Posted by: kidlatanvillage | October 5, 2009

Update on Typhoong Pepeng (Ang Gusto Kong Pangalan ng Susunod na Bagyo ay Segundina)

Typhoon Pepeng has weakened into a tropical storm; it was sighted 230 kilometers northwest of Laoag City. It is expected to remain stationary for the next three days according to Nathaniel Cruz of PAGASA. It  dumped an estimated 402.6 mm of rain in Laoag City Ilocos Norte and  417.3 mm of rain in Vigan, Ilocos Sur during the same 24-hour period ( from 8 a.m. of October 4  to  8 a.m. of October 5).

It seems that Pepeng is still in the Philippine territory, right Segundina?

On the other hand PAGASA announced the coming of  a new typhoon locally code named Quedan (international name Melor) which is expected to enter the Philippine area of responsibility by noon Monday. The new typhoon  packs a maximum sustained winds of 205 kilometers per hour and gusts of up to 250 kph.

Ang Bagyong Segundina

Noong bata pa ako ang lahat ng mga dumarating na bagayo ay ipinapangalan sa isang babae. Tinanong ko ang aking magaling na ninong, si Inspector Asyong (Livestock Inspector ng BAI noong araw) kung bakit walang bagyo  na ipinapangalan sa pangalan ng mga lalaki. Napaisip ang genius kong ninong na kamukha pa ni Rizal kaya marami siyang Maria Clara sa buhay. Akala ko ang sasabihin ay dahil sa pabago-bago ang isip nito kagaya din ng pabago-bago niyang direksiyon. Naitanong ko na kasi kay Mr. Calauang (pronounced as kalawang) ang aming industrial arts teacher at pabago-bago nga raw ang ihip (o isip) nito. Mali ako.  With authority ito ang sinabi ni ninong: “Kapag ipinangalan mo sa lalaki ang bagyo, lahat ng mga puno ay matutumba at pati ang mga bundok ay magigiba.” Matalinhagang magsalita si ninong kaya hindi ko siya nasasakyan kaagad sa mga sinasabi niya lalo na kung lasing.

Matagal nang namayapa si ninong at parang kasing tanda ko na rin nang tanongin ko siya; kaya napapaisip naman ako. May katotohanan ba ang sinabi ng aking magaling na ninong? Ang alam ko kasi lahat ng mga technique sa panliligaw na itinuro niya sa akin ay puros tumama. Kaya nga napangasawa ko si Tisay na noon ay ipapakasal na lang sa isang anak mayaman. Pero ang tungkol sa pangalan ng bagyo na gawing pangalan ng lalaki ay hindi ako sigurado kung totoong dodoble ang lakas nito. Mali na naman ako. Hindi ko dapat pinagdudahan ang sinabi ng genius kong ninong. Tignan mo naman ang hagupit ni Ondoy, binaha niya ang mga bayan at siyudad at giniba pati ang mga bundok sa landslide.

Kaya ibalik natin muli ang mga pangalan ng bagyo sa pangalan ng babae. Mas maigi na ito kaysa danasin na naman natin ang malakas na hagupit ng isang bagyong ang pangalan ay Pepeng. Duda nga ako sa paliwanag ni Colegiala kung bakit niya tinawag ang bagyong Pepeng na Pepeng mabaho at Pepeng malaki. Pero hindi na ito mahalaga, ibalik na lang natin sa pangalang babae ang lahat ng mga bagyo. At least dahil pabago-bago ang kanilang ihip o isip, kadalasan ay hindi sila tumutuloy sa atin. Utang na loob hirap-na- hirap na ang Pilipinas, di ba mareng Chi? Lalong nauunano ang paglago ng ating ekonomya tuwing tayo’y nasasalanta ng mga dumarating na bagyo.

Pero may mga darating pa raw na bagyo sa ating bansa (mabuti kung ang ibig sabihin ng bagyo ay sexy) at muling masasalanta ang ating mga ari-arian at mga pananim. Iyan naman ang inanunsiyo sa atin ng PAGASA at ang Matang Lawin na anak ni DENR Secretary Lito Atienza. Sabi naman ng gungong na si Banong ay bakit hindi na lang daw sa Malacanang  bumisita para masaya. Puwedi ba iyon? Gusto ba ninyong mapinsala ang tahanan ng mahal nating pangulo? Huwag naman ganoon… Kaya kung may darating man ay gusto kong ipangalan ito sa isang babae.

Sa darating na bagyo dalawa lang na pangalan ang pinagpipilian ko na ipangalan. Bagyong Mer, o Bagyong Segundina. Mga magaganda at kapwa “bagyo” talaga ang katawan. Kaso may pagkakaiba sa ugali, iyong isa ay pinong-pinong magsalita at kumilos. Pero iyong pinakabata sa kanila ay may pagkabutangera, hehehe. Kaya out na siya sa aking pinagpipilaan.

Bagyong Segundina, iyan ang gusto kong ipangalan sa susunod na bagyong daratin. Mahinhin, pinong magsalita, ngunit may kapilyahan nga lamang (sa pagba-blog lang). Sa halip na malakas na ulan ang papatak ay ambon lamang. At kung sa lakas ng hangin ang pag-uusapan ay bugang bentilador lamang. Kahit ilagay mo pa sa signal number 5 ang Metro Manila ay di ka manganganib.

Kaso, may kapilyahan si Segundina. Laging nasa loob ang kulo, hehe. Kagaya ng nasabi ng ninong ko (ewan ko kung sang-ayon kayo) pabago-bago daw ang takbo ng isip ng isang babae. Kaya ito ang peligro, papaano na lang kung magbago ang isip, este ihip ng hangin ni Bagyong Segundina? Sa halip na ambon ay torrential rain ang papatak. Sa halip na bugang bentilador lamang ay tornado na ang hatid na hangin ni Bagyong Segundina? Sa halip na wala nang pagbaha pa ay may rumaragasang tubig na naman galing sa mga dams at kabundokan. Kawawa naman itong mga bagong kasal baka sa mga evacuation centers pa nila ipagpatuloy ang kanilang honeymoon. 

Pero, teka, huwag na lang kaya. Masyadong malikot kasi ang imahinasyon ni Segundina. Baka mamaya iyong darating na Bagyong Segundina ay malikot din ang imahinasyon. Sa halip na bubungan ang liliparin ng hangin ay iyong mga underwear lang na suot ng mga kalalakihan at mga kababaihan from Mega Manila to Malacanang. Matutuwa si Doc.bobonyo dito at may idea na siya tungkol kina Adan at Eva sa Paraiso.


Responses

  1. Sikat na naman si Segundina. Mare nasaan na nga ba si typhoon Pepeng. Akala ko ay nakaalis na sa bansa? Hehehehe!

    Nasa Laoag pa yata at ayaw iwanan sina Kong. Bongbong at Deputy National Security Adviser Chavit.

  2. Kap naman bakit hindi Mering at Gunding na lang ang iyong ipinangalan. Di ba ganito sila magpangalan ng bagyo noon?

  3. At bakit mo naman pinagdududahan pa ang aking paliwanag. Mas maliwanag pa iyon sa ilaw ng lampara o kandila na gamit nila sa mga evacuation centers.

    At saka mas maliwanag pa ito sa patay sindi di ba? Hehehehe!

  4. Sorry ho for saying earlier na naka-exit na si Pepeng. Nandiyan lang pala na parang langaw na aali-aligid sa Norte. Tama ma nga si Colegiala, dapat ang tawag sa kanya ay Pepeng mabaho. Sorry for the term used pero para bagang isa siyang teroristang pokpok na nahawa ng aids na dapat mawala sa ating kapaligiran.

  5. Kap huwag ninyong ipangalan lang sa pangalan ng mga babae ang bagyo. Alalahanin ninyo na ang mga babae ay niriregla, maliban lang sa mga nagminipos na, at kapag niriregla di ba mainit ang ulo ng mga babae? Magisip-isip ka Kap baka makaranas kayo ng fury ng bagyong niriregla, hahahahahaha!

  6. Maka singit nga sa usapan dine, ay!

    Habang pinagtatalunan nyo kung anong pangalan ng bagyo pang darating, ano baga ireng narinig ko na pumalpak na naman ang PAGASA dahil sa prediction nila na super typhoon si Pepeng at malamang mahigitan si Ondoy. Dahilan sa kakulangan ng weather forecasting equipment, the usual convenient excuse, dinaanan na lang ng Pagasa magpakwela. Tawagin na lang daw si si Pepeng na Pepeng Maliit at si Onday, Pepeng Malaki.

  7. Kulang sa pondo ang ating PAGASA pareng Joe kaya expected na wala nang PAGASA pa ang PAGASA na maging accurate sa kanilag weather forecast.
    Bakit kasi puro travel ang inaatupag ng ating presidente at ilang milyon na ang ginagasta sa mga trip to heaven, este trip niya pala sa abroad.
    Hindi na biro itong mga nangyayari sa atin ngayon. Kung taon-taon na ganito ang ating aabutin ay tiyak na lalo pang babagsak o maduduwende ang ating ekonomya.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: