Posted by: kidlatanvillage | September 3, 2009

Sapagkat Kami Ay Tao Lamang…

Inamin ni Senador Mar Roxas na nasaktan din siya sa biglang pagsulpot ni Noynoy Aquino bilang isa sa mga gustong kumandidato para sa pagkapangulo mula sa kuponan ng Liberal Party. Ngunit dala ng kanyang pagrespeto sa pamilya Aquino at para na rin sa kapakanan ng kanyang partido na ang tinutumbok naman nito ay kapakanan ng bayan ay nagparaya siya. E sino nga naman ang hindi masasaktan niyan. Di biro-biro ang salaping kanyang ginugol para sa mga TV Ads niya at paglilibot nila ng kanyang kasintahang broadcaster na si Korina Sanchez. Kagaya niya naiyak nga din ang kanyang magiging kabiyak sa naging desisyon ng Senador.

At sa kanyang pag-atras ay susuportahan din naman niya ang kandidatora ng kanyang kaibigan na si Noynoy. Ay oo nga pala, kung hindi lang napaaga ang pagkuha ni Lord kay tita Cory ay marahil siya pa ngayon ang standard bearer para sa LP. At si tita Cory ay naging Ninang pa nila ni Korina sa kanilang nalalapit na kasal sa ika-dalawampo’t tatlo ng araw, buwan ng Oktubre. Ngunit hindi yata laan para sa kanya ang maging presidente kundi si Noynoy na siyang napipisil ng marami at sumasagisag sa reporma ng pamahalaan at nang bansa na nauna nang isinulong ng kanyang mga magulang. Marahil ay tinimbang din ni Senador Roxas ang hindi umaangat niyang rating kahit araw-araw pang nakikita ang kanyang TV political advertisement.

Para kay Noynoy naman ay isang napakalaking responsibilidad para sa kanya ang pagtakbo bilang presidente. Kagaya ng naturan ng isang political analyst na si Clarita Carlos ay hindi lang katapatan at malinis na pangalan ang panuntunan sa pagpili ng isang pangulo kundi ang kanyang kakayahan ang suporta ng mga mamayan pati na ang mga pulitikong bahagi ng ating Kongreso, from Senate to the House of the Representatives. Ano nga naman ang magagawa ng kanyang papolaridad sa masa at mamamayan kung hindi naman siya suportado ng Kongreso na siyang pinuproblema ni Barack Obama na presidente ang Estados Unidos ngayon. Kaya isang matinding panalangin ang kailangan ngayon ni Noynoy para magabayan siya ng Holy Spirit sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

Tao nga naman at nagbabago din itong si Bongbong Marcos. Nagbago in the sense na susuportahan na niya ang kandidatora ni Noynoy na anak ni Ninoy Aquino na mortal na kaaway ng kanyang nasirang amang presidente na si Ferdinand Marcos. Marahil napagtanto na rin ng pamilya Marcos at Aquino na walang patutunguhan ang away nila sa pulitika. Bilang nagpapakatao ay mahalaga ding isipin ang kapakanan ng bansa ngayon na matagal nang binababoy(sa paningin ng karamihan sa mga mamayan) ng mga taong may taglay na kapangyarihan sa gobyerno.

At para naman kay Kris na kapatid ni Noynoy, pabor siyang tumakbo bilang presidente ang kanyang kapatid na Senador ngunit please lang huwag muna siyang magaasawa. What? E tao din naman na may pangangailangan itong si Noynoy. Karapatan niyang mag-asawa, ang lumigaya, at nang magkaroon ng mga anak. Hindi siya bumabata, gayon din ang kanyang magandang kasintahan. Ang lagay ba kapag nanalo si Noynoy na presidente wala siyang matatawag na First Lady? Bakit pari ba siya na pagkakaitan mo ng kalayaan upang lumagay na sa tahimik. E lalagay na nga sa tahimik sina Koring at Mar, ibig mo bang sabihin Kris iinggitin mo lang ang iyong kapatid?

Bilang isang taong nagpapakatoto, ito naman si madam Imelda Marcos kung siya lang ang masusunod ay nais niyang maging pangulo ng Pilipinas ang kanyang kaisa-isang anak na lalaki na si Bongbong Marcos. Pati nanay ko nga rin ay nagaambisyon ding maging gubernador ako sa hinaharap. Pero anong naging kapalaran ko, kapitan ng Barangay. Lahat ng tao ay may pangarap di ba? At pangarap din ni madam Imelda Marcos na maging presidente sana si Bongbong at ma-appoint naman ang butihing ina na maging ina ng mga Barangay. Barangay Mama for Imelda, alangan ba?

Sige sabay-sabay na lang tayong kumanta lahat ng…

At kung iyan may ay kasalanan… ay sapagkat kami ay tao lamang…

Advertisements

Responses

  1. Eto, sabayan po nating lahat…

  2. Kap paborito mo palang pakinggan ang mga Tagalog songs na kinakanta ng mga Lettermen. Sabagay mga kaedad nga naman ninyo sila, hehe.

  3. Kap nangangarap din palang bumalik sa Malacanang si madam Imelda. Biro mo gusto niyang maging Barangay Mama, hahaha.
    In fairness naman kay madam, aba mahilig iyang magpaganda ng ating kapaligiran. I think its about time to have an Imelda na may adhikain para sa malinis at magandang kapaligiran. Iba na kasi ngayon, napakarumi na ang ating kapaligiran sa Metro at maging sa mga probinsya. Tama yatang may gawing Barangay Mama.

  4. kap, maganda naman ang ginawa ni mar na move bilang presidente ng kanilang partido at bilang pulitiko. para kay noynoy naman tama lang na pag-isipan at pag-aralan nya ng mabuti kung talaga bang handa na sya sa hamon na kumandidatong presidente. iniisip ko lang din baka minority lang ang maiingay at nagsasabi na maging presidente sya. sang-ayon ako kay ate “ballsy”. ate ko na sya ngayon. ganda ng ngipin nya.
    kay kris naman. wag naman syang selfish. kelangan hindi lang sya ang dapat makapag-asawa at magkaanak. ok naman yung girlfriend ni noynoy. mabait na maganda pa at matalino (wag nyo na pong tanungin kung bakit ko alam. he he he…).
    dun naman sa marcos-aquino long decade story, sangayon po ako sa inyo. panahon na na ilibing ang mga hidwaan. dun sa mga tao na ayaw pang kalimutan ito ng basta-basta, nasa korte na naman yung mga kaso ng mga marcoses so hayaan na lang natin na magkasundo na ang dalawang pamilyang ito… sana magkatotoo ang pakiramdam ko na unti-unti nang magbabago ang bansa natin. panahon na na tayo naman ang umunlad tulad ng singapore.

  5. kap, punta tayo sa bahay ni seg. kain tayo ng ube na galing sa mga madre. kwentuhan tayo dun ulet.

  6. Tama ka sa sinabi mo William. May patutunguhan itong pagtakbo ni Noynoy kung mapagtanto niya na siya na nga ang “the chosen one” to lead this nation again.

    Kay Kris, “wish ko lang” iyang sinasabi niya. Kailangan ng isang presidente ang isang desenteng babae na gagabay din sa kanya. At tama ka uli, manawagan tayo kay Kris na huwag naman niyang diktahan ang personal na buhay ng kanyang kapatid.

    Kung siya nga ay may pangangailangan, kay Noynoy pa kaya.

  7. Girl,
    Huwag pagtawanan ng mga tao si Imelda, imaginative iyan kaya marami siyang mga proyektong nagagawa na para din sa kapakanan ng lahat.
    Sana kahit hindi presidente ang kanyang ihong si Bongbong, gawin na niya ang maging Mama ng Barangay. Welcome siya sa amin sa Kidlatanvillage, hehehe.

  8. Ay santisima nakakahiya itong ginawang paglustay na naman ng pera ng gobyerno itong mga Barangay Officials na nag-fieldtrip sa Hongkong. Aminin natin mga kasama, karamihan sa ginawa ninyo ay puros pamamasyal lang.

    Sabi pa ng isang kapitan he deserve naman daw such a vacation kasi seven years na siyang nanunungkolan bilang Kapitan.

    Ang daming pakikinabangang proyekto para sa mga mahihirap kagaya ng mga hospital buildings o classrooms na maipapatayo sa ginasta ng mga Kapitan sa kanilang pamamasyal sa Hongkong.

    Sabi nga ni mayor Lim, paiimbistigahan niya itong mga Kapitan ng Kamaynilaan na sumali diyan sa field trip/training kuno. Ilang milyon ba ang ginugol, may 80 million pesos din silang sinayang tsk, tsk.

  9. kap, napanood ko rin yan interview sa kapitan ng maynila na yan. yung reason nyang 7 yrs na syang naglilingkod sa barangay nya ay hindi valid. una sa lahat, sya ang nagpresinta na maglikod. nag-apply sya e so dapat lang gawin nya ng tama ang responsibilidad nya. pangalawa ang isang public servant ay hindi naghahanap ng kapalit. higit sa lahat hindi sya ang magsasabi na karapatan nya o deserve nya na bigyan ka ng reward. alam nyo itong nangyayare na ito ang napakagandang halimbawa ng kasabihan na “kung ano ang ginagawa ng itaas, sya rin gagawin ng mga nasa ibaba.” dito makikita mo kung anong klase talagang pamumuno meron ang ating bansa ngayon.

    napanood ko rin yung interview ni mikey arroyo sa channel 7. yung interview ni mareng winnie at arnold. huling huli si mikey dun. kitang kita sa muka nya, pananalita nya at kilos nya na hindi sya nagsasabi ng katotohanan. pinakamagandang halimbawa din ito ng kasabihang “kung ano ang puno sya rin ang bunga.” palagay ko gumagawa na ng paraan ang pamilya ni mikey para makalusot at maprotektahan sila pag-alis nila sa pwesto. kasi kitang kita na nila na wala silang lusot sa mga kamalian na ginawa nila. isa pa hindi sila popular sa masang pilipino tulad ni erap na naging kakampi nya noong sya ay nasa kulungan. (kung gusto nyong mapanood ito, search nyo lang sa youtube. pinagpipyestahan na dun ito)

    yung katwiran ni chavit singson ay isa rin maling katwiran. walang tama sa ginawa nya. isang halimbawa din ito ng kasabihan na “kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay sya rin gagawin sayo.”

    wala ba kayong napapansin connected lahat sila sa administration. he he he…

    for LP’s (noynoy & mar): they should admit it that “cory’s magic” is not enough to win this fight. they also need “erap’s charm”. hindi man natin matanggap yan, hawak pa rin ni erap ang malaking bulto ng masa sa pilipinas. sabi nga ni bishop ted bacani, “ang tingin nya ay hindi nabawasan ang pagmamahal ng masa kay presidente estrada bagkus ay lalong nadaragdagan dahil sa mga nangyayari ngayon.”
    erap is holding a big trust rating in Luzon and Mindanao. he has a satisfactory rating in visayas today. he got the loyalty of INC and El Shaddai. at ang sabi nila the junior officers of AFP and PNP ay mas gusto si erap. with all of these malaking pwersa pa rin si erap. kaya kung ako kay noynoy at mar kausapin nila si erap at palagay ko matitrigger nila ang pagiging stateman si paring erap. si erap pa, e hindi naman ma-erap kausap yan. he he he…

  10. pero kap, matanong ko lang. hindi kaya naghihimutok ka lang dyan kasi hindi ka nakasama sa trip nila. he he he… joke lang kap. pero wag kang mag-alala pagbakasyon ko isasama kita sa china. dyan sa china town sa maynila. dyan kakain tayo ng tikoy. isasama natin si tito hay (haydeenkoi). he he he…

    teka nga pala. nasaan na si tito hay? hindi nagpaparamdam ngayon ha.

  11. Pasensya ka na kung ngayon lang kita nabisita.Maraming nangyari nitong mga nakaraang araw,una nasagaan ng pison iyung pustiso ng lolo ng best friend ko.Nawala ang kanilang pusa at isinilid sa sako ng tiga bikol,mga limang buwan pa siguro bago makauwi iyung pusa.

    Tapos prinotesta ng tao iyung pinagkakakitaan ng mga tauhan ko.

    Naka-post na ngayon sa blog ko.Kung gusto ninyong maging riot police,pumunta kayo doon dahil may rally na nagaganap.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: