Posted by: kidlatanvillage | January 21, 2009

Presidente na si Obama, maambunan ba tayo ng tulong mula sa America (The Impossible Dream?)

Barack Obama is now the 44th president of the US. In his inauguration address on Tuesday,  he made a lot of promises for America and the World. Will he make good with his promises? Meanwhile the world is experiencing global financial crisis,  threats of global terrorism, and destruction of our natural resources. There is global warming creating weather problems. But Obama is hopeful, America will prevail and so with the world. Will there be peace as the new president has spoken of a new approach in dealing with the Muslim World?

“What is required of us now is a new era of responsibility — a recognition, on the part of every American, that we have duties to ourselves, our nation, and the world, duties that we do not grudgingly accept but rather seize gladly,” the new president said. 

Well, my best wishes to president Obama. Good Luck!

Ang problema ano naman ang inaasahan ng mga Pinoy. Maibibigay na ba ang kahilingan ng ating mga unti-unti nang namamatay na World War 2 Veterans? Sana magkatotoo ang panaginip ni Banong. Bago man lang pumanaw ang karamihan sa ating mga buhay pang beterano ng World War 2 ay maisabatas na ang Equity Bill. Mangyari man iyan ay kakaunti na rin ang makikinabang, karamihan sa mga umaasang beterano ay inilibing na kasama ang kanilang mga pangarap.

At para naman sa mga TNT na Pinoy sa America, magkakaroon kaya ng panibagaon Amnesty para naman magka-green card na sila at ganap nang malasap ang tinatawag nilang – American Dream? Makulay at makasaysayan ang pagtahak ni Obama sa mga pagsubok tungo sa White House. Nagtagumpay siya, sana ay ganon din ang mangyayari sa mga libo-libong TNT (hindi lang Pinoy sa America). Sabagay ay wish ko lang ito, hindi naman siguro masama ang mangarap.

Sa kapakanan naman ng bansang Pilipinas, ano kayang mga tulong financial ang ating maasahan kay Uncle Sam? Sa dami ng mga Pilipinong nangangailangan ng tulong financial para sa agricultural production, developing cottage industries, at idagdag mo na rin ang inaasam-asam ng DOH  na pondo for the upgrading of our health facilities , funding assistance to upgrade our educational program and services, environmental protection, at industrial growth, etc. , may maasahan ba tayo kay presidente Obama?

Baka tulong pang-militar lang ang makakarating to continue with America’s committment to the world on war on terror. Ano mang bagay na maiaambag ni uncle Sam sa atin sa pamamagitan ni US president Obama, magpasalamat na lang tayo. Nawa’y mabawas-bawasan naman ang pakikialam ni uncle Sam sa ating mga economic, political, at foreign policies. Sana lang ay maging prodaktibo at patas ang pakikitungo ng Amerika sa atin sa pangunguna ngayon ni pangulong Barack Obama.

Advertisements

Responses

  1. Kap,
    Okay talaga si Obama, I know we will experience world peace in a short while. Obama knows how to deal with Muslims having served in Indonesia himself as a community worker. May related article din ako sa poste mo. It is all about integrity in public service.

  2. It remains to be seen. Nakakain ba ang promises at rhetorics?

    In case of US limos to Pinas, walang pera ang ‘merika.

    Amnesty, sure there will be, or else wala ng second term si Barack. Yan ang hinihintay ng mga kamag-anak ng TNT’s na nabubwisit na sa kanilang pakikitira kaya ibinoto si Obama, heheh. Joke only.

    Sana ay bitiwan na ng US of A ang Pinas completely, and regard the Inang-bayan as equal…ngek!!! Yan ang impasibol drim!

  3. Under recession ang US. Siguro tama lang na hindi na tayo umasa ng tulong. kanya kanyan buhay na muna. kaya naman nating bumangon eh.

    Napadaan lang, naki komento na din hehe. Nice site. Add kita sa roll ko.

  4. Ay salamat sa pagdaan mo sa Barangay Hall namain iceyelo. Sana makabalik ka muli nang mapaghandaan ka naman namin ng ice-buko, hehehe. Mabuhay.

  5. Hi Kap,
    May kuwento ako tungkol sa debt payment. Pasyal kayo ni Banong, isama mo na rin ang iyong mga tanod.

  6. By the way maraming matutuwa ngayon tungkol sa mga pangako ni Barako Obama. Sa atin naman kahit papaano ay nakakaahon din ang mga negosyo ng mga maliit na negosyante dahil sa pagpapautang ng mga Bombay. Kagaya ni Minnie ngayon ay milyonarya na siya dahil sa Bombay. Maari ba huwag ka nang umasa pa sa America, umasa ka na lang sa Bombay, hehehe.

  7. Tama si Manay Chi, let as observe kung ano ang doing ni Obama now that he is sitting sitting down in the white house. To see is to be-lie, I mean to believe. Works not words, haha.

    For the Philippines, do not expect much. You doing your own kayod because it is better that way, hahahaayyy. Understang?

  8. wala akong pakialam kay obama. bahala siya sa buhay niya. sa mga sumuporta sa kanya, bantayan ninyo ang inyong presidente at babantayan ko rin ang aking tita, hehe.

  9. Panahon lang ang makapagsasabi if ever na maging magaling na Pinuno si Obama. I learned na Christian siya, dapat Christ is the center of his life and his administration. Dapat nating alalahanin na ang ating lakas at tagumpay ay tanging Diyos lamang ang nakakaalam.
    To President Obama, let God give you the direction and power to govern your country. It is God alone who can move everything in this world. May God bless you sir.

  10. Yan ang gusto ko sa ‘yo, girl.

  11. sana nga di sya matulad kay bush na puro giyera ano? napadaan lang po..add na rin kita

  12. kasamang payatot salamat kaibigan sa pagparine mo. Tungkol kay Obama sana ay di siya mainganyo ng mga kapartido niya na magsimula na naman ng panibagong giyera sa ibang bansa. Sabagay familiar yata si amo sa hippie generation, make love not war.
    Giyera sa kama magdamagan okey huwag lang magpatayan. After all we are all people of the world. Naks ano ba itong nasabi ko, hahahayyyyy.

  13. Kabataan Pag-asa ng Bayan.—I’ve read this long time ago on Jose Rizal’s novel.

    When I was growing-up I have a dream, I have a dream that one day this nation will rise up and live out the true meaning of its creed: “We hold these truths to be self-evident: that all men are created equal.”
    I have a dream that one day on the red hills of Georgia the sons of former slaves and the sons of former slave owners will be able to sit down together at the table of brotherhood.
    I have a dream that one day even the state of Mississippi, a state sweltering with the heat of injustice, sweltering with the heat of oppression, will be transformed into an oasis of freedom and justice.

    ay mali….Kay Martin pala ang speech na iyan.Hehehe!

    Anyway, during my school days my Sir and Madam would require us to memorize 1million words on the chapter of the book we currently have to remember. We need to cram a bunch more words into our heads to get 75% on the report card,soon we forget after the test with codigo penal. All my classmates were impressed on my answer on the test question,I always get 110 right out of 100 and that’s of course 10 was a sidenote to my teacher that if he won’t mark x on my test paper I will buy him Siopao bola-bola and coke with a bonus of 1 cartoon of Salem.Don’t ask me where I got those.US naval base was in Gapo that time and the guard on the gate saluted my eldest brother’s car.Most of my teachers died with lung cancer.

    Of course! I was always stressed out with grammar and reading, even if there were time for communicative practice, I could not wait to have soup number 5 after enduring those torture avoiding the ass whacking of a majorette baton my teacher always have in his right hand.

    Now, the teaching maybe,is different. Just say “Present” if the teacher call their name on the roll call without learning, the most important maybe,is to send their students to march on the stage on culmination exercise so that they can get their 13th month bonus..

    Those people in the education ministry have no idea anyway, what it’s like in the public sector or how to solve problems in public schools because they all went to the best private schools sleeping in class. This fundamental problem means that the Lapuz ministry of education lacks understanding of what the public wants students to be taught, as well as how to teach students effectively.

    Why don’t the parents complain or write more often about their disgust and the postmaster will deliver it to Lapuz desk.? (Oh! Damn me,!those parents could only write carabao English I suppose)

    Now, Obama got elected, explaining how this fulfilled the American idea that anyone can become President of the United States. Soon after explaining this, Mr.Castro looked at his students in History class and said, “Isn’t that great? Too bad that is impossible for the students in public school. And unfortunately, all of the students understood what the teacher who’s suffering from COPD meant. There is no point in dreaming of becoming a topnotch politicians because those jobs are reserved for the kids whose parents can afford to send them to schools that specialize in producing future bureaucrats.You must have a Gonzales,Magsaysay,Garcia,Marcos,Zobel or Ayala last name and you must have a Meztizo or Meztiza blood to enter in Politics.–Only Jojo and Ruben got Lucky because of Cory,they waxed Cory’s table before serving coffee.

  14. Pare nakapagcomment na ako sa Kapehan. Dito naman ay gusto ko lang na batiin kita ng welcome home Mr. CD.

  15. Tired of hearing lies from witnesses of the 728 million fertilizer scam (insisting they didn’t know nor had seen the other alleged players in the scam) showed a photograph where they were seated together in one table during a party. Ang tanong nagsinungaling ba ang mga ito o hindi. Does a mere picture show the truth, nothing but the truth? Pasyal lang po kayo sa aking Klinika nang makunan ko po kayo ng reading sa presyon ng inyong dugo, hehe. Sana kayo po ang unang makapagposte ng inyong mahahalagang komento. Salamat po.

  16. Sabi ni Obama magsasara na raw ang Gitmo. Hindi ko get kung anong ibig niyang sabihin. Ang gets ko baka gantihan ng mga nabilanggo sa Cuba ang mga kano. Kakanahin na naman sila ng terorismo. Kaya utang na loob dalhin na lang sila sa Malacanang for rehabilitation. Una pabantayan sila sa mga tago DOJ, pangalawa ay tawagin ang mga pastor na kagaya nina brother Mike Velarde, brother Ely Soriano, brother Eddie Villanueva, mga Pare at Madre upang pangaralan at i-convert sila to Christianity. Di ba kapag naging Christian ang isang tao ay nagbabago kagay ni doc.bobonyo? Kapag naging Christian ang mga iyan ay magiging mabait na sila at hindi na maghahasik pa ng terorismo, hehehe. Di ba may kasabihan, ang pag-ibig ay nagbubunga rin ng kapwa pag-ibig? Anon sey mo doc.bobonyo?

  17. May bagong negosyo kami ngayon ni Artsee, naka turban siya ngayon.Nagpapautang ng 5/6

  18. Kuya Cocoy,
    Siguro aabangan ko kayo lagi kayo ni mang artsee na sakay ng inyong motorcycle na aali-aligid diyan at nagpapautang ng 5/6. Sana makita ko kayong dalawang nakaturban at kukunan ko kayo ng picture. Mabuti at nakaisip kayo ng bagong negosyong ito nang makautang naman paminsan-minsan. Mag-ingat lang kayo ng pagpapautang kay Segundina dahil matagal magbayad iyan at nagtatago pa kung may mga dumarating na bumbay hahahayyyyyyyy.

  19. Banong,

    Si Artsee ang may puhunan ng 5/6.Ayaw kong ganyang negosyo.Pahirap sa tao iyan.Hindi na sila makaahon sa utang at tuluyan ng mabaon ng husto.

    Tama naman at nandoon si Pacifico sa klinika ni doc.bobonyo,maganda nga yun para magkaroon siya ng spiritual enlightenment,anong malay natin baka mahikayat siyang maging Born again.”Praise the Lord” Haliluya…..

  20. kap ok lang c obama sa akin.

    as long as a leader believes in Jesus, pasok na sa akin yun kasi kapag may takot ke Lord, everything follows na.

    happy new year pala kap!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: