Posted by: kidlatanvillage | March 17, 2009

Hallelujah, at last Obama called up GMA!

Fact is that  Obama called Mrs. Arroyo on March 13 to reaffirm America‘s commitment to the long-standing Philippine-US alliance at the same time  Obama reportedly commended President Arroyo on the Philippine’s efforts in countering terrorism and modernizing the Philippine’s Armed Forces. Obama also reiterated his commitment to the VFA and the two heads of state, reportedly, reaffirmed their commitment to the treaty.

But opposition to the VFA disagreed.  Activist groups will continue to press with their anti-VFA campaign. In fact they will even bring  anti-VFA campaign to the White House and Capitol Hill. Likewise, Philippine Senators against the VFA want it abrogated now.

Hallelujah praise the Lord, at last tumawag na si Obama at nakausap pa si presidente Gloria. Masayang-masaya si Remonde, abot hanggang langit ang tuwa at excitement ng mga taga Malacanang. O ano, nagulat kayo d ba? Mali ang paratang ninyo na iniisnab ng White House (kung saan nakitira ang unang black US president) ang dakilang presidente ng bansa.

Kung nagsasaya man ang mga taga Malacanang, marami naman ang nalulungkot at naalarma. Una dito si Evalyn Ursua ang abogado ng Subic rape victim na si Nicole na nangangamba baka hindi na mapupunta pa sa kustodiya ng Pilipinas ang convicted rapist na si Daniel Smith. Bakit? VFA kasi ang mensahe ng pakikipagusap ni Obama kay presidente Gloria. At malinaw pa sa bolang kristal ni madam Auring at bottled distilled water na ibinibenta sa mga grocery stores na huwag na huwag babagohin at pakikialaman ng Senado ang una nang napagkasundoan sa RP-US Visiting Forces Agreement.

Tutol dito si senador Francisco “Kiko” Pangilinan. Kailangan daw na repasohin muli ang kasundoan at pawalang bisa dahil hindi ito sangayon sa ating saligang batas. At ganito rin ang pananaw ni UNO president at presidentiable na si Mayor Jejomar Binay ng Makati. Kahit ano pang suporta ang mayroon diyan si Obama ay hindi ito hadlang para muling repasohin ang kasundoan.

Sumulpot lang itong issue ng pagribisa ng Visiting Forces Agreement dahil sa kaso ni Daniel Smith na napatunayang nagkasala sa krimen ng panghahalay sa isang Pilipina na si Nicole. Kahit nasintensiyahan si Smith ay nas kustodiya pa rin siya ng Amerika dahil lamang doon sa mga butas ng nilalaman ng kasundoan ng US-RP Visiting Forces Agreement. 

Ayon kay Ursua malabong mabago pa ang nilalaman ng kasunduan sa Visiting Forces Agreement. Ang paguusap ni Obama at GMA tungkol sa commitment ng dalawang bansa sa VFA ay nangangahulugan lamang na wala nang gagalaw pa dito. “Iyon ‘yong mensahe niya kay GMA [Gloria Macapagal Arroyo] sa kaniyang tawag na dapat panatilihin iyong kasalukuyang sitwasyon na mayroon kaming free access diyan sa lahat ng mga lugar sa Pilipinas kung saan naming gustong pumunta at walang galawin dito sa arrangement na ito,” ang sabi ni Ursua.

Ngunit minaliit lang ito ng mga kontra sa VFA. Tuloy pa rin ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa pagtutol at sa panawagan na kailangan nang buwagin ang Visiting Forces Agreement. Kung ang Partido ng Mangagawa naman ang tatanoning, hindi kataka-taka ang ganitong panawagan ni Obama dahil ang America ay isang bansang imperyalista. Kailangan ipawalang bisa kaagad ang kasundoang iyan alang-ala dahil hindi naayon sa saligang batas at nang mapanatili naman sa bansa ang soberenya at kanyang kalayaan.

Malacanang is happy and ecstatic, but it is “disturbing” ayon kay Congressman Ruffy Biazon ng Muntinglupa. Panakot kasi ng America, sige ipawalang-bisa ninyo ang VFA nang hindi na kayo mabibigyan pa ng tulong pinansiyal at kagamitang pangiyera ng inyong militar. Oo nga naman, hindi puweding magmalaki ang Pilipinas kay Uncle Sam, mas mahirap pa kasi ang ating pamahalaan sa daga?

Advertisements

Responses

  1. At least alam ni GMA na kahit inisnab siya noong una ay hindi rin siya matitiis nito dahil sa VFA.

  2. Banong,
    May ginawa kang katarantadohan sa akin. Alam mo ang e-mail ko at site ko.
    Kung nagbibiro ka man hindi maganda iyon. Anong ibig mong sabihin pagaari mo ako. You should apologize sa CD.

  3. At magsorry ka rin sa akin.

  4. I am sorry for Banong Segundina.

    Suspendido siya mula ngayon. Hindi na siya makakapasok pa dito, binago ko na ang password.

  5. Walang kiber si Gloria Pidal sa pinoy. A, basta…Barack called her long distance! Kilig to the bones ang Little One, that who is “on the other side of history”.

    What VFA? Basta si Barack ang masusunod, sabi ni Goyang. Manigas kayong lahat, at si Nicole … ipinadala ko na sa US of A!

  6. kapitan,

    ano pa nga ba ang gagawin ng “isang ina (daw)” kapag gutom na ang kanyang mga anak kundi pikit matang sunggaban ang pagkain maging kahulugan man ito ng lalong pagkalublob sa pagkabusabos?

    pagtatakhan pa natin si gloria, eh nuno ng hidhid ang babaeng ‘yan!

  7. Related pa rin sa VFA, ewan ko kung ano ang nakain ni Nicole at bumaligtad siya. Hindi lang niya ipinahiya ang kanyang sarili, inilagay pa niya sa alanganin ang mga kababaihang Pinay na maaring mapagsamantalahan at napagsamantalahan na sa ating bayan at ibang bansa na naghahanap ng katarungan. Maglalakas loob tuloy itong mga nangaabuso sa ating mga kababaihan na gumawa ng masama sa pagaakalang pera lang ang katapat ng mga biktima.
    Sabi naman ng isang psychologist ay nangyayaring bumabaligtad ang mga rape victims sa kanilang mga pahayag sa nangyaring panghahalay sa kanila bilang pamamaraan upang makalimot at ma-overcome ang pait ng kanilang sinapit. Ibig ba sabihin nito magmula ng nakulong si Smith hindi pa rin nakakalimutan ni Nicole ang nangyari sa kanya kahit nakamtan na niya kunwari ang hustisya. Ngayon para mawala sa kanyang isipan ang kanyang pagkagahasa ay sasabihin niyang hindi siya na-rape bilang isang form of defense/coping mechanism?
    Malalim ang pagaanalisa ng isang psychologist, linya niya iyan although I have my own reservation sa bagay na ito.
    Kung sa pamamagitan nitong sinumpaang salaysay ni Nicole ay makaapekto sa appeal ni Smith para mareverse ang kanyang guilty verdict sa Court of Appeals, makakalaya na ang rapist at maaring sa mga susunod pang araw ay may isang Pilipina na naman na mabibiktima. Hanggang nandiyan ang VFA, hindi mo rin maiaalis ang panganib na may mabibiktima na namang Pilipina.
    Abrogate VFA!

  8. Nakakaawang larawan ng kahirapan po tito Magno, mismong mga ina pa ang nagbubugaw sa kanilang mga anak. Ngunit lalong nakakalungkot isipin na ang mga pinuno pa natin ang magbubugaw sa mga mamamayan ng bansang ito sa pagkabusabos sa ngalan ng “foreign assistance?”

    Kung buhay pa si tandang Sora marahil ay isisigaw niya, “ang lupeeet naman ninyo…”

  9. mer,

    mula nang maluklok sa malakanyang ang pinakanotoryus na “bugaw” sa buong mundo at kasaysayan ay nagkaletse letse na ang ating bansa.

    nawala na sa atin ang lahat, kasama na ang karapatang ipagmalaki ang pagiging pilipino. bakit ‘ikamo?

    dahil kaming mga OFW’s ay parang mga bulok na kamatis kung ipag-alukan sa napakamurang suweldo. napakalayo kung ikukumpara sa ibang lahi na wala namang alam kundi sabihing alam ang trabaho subalit hindi kayang gawin kapag iniutos, bagkus napakaraming dahilan.

    nagoyo ang mga pinoy na pinaniwala sa pangakong magbibigay ng sampung milyong trabaho. kasalanan din ng mga sobrang magagaling nating kababayang ang utak ay nasa talampakan at hindi lamang sila ang nagdudrusa ngayon kundi tayong lahat bilang mamamayan.

  10. At panalangin ko rin po na sana ay mamulat ang buong bansa sa katotohanan at magka-isa na huwag nang iluklok pa sa puwesto ang mga ganid at mapagsamantala.

    Nanalig ako na darating din ang umaga kung saan ang tunay na diwa ng nasyonalismo at pagkakaisa ng mga inaaping mamamayan ay mananaig sa kanilang mga puso at buong tapang na tumayo upang gibain ang tanikala ng pambubusabos at pangaabuso sa minamahal nating bansa.

    Tama na ang pahirap!

    May kopya ako ng affidavit ni Nicole na isinubmite sa Court of Appeals. Puntahan lang ako dito. Thank you.
    http://colegialagirl.wordpress.com

  11. Makapangyarihan ang tawag na iyon. Napunta na sa Amerika si Nicole at marahil sa hinaharap ay makakalaya na si Daniel Smith.
    Ganito na lang ba tayo? Sunod-sunoran sa Amerika?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: