Posted by: kidlatanvillage | July 18, 2009

From Pulpit to Politics (May Panalo ba si Among Ed?)

Now that he has proven he is capable to win in an election contests against candidates who may have the money, political support and l influence, there is nothing that can stop Governor Ed Panlilio from considering himself to be a contender to the 2010 presidential election.

But if Dagupan-Lingayen Bishop Oscar Cruz has his way he would rather advice  Governor Eddie Panlilio to forget all about his ambition to be a president. The priest turned politician does not have enough popularity to get support from the local officials- from the provincial to the municipal levels.  

“We can be idealistic, but we have to be also somehow realistic. You need a lot of political machinery in this venture, especially aspiring for the highest office of the land,” is what Archbishop Cruz had said against his bid for the presidency. But Panlilio is more determined than ever. He said he is even ready to get a dispensation from the Church if the people want him to run for president and if it’s the will of God.

Governor Panlilio however gets a supporter in the person of Ifugao Governor Teodoro B. Baguilat Jr who is the convenor of Kilos Na! and Kaya Natin! Movements. Baquilat said that he is “tired of supporting candidates who turn out to be just like traditional politicians engaged in patronage politics and involved in graft and corruption.” Further he added that what he wants to see are “reform candidates like Among Ed who would really be able to stop graft and corruption” being the root of all the “problems in the Philippines” today.  

On the other hand Dr. Segundo Romero a political analyst from De La Salle University that change in the political landscape in Pampanga could also be replicated in some parts of the country. His contentionis based on the assumption that the youth will actively participate in the 2010 election and that they will support a reformist candidate. If the youth decide to go for an honest candidate with integrity then they would most likely vote for Among Ed Panlilio.

May Panalo ba si Among Ed Panlilio?

Gaano man karubdob ang  hangarin ni Among Ed Panlilio na tumakbo bilang presidente, hindi pa man siya nakakapagumpisang mangampanya ay talo na. Mukhang galit nga yata ang ibang mga Obispo na tumakbo siya para sa pagkapangulo dahil mababawasan na naman sila ng kasamahan sa simbahan. Kakaunti na nga ang mga gustong magpari itong si Among Ed Panlilio ay nagpapakita pa nga yata sa pakiwari nila ng maling halimbawa na maaring tularan pa ng mga iba diyang mga pari.

Pero ano ang mali kung ang isang pari ay maging pangulo ng ating bansa. Di ba mas makakaasa tayong hindi siya gagawa ng masama dahil galing siya sa pulpito at may takot sa Diyos?

Pero hindi ito ang nakikita ni Bishop Oscar Cruz. Di ba nanalong presidente si Jean-Bertrand Aristide na isa ring pari ngunit napatalsik siya dahil sa kurapsiyon? Si Fernando Lugo naman (isa ring pari) ng Paraguay ay nanalo din noong nakaraang taon sa pagka-presidente ngunit ang kanyang administrayon naman ngayon ay nababahiran ng mga haka-haka na mayroon siyang tatlong asawa. Nakakahiya raw ang mga ganitong eskandalo sa mga kaparian. Bagamat hindi niya tuwirang sinabi na matutulad din sa kanila si Among Ed Panlilio, nagiwan naman ito ng palaisipan sa mga tao.

Oo nga naman tao lang si Among Ed at maaring mabahiran din ng kurapsiyon ang kanyang administrasyon. Ibig lang sabihin nito na hindi batayan ang pagiging isang alagad ng Diyos upang ang isang elected official ay hindi na maaring gumawa ng mga katiwalian sa kanyang administrasyon.

Pero ano man ang sabihin nila, ang gusto ng mga tao ngayon ay iyong taong mapagkakatiwalaan na mamuno ng ating bansa. Hindi man ganap na santo si Among Ed Panlilio, kumpara sa ibang mga presidentiables ay nakakaangat siya kung moralidad lamang ang pinaguusapan.

Advertisements

Responses

  1. WALA!

  2. Kap naman hindi sa minamaliit ko si Governor Panlilio. Pari iyan, allergic sa kanya ang mga pulitiko. Sino ang susuporta sa kanya? Mga kabataan na idealistic? Mayroon man pero hindi lahat.
    Be practical, partido, political machinery, at pera ang kailangan para manalo ka.

    I don’t agree with you na sa mga religious lang matatagpuan ang mga morally upright na kakandidato para presidente. Ideal lang iyan kaisipan na pagdating sa moral issues ang isang pari ang nangunguna.

  3. Wala akong question sa moral ni Among dahil hindi ko s’ya kilala ng personal. Pero para sa akin ay huwag na siyang mag-ambisyon na maging presidente. Isa pa siya na makakabawas ng boto ng “gusto’ nating kandidato na kayang manalo against Gloria’s bata-batuta.

  4. Sa susunod na lang kung malaki ang pag-asa niya!

    Be practical and visionary. Ayan nga at nagpalabas siya ng statement na “bahala na ang Diyos” sa kanyang kandidatura. Pwede ba yan sa politics lalo na at ang kalaban na nakatago ay si unana?!

  5. Mas may pakinabang pa sa bansa kung manatili na lang si Padir Among sa Pampanga,Kakandidato siya ng presidente,wala na kahirap hirap si Mickey the Horsie na maging Gobernador ng Pampanga.Sila na lang muna ang maglaban doon.Wala ng makakalaban ang mga Arroyo doon.Kung gusto niyang tumulong sa ikauunlad ng bansa patahimikin muna niya ang mga angkan ni Nunalisa.

  6. This will test Gov. Panlilio’s popularity if he will fun for gubernatorial re-election in Pampanga against Mikey Arroyo. I am not predicting any outcome but I am sure it will be a difficult contest. Whoever will win it’s not always an easy victory. But it is not also remote Mickey Arroyo could end up the loser.

  7. Agree, Cocoy, dun na lang sya sa Pampanga where his services are most needed.

  8. Sabi ng friend ko may mga kamag-anak daw si Among Ed na galit daw sa kanya dahil hindi man lang daw niya mailagay sila sa puwesto o mapabigyan ang kanilang mga special requests, kung ano iyon I don’t know. Nangangahulugan lamang na as a provincial CEO maaring mapagkakatiwalaan at maasahan ang gubernador. On the other hand baka tuluyan na ngang magbitiw siya sa pagpapari. After this tatakbo na siya bilang kongresista o senador man lang. Saka na lang siyang maghangad na maging presidente kung handa na siyang mag-asawa. Tutal dalaga pa naman si Colegialagir, hehehe.

  9. Sorry Mer, Girl hindi dapat grrrrr ang naisulat ko. Tawa Uli ng Malakas (TUM).

  10. Kap,
    Mukhang malaki na ang ginagastos ni Sen. Mar Roxas sa maaga niyang pangangampanya. Mukhang nasa may pera yata ang sinag ng tagumpay upang manalo sa susunod na election

  11. Kung sa pera lang ang pinaguusapan tiyak na nasa lead pack na ngayon sina Sen. Roxas at Sen. Manny Villar kumbaga ay nasa karera tayo ng pagtakbo sa pagkapangulo.

  12. Nakakapagtaka naman at hanggang ngayon ay wala pang napipisil ang CBCP upang kanilang suportahan. Kung ayaw nila kay Among Ed, saan nila gusto siyang tumakbo? Sa pagkagubernador o pagkakongresista? Kung sa Pampanga ito magaganap at kung talagang seryoso si pangulong Arroyo na tumakbo muli bilang kongresista, magandang subaybayan ito.

  13. Last SONA na ba talaga ni madam Gloria ngayon? Marami pa puweding mangyari, but I think she will not take the risk of being dethroned should she force the convening of Con-Ass during the SONA. Pero kailangan tutukan ito mahirap nang malusutan muli.

  14. Gloria won’t force the convening of her Gloria forever at her last pekeng SONA. She knows that Pareng Barak is all ears. E kung bawiin ang kanyang ‘invite’, di walang photo ooopppps!

    My take is that in Gloria’s watch, she can do anything she wants but she knows that if she’d do this last deperate act, it would be her last not only in delivering her SANA but on this earth!

  15. Kantiyaw nga ng mga kaibigan kong paminsan-minsan ay namamasyal sa bahay, glorya daw maituturing sa lupa (Pilipinas)kung nakaalis na sa langit (palasyo) si tita Gloria.
    Ang sabi ko naman baka extension ng impierno ang papalit naman kung hindi tayo wise na pumili ng talagang karapatdapat na susunod na pangulo.
    Pero ibinalik nila sa akin ang tanong, sino ba sa kanila ang karapat-dapat?
    Sa ngayon puro publicity lang ang aking nakikita sa mga nagpaparamdam na karapat-dapat sila.
    Harinawa makapili din ang ating bansa (tayo) na taong hindi pansariling kapakanan ang iniintindi kundi ang kabutihan ng lahat para sa bayan.

  16. Nanay chi, kumosta na po. Sana ay nasa mabuting kalagayan kayo lagi. I am sure po naman na kumpleto ang iyong exercise, proper diet, at meditation. Ito ang natural na pamamaraan para lagi tayong ligtas sa mga karamdaman. Prevention and happy disposition.
    Magandang umaga po sa inyong lahat, kap, the lady professors, itong ating student na si Joy, si chief Cocoy ng CD, si prof. Joeseg, artsee, kutsara, kumander pipi, manang kimuchi at lahat lahat nang kaibigan natin sa blogging community.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: