Posted by: kidlatanvillage | May 27, 2009

Keeping Cha-cha Alive (Wish ko lang ni Lola Nunal at Nognog)

The House Committee on Constitutional Amendment has given another lease of life to Charter Change after voting 19 to 6 to send House Resolution 1109 back to the plenary hall for debate. This means that cha-cha is very much alive despite Secretary Ronaldo Puno’s pronouncement that he will run as a candidate for vice-president comes 2010 election.

Tigil, iyan ang sigaw ni Nognog pagkatapos patayin ni Villafuerte and ilaw at sound system upang isara na ang  Kabaret.

Bukas uli, iyan ang kayang sagot. Ngunit mapilit pa rin si Nognog. Gusto pa raw niyang sumayaw ng chacha.

“Maryosep Nognog, pagod na ang mga belyas. Bukas ka na lang sumayaw.”

“Hindi maari magagalit ang aking lola.” Ang kanyang tinutukoy ay si Lady Nunal na ngayon lang dumating dahil nag-insayo pa siya nang migi upang hindi siya mapahiya kapag sumasayaw na sila ni Nognog ng cha-cha.

Sa 26 na babaing mananayaw anim lang ang hindi sumang-ayon sa kadahilanang pagod na sila at nagpapadede pa ng kanilang mga sanggol na iniwan lang sa mga mister na walang hanap-buhay. Ang 19 na mga batam-bata pang mananayaw ay gusto pang sumayaw nang mabigyan naman ng tip pambili ng damit at pan-load ng kanilang mga cellphones.

Walang tulugan! Iyan ang kanilang sigaw. The louder the better. The better is their chance na mabigyan bawat isa ng isang supot na pera.

 Ano pa umarangkada na ang cha-cha at sumayaw na si lola Nunal. Tuwang-tuwa siya at bawat urong-sulong niya ay natatawa lang ang mga anim na mutya ng umayaw na. “Malaglagan ka sana ng panty,” ang wini-wish ko lang ng bawat isa sa kanila.

“Pagdedebatihan pa lola sa plenary hall ang pagpapalit ng konstitusyon ng ating organisasyon. Tiyak na mananalo tayo doon dahil maraming kaanib ang naghihintay ng isang supot na grasya mula sa iyong palasyo.”

“Magaling Nognog, magaling,” ang sabi ni lola Nunal habang nag-anyong daga pa siya sa laki ng kanyang dalawang ngipin sa harap.

Ala mister Bean naman na kumimbot-kimbot pa sa tuwa itong si Nognog.

Lalo namang lumakas ang palakpak at sigaw ng mga cheer leaders in lola Nunal na siyang ikinagalit ng mga natutulog ng mga tao.

Maya-maya pa ay inulan na sila ng mga bato, bote, bulok na kamatis, at saka dumi ng tao. Isang supot naman namang “shit” ng aso ang dumapo sa mukha ni lola Nunal na kanyang ikinagalit.

Nagwawala at sumisigaw na parang sira sa ulo si lola Nunal habang kinakaladkad siya papalayo ng kanyang mga alalay. Si Nognog naman ay nangamatis ang mukha sa dami ng tumamang bulok na kamatis sa kanyang maamo at ala-Sam Milby na muka (what a shame!.

Advertisements

Responses

  1. Kapitan

    Bandang huli niyan si Nognog na lang ang magsayaw at si Nunalisa lalo na kapag wala ng social box.Makapal kasi ang mukha ni Nognog,dapat sana iyung mukha niya ang inarkila ni Bush para pangbalandra ng nag kamikasing eroplano sa twin tower.

  2. Pareng Cocoy,

    Baka, kapag ipinilit pa ang cha-cha, pati ang kaisa-isang nunal ay mabura pa. Wart na lang, hehehe.

    Baka sa kapal ng mukha, itong si Nognog ay gawin ni Obama na pangharang sa mga missiles na tinitisting ngayon ng NKorea.

  3. Kap, bago ako magkoment, sino ba si Sam Milby?

    • Si Sam Milby mare ay isang guwapong artistang Fil-Am na nakabase na sa Pinas. Nagumpisa siya sa Pinoy Big Brother reality show at nakilala sa ng tao hanggang tinangkilik siya bilang isang sikat na artista. Kabaliktaran naman si Nognog hehehe. Kaya ang tawag kay Nognog as Shame Milby hehehe.

  4. No idea, hehehe.

    Ang tingin ko, itong si Nognog ay walang pagod sumayaw ng cha-cha dahil may banta buhat kay Mike Pidal. Kundi man kaput ang speakership ay mas malala pa.

    Hindi iyan tatapusin ni Nognog dahil sa ayaw at gusto niya ay meron nagmamaniobra sa tongress na hindi siya. Actually ay si Mike Pidal talaga ng bumubuhay sa cha-cha. An aide of one of Gloria’s tongressman told me that he was present when Mike gave the order to this powerful tongressman from the Visayas to make sure cha-cha’s approval at all cost.

  5. Walang kapaguran sa pagsasayaw ng cha-cha under the direction of Jose Pidal Sr. hehehe.

    Mukhang may bantang magkawatak-watak yata ang koalisyon ni Nunaliza at Pidalista.

    Pabor daw sa oposisyon ang tambalan Noli at Puno.

    Sa 2010 election ay abangan si Kabayan at si Kapuno hahahaha.

  6. Sa Senado tiyak na nanunood ngayon ang mga senador sa sex video ni dok Hayden Kho.

    Ingat lang kayo diyan baka tigasan kayo sa inyong inuupohan.

    Kaya kung maari ay ayaw nang manood pa si Sen. Pia Cayetano, at si Sen. Allan Peter Cayetano.

    Walang pinag-iba din iyan sa personal na panonood sa You Tube.

    Gaya ng sabi nila, magpakatotoo ka!!!!

  7. Binuhusan ng buwang ng tubig iton si Hayden Kho. Naawa tuloy ang publiko.

    Good job sabi ng kampo ni Hayden Kho. Bakit nga hindi marami tuloy naawa sa repentant doktor (sinner?) na ito.

  8. Circus, stage show. Diyan magaling ang ating mga kaibigan sa senado. Mabuhay ang palabas!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: