Posted by: kidlatanvillage | June 6, 2009

Ayaw ni Kabayan sa Con Ass

Please  Don’t Look at my Flower 2 by: Britney Miraflor

Hayan pangalawa ko nang poster ito. Salamat kay Kapitan at ang kanyang mga  Tanod na laging nambubuso sa akin. Salamat din sa mga nirarayumang kagawad ng Barangay Kidlatan.

Unang tanong hindi pa ba kayo nagsasawa sa kasisilip ng aking malik ngunit lumalaylay ng boobs? Sabagay maputi din naman ako at maganda pa, hindi nga lang sariwa, na noon ay kinalolokohan ng mga intsik sa Hongkong at mga Arabo sa Oman. Hindi nga lang sweet experience dahil ang lahat ng karanasang ito ay sapilitan lang. Rape victim na maituturing ako ngunit na-rehabilitate na, salamat sa grupo ng mga kababaihan na tumulong sa akin.

Kaya sa mga nagbabalak na tumakbo sa pagka-pangulo ng 2010 presidential elections, tiyakin lang ninyo na may plataporma kayo upang pangalagaan ang kapakanan ng mga babaeng OFW at tulungan kaming mga naging biktima na makamit ang katarungan.

Ayaw sa Con Ass

Namumuro itong si Kabayan Noli de Castro sa mga surveys. May tsansa siyang maging pangulo lalo na ngayon at umatras na si Senator Ping Lacson sa labanan. And speaking of Ping Lacson, puro mga papuri naman ang kanyang tinanggap. Lahat yata ay nagaabang kung sino man ang kanyang iyi-indorso bilang presidential candidate.

Kaya may rason na ayawan ni Kabayan Noli ang Con Ass. Ang lagay ay malalagay ba sa alanganin ang kanyang pangarap. Never. Pero magandang katanugan sa magiting na Bise-Presidente, ano ang iyong gagawin kung saka-sakali mang itutuloy ng Kongreso ang Con Ass? Lalabas ka ba sa iyong opisina upang sumama sa mga magpoprotesta? Pero alam ko ang iyong sagot, hulaan ko; I will cross the bridge when it is already burning… Hahaha.

May Sex Video si Kapitan

Ayaw man ni KapitanKidlat na aminin, mayroon siyang sex video na nakunan ng kanyang kasambahay habang nakikipagtalik ito sa kanya. Wala noon si ma’am Tisay kaya malaya niyang nagagawa ang kanyang nais.

Sa sex video ay tinawag siyang “Secretary Raul” ni Colasa ang kanyang kasambahay. Kitang-kita sa sex-video ang hubad na katawan ni Kap alyas Sec. Raul at ang kanyang Kasambahay. Pero unlike the other sex-video scandal na napapanood sa internet, si Colasa ang agresibo.

“Sec. Raul, ano ka ba palay na ang lumalapit ay ayaw mo pang tumuka.”

Galit na si Colasa dahil ayaw tumuka talaga ang manok ni Kapitan.

“Kay Tisay lang iyan Colasa, nakaprogram iyan na tatayo lang ang aking ari kapag ibinaba ni Tisay ang kanyang panty.”

Nagmanmaktol na lumabas si Colasa. Nag-alsa balutan at tuluyan nang nilisan ang bahay ni Kapitan.

Hahahahaha. Hanggang diyan ba naman ay under pa si Kapitan?

Babo, aalis na ang beauty ko baka kung ano pa ang gawin ni Kap kung mabasa niya itong kuwento ko. By the way ay huwag ninyong seryosohin ito Segundina at College girl. Gawa-gawa ko lang ang kuwento dahil gusto ko lang pahaybladin si Kap. Hindi pa kasi nagbabayad ang Barangay Council ng kanilang utang sa aking tindahan, hahahahaha.

Advertisements

Responses

  1. Ikaw Britney ka baka mapikon sa iyo si Kap. Pero tutoo bang may sex video siya? Pakiposte naman sa iyo tube ng mapagfiestahan hahaha.

  2. Pero may ipapakita ba si Kap?

    Sige ka baka ipasara ni Kap ang tindahan mo at tinawag mo siyang under-de-saya. Di mo ba alam na masarap iyong nasa under ng saya, hahaha.

  3. Seryoso na ito. Naghahanda na ang mga tao na magtungo sa mga lansangan kung talagang ipipilit nila ang Con Ass. Ako rin ay sasali diyan. Sayang lang ang tsansa ng ating mga kabataan na nagparehistro para bomoto sa 2010 presidential elections. Kung maisantabi ang 2010 election ay mawawalan na rin ng tsansa na maging presidente ng Pinas si Kabayan. At higit sa lahat hindi na magiging first lady pa si Korina Sanches, hehehe.

  4. Kapitan hinahanap daw ninyo ako. Reportig for duty sir.
    Pasensiya na po busy lang ang inyon lingkud kaya hindi ako nakakaronda tulad ng dati.
    Hindi pa po ako pastor. Nagbabalak pa lang, he he.

  5. Speaking of Con Ass hindi kami sasama sa rally. Ipagpi-pray na lang namin na sana ay huwag itong matuloy at maging mahinahon ang ating mga kababayan sa pagpoprotesta nang di sila masilipan ng butas ng administrasyon na ito.

    Iyong lang po.

    At tungko sa sex video ni Kap, I don’t think magagawa niya iyan. Uliran siyang ama at kagaya ko rin na takusa, hehehe.

  6. Mer.
    Dalawang presidentiables ang gumagastos na ng higit pa sa two hundreed millions for their TV Ads, si Sen. Mar Roxas at si Sen. Manny Villar.

    Ngunit kahanga-hanga naman ang pagtaas na rating nitong si Mayor J. Binay. Effective talaga iyong TV Ad ng Makati. “Dito sa Makati, ganito kami. Sana ganon din sa buong Pilipinas.”

    Dalawa ang ibig sabihin lang nito, para iboto nila ang isang kandidato kailang mayroon siyang integrity and capability to lead a nation. Kahit anong sabihin mo pa kung wala ka nito, walang mangyayari sa iyo.

    Remeber, we have and educated and thinking voters. Hindi sila basta-basta nakukuha ng pasayaw-sayaw lamang diyan.

  7. Sali na tayong lahat sa rally sa Makati. Ipakita natin sa administrasyong ito at sa mga tuta nila sa Kongreso na hindi na makapapayag pa ang mga mamayan na basta umaayon na lang sa kagustohan ng Malacanang.

  8. GO OUT and JOIN the CON ASS protest Rally.

    The absence of integrity in the House of Representatives came to light on the 11th hour of June 2, 2009. The sworn protectors of the Philippine Constitution – those who swore upon that document when they assumed office – are now those who seek to subvert it and silence all opposition. It was in railroading the passage of an ill-willed resolution, dismissing dissent, and playing numbers games that the possibility of “Gloria Forever” becomes a haunting specter. More than “Gloria Forever,” the railroading and ramming through of HR 1109 is a clear indication that the public interest is secondary to personal political interests, or at the very least, ill-defined ones.

    More than “Gloria Forever,” more than the compromising of sovereign territory, and more than technical squabbling on the form of government we’ll have, the railroading of HR 1109 is an exercise of shame. It is what politics in this country has degenerated into: the tyranny of deceit, the rule of disrespect, the noise of impunity, and the triumph of ignominy. What you did was a clear violation of the dignity of this nation. What you did was to kill democracy. We refuse to be represented by those who demonstrate that kind of politics.

  9. Salamat sa paanyaya pareng Cocoy. Kami din ay lalahok sa anti cha-cha rally. Join kami ng mga tao sa village.

    Tanging si Britney lang ang hindi makakasama. May dalaw siya ngayon. He he he he

  10. Happy Independence Day to all!
    I’ll be out in internet circulation for awhile,be back after maybe,3 weeks.

    Bakasyon muna ako sa Cedar Sinai Hospital.Hindi ako magpapatuli ha!

  11. Hindi Happy ang Independence Day dahil nandyan pa si Nunalisa. Hindi independent ang Pinas, alipin ng kapwa Pinoy!

    As to Noli Kabayad, ayaw kasing magsalita e. Ngayon lang, padaplis pa. Isa pa ito ang gusto lang na koronahan!

    Dapat ay bumalik na lang sa pagbabasa ng news script si kabayad.

  12. Tama po kayo diyan. Dapat balik na lang siya sa GMA at maging kapamilya siya doon. Tama ba ako o may mali sa sinabi ko hahahaha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: