Posted by: kidlatanvillage | November 25, 2008

The Act of a Subordinate is not an Act of the President (Tama ba ito Kabayan?)

First t he committee found the latest impeachment complaint filed against president Arroyo in Congress as sufficient in form. Now the next thing the House Justice committee is tasked to do is to determine whether the complaint is sufficient in substance. In the pro-administration solons term, it is time to look for the “beef in the sandwich,” But in today’s hearing pro-Arroyo’s Congressmen were not only looking for the substance, they cleared the president of involvement in the aborted National Broadband Network (NBN) deal as well as the Mt. Diwalwal mining agreement with China’s ZTE Corporation. 

Congressman Garcia defended Mrs. Arroyo’s trip to Shenzhen, China in relation to the controversial ZTE-NBN deal. He said “President Arroyo’s trip to China to invite foreign investment is a fact, but that does not constitute an offense. Playing golf and eating rare Shanghai crabs is a fact, according to her former Speaker but that is not an impeachable offense.” 

There is no way the President could be linked to the ZTE-NBN deal as alleged by former Speaker of the House Jose de Venecia, and the mining in Mt. Diwalwal with China’s ZTE Corp, as  these contracts entered into by the government were signed by two department secretaries. Even the Joc-joc Bolante’s P728-million fertilizer fund scam the president has nothing to do with it since it was an act committed only by an undersecretary of the Department of Agriculture. “Not everything that happened to this government is attributable to the President because the President is not the government of the Philippines,” Garcia said.  

Contrary to what the pro-impeachment solons said, Mrs. Arroyo did not commit any betrayal of public trust  by entering into contracts considered considered “disadvantageous to the Philippines” since the actions of her subordinates are not traceable to  her according to Negros Oriental Rep. George Arnaiz. Since there is no allegation that the President signed the agreement, “Negligence of the subordinates is not tantamount to the negligence of the superior officials,” Arnaiz added. “The accusations are merely based on newspaper clippings and hearsays,” and that they do not constitute a recital of facts. 

Garcia also stressed that the ZTE controversy should not be entirely attributed to the President since she does not have a hand on anything that happens to the government. The President cannot be convicted on grounds of mere conjecture and speculation it should be on ultimate facts. 

But according to De Venecia said that the anti-impeachment lawmakers have not fully rebutted all their accusations they made Monday. “Our accusations were very specific and concrete. They have not significantly rebutted our accounts yesterday,” de Venecia said. 

Later Garcia compared president Arroyo to Jesus Christ who had been crucified because of mere public opinion. President Arroyo should not be impeached based only on popular pubic opinion. But the comparison he made only created uproar from the viewers. Jesus Christ was incorruptible of which Gloria is not. 

Ang Dismayadong si Banong 

Kapwa kami nanood ni Banong sa TV coverage ng impeachment proceedings sa Kongreso. Sa mga naunang nagpahayag ng kanilang mga kaisipan kontra sa impeachment ay napapailing lamang si Banong. Ngunit lalo pang  tumindi ang pagkadismaya ng sikretaryo ng Barangay nang kanyang napanood at nadinig na magsalita si Congressman Domogan. Hindi lang napapailing, natatawa pa si Banong hindi sa sinasabi ng kinatawan kung hindi ang kanyang pananalita ng Ingles. Dapat magtagalog ka na lang, ang kanyang sabi. Sa dami ng mga English words na binigkas niya, ni wala pa sa sampong porsiento ang tama sa pagbigkas. 

Tama si Banong, kung hindi lang tayo sanay na nakakapakinig ng Carabao pronunciation sa wikang ingles, sana ay sasabihin kung wala akong naintindihan. “Hindi kaya kahiya-hiya ito sa mga foreigners na nakikinig, baka sabihin ng mga English speaking countries na ganito lahat ang mga Pilipino na magsalita ng Ingles,” sabi ni Banong. Sumingit naman sa usapan si Kagawad Lando, “kung buhay lang si Daniel Webster at nadinig na magsalita ng Ingles Itong si Domogan baka pagmumurahin pa siya at sasabihin  shame on you for bastardizing the English language.” 

Nagkatawanan ang lahat.

 

Advertisements

Responses

  1. have not seen the impeachment proceedings yet, hope they get to replay it later.

    but gma akin to jesus christ? pakshet, that’s the height of blasphemy, one for the books.

    as for gma’s tongressmen err congressmen, though they may contend that some of the anomalous projects entered into by the arroyo adminstration should not be attributed to the president, the nbn-zte deal is simply too blatant to be ignored. it had been a government-to-government project and as such is definitely approved by the president. her “secret meeting” with zte officials is a testament to it.

    tanong lang, di ba alam naman nating di papasa yung impeachment pero bakit ganon nakaka-badtrip pa rin yung pangga-gago sa atin ni arroyo at ng mga kaalyado niya? grrr…

  2. Itong mga kaalyado ni GMA kung ano-ano na lang ang ginagawa nilang pagpapalusot para isalba ang kanilang amo. Nakakabad-trip talaga Ginoray. Sana magkatotoo iyong nasagap ko na balita na marami sa mga kaalyado ng Malacanang na kongresista ang nais pumirma para sa impeachment laban kay Pangulong Arroyo.

  3. Masyado lang sipsip itong si Garcia porke napakalaking pabor ang nakukuha nila mula sa Malacanang. JDV’s testimony kahit ano pa ang sabihin nila confirmed Malacanang’s involvement to the ZTE deal, etc. Parang mantsa ito na mahirap tanggalin gaano mang kaliit ang kanilang tingin.

  4. Pustahan, after killing the impeachment complaint, aarangkada na ang Makinarya ng cha-cha. Pasyal lang kayo sa aking bahay, ito ang pinag-uusapan ng mga nagpapa-derma doon, hehehe.
    http://colegialagirl.wordpress.com

  5. Kapitan K

    Sa tanong na tama ba na the act of the subordinate is not an acf of the president, tama yan. Tamang tama ang mga kabulaanan ng mga alipores ni da gloria. Inaari nilang mga gunggong ang mga Pinoy kung kaya kahit ano na lang sabihin nila para ipagtanggol ang kanilang reyna-reynahan ay gagawin dahil namumuro na sila.

    Tama yan, tamang tama na magkakasama silang babagsak at tingnan lang natin kung anong klaseng karma ang tatama sa kanila.

    Kung kaya tama na! Mag cha-cha na sila at nang magkaalaman na!

  6. Napakalaking pagkakasala manong Joe an sabihin mong walang kasalanan ang isang taong may kaugnayan sa mga maanumalyang transaksiyon sa gobierno nang ganon-ganon na lang. Ito ay isang uri ng pagtatakip sa kasalanan. Kahit sa batas ng tao, ang sino mang nagtatakip ng pagkakasala ng iba ay nagkasala na rin.

  7. Mahalaga itong pagsasabi ng JDV ng katotohanan tungkol sa lahat ng kanyang nalalaman sa kaugnayan ng Pangulo at ang kanyang mister sa ZTE-NBN deal. Sabihin man nilang nagsisinungaling si JDV unti-unti nang nagliliwanag ang isyu tungkol sa naturang scandalous deal. Ito ang link http://bobonyo.wordpress.com

  8. The moral question for all Filipinos is how much longer are they to put up with a government that doesn’t represent the will of our people? (Or does it?) Is “the Silent Majority” in favor of Gloria’s aims to steal more, or are they just cowards and/or too lazy to demand her removal, along with all of his Neocon henchmen?

    Are Filipino’s silent because they are asleep to the danger the Arroyo regime is creating for them? Or are they silent because the media have confused them to the point they have given up and turned on something more entertaining?

    My question is, What are we going to do about it? Grumble and then go back to watching Pinoy Fear Factor or some other useless fantasy dreamed up by the media to distract us from our duty as free men and women?

    Or have the majority of Filipino resigned themselves to not being free, as long as the 3 kilos NFA keeps rolling along? And the rest of us, who know better, are resigned to being dragged to our fate by the rest?

  9. Impeachment of Gloria would be a good start. They don’t want to impeach Arroyo and make Noli De Castro President and they don’t want to impeach both and make Juan Ponce Enrile President, either. Reading Enrile’s gushing speech to the Senate and to Filipino people should alert us that he would be even more willing than Arroyo to use his power to restore freedom in our country.I don’t know,Maybe,I was reading Enrile’s speech way back 1986.

    Ideally, most of Congress should also be impeached for tacitly going along with Gloria Arroyo’s election cheating, but that’s not practical. We have bigger fish to fry.

    Impeaching Arroyo and De Castro, while getting someone truly trustworthy (Korina Sanches,maybe) to step into Enrile’s spot to run the country and begin a process of rooting out the Neocons in the various departments, especially at Justice Department and Ombudsman, would be a good start.

    Then let the trials begin. These drastic moves should convince those in our government who secretly sold our country to Chinese for self special interests, that the Filipino people will not tolerate any more of this madness.

  10. Mang Joe,
    Kung may kiss of death ay mayroon din dance of death. Iyan ang cha-cha. Ang mga tao ay naghihintay lang na matapos ang termino ni Pangulong Arroyo. Pero sawang-sawa na ang mga iyan sa corruption sa gobierno at kahirapan. Naghihintay lang ang mga tao ng 2010 para sa pagbabago. Deny them that dream by prolonging the terms of the president and other politicians and let us see what will happen. Ibang magalit ang Pinoy.

  11. Heh! Sakdal tanga si Garcia, o sayang tunay lang na aliping- saguiguilid siya ni Gloria.

    What happens to the command responsibility? Ah, wala pala niyan sa itim na rehimen ni Gloria Arroyo Pidal.

  12. Naniniwala ba kayo na hindi alam ni Gloria ang pinaggagawa ng kanyang mga subordinates? Di ba hands-on president sya?!

  13. Sagad na yata hanggang sa buto ang kawalang hiyaan nang mga nagsasabi na malinaw pa sa tubig ay inosente ang kanilang amo sa pinaggagawa nang kanyang mga tauhan.

  14. Pinatay pa ang impeachment, talo na naman si Juan dela Cruz.

  15. May liham sa atin ang hanay ng mga manggagawa:

    Ang uring manggagawa ay tutol sa pakanang baguhin ang Konstitusyon. Daanin man ito sa kaparaanan ng Nograles resolution, Villafuerte resolution o Mandanas resolution. Ang layunin man nito ay tanggalin ang proteksyunistang probisyon ng Saligang Batas o palawigin ang termino ng ilehitimong presidente ng isang taon o habambuhay sa ilalim ng isang sistemang parlamentaryo.

    Walang mapapagpilian ang mamamayan at manggagawa sa pagitan ng saksakin sila sa puso o palakulin sila sa ulo. Anuman ang porma o layunin, mauuwi lang ang chacha sa kapaboran ni Gloria Arroyo o ng dayuhang kapital, na parehong salot sa mamamayan at manggagawa. Saan man nagmumula ang pakanang chacha, pare-parehong imbing layunin ito laban sa interes ng mamamayan at manggagawa.

  16. Sa harap ng rumaragasang tsunami ng global na krisis ng kapitalismo, ang kailangan ng uring manggagawa ay bailout laban sa malawakang tanggalan at kawalang trabaho. Pero ang tusong adyenda ni GMA at ng tutang Kongreso ay ilusot ang chacha para ibailout ang bangkaroteng gobyerno at palawigin ang termino ng mga trapo.

    Walang dudang interesado si GMA sa pagpapalawig ng kanyang termino. Mas depensibang galaw ito kaysa opensibang hakbang. Mas hindi pa dahil gahaman siya sa dagdag na kayamanang nanakawin sa kaban ng
    bayan. Kundi para proteksyunan ang kanyang nadambong na at ang kanyang sarili sa paghihiganti ng kanyang mga karibal sa kapangyarihan.

  17. Hindi lubusang makakaasa si GMA na mananalo ang isang kandidatong kaalyado sa eleksyong presidensyal sa 2010. O kahit pa manalo ang isang presidenteng handang magbulag-bulagan, hindi nakakasiguro si GMA na di magbabago ang ihip ng hangin. Kaya naman walang tigil ang pagtatangkang pahabain ang kanyang termino sa pamamagitan ng pagbabago ng Konstitusyon.

    Pero hindi rin lang naman simpleng maitim na agenda ni GMA ang chacha. Matagal na rin itong masamang balak ng naghaharing uri. Hiling ng dayuhang kapital at sang-ayon ang naghaharing uri sa pagbaklas ng proteksyunistang probisyon ng Konstitusyon na nagtatanggol sa pambansang patrimonya at karapatan sa paggawa. At gusto ng naghaharing uri na palitan ang sistemang presidensyal ng pormang parlamentaryo upang tanggalin sa kamay ng mamamayan at mahihirap ang tuwirang pagpili sa pangulo ng bansa.

  18. Minumulto ang naghaharing uri ng huling dalawang eleksyon nitong 1998 at 2004 kung saan ibinoto ng masa ang mga kandidatong wala sa hulma ng tradisyunal na elitistang lider. Totoong hindi naman radikal na lider sina Erap at FPJ. Sa katunayan ang pagiging maka-mahirap nila ay puro porma hindi plataporma. Subalit ang diskuntento ng masa sa umiiral na sistema ay nagkahugis ng isang rebelyon sa distorted na paraan sa pagpapanalo sa mga kandidatong wala sa tradisyunal na panlasa ng naghaharing uri. Dito nagmumula ang pagkakaisa ng
    naghaharing uri sa pagbabago ng Konstitusyon para ibasura ang mga proteksyunistang probisyon at ang sistemang presidensyal.

    Pero ang pagkakaisang ito ay binabasag ng tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri. Hindi makakapayag ang mga karibal ng rehimeng GMA na ito ang solong makinabang sa chacha. Kaya ang panukalang amyendahan ang Konstitusyon matapos ang 2010 ay isang panawagang huwag mag-away-away ngayon ang naghaharing uri at sa halip magkaisa sila bukas laban sa mamamayan.

  19. Sa isang banda may taya ang uring manggagawa sa pagtatanggol ng mga probisyon ng Konstitusyon na naggagarantiya sa mga karapatan sa paggawa. At kahit ang mga probisyon na nagtitiyak na ang likas yaman
    ay pambansang patrimonya na dapat pakinabangan ng Pilipino kaysa ng dayuhan. Pero sa kabilang banda, handa rin naman ang uring manggagawa na palitan ang kasalukuyang Saligang Batas sapagkat sa ultimo ito ay
    isang burgis na Konstitusyon.

    Ngunit ang dalisay na interes ng uring manggagawa ay hindi maisusulong ng pagtatanggol o pagpapalit ng Konstitusyon. Ang pagbabago ng burgis na Saligang Batas ay magkakaroon lang ng ganap na kabuluhan kung bahagi ito ng mismong pagbabago ng bulok na sistemang kapitalista.

    Ayaw ng uring manggagawa sa con-ass ngayong 2008 hindi dahil ang gusto natin ay con-con sa 2010. Ang panawagan ng uring manggagawa ay social change sa halip na charter change.

    Dito nag-iiba ang paninindigan ng uring manggagawa sa posisyon ng mga karibal ni GMA. Ayaw ng mga elitistang katunggali ni GMA sa charter change ngayon yamang mas ang gusto nila ay regime change. Samantalang ayaw ng mga manggagawa at maralita sa charter change ngayon sapagkat ang totoong gusto natin ay social change.

  20. Sa panawagang ito, inililinaw ng uring manggagawa na si GMA ay isang bahagi lang ng problema at ang globalisasyon ay isa pa ring aspeto nito. Hindi lang ang bulok na gobyernong GMA kundi pati ang bulok na modelo ng globalisasyon ang kailangang patalsikin. Hindi lang
    pagpapalit ng pangulo kundi pagbabago ng sistema ang solusyon.

    Ganunpaman handang magmartsa ang uring manggagawa kasama ang uring kapitalista laban sa chacha ni GMA pero bitbit ang sariling islogan para sa ganap na pagbabago. Makikilahok ang uring manggagawa sa kilusang anti-chacha kaalinsabay ng sariling kampanya para sa bailout
    ng mga manggagawa at maralita.

  21. Katunayan hindi simpleng sasanib ang uring manggagawa sa multisektoral na kilusan laban sa chacha ni GMA kundi dapat nating pamunuan ang pakikibakang ito. Pero magagawa lang na itatak ng uring manggagawa ang makauring pamumuno kung totoong sisiklab ang isang malakas na kilusang manggagawa sa batayan ng makauring panawagan.

    Babangon lang ang makapangyarihang kilusang manggagawa sa ilalim ng bandila ng radikal na pagbabago ng bulok na sistemang pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan. Sisiklab ang mulat na kilusang manggagawa hindi dahil nagpapagamit sa isang paksyon ng naghaharing uri sa islogang patalsikin si GMA kundi dahil nagsusulong ng dalisay na makauring interes sa panawagang palitan ang sistema.

    Ika-30 ng Nobyembre 2008


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: