Posted by: kidlatanvillage | January 30, 2009

Ang Hirap maging First Gentleman (It’s lonely up there)by Banong Capalaran

Kapitan Kidlat is out again for official business. I am all alone doing his job in the Barangay Hall observed by his trusted council and his security force. Anyway, as a good follower obey first before you complain. And who am I to refuse orders from my boss? Who am I to stand and go against his will? So he I am writing again writing because that’s an order and opportunity again to be heard. Obama shifted his Middle East diplomatic style, from giving orders to listening. There is a need to listen for those who want to be heard.

Restart GRF-MILF Peace Talks

After Obama open the door for negotiation rather than confrontation as a way the US should deal with Middle East issues, Muslim Filipinos appealed to the US president to help end the Mindanao War.

From David Dizon of abs-cbnNEWS.com:

In a letter written by the Philippine Council for Islam and Democracy (PCID) and signed by various participants in the 2nd National Ulama Summit of the Philippines, Muslim-Filipinos urged Obama “to vigorously support the peace process in Mindanao, and work to bring the Government of the Philippines (GRP) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) back to the negotiating table as soon as possible.” 

They also urged the US president “to support the legitimate and inherent right of the Bangsamoro people to self-determination.”

The four-day summit, which was attended by close to 200 Muslim leaders, ended Thursday night. 

Samira Gutoc, convenor of the Young Moro Professionals Network, said the letter will be sent to US Ambassador to the Philippines Kristie Kenney.

In a related development General Avelino Razon who has just taken his oath as the new Presidential Adviser on Peace Process said the MILF talks would resume on February. I hope the talks would end somewhere where a lasting peace is achieved. GRF-MILF peace talks, why not. Good Luck General Razon.

Mahirap Maging First Gentleman

Mabuti pa itong si Kimuchi ay naging maganda ang kuwento ng kanyang buhay nang maging First Lady siya sa kuwento ni Colegiala Girl. Puro papuri ang kanyang inani mula sa mga taong humahanga nagmamahal sa kanya.

Kabaliktaran naman para kay First Gentleman Arroyo (ang kauna-unahang First Gentleman ng Filipinas) na lagi na lang nadadawit sa mga kontrobersiya ng di umano’y kurapsiyon at maano-malyang transaksiyon sa gobierno na pinapasabog sa Senado. Madalas ay si Senador Ping Lacson ang naglalabas ng mga ekspose na ito. Idinawit ang kanyang pangalan sa jueting payola, ZTE broadband scam, fertilizer scam, smuggling, at ito ngang huli ay sa mga Kontratistang na-blacklist ng World Bank dahil sa di umanoy’ maanomalyang road construction project (isa sa kanila ay kakilala ni First Gentlemen).

Kung sa dami ng mga akusasyon laban kay First Gentleman Arroyo ang ay umabot lahat sa korte, marahil ay nakulong na ito at malabo nang makalabas pa. Kaso, lahat naman ay hearsay, walang matibay na ebidensiya na nagsasangkot sa Unang Ginoo. Hanggang sa ngayon ay malaya pa siya. Sa pananaw ng Malakanyan, pulitika lang ito at gustong sirain ang pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pagdawit kay First Gentleman sa lahat na yatang isyu ng anomalya sa gobierno.

Hindi ko sinasabing walang katotohanan ang mga bintang at fabricated lamang, ngunit hindi ko ring sinasabi may batayan ang mga ito. Iisa lang ang maliwanag, nasaan ang ebidensiya. Sa isang banda, sinong wala sa katinoan ang babangga sa mga makapangyarihan.

Ngunit tama yata ang sabi nila, it’s lonely up there in the presidency. Pati pamilya mo ay damay sa mga paninira at intriga. I am having a second thought too of becoming a First Gentleman should my love Milagring will become the next president of the Philippines.

 

 

 

Advertisements

Responses

  1. siguro ganito lang yan kapitan ano, kung walang apoy, walang usok..yun lang..

  2. Banong,
    Huwag ka nang mag-ambisyon pang maging first gentleman baka ka maoperahan din sa St. Lukes, ikaw din, hehehe.

  3. Kung sakaling maging first gentleman ka Banong, puwedi bang makisuyo kay ma’am president. Gawin naman niya akong collector sa Customs at ako na ang bahala sa iyo, hehehe.

  4. Banong may magandang kuwento ako tungkol sa pag-ibig. Baka ma-inspire ka dito. Pasyal ka sa bahay ko at mamasahiin kita mula ulo hanggang paa, hehehe.

  5. Sorry ha, baka magselos si Milagring mo.

  6. Banong nagpunta ka pala sa aking Klinika. Masaya ang discussion nina Segundina at Pacifico. Mukhang nakakasundo nina Colegiala girl at Segundina si ka Renato.

  7. Actually Banong para ka maging first gentleman ay kailangang magasawa ka na. Kailangan ding may ambisyon ang magiging misis mo na maging presidente ng Philippine Republic, hehehe. Ano kaya kung ang ambisyonin mo ay ang maging Kapitan na lang ng Barangay o kaya mayor ng inyong bayan. Ang tawag sa iyo Kapitan, kay misis mo Kapitana.

  8. Seriously speaking, tama ka na malungkot ang maging isang First Gentleman. Si FG ngayon ay idinawit na naman ng isang Japanese Contractor sa mga lagayan para lamang makakuha ng project. At saka bakit tuwing may mga kontrobersiya na sumulpot, laging nadidinig ang pangalan ni FG. Laging mainit ang mata ng publiko sa iyo kapag FG ka Banong, di ba?

  9. May comment lang ako tungkol sa panibagong peace talk ng gobierno sa MILF. Baka naman gaya-gaya lang ito kay Obama. Hindi kaya Banong?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: