Posted by: kidlatanvillage | August 7, 2009

Sabi nina Liwayway at Ompong Gawing National Hero daw si Cory

Sa dami ng mga nakiramay at nakipaglamay sa pagyao ng dating Pangulong Cory ay batid ng buong bansa at marahil ang buong daigdig na maraming humahanga at sumusuporta sa kanya dahil sa mga sakrisyo at ipinaglaban makamtan lang ang kalayaan at demokrasya ng bansang Pilipinas. Hanggang sa kamatayan ay patuloy pa ring ipinaglalaban ang kapakanan ng bayan at binabantayan ang mga  naturang “gains of democracy” sa bansa.

Kulang na lang gawin siyang santa. Bakit nga hindi, sa pagiging relisyosa niya at di matutumbasang katapatan sa kanyang panunungkolan ay sapat na upang gawin siyang Santa. Pero tama na ang tawagin siyang icon of democracy sa Pilipinas. At mas angkop pang gawin siyang isang National Hero.

At ito ang nais isabatas nina Representatives Liwayway Vinsons-Chato ng Camarines Norte at Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur na naghain ng magkaibang resolusyon sa Kongreso upang gawing “Hero of the Republic of the Philippines” at ipagpatuloy ang kanyang “legacy of democracy and love of the country.”

Payag ba kayo? Palagay ko nagkakaisa ang buong bansa na suportahan ang ganitong panukala. Ika nga hindi sapat ang pagdadalamhati at pamamaalam lang kay Cory, kailangang ipagpatuloy din ng mga tao ang kayang mga ipinaglalaban at nasimulang pagbabago ng bansa.

Kasama na dito ang pagkakaisa ng mga tao at paghilom sa sugat na likha ng mga alitan sa pulitika.. Panahon na ng rekonsilyassion at pagkakaisa upang muling umusad ang kaunlaran sa bansa.

Ito ang ipinakita nina Bongbong Marcos at Imee Marcos nang sila’y bumisita sa burol at nakiramay sa mga naulilang pamilya ng nasirang presidente. Ikinatuwa naman ito nang pamilya at umaasa din ang mga Marcoses na sana ipinid na lang ang alitan ng kanilang pamilya  sa pulitika kasaysayan.

At ito rin ang inaasahan ng maraming mamayan. Panahon na para magkapatawaran at muling magkaisa sa pagsulong ng ating bansa na matagal nang napagiiwanan sa pag-unlad.

Nakakalungkot nga lang at may mga sulsul at kumokontra sa adhikaing ito. Pilit na pinagaaway pa rin ang pamilya Aquino at Marcos. Wala daw rekonsilyasion hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang kamatayan ni Ninoy. Hindi ba  na nararapat lang na bigyan ito nang masa malawak pang pangunawa nang magkaisa na tayo? At hindi rin akokomportable sa sinabi ni Ramon Casiple na isang political analyst na kailangang pagisipan muna ng pamilyang Aquino bago sila makipag-ayos sa mga Marcos. Simpleng pagpapatawad at bigyan mo pa ng malaking kondisyon. Dapat bang ibulatlat mo pa sa publiko ang nakaraan bago ka pa  humingi ng tawad at upang mapatawad ka–isang kaisipan tungkol sa rekonsilyasyon ng mga Marcos at Aquino?

Sa ganang akin lang naman, mas mahalagang magpatawad at ibaon na lang sa limot ang mgs isyung naging sanhi ng pagkahati-hati ng mga Pilipino sa matagal na panahon tungo sa isang tunay na rekonsilyasion at pagbabagong buhay. Batid  ni tita Cory ang kahalagaan ng salitang pag-ibig at pagpapatawad sa kanyang  pagharap sa dakilang lumikha.

Kung ang Diyos ay nakakakapagpatatawad, sino ba tayong mga nilalang niya upang magmatigas?

Mabuhay ka tita Cory, ang bagong bayani ng bansa. Nawa’y umiral na ang pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino sa tinubuang lupa.

Advertisements

Responses

  1. Kap,
    I have no objection if president Cory shall be proclaimed a national hero. She is actually a hero for leading this nation to win back democracy.

    But we need to continue her Laban, because our democratic ideals is still treatened by some people who want to perpetuate themselves in power.

  2. Forget the past na. Marcos is dead. Imelda is also repentant.

    Dapat magkaayos-ayos na tayo lahat.

    Ano ba iyang admit first their sins before reconcilliation. Widen your ground naman. Ang hirap kasi sa mga sulsul at pilit na pinagaaway pa rin ang pamilyang Marcos at Aquino.

    Tumigil ka nga diyan Ramon Casiple.

    Maryosep husto dayta nga awayin. I am from Ilocos Norte and I still admire the Marcoses. I also admire Ninoy and Cory.

    Let us forget the past na. Magbago na kayong mga Marcos kapag napatawad kayo. Mga Aquino naman please practice the principle of love, matutong magpatawad for the sake of our mother land.

  3. I missed you all!!!
    Pasensya na kung ngayon lang ako lumitaw.Nasa ospital ako nagpahinga.

  4. Gaya nang naiposte ko kay Colegiala nawa’y gumaling ka na ng husto pare ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: