Posted by: kidlatanvillage | October 23, 2009

Let Erap Estrada Run for President (Ang Bagyong Si Bigotilyo)

Since former President Joseph Estrada (whose term of office was aborted by elite inspired people power) proclaimed he would be running again for president during the 2010 elections a lot of his supporters expressed jubilation while those against him just raised their eyebrows. Malacanang already expressed their view, he is not eligible to run. Not only that Erap would expect a lot of cases that would be filed against him. He will then spend more time in court depending himself rather than campaigning. That is if COMELEC allows him to run.

It is expected that a lot of camps would gang on him questioning his certificate of candidacy the moment he files it to the COMELEC. Then there’s the court (probably the Supreme Court) to decide if he could run. It is expected that said legal battle would drag on for days and months before the final arbiter makes a decision. So concerned people from the Republic of the Philippines have reason to fear that this would derail the automated election. And nobody but Malacanang, perhaps, would be delighted if such scenario will come to happen. This will give more chance to their bet to win, winning by all means?

But Malacanang folks will surely not be the one to go to court. There are others willing to do it. There is nothing painful to the folks if the presidential election would be delayed. And why not the sitting president would still be the president until a successor lawfully comes. No matter what others may say I am sure Malacanang will not easily succumb to any extra-constitutional means to (without any elected presidential successor) uproot GMA from power. Okay prolong Erap’s agony and see how Malacanang will exploit the situation.

On the other hand, Mr. Asiong Bigotilyo is as prepared as the Boy Scouts in his bid to run for the highest position of the  land thus reclaiming the throne forcibly taken away from him. He is ready for the legal battle because there is a legal basis (according to his camp) he could run for any elected office. He is not bothered with surveys where  Sen. Noynoy Aquino, the brother of Kris and son of Cory, who is ranking high (number one!) in the surveys. He said he is still confident his Erap’s magic and the puwersa ng masa will bring him to power once again! With regards to Malacanang’s warning that he would be flooded with cases in court once he has filed his candidacy he is not afraid and ready to face anybody in court. But how about his health? He said he is physically and mentally capable still; he feels like he is only a 40-year old guy like Chiz Escudero.

Ang Bagyong Si Bigotilyo

Matindi pa sa bagyong Ondoy at Pepeng ang dating nitong si Erap nang kanyang sabihing kakandidato siya sa pagka-pangulo sa lugar kung saan siya ay ipinanganak. Sa Tondo nakilala si Asiong Salonga kaya sa Tondo muli itinaas ang kanyang kamay kasabay ang pangakong muli niyang ibabalik ang puwersa sa masa. Makasaysayan ika nga ang lugar kung saan idiniklara ni Erap ang kanyang muling pagtakbo at pagbabalik sa Malacanang. Ito na ang kanyang huling pagganap sa huling yugto ng kasaysayan ng kanyang buhay!

Minsan ay dito rin isinilang ang diwa ng mapagpalayang rebolusyon sa pamamagitan ng mga anakbayan na pinangunahan ni Andres Bonifacio. Hindi mang Katipunan o Andres Bonifacio si Erap pero muli niyang isinigaw ang mithiing palayain ang bayan mula sa rehimeng Arroyo. Muli niyang ipagpapatuloy ang naudlot na pangarap na pangalagaan at itaguyod ang kapakanan, kapangyarihan, karangalan ng mga maliit. Ang tanong, magtatagumpay naman kaya siya?

Pero ayon sa mga eksperto, naglaho na raw ang Erap’s magic (ni erection wala na nga ba?) at napunta na ang attention ng mga masa sa mas bata pa sa kanyang kakandidato sa pagka-pangulo. Matatalo lang daw iyang si Erap. Hindi raw madaling burahin sa mapa ng Pilipinas ang mga nagawa niyang anomalya (kung mayroon man) nang siya’y natira sa Malacanang ng dalawang taon. Ganon naman pala e… Pero bakit pa hinahadlangan ang kanyang pagtakbo?

Ano ba ang kinatatakutan nila kay lolo Asyong Salonga ha Colegiala girl at Segundina? Dahil ba sa may asim pa itong si ka Asyong Salonga?

Sana ay hayaan na lang po ang taumbayan na humatol. Payagan na ninyong tumakbo si Erap. At kung madapa siya, e di magtatanda na itong senior citizen na papa, di ba Joy?

Advertisements

Responses

  1. Oo nga naman, bakit hindi na lang hayaan si Erap na tumakbo? Matanda na sya, alam niya ang kanyang ginagawa. Mas OK ngang kalaban yung may katulad nyang na prosecute ng plunder at nakulong pa nga. Pinalaya lamang ni da glorya. Sabi ng mga alipores ni da glorya, babahain ng protesta at demanda si Erap. Pakawalan na nila ang dam na punong puno ng demanda at protesta. Palagay ko, sa dinanas ni Erap buhat nang lisanin nya ang Malakanyang, nang siya ay i-finger print like a common criminal at tuluyang ikulong ng 6 na taon, bale wala na kay Erap dahil praktisado na sya sa ganyang eksena. Bukod pa yun sa mga eksenang nilabasan niya bilang ta-artits na kung saan lahat na klaseng parusa at pasakit ay kanya nang dinaanan sa harap ng kamera. Kung ako ay isang presidentiable, tuwang tuwa akong makalaban si Erap sa pagka pangulo. Bakit yung iba’y matatakot?

  2. Hehehe, marami kasi diyan pareng Joe ay walang yag-ba. Hanggang salita lang. Itong matandang kabayo ay wala nang mawawala pa sa kanya manalo at matalo. Sila, baka matsambahan pa na uppercut ni lolo at makatulog ng mahimbing sa kangkongan.

    We have matured voters, alam na nila kung sino ang karapat-dapat. Sige nga payagan na ninyo si Erap nang magkaalaman na.

  3. Bakit nga ba ginagawa pang isyu ang pagtakbo ni Erap kung wala palang binatbat?

    Ayos lang yan kung iboboto pa sya ng tao, kung hindi e di mananahimik na yan. Palagay ko kahit na may laban pa si Asiong ay hindi na mananalo, iba na rin kasi ang panahon. Kaya pagbigyan na si Erap na tumakbong muli.

    Natatakot ba sila na baka manalo pa? hehehe.

  4. Mareng Chi si pareng inFidel, este Fidel Ramos na ang nagsasabing puweding makipagsabayan siyang tumakbo kay Erap. Iyong nga lamang ay sa marathon race from Tanay to Luneta daw ba, hehehehe.

  5. Sama ako ng sampong piso sa pustahan, magiging mainit ang talakayan sa isyung ito inside and outside the Korte.

    Tutal hindi na makikialam pa dito ang Malacanang, tanging korte na lamang ang makapagsasabi kung may legal na basehan sa pagtakbo ni Pareng Asiong sa pagkapresidente.

    Pero sa akin lang kung may gusto ang Malacanang na manalo from the opposition iyon ay walang iban kung hindi si Erap. Dito ay sasama na ako ng bente sinko pesos sa pustahan, hehehe.

  6. The case of Erap running for the presidency again certainly will be a hot topic at nakikisawsaw tayo dahil magiging interesting ito, day in and day out. In fact, it will enrich the jurisprudence on how the Supreme Court will act on it once the legality is questioned before the High Tribunal.

  7. I read this in a certain forum and please allow me to post it here:

    Those who will merely scoff at the present posturing of Joseph Ejercito aka ERAP Estrada for a “Take 2” / “Second Round” at the Presidency of the Philippines will be in for the worst nightmare of their lives.

    Already, there are rumblings from almost all corners of the legal front, except the Supreme Court as should be expected, since it will have to
    resolve the question of law / constitutionality should ERAP Estrada push through with the actual filing for candidacy from the mere posturings at
    this time.

    That may be the main plot, but it is open to so many possible twists and turns. And one of the most interesting to anticipate is the “switch in the
    candidate” for the approved slot for President that will be secured upon for formal filing by ERAP Estrada.

    There are many possible interpretations of the pertinent provisions regarding the prohibition for re-election for the position of President of
    the Philippines in the 1987 Philippine Constitution. Nevertheless, the following are crystal clear:

    The intention is to prohibit re-election for the incumbent President. That is the tenure is just 6 years, without re-election.

    There is no explicit provision spelling out that election as President is just once, for the lifetime of a particular individual. Had that been the
    intention of the members of the Constitutional Convention that crafted the 1987 Philippine Constitution, that would have been spelled out clearly as stated: “election as President is just once, for the lifetime of a particular individual”.

    Thus, Joseph Ejercito aka ERAP Estrada is on the verge of testing the pertinent provisions of the 1987 Philippine Constitution regarding
    Presidential tenure.

  8. Kapitan K, mayroon pang isang comment pero may basehan:

    The MASA elected Dra. Loi Ejercito and Jinggoy Estrada as SENATORS, simply because the MASA believed that they will become the spokesperson for the MASA through their idol, Joseph Ejercito aka ERAP Estrada. And yes, definitely, Erap running again a potential BOX OFFICE HIT.

    Ito ay sa kadahilanang gustong gusto ng masa lalo’t mahilig manood at sumubaybay sa telenobel ang istorya ng isang tao at actor pa mandin na naging presidente, natanggal, nakulong, napardoned, tapos making a comeback. Kumpletos rekados. Very colorful ang kwento ni Erap, isang dropout at hayagang babaero kaya hitik na hitik sa romance ang istorya. At kung emosyon ang tatakbo, tiyak na iboboto pa rin.

  9. Takot sila sa Pagbabalik ni Asiong dahil bubweltahin sila ni Erap.Let him run and hope to win para magkaalaman na kung sino ang may sala.

  10. Sa aking sariling pagsusuri po malakas pa rin ang dating sa mga masa ni Erap. Ang tingin kasi nila ay siya ang kanilang dakilang tagapagligtas sa kahirapan at kaapihang dinaranas sa buhay. Hanggang langit at lupa po ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap patuloy pa ring titingalain ng mga mahihirap na masa si Erap. Ewan ko po pero nadikit na yata sa isipan ng mga mahihirap na kailan man ay hindi nila dapat pagkatiwalaan ang mga elitista. Si Erap, iyan ang pantapat ng mga mahihirap laban sa mga mapagsamantalang elitista at mayayaman.

    Ang aking kinatatakotan lang ay baka lalong umigting pa ang class struggle (mahihirap laban sa mga elitista at mayayaman) na nagiging sanhi ng pagkawatak-watak ng bansang ito.

    Isa pang bagay na kapansin-pansin ay ginagamit ng ibang pulitiko ang isyu ng pananamantala ng mga mayayaman at elitista sa mga mahihirap para lamang makuha ang simpatiya ng nakakaraming bilang ng mga mahihirap na masa sa ating bansa.

    Sa talumpati kasi ni Erap ay muli niyang idiniin ang ginawang panghahalay sa kanya ng mga elitista nang pinangunahan ng mga ito ang pagpapatalsik sa kanya.

    Ngayon baka emosyon at hindi socio-economic issues ang maging basehan sa paglukluk sa puwesto ng isang pangulo.

  11. Tito Joe,

    Kasama rin siguro sa panlasa ng mga masa na ang kanilang hero o tagapagligtas sa kahirapan at kaapihan sa buhay ay isang machong lalaki, may paninindigan, may puso para sa mga mahihirap, at siempre kailangan na kilabot din sa mga tsikas.

    Naku po, kikita ata ito sa takilya. Ang nakakatakot baka hatakin pa nito ang milyong-milyong boto para manalo.

    Any way anong magagawa po natin kung iyan ang like, hehehe, like ng karamihan. This is democracy, and being in a democratic system we should abide by the rule of the majority.

    Pakiusap lang should Erap or anybody else emerge the winner, puwedi bang bayan muna (kahit 30 percent lang, hehehe) and 70 percent para sa mga kronis ninyo?

    Ibig kung sabihihin serve the people first not yourselves lamang mga kabigang pulitiko kung maari!!!!! Kung mananalo kayo, hehehehe!

  12. Erap baka may panalo iyan. Mahirap ang magsalita ng patapos.

    May problema lang legal si Erap. Baka pagka-file pa lang ng kanyang certificate of candidacy ay madisqualify kaagad siya.

    Pero tama po kayo Kap, why don’t just allow him to run for president? Malacanang na mismo ang nagsasabi na bakit pa siya hinaharangan, let him go at magkakaalaman na.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: