Posted by: kidlatanvillage | January 9, 2009

Bagong Taon, Nasa mga Kamay nga ba Natin ang Kapalaran? By Banong Capalaran

The Bible says, “faith without work is dead.” Many Filipinos believe in destiny that’s why they always consult fortune tellers to know about their future. But as they said your destiny is in your hands. I know that faith counts for us to succeed, butI also believe on the saying “God helps those who help themselves.”

May kasabihan, nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa. Hayyyyy 2009 na nga, nakaraos na ang Feast of Black Nazarene, at patuloy pa rin ang giyera ng mga Hamas at Israeli. Binata pa rin ang inyong lingkud, Banong Capalaran. Pinaasa-asa pa tayo ng buwiset na biyuda ng buhay na iyan, iyon pala mag-aabroad siya para makahanap ng mas mataba at mas mahabang tungkod ng pag-asa! Nasayang na naman ang aking mga ginasta, ni walang return of investment…

Pero mga friends, ang ating pag-asa daw ay nasa ating mga kamay gaya ng sinabi ni Manong Joeseg. Kaya heto na naman tayo, sa palad na naman umaasa ng kaligayahan. Kung noong araw usong-uso ang mga kamayan na kainan, bakit hindi sa personal na kaligayahan. Anyway, naging boy scout naman tayo noon araw kaya lagging handa sa ano mang kaganapan. Akala nitong girlfriend ko dati na nag-abroad  nang makalawa na hanggang pier/airport na lang ako ay nagkakamali ka Carlita. May plan B naman tayo. Akala mo iiyak na lang basta-basta si Banong? No way! Nang maghiwalay tayo bago magpasko, may nakilala akong Ilokanang teacher na bagamat hindi siya kagandahan mabait, matalino, at ubod siya ng sipag. Maputi ka man Carlita at maitim itong si Milagros, sa tingin ko ay mahihigitan ka pa niya sa mga katangian ng isang mahinhin na dalagang Pilipina.

Nakilala ko siya sa Vigan City nang ako’y magtungo doon pagkatapos ng araw ng Pasko. Siya ang nagturo sa amin ng direksiyon kung saan namin matatagpuan ang Baluarte ni Manong Chavit. Siya din ang nagturo kung saan kami makakabili ng mga mura ngunit magagandang kumot Iloko. Akala ko hindi na kami magkikita uli ngunit kaloob ng tadhana na magkita muli kami sa Plaza Burgos kasama ng kanyang mga kaibigang teachers. Mga kaklase niya ito sa Masteral at nagpunta sila sa plaza para kumain ng impanada. Dahil mga tatlong araw din kami sa Vigan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lalo pa siyang makilala. Hindi na ako nagdalawang isip pa ng inimbita  niya kami sa birthday ng kanyang kapatid na balikbayan. Napakagaling pala niyang kumanta sa karaoke, nabihag niya ang aking puso ng kanyang awitin “Ang Tangi Kong Pag-ibig” na paboritong awitin din pala ng kanyang ate Pacing.

Sa totoo lang ay una ko pa lang siya nakita ay parang pinana na ni Kupido ang aking puso. Nahalata marahil ng kanyang mga kaibigang teachers na may crush ako kay Milagring kaya ako naman ang hinilingan nilan umawit. Naku po na-obliga tuloy itong si Banong na inyong lingkod na umawit para sagutin siya. Ganito pala sa Vigan, parang isang zarzuela ang ligawan. Kahit papaano ay may itinatago din tayong kaunting talento sa pag-awit. Humiram ako ng gitara para haranahin siya sa aking pag-awit ng “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko.” Lalong nagkagulo nang dalhin nila siya sa aking tabi habang ako’y kumakanta. Panay ang ngiti ni Milagring. Damang-dama ko ang magneto na naguugnay sa amin sa mga panahong iyon. Muli akong pina-awit kaya binanatan ko na naman ang isang hit na Manila Sound, “TL ako sa Iyo.”

Bago kami umalis pabalik ng Maynila ay pinasyalan ko muli si Milagring upang magpaalam. Dama kung nalungkot din siya kahit papaano. Nangako na lang ako na lagi ko siyang papadalhan ng mga mensahe mula sa pamamagitan ng text messaging at e-mail. Wala akong nababanggit sa kanya tungkol sa pag-ibig ngunit alam ko na damang-dama din niya ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon.

Naipakita ko na rin ang kanyang larawan sa aking digicam kay Kapitan Kidlat at panay naman ang encouragement ng aking bosing. Alam ko gusto na rin niyang lumagay na ako sa tahimik kapag nakita ko na ang babaeng tunay na magmamahal sa akin kahit sino pa ako, at ano man ang aking nakaraan. Nakailang e-mail na rin ako sa kanya at itong huli ay nagtapat na ako ng aking pagmamahal sa kanya. Hindi pa niya ako sinasagot, alam ko napakahinhin niya at marahil ay taon ang aking bibilangin bago niya ako sagutin. Ngunit ako’y nanalig na sana sa February 14 ay ibigay na niya sa akin ang kanyang matamis na “oo.”

Kung sa akala ninyo ay kasing-edad siya ni Segundina at College girl, hindi po. Napag-iwanan na po ng Biyahe si Milagring. Pero sa atin-atin lang po, may dalawang taon pa akong magkaroon ng pagkakataon (kung magpapakasal siya sa akin) na magkaroon kami na isang bunga ng aming pagmamahalan. Nasa line of four na po si Milagring dahil ibihuhos niya ang kanyang panahon sa pagtuturo sa Mountain Province, sa mga interior towns of Ilocos Provinces.

Update lang, katatanggap ko lang ang kanyang text message at ito ang nilalaman: Sometimes wonderful people come to us and say hello, we just smile and say hi too. Others just fade away, others may just forget, but I’m glad there is one faithful and different like you. Take care and I miss you.” Hahahahayyyyyyy Manang Biday, ading balasang ay-ayaten ka!  

Advertisements

Responses

  1. Banong

    Happy Balentaym! Ang ibig kong sabihin, baka mapaaga ang balentaym mo dahil sa text na yan. Congrats in cash advance! May kasabihan nga, your journey for a thousand miles begins in cash advance. Ayan, ang journey mo sa Vigan ang magpapabago ng iyong kapalaran 2009.

    Alagaan mo na ring mabuti itong Barangay Kidlatan para may mapasyalan ang iba nating katoto. Sa CD, nangulimlim na ang ilaw. At nakakapagtaka, kahit ang blogs ng mga girls natin na nagagandahan ang picture dito, nangawala na rin.

  2. Banong,
    Hindi ka kaya nabibigla sa desisyon mong iyan? Paano naman kami ngayon ni College girl, may Milagring ka na baka no pansin na lang ang mga beauty namin?

  3. Pasensiya na po at busy pa kami sa aming mga raket, I mean mga patong-patong na trabaho sa opis.Si Mer ay nasa probinsiya at may mahalaga po siyang ginagawa.

    Kasama ko po siya noong Christmas at Bagong Taon sa Baguio at Mountain Province. She will be back soon with a lot of stories.

    Salamat po.

  4. Banong,

    Regards na lang sa mga taga Barangay Kidlatan lalong lalo na kay Kap.

  5. Mang Joe and Manay Chi at Manong Cocoy,
    Miss ko na kayo kayo kaya may ihinahanda na akong potahe na pagsasaluhan nating lahat, hehehe. Sana magbago pa ang isip ni Banong dahil dalawang puso ang masasaktan kapag sinunod niya ang takbo ng kanyang Kapalaran, hehehehe.

  6. Hi Banong, happy new dear. Sana huwag nang magbago pa ang iyong Capalaran. At ikaw naman Segundina, huwag mo namang konsensiyahin si Banong. Ni hindi mo nga siya pinapansin, tapos ngayon ay hahahabol-habol ka pa. Panindigan mo na lang ang pagiging prinsesa mo, prinsesang nakaupo sa tasa, hehehe.

  7. May kuwento ako tungkol sa bakasyon namin ni College girl sa Sagada. Alam ko nagkuwento na si Colegiala pero may iba naman akong bersiyon dito. Pasyal lang kayo sa aking bahay nang makita ninyo ang isa sa mga napakagandang tanawin ng Sagada Mountain Province.

  8. Kayong dalawa tigilan ninyo ako. Wala si Kap ngayon at ako ang taong bahay.
    Wala kayong paki kung sino ang pakakasalan ko. Kung mamahalin ako ni Milagring mamahalin at pakakasalan ko rin siya. Hindi ninyo ako makukuha sa mga pang-aasar ninyo.
    Tandaan ninyo, tatanda rin kayo. Ang kagandahan ay hindi panghabang-buhay. Lilipas din iyang Colegiala at Segundina.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: