Posted by: kidlatanvillage | July 28, 2009

Nanapak sa SONA si Pangulong Gloria

Sa kanyang kahulihilang SONA bilang presidente ng bansang Pilipinas ay hindi naiwasan ni Pangulong Arroyo ang di magpasaring sa kanyang mga kritiko lalo na doon sa mga may hangarin na kakandidato ng 2010 presidential election. Natural lang daw naman na bumanat siya dahil kabikabilaan na ang banat sa kanya ng kanyang mga kritiko at kalaban sa pulitika.

Ito ang banat niya kay former Jose de Venecia.

“The noisiest critics of constitutional reform tirelessly and shamelessly attempted Cha-cha (Charter change) when they thought they could take advantage of a shift in the form of government. Now that they feel they cannot benefit from it, they oppose it.”

Hindi rin nakaligtas si Senador Mar Roxas, isa sa mga nagpanukala ng batas tungkol sa Cheaper Medicine, sa birada ng pangulo laban sa kanya. Marahil ay napuno na rin siya sa mga pugtuligsa sa kanyang administrasyon nitong senador lalo na sa usapin ng  Charter Change.

“To those who want to be president, this advice: if you really want something done, just do it hard, do it well. Don’t pussyfoot. Don’t pander and don’t say bad words in public.”

“I supported the tough version of the House of the cheaper medicines (bill) over the weak version of my critics. The result: the drug companies volunteered to bring down drug prices, slashing by half the prices of 16 drugs,” ang sabi ni Ginang Arroyo.

At dahil naman sa mga nagpapatuloy na kritisismo ni dating pangulong Joseph Estrada kay Ginang Arroyo, kahit ito  pa ang nagbigay sa kanya ng executive clemency pagkaraang mahatulan ng  plunder noong 2007, ay ito naman ang sinabi:

“Those who live in glass houses should cast no stones. Those who should be in jail should not threaten it, especially if they have been there.”

“We can read their frustrations. They had the chance to serve this good country and they blew it by serving themselves.”

“In 2008 up to the first quarter of 2009, we stood among only a few economies in Asia-Pacific that did not shrink,” she said.

“Compare this to 2001, when some of my current critics were driven out by people power, Asia was surging but our country was on the brink of bankruptcy.”

Sa interview naman sa radyo kay Erap kanina ay sinagot naman nito ang mga mahahanghang na salitang binitawan laban sa kanya ni Ginang Arroyo. Sabi ni Erap na dapat  siyang (presidente Arroyo)  manalamin nang makita niya ang katutuhanan at mga paratang ng katiwalian mula pa sa ibang bansa laban sa  kanyang administrasyon. Mukhang lalo pang tumibay ang kagustohan ni Erap na kumandidato para sa pagkapangulo sa 2010 para patunayan lang na mas karapat-dapat siya kay Ginang Arroyo na maging Pangulo.

Ipinagkibit balikat naman ni Senator Mar Roxas ang mga pasaring sa kanya ni Ginang Arroyo. “I don’t pay attention to such attacks. What I am concerned with is the cries of despair of our countrymen.” Pero welcome naman sa mga taga Liberal Party ang ginawa ng presidenteng pagpapasaring kay senador Mar Roxas. Lalong makakatulong pa raw ito upang iyangat ang popularidad ng senador sa kanyang pagtakbo bilang pangulo.

Sabi ng mga ibang Senador nagsayang lang ng panahon ang presidente sa walang kakuwenta-kuwentang pagbanant sa kanyang mga kritiko. Mas mahalaga pa sanang nilinaw ng pangulo na bababa na siya sa puwesto at hindi na muling maghahangad pa ng posisyon sa gobierno pagkatpos ng kanyang termino. Bagay na kinontra naman ni First Gentleman Arroyo kung saan ay kanyang idiniin na  hindi na muling kakandidato pa ang kanyang asawa at bababa ma sa puwesto pagkaraan ng kanyang termino.

Advertisements

Responses

  1. Hindi lahat ng kasinungalingang sinasabi ng isang tao ay masama dahil merong pagsisinungaling na mas nakabubuti kaysa pagsasabi ng katotohanan. Subalit, ang pilit na babaluktutin at hindi aaminin ang katotohanan sa likod ng pagsisinungaling ay mas masahol pa sa kanser na igugupo ang buong katawan.

    Katulad din ito ng ketong na bagamat nakakaawa ang may kapansanan ay nakakadiring lapitan at damayan.

    si Lola Dapang Dedeng-laylay-na?

    Kailangan pa ba nating husgahan?

    Ang kanyang pagsilang ay isa ng kasinungalingang napakalaking kasalanan ng kanyang mga magulang at dinagdagan pa ng mga taong pilit siyang ipinagsasanggalang gayung lantad ang lahat ng kanyang katiwalian.

    Kung ipapasadiyos natin ang pagbabagong hinahanap natin mula pa noong umpisang maluklok si aling gloria pffffft! sa malakanyang ay para na nating hinihingi ang patuloy na pananatili ng sumpang atin na ring tila ikinaliligayang danasin hanggang sa kanyang sandali ng pamamaalam, kung hindi takot sa kanya si Kamatayan.

  2. Kap,

    Ayaw kong magbasa ng spits ni Goyang Dede , sukang-suka na ko. Kanya lahat ang credit kahit hindi siya ang gumawa! Credit grabber, palibhasa ay walang ginawa kundi mag-web ng kasinungalingan. Ang takaw ni Goyang!

  3. Back in sirkulasyon uli ang naulanan na beauty namin. Salamat kay doc.bobonyo sa kanyang herbal remedy at hindi kami sinipon. Iba na talaga ang may nagpapayo sa atin dito na doktor tapal, este herbal specialist (biro lang po magaling na doktor iyang si Doc.B). Kahit papaano ay hindi na tayo laging umaasa sa mga mahal na gamot sa botika.

    And speaking of gamot, mukhang inisnab ni Madam X-tender itong si Sen. Roxas. Pinasalamatan ang mga Kongresista na nagpanukala ng Cheaper Medicine maliban sa sumulat ng Senate version. Bakit dahil ba sa galit siya kay Roxas na siyang laging bumabanat sa mga kalokohan ng kanyang administrasyon.

    Bakit ang isang ex-convict ba ay wala nang karapatan na magsabi ng kanyang nararamdamang anomalya at kabulastogan ng gobierno sa bansa? Hala kayo baka tutohanin ni Erap ang tumakbo. Number two siya sa rating ngayon at dumalo pa sa pagpupulong ng mga taga INC na talaga namang sumusuporta sa kanya noong araw pa.

    Ginagamit ninyo ang politics in number, laro din ito ni Erap at gayon din kay JDV.

  4. ‘Yang si Lola Dapangdede ang dahilan ng pagkakawatakwatak ng pamilyang Pinoy.

    Bilang isang ina na rin, dapat ay maramdaman niya. hindi man tuwiran niyang naranasan ang sakit ng kalooban ng isang magulang na malayo sa kanyang mga supling na sa halip na katabi karamay at kalaro sa panahon ng kanilang paglaki ay nasa ibayong dagat at namamasukan. Sa halip na mga anak ang inaalagaan ay anak ng dayuhan ang inaaruga ni nanay na inaaring kanya na rin kapalit ng karampot na suweldong kulang pa sa pangangailangan ng mga anak na iniwan sa sariling bayan.

    Kunsabagay, wala naman mahalaga kay Lola Leakingboobs kundi ang pananatili sa kapangyarihan mangahulugan man ito ng pangangalat ng mga Pilipino sa lahat ng bahagi ng mundo.

    Pinoy, ang lahing isinumpa sa kasalukuyang panahon bunga ng isang salot na nagngangalang gloria macapagal arroyo na walang patumangga sa pananalasa.

    gloria macapagal arroyo, isang uri ng pesteng walang patawad sa bawat madapuan. Delubyong sanhi ng unti unting pagkalugmok ng lahing minsang tinanghal sa dakila sa bahaging ito ng sandaigdigan!

  5. Girl,
    What is there to glorify during Gloria’s SONA? Only people who live in fantasy have the nerve to glorify themselves. Those who have done great deeds for their land usually wait for other people to tell about the great things they have done.
    When you glorify the least of your achievement, what are you glorifying? Is it your bitchness?

  6. Nanapak si Nunalisa sa SONA, me nasaktan ba?

    It was apparent the nang-apak was the one in so much pain!

  7. Hehe, binanatan tuloy siya ni Erap. Inisa-isa niya ang kanyang mga kapalpakan. At hindi lang iyan pinasinungalingan pa niya ang mga claims nito na back up kuno with statistics. Iyon pala mali-mali ang mga statistics nito. Kagaya na lang ng kanyang claim on the reduction of poverty, ala e tumaas pa nga ang bilang ng mga naghihirap at nagugutom magmula ng umangat siya sa puwesto ng pagkapangulo.

  8. Pumukol siya ng bato, hollow blocks ang dumapo sa mukha. Tinamaan pa iyong nunal niya. Hehehe

  9. Kaya nga nagpunta sa aking klinika upang magpatato. Kaso hindi ko linya iyon kaya ini-refere ko na lang siya kay Haydeen Kho.

    Hahahaha, tumawa naman kayo diyan.

  10. Ang dapat nating tutukan din dito ay iyong pagpunta ni Madam sa White House. Sabi nga ng mga kaibigan ni Girl sa ET ay kasama daw sina Senador Mirriam at Senador Lito. Kay Senador Mirriam puwedi siyang magpaimpress kay Obama ng kanyang mga pananalita; kay Lito ano? Sabi ni Girl baka patamblingin siya doon just for entertainment. Okay ito a, Ben Tumbling diplomacy, hehehe.

  11. Ang SONA ay pagsasabi ng mga suliranin ng bansa, hindi ang manapak sa mga kaaway mo sa pulitika.

    Mahalagang isalaysay dito ng pangulo kung ano ang dapat nating gawin upang bigyan tugon ang mga ibat-ibang krisis na kinahaharapan ng bansa.

  12. Kung tama ang dinig ko, kanya-kanyang style lang daw iyan sabi ng Malacanang.

    Tama o Mali?

  13. docB, nagtanong ka pa. hehehe!

    Meron ba namang tama sa sinasabi ng Enchanted Kingdom ni Gloria? Hala nga?

  14. Kahit ano’gn gawin hindi aangat sa puwesto si Lola Dapang Dede. Lulubog pa siya’t ang makikita lamang ay ang kanyang nunal.

  15. The 2009 state of the nation address by our very own president Gloria Macapagal Arroyo was indeed publicity to all her achievements this particular time. She had done her best despite of all the critics and accuses that was alleged against her way of governance. She had been suffering from all this critics but still she had tried her best to make necessary things to improve our very own nation.
    One philosophical insight I had observed is that of Socrates’ concern of the man and society. President Gloria had established many propositions and programs that helped the unblessed citizens of our country, like that of the many schools that had been built for our fellows who does not have the financial capability to have an appropriate education. The president’s concern to the society is obviously observed through her programs and projects in accordance with the benefit of all the citizens of the Philippines.
    Another philosophical insight I have thought about with regards to the SONA 2009 is that of Plato’s view of man and woman equality. Gloria as a woman being our president gave proof that a woman could portray a role just like any man who has to portray his. Our president holds many problems that our country is suffering now and I believe that she had done appropriate things if not to entirely solve, but to lessen these burdens. She had been working as hard as a man works to be able to uplift our country with the help of course of the other government faculties and its people.
    Our president also holds unto the democratic way of governance which is one of the forms of government influenced by Aristotle. Our president addresses democracy for all in the automated election done and financed since year 2001 with the help of the congress.
    President Gloria Macapagal Arroyo is an outstanding female president, and that I won’t doubt at all. Although she had been wrong sometimes, she manages to have a public apology and I salute her for that. She had been working hard as a mother for all Filipinos and yet, of all her several achievements she was accused and criticized. Just come to think of it, being a president is not an easy job, governing our country and serving millions of people is way too hard to handle but still President Gloria had done things though it is not enough, it helped most of the citizens of our country.

  16. UPDATE) Noynoy: No state funeral for Cory

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/08/01/09/

    Isang malagapak na sampal sa administrasyong walang kahihiyan.

    Ano ang silbi ng idineklara ni Lola Dapang dedeng sampung araw na pagluluksa sa kamatayan ni PANGULONG Cory samantalang puro kasinungalingan naman ang kanyang sinasabi?

    Para ano ito? Accomplishment niya?

    Nakakasuka!

  17. Uy! Meron palang isang tagapagtaguyod ang babaeng tinatawag ang sariling presidente kahit hindi hinalal ng taong bayan!

    Welkam, kaibigan.

    Sana’y mailahad mo dito ang lahat ng nagawa ng presidente mo.

    Isaisahin mo dito kung ano’ng programa ang inilatag ng presidente mo kung bakit DAPAT ay wala na kami dito sa ibayong dagat at umuwi na sa Pilipinas.

    Bigyan mo kami ng listahan ng mga naging kaunlaran ng Pilipinas mula nang siya ay MANG-AGAW ng poder at MANDAYA upang huwag mapaalis sa malakanyang.

    Ilahad mo dito ang kung ilang milyong Pilipino na ang umasenso sa kanyang programang pangkabuhayan.

    Kuwentahin mo dito kung magkano ang babayaran ng bawat isang Pilipino sa mga inutang mula sa iba’t ibang bansa at institusyong nagpapautang. Isama mo na rin ‘yung papasaning bayaran ng magiging anak at kaapuapuhan ng mga hindi pa isinisilang.

    Please naman, para maniwala akong mahusay ang presidente MO!

  18. Welcome too Unknown.

    Isa lang ang masasabi ko kay Tita Cory, Dakila siya. Isang inspirasyon para sa lahat ng mga Pilipinong nagmamahal sa kalayaan at Demokrasya.

    Kapitan magtatali ako ng isang malaking yellow ribbon diyan sa Barangay Hall at magaalay ako ng bulaklak para kay tita Cory.

    Girl, nasa Greenhills ka ba kagabi?

  19. Gagawin ko ito para ipaalaala sa mga kabataan na minsan ay nagkaroon tayo ng magandang image sa buong mundo dahil sa people’s power. Ito ang inaasahan kung bumalik kahit wala na si Tita Cory.

    Sige na po magpapaalam muna sandali, kahapon pa ako naiiyak.

    Para sa mga nagluluksang mahal sa buhay ni tita Cory, Condolence po sa inyong lahat!

  20. No State Funeral para kay Tita Cory?

    Mabuhay ang ala-ala ni Ninoy at Tita Cory. Mabuhay ang lahat ng mga taong nagtatanggol ng demokrasya, hustisya, kapayapaan at katotohanan. Mabuhay ang bansang Pilipinas!

  21. Hayyy dapat hindi lang isang araw ang bakasyon para sa yumaong ina ng demokrasya. Dapat paabutin pa ito hanggang pa-siyam.

    Huwag ka munang umuwi lola!

  22. yung mga kaibigan ko na nagtu-twitter ay nag-yellow ribbon din. sana sa pagkamatay ni tita cory meron magandang mangyare sa atin bansa.

  23. Nakakaiyak talaga ang mga sinabi ni Kris sa funeral service ng kanyang nanay.
    Sino ba ang magaakalang buhay na buhay pa ang Cory’s magic. Sa dami ng mga dumamay, mga nakipaglibing, at sa mga nagtiis ng ulan at araw na pumila para masilayan lang sa huling sandali si Tita Cory.

    Ay, wala nang ganito pang pagpupugay ng ginawa para sa isang namatay ng pangulo ng Pilipinas.

    Nakakapangilabot ang mga batang nagpa-flash ng laban sign.

    Ibig sabihin lang na tuloy pa rin ang laban ni Cory at Ninoy.

    Namayapa man sila, ang mga tao ay nandiyan pa rin na may marubdob na hangarin upang ipaglaban ang kapakanan ng bayan at demokrasya.

    Hindi lang libo, milyong-milyong mga tao ang nagsilabas sa kanilang bahay upang magpugay kay tita Cory.

    Lagot ka…. mga tao ay gising na…patatalsikin ka na!!!!

  24. Cory’s death means the resurrection again of Laban ng mga Pilipino sa mga mapangaping rehimen,gobyernong magnanakaw at sinungaling, at para sa mga sakim sa kapangyarihan.

    After Cory was laid to her final resting place, I still believe no bitch could forever cling on to power and continuously lie and fool the people of this land.

    Cory’s and Ninoy’s laban para sa Pilipinas shall live forever in the heart and spirit of the Filipinos.

  25. Sana sa pagyao ni Cory ay muling manumbalik ang nasyonalismo at pagmamahal sa bayan nating lahat na mga Pilipino.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: