Posted by: kidlatanvillage | November 11, 2009

Paarbor Naman Ang Bagong Album ni Aling Dionesia

aling diony

(My favorite comedy star, aling Dionesia Pacquiao)

Sa mga oras na ito ay natitiyak ko na nasa Las Vegas na ang mga Kongresistang tagahanga ni Manny Pacquiao.  Sabi nga ng Malacanang ay konsensiya na lang nila kung tutuloy pa o hindi pagkatapos ng mga sunod-sunod na bagyong humagupit sa ating bansa. Tutal sariling pera naman nila ang kanilang gagastahin kaya kung ano ang gusto nila, bahala sila.  Kung tanongin ninyo ako kung ako’y naiinggit, aba siempe,  oo naman. Sino bang ayaw masinagan ng kamera at makita man lang ang kahit kina-kalbong ulo ko sa buong mundo.

But this is not being  the case.  Kahit kidlat pa diyan ang itatapat mo kay Manny Pacquiao ay ay tiyak na matatalbogan ito sa ningning ng kanyang katanyagan bilang isang boksingero.  Kaya kahit sinong high ranking official ka pa ng Pinas ay makipag-agawan ka pa ng puwesto makbilang background habang iniinterview si Manny at nakikipagsabayan siya sa inglesan. Win or lose siya sa  kanilang bout ni Cotto, nandiyan pa rin ang kasikatan nitong magaling na pinoy boxer.

Bahala na kayo kay Manny, hindi ako interesado sa kanya. Kay aling Dionesia na lang ako bilang tagahanga. If I say tagahanga ang ibig kung sabihin ay fan.  Kaya kung papayag ang aking paboritong sumisikat na artista na sa aling Dionesia Pacquiao na makipag-showdown kay Imelda Papin ay papanoorin ko siya. Kung maari ay sa ringside pa ako nang aking masilayan ang kaaya-ayang kagandahan ni mama Diony Pacquiao. At palagay ko pati sina pareng Joe at pareng Cocoy ay maaliw sa kanya kapag narinig nila ang kanyang mala-anghel na boses na nanggagaling pa sa langit habang kinakanta niya ang “Together Again.”  Di ba Mer?

Sa sunod-sunod na product endorsement ni Aling Diony, sino ang magsasabing hindi na siya isang celebrity ngayon? Aba huwag ninyo akong kontrahin dahil naka-ukit na sa aking isipan na itong si mama Diony Pacquiao ay magiging isang sikat ding artista at superstar katulad ni Nora Aunor. May ibubuga itong si aling Dionesia sa pag-arte. Natural ang kanyang acting lalo na sa comedy. Tatagal siya igan sa entertainment industry lalo na kung mapapatulog na naman ni Pacman ang dakilang Kuto, este Cotto.

Ngayon pa lang ay nangungulekta na ako ng mga pictures ni aling Diony. Balang araw ang bawat label ng mga produktong iniindorso ni Mrs.  Dionesia Pacquiao ay magiging valuable item na kagaya ng mga dating posters ni MJ.  Kaya nga ay lagi akong nangangarap na kung may bagong CD na siya ng kanyang mga awitin ay bibili si Segundina at aarborin ko naman upang lagi kung pakikinggan araw-araw at gabi-gabi.  Ganyan ko siya kamahal at hinahangaan.

Nasa US na ngayon ang aking paborite star at dalangin ko na sana ay mag-enjoy siya at manalangin ng puspusan para magtagumpay muli ang pambansang kamao ng Pilipinas. Where ever you are aling Dionesia, please remember that there is one fan like me here in the flooded city of  Pasig who keeps on admiring you day by day.

Sana makikita kita uli sa telebisyon aling Diony.  Our joy and inspiration. Mabuhay ka!

Advertisements

Responses

  1. Tama nga ang balitang nadinig ko sa radyo, hindi raw kailangan ni Mama D na magbayad ng lalaki dahil pinagkakagulohan daw siya ng mga lalaki at maraming nanliligaw sa kanya. Noong araw pa daw ay marami nang mga binata na nagkakandarapa mapansin lang sila ni mama D.

    Pero ang sa ngayon baka iyong mga hikaw, kuwentas na bigay ni Pacman sa kanya na umaabot sa milyong-milyong halaga ang nakikita.

  2. At pati rin pala itong dakilang kapitan ay huma-hanga at nabibighani sa kinang ng mga alahas, este sa ganda ng kanyang paboritong bagohang artista.

  3. Ang tanong nga kay mama D. kung nasapawan niya si Ai-Ai sa pag-arte sa isang pelikulang pinagsamahan nila nina presidente Erap, ang sabi naman nitong dakilang mother ay hindi naman daw siya umaakting. Natural lang daw niya iyon, ang kanyang ipinakita sa big screen.

  4. Ang suwerte nga naman ano Kap. Kapag inabot mo ang kasikatan ng isang Manny Pacman ay hindi ka lang sa pera mabibiyayaan, pati mga kaanak mo ay sisikat din at magiging artista pa.

  5. Huling hirit na lang. May tsiks ba si Pacman? Totoo bang niregalohan niya ng mamahaling alahas ang isang sexy star? Ay napakaganda ng starlet… kung pagtabihin mo sila ni Pacman iyong starlet ay byuti at si Pacman ang the beast, I mean the best hehehehe!

  6. What a beautiful woman in front of you kapitan. Now alam ko na your taste of celebrity to entertain.

    Madam D. is good to be actress. She has plenty of alahas to make her a shining star of the night isn’t it?

  7. But Kapitan you must changed your title to like this, Paarbor Naman si Mama D. Di ba this one is more attraction?

  8. Wow mapapasabak na naman ako ng inglesan dito. Kumosta you mang Haydeen. I am very fine in texture, thank you Hehehe.

    Biro lang.

    Kap, at least inamamin mo na isa ka rin sa mga milyon-milyon ngayon na humahanga sa mga alahas, este galing sa pag-arte ni Mama D.

    Sa totoo lang malaos man sa boxing si Manny hindi pa rin malalaos si mama D. bilang artista.

  9. Dagdagan na natin, ngayon at sikat na si aling Dionesia bakit hindi natin siya patakbuhin bilang konsehal ng Gensan.

    Later maging Vice-Mayor naman.

    Hindi nalalayo na matulad din siya kay ate V na naging gobernador ng Batangas.

  10. Matindi daw ang sex appeal ni mama D. Hindi na raw niya kailangan pang magbayad ng lalaki dahil noon pang araw daw ay pinagkakagulohan na siya ng mga lalaki.

    Kap, hindi ka nagiisa. Marami kayong humahanga sa ganda at kaseksihan ni mama D.

    Hehehehe!

  11. Gundina,

    Ang lalong matindi, and money appeal ng mommy ni Manny P. Sabi nga nung isang blogger na nabasa ko, kung hindi nagkadatung si Aling Dionesia, just imagine ang kanyang ‘tsura.

    But we give it to her and MP’s popularity. Natutuwa naman tayo sa kanyang magandang kapalaran. Ngayon at nasa showbiz na sya, habang mainit pa, tiyak na marami pa syang projects sa movie and tv industry at maging sa pagkanta.

  12. Kung magtatayo po ng Mama D. fans club si Kap ay sasali ako diyan.

    Gusto ko ako ang magiging treasurer ng Mama D. Fans Club.

    Tiyak na walang makukupit si Kap niyan. Hehehe

  13. Medyo yata nahirapan si Dra.Bello kay aling dionisia. biruin mo ba naman ginastusan at nag-invest ang kanyang anak ng milyones para magmukhang tao.Tapos sabay pa sila nag-enroll sa ESL. Bibilib ka talaga sa nagagawa ng pera.

  14. Produkto ba ni Bello ang dede ni Donya Diony o ginamitan ng image enhancer?

    What can I say…dahil sa kamao ng anak, nadiskobre at sumikat ang nanay.

    Kap, kundi matinding karmic link ng mag-nanay yan, ano pa?

  15. Pssst what about my misis, my problem with her is her drying flower. May vaginal oil bang produkto si doc. Bello which I can apply to my wife because this is really our problem. I have erection but you see she has a dry vagina?

    I am already stagnant for about two months now.

  16. Mang Haydeen tama na po ang pagkukuwento ninyo sa kahinaan ng inyong tuhod. Tumatanda na po tayo kaya maging maingat na sa lahat ng parte ng ating katawan.

  17. Mang Haydeen pasyal ka na lang sa aking klinika, ibibgay ko ang aking address at pag-usapan natin ang iyong problema.

  18. Sabi ni Mrs. Dionesia Pacquiao ay hindi daw totoo na may relasyon ang kanyang anak kay Krista. Walang dahilan ang sabi niya dahil maganda naman daw si Jinky.

    Totoo maganda si Jinky pero maganda rin si Krista di ba Kap?

    We don’t own ourselves, it’s God’s, iyan na lang po ang dapat isipin ni Datu Pacman. Datu kasi gagawin daw siyang Datu pagbalik niya ng Pilipinas.

    Si Jinky, ano naman ang tawag sa kanya?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: