosenteng tao at mga journalists.

    This is political related violence. Panahon na para gibain ng mga naghahari-harian diyan sa Maguindanao na mga pulitiko.

    Kailangan kumilos na kaagad ang gobierno dito.

  5. Walang sacred cows. Dapat ikulong ang may sala!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: