Posted by: kidlatanvillage | April 21, 2009

Crazy Love; Watch Your Words Mr. Secretary

blossoms

Crazy Love (Please Don’t Look at my Flower)-by Britney Miraflor

Kagabi ay masayang nagkakantahan ang mga tanod ng Barangay Kidlatan sa pamamagitan ng mini-karaoke. Okay lang kahit magdamag pa sila; mahina lang naman ang tunog nito at hindi naman maiingay ang mga tanod. Birthday kasi ni mang Erming ang presidente ng BKTODA.

Hindi naman kagalingan kumanta ang mga tanod ngunit nakaaliw pakinggan ang kanilang mga inaawit kagaya ng: Release Me, Devoted To You, Ang Tangi Kung Pag-ibig,  Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko, Buhat, etc. Ngunit biglang umalingawngaw ang awitin ni Kim Chui na Crazy Love mula sa pag-awit ni Neneng na kasambahay nina Engineer Ben “Amen” Masantoin. Magaling kumanta si Neneng at maganda pa ang boses. Sabi nga ng mga barkada niyang kasambahay din ay kaboses daw niya si Kim. Nag-ala Gerald Anderson din si Mang Erming na umakbay pa kay Neneng habang ito ay kumakanta. Biglang nagtawanan at nagsigawan ang mga nagiinuman sa aking tindahan.

Natawa din ako ngunit saglit lang. Sumagi kasi sa aking isipan ang isang trahedya na dumating sa buhay ko nang second time akong nag-DH sa Hongkong. Umibig kasi ako sa aking among kakakasal lang sa isang babaeng di naman niya gusto. Lihim naming pinagsaluhan ang tamis ng pagiibigan na iyon ngunit dumating ang pagkakataon na lumantad din ang katotohanan. Sinaktan ako ng kanyang asawa at pinalayas. Matagal na iyon ngunit  hindi pa mabura-bura sa aking puso at ala-ala si “JL.” Masakit pala ang ma-crazy love lalo na kung ang iyong kalagayan ay isang kabit lamang.

Hindi Crazy si Attorney Acosta

Kamakailan lang ay napabalita namang di umano’y tinawag ng Justice Secretary na “crazy” si Atty. Acosta ng PAO dahil sa pakikialam nito sa kaso ng pagkamatay ng asawa ni Ted Failon. Ngunit nilinaw naman ng magiting na manananggol ang kadahilanan. At kanina lang sa isang network ay umalma at inilabas ni Atty. Acosta ang sama ng loob sa tinawag niyang pagkasira ng kanyang “image”  sanhi ng mga naglabasang pahayag mula sa mga blogs sa internet namay kaugnayan sa pagkakatawag sa kanya ng “crazy.”

Ngunit ano man ang sabihin nila sa iyo Atty. Acosta, saludo pa rin ako sa iyong kagitingan. Keep up the good work!

Reason to be Happy

Magmula ng mailipat sa DOJ at NBI ang kaso ng pagkamatay ng asaw ng broadcaster na si Ted Failon ay nabunutan naman ng tinik si DILG secretary Puno. Suspendido na ang mga pulisyang sangkot sa marahas na pagkaaresto ng mga kasambahay at kaanak ng asawa ni Ted Failon ng 30 days habang iniimbistigahan ang kaso.

Ngunit kung may labis natutuwa dito ay ang DOJ na siya ngayong humahawak ng kaso sa pamamagitan ng NBI. Nauna nang nagpalabas ng direktiba ang pinuno ng DOJ na isama si Ted Failon sa mga nasa watch list ng immigration. Baka nga naman um-exit si Ted Failon. Ang lagay ba nito ay siya ang pangunahing suspek sa pagkamatay o pagpapakamatay ng kanyang asawa?

A, ang buhay nga naman. Gusto mong lumigaya ngunit ma-crazy in love ka naman, bagsak mo ay labis labis na pighati at kalungkotan. Salamat kay Kap sa pagkakataon umapir dito sa kanyang barangay hall. Sa uulitin-BM.

Advertisements

Responses

  1. Pasaway talaga. Hanggang Kongreso, maraming pasaway na Pilipino.

    Nakakalungkot lang at naaresto na ang taong nagsasabi ng katotohanan lang. Ang kaso niya–pagsisinungaling.

    Pasyal kayo sa aking klinika nang mabasa naman ninyo ang aking poste sa isyung ito.

    Salamant po.

  2. Kap, ‘musta na? Masyado akong nawili sa kagagala.

    Nabasa ko nga while nagliliwaliw ang tungkol kay Ted Failon….it’s tragic.

    Si Accosta yata ay under the influence of prozac!

    • Salamat sa pagbisita mareng chi. Medyo busy lang tayo itong nakaraan kaya absent tayo sa barangay hall hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: