Posted by: kidlatanvillage | October 19, 2008

From Russia with Love (Madatung si Sir General?)

Finally the Russians have cleared PNP comptroller Eliseo dela Paz, on Friday after undergoing two hours of questioning for carrying 105,000 euros (P6.9 million) on his return flight to the Philippines. According to Philippine Consul General Joselito Jimeno, dela Paz was able to convince Russian officials that the money he was carrying was a “travel contingency fund” issued by the PNP. Among the papers presented by dela Paz to the Russian authorities were the “PNP’s travel order, cash advance certificate and foreign exchange receipts for the Interpol conference in St. Petersburg.”

 

 

But dela Paz is not cleared yet, he will still undergo investigation as soon as he arrives in Manila. T Three fact finding bodies will pursue the investigation, the Office of the Ombudsman and the National Police Commission, and the Aviation Security Group (ASG).

 

 

Director General Jesus Verzosa expects to receive liquidation report of expenses of the PNP delegation that attended the recent Interpol conference in Russia, as informed by Chief Superentendent Nicanor Bartolome the PNP spokesman. “As standard accounting and auditing procedure, all unused cash advances will be properly returned to the PNP’s general fund,” Bartolome added.

 

 

Meanwhile, Versoza said there is nothing irregular with dela Paz’s multi-million contingency fund. However he could not explain why the official was carrying such a large amount of money.

 

 

“It depends on the purposes because as I said there are a lot of activities that they may be involved. As I’ve said there are a lot of countries that are being represented and we maintain very close relationships with other countries. In fact we are conducting regional, international and other forums of which individual member countries are having their own engagement and own forums whenever a big forum like that is being held,” he said.

 

Likewise the PNP chief also explained that there is nothing irregular in the inclusion of a wife in the trip to Russia if it is personally funded and no government resources had been used.

 

 

But another thing worth looking into in this Russian trip by the PNP officials is why dela Paz was allowed to leave for the Interpol conference and handle the “contingency fund” even if he would already be a retired official upon returning to the Philippines. It is a complex matter that even Anthony Golez the deputy presidential spokesman could not explain. How about you guys, do you also look at this thing as something irregular?

 

Sana magumpisa kaagad ang imbestigasyon sa kasong ito nang malaman kung may irregularities na na nangyari sa biyahing ito ng ating mga opisyales ng Philippine National Police. Sana ay umaksiyon din dito ang Senado dito nang maimbestigahan ang PNP kung papano nito pinupondohan ang mga opisyal na pagbiyahe ng mga tauhan ng Philippine National Police sa ibang bansa.

Advertisements

Responses

  1. Pasensiya na Colegiala girl at nagamit ko ang binabalak mong titulo para sa susunod mong kuwento. Salamat sa pang-unawa.

  2. Kap,
    Si Colegiala girl ay nasa lakaran ngayon kasama ang mga bading at tibu na nagmumuni-muni tungkol sa kanilang kinabukasan. Rumaraket pa siya kaya walang interest iyang manood ng James Bond movies hehe. Just kidding lang baka magalit pa ang patron ng mga broken hearted.

  3. Seriously speaking, I find it irregular for the PNP personnel to carrying large sum of money for their contingency funds. As law enforcers they should be familiar with monetary laws of other countries. This puzzles me because it is just a matter of common sense that the whole amount should have been distributed among the officials just to exit the immigration and customs area freely and such embarassment could have been avoided. Anyway it that is government money then they’ll return it to the PNP upon arrival. Did the former PNP officer figure this out before or simply he could not trust his companions. I do not mean anything but just asking.

  4. Natupad ang kanyang pangarap na mag-debu at the age of 21. Natupad na rin niya ang kanyang gustong gawin, ang lumantad at buksan ang misterio na bumabalot sa kanyang pagkatao. Isa siyang sirena.
    http://colegialagirl.wordpress.com

  5. Sabi ng Pulis hindi raw niya alam na marami siyang pera sa bulsa.Naipon daw niya iyun sa mga nagbibigay sa kanya palagi na pang meryenda kaya hindi daw niya sikat akalain na umabot na pala ang milyones na barya sa bulsa niya.HIHIHIHIHIH

  6. Magpakabit na nga sa isang pulis general nang magkapera naman, hehehe. Kaso baka may harem pa baka taon ang aabutin mo bago ka mapansin, hehehe.

  7. Nakakalungkot naman ang ganitong klase ng balita, pang international pa ang dating.
    I have written an article about corruption. Here is the link, http://bobonyo.wordpress.com

  8. the way i see it hndi na kailangan ng imbestigasyon. cla mismo ebidensiya ng irregularities.

    ikulong na ang mga yan…

  9. Kapitan K

    Please allow me to post this patutsada item I grabbed from my favorite hometown website:

    BADANG: Nakakapagtaka naman ang balita na ilang pulis heneral ang pinigil sa Russia dahil naispatang maraming datung na dala-dala.

    TWINKLE: The police image is so bad anymore and nobody was surprised to hear the news that Russian authorities had detained eight Filipino senior police officials and seized 105,000 euros (P6.9 million) they were carrying. The perception now is, instead of apprehending a thief at home, they’re the ones apprehended while abroad.

    BADANG: Naburingka ako sa laki ng halaga. Taksan-taksan pala ang pera ng kapulisan, bakit ang mga lespu natin, kung swerteng may police car, walang budget sa gasoline. May baril nga, walang budget pambili ng bala. Ano raw yun?

  10. This is from Ramon Tulfo’s column at the Inquirer:

    Can the wife of a government official head a delegation to a foreign conference in place of her husband?

    The answer is obvious.

    The wife of Philippine National Police chief Jesus Verzosa wife, Zenaida, had no legal personality and yet she allegedly headed the PNP delegation to the International Police (Interpol) conference held in Russia recently.

    It’s like Mike Arroyo going on a state visit to the United States in place of President Gloria who’s indisposed and has to stay in the country.

    Kung sabagay, many generals’ wives think their husbands’ powers are transferable through osmosis

  11. May nakita pa ako diyan na misis lang ng hepe lang ng isang police station, may driver siyang pulis at bodyguard kung nasa shopping si misis, hehehe.

  12. Gusto ring makisawsaw dito ang Senado. Pero handa na raw ang Ombudsman na magimbistiga at marahil ay litisin pa ang kasong ito. Ako naman ay hanggat walang napapatunayan pa ay inosente lahat ng mga napaparatangan. Sana lang parehas ang laban at walang lamangan sa pagtutok ng kasong ito. Sana ay hindi magagamitan na naman ito ng poltical influence.

  13. Si Kap ito…
    Nagpapasalamat ako sa mga bumisita kahapon at ngayon dito sa aking Barangay Hall. Salamat po sa comments at mga opinyon na iniwan dito para pag-aralan at pagdebatehan naman ng aking mga tanod, hehehe.
    Hindi pa nagrereport si Banong at tila napahirapan siya ng husto kay kimuchi.

  14. Nakakalungkot nga na isang opisyal pa ng ating Kapulisan ang siyang pinigil na makalabas sa isang bansa dahil sa pagdadala ng napakahalagang pera. Contingency funds ang sabi nila. Bakit ngayon na high tech na ang lahat, wala na bang paraan na makapagpadala ang pamahalaan ng karagdagang pondo kung saka-sakaling kukulangin ang ating mga opisyal ng panggastos doon? At bakit kailangan pa ng mga misis ang sumama, wala ba silang tiwala kina general, hehehe.
    Anyway nandiyan na iyan, para namang hindi lumala ang blackeye ninyo sa dami ng mga bumabatikos ng pangyayaring ito sa hanay ng mga tax payers ay ayusin naman ninyo ang mga police stations na akala mo ay parang poultry o kulungan ng baboy sa itsura ng kanilang building. Ako pabor sa paggamit ng mga local building materials pero huwag naman ninyong gawing bahay kubo ang presento ng mga pulis hehehe. Hindi lang pala ang mga mamayang mahihirap ang mahilig mag-squatter, pati din pala ang PNP kung saan ang squatter lang ang kanilang police station. Huwag naman ninyong gayahin ang outpost ng aking mga tanod na yari sa pinagtagpitagping tarpolina na itinangay pa ng bagyo sa mga higanteng billboards, hehehe.

  15. Colegiala girl,
    Kung naiinggit ka sa mga asawa ng police officer na may police na driver at bodyguard, mag-asawa ka na lang ng tanod at bibigyan ko kayo ng service na bisekleta. May driver ka na, may bodyguard ka pa. Iyon nga lang karamihan sa aking mga tanod na binata ay hindi naliligo, hehehe.

  16. Hala kayo, mga euro generals! Si Sen. Miriam ang nagumalmang imbestigahan kayo. Humanda kayong magdala ng payong kapag magsimula kayong dakdakan. Tiyak sasabog ang laway ni Miriam pagkastigo sa inyo.

    Seriously, magandang abangan ang Senate investigation na ito sa dahilang may banggaan na noong una si Sec. Puno at Miriam. Kung babalikan natin noong panahon ni Erap,
    http://www.gmanews.tv/story/128235/DILG-chief-says-euro-general-has-a-lot-of-explaining-to-do

  17. Napindot ko agad, di bale. Yong link sa itaas, may kinalaman sa pagbabago ng posture ni Puno tungkol sa euro generals na noong umpisa ay ipinagtanggol nya. Pero nang formal na magkakaraoon ng imbestigasyon sa pamumuno ni Sen. Miriam nagiba ng tono si Sec. Puno. May dapat daw ipaliwanag ang mga euro generals.

    Noong kasing panahon ni Erap, si Puno rin ang DILG secretary at si Miriam ang mahigpit na taga pagtanggol ni Erap. Pero ngayon, itong dalawa ang pangunahing alipores at defender ni gloria. Gandang kwento, di ba Colegiala Girl? Pero sa time ni Erap, mortal na magkaaway itong si Miriam at Puno at nagdemandahan pa. Kaya siguro nag-iba ng tono si Puno. Didikdikin na naman siya ni Miriam humarap siya o hindi sa Senado. Pero malamang ang hindi dahil sa EP.

  18. Kung hindi pa siguro uso ang internet at celphone, baka hindi masyadong mapansin ang ganitong pangyayari katulad din ng ibang government scandals. Pero palibhasa at nakisawsaw na rin tayo sa advance technology, nagagamit natin itong medium upang ipahayag ang ating damdamin sa mga kaganapan.

    Sa totoo lang, maliit ang P7milyon (wala nang butal para madaling i-type). Mas malaki ang kaso ni jocjoc bolante dahil P700 milyon, solo flight pa siyang kinakalampag. Ang matindi rito, ang nasa isip ng mga tao ay ang karaniwang pulis sa isang bayan na bukod sa mababa ang sahod, wala pang tamang kagamitan ang kanilang departamento upang ang kanilang obligasyon sa komunidad ay matupad. Palaging sinasabi, walang budget. Ngayon, biglang bubulaga na marami palang pera para sa contigency fund upang ang kanilang mga heneral ay pumunta sa ibang lugar. Mahirap ipaliwanag yan sa isang SPO1.

  19. Sabi ni Sen. Lacson, wala naman daw contigency fund ang budget ng PNP sa GAA. Tiningnan yata eh kahit insertions, wala. Eh saan daw kumuha ng contingency fund ang tropa pag punta sa Moscow na ngayon ay sasaliwan natin ng awiting From Russia with Love? Para naman may background music ang mga barangay tanod sa Kidlatan Village. http://www.youtube.com/watch?v=DLzHZowAuYw

    Ibinalik na raw ang pera sa pondo ng PNP, intact, walang nagastos sa questioned funds. Ang babait naman pala nila. Hindi magastos. Kung ibinalik sa PNP, malamang pondo ng PNP. Sabi naman ng Napolcom, P2M plus lang daw ang allowed na gastusin nila. Who authorized the additional funds at bakit isang magre-retired na ang pinaghawak ng pondo? Daming tanong, no?

    Yan ang mga dapat nilang sagutin sa Senado, lalo na kay kay Miriam. Ihanda nyo ang inyong mga sarili dahil baka hamunin kayo ng suntukan ni Miriam.

  20. Ito pa pala ang isang issue na hindi ko na-discuss sa itaas. According to Airport Customs officials, the police generals didn’t declare excess cash which is required for departing passengers without exception.

    Wala raw kahit isa sa Moscow-bound police generals at kanilang mga waswit ang kusang loob na nagdeklara na may dala silang excess foreign currency when they checked in at the Ninoy Aquino International Airport last Oct. 5 prior to their departure.

  21. Kap, tito Joe,
    Mukhang matagal nang gawain ito ng mga officials natin hindi nga lang nabubuking. Sumabit sa Moscow kaya biglang lumantad ang irrigyularidad. Ngayon nagtuturuan na naman ang mga sabit na ahensiya ng gobierno. Sana nga ay malawayan kayo ni Madam Mirriam sa Senado. hehehe.
    Hula-hula ko lang, wala nga siguro silang maidedeklarang excess foreign currency dahil na-paz lahat kay General dela Paz, hehehe.

  22. Baka sasayaw na ako nito. Hula-hula ko lang, hindi kaya dapat ay pinaghati-hatian na nila iyang contingency fund kasama ang mga misis kaya sumimple muna ang mga misters para may kupit, hehehehe. Joke only.

    Another hula-hula question, hindi kaya dahil sa may Paz ang pangalan ni General, kaya pass lang muna sa kanya ang kanilang mga shares at ipa-paz din pagbalik ng kampo? Wala akong ibig sabihin, ni hindi ako nagpaparatang dahil wala naman akong ebidensiya, nagtatanong lang dahil curious ako masyado sa mga bagay-bagay kung may dalaw, hehehe.
    I repeat hindi ako nag-aakusa, sumasayaw lang ng hula-hula hehehe. Kaya sagutin ko na rin ang aking tanong, Hindi. Hindi ko alam ang sagot, hehehehe.

  23. Anyway my hypothetical question is already answered, he did not paz it to them. He paz it to the PNP. Magaling.

  24. Ang sarap pala sumayaw ng hula-hula sa awiting From Russia with Love, hehehe. Sayaw tayo Kap at isama mo na ang mga amoy araw mong tanod.

  25. Sana ay nagpulis na lang ako para milyonarya na rin.Bumbera kasi ang napasukan ko at madalas may sunog.HIHIHIHIHIH

  26. Pasensya na kung hindi ako nakakadalaw ng madalas.May ipinakontrata kasi si mestisang labas ang dila sa akin.

  27. Colegiala girl.
    Kaya pala naglalaglagan ang mga buhok galing sa iyong kuwan e sayaw ka ng sayaw dito, hehehe.

  28. Hindi pa ako tapos baka awayin mo na naman ako. Pasyal ka sa aking paraiso at paliligayahin ka ni Patricia ng katatawa.

    http://segundina.wordpress.com

  29. Hoy Segundina anong ibig mong sabihin nanglalaglagan ang mga iniipit kong buhok between the legs and at sa kilikili sa kasasayaw ko? Aba naguumpisa ka na naman ha.

    E, ikaw panay basa ka naman sa mga sinusulat mong porn stories. Ano gusto mong i-define ko kung ano ang ibig kung sabihin sa basa?

  30. Nagpahayag na si dela Paz. Handa raw siyang humarap sa ano mang imbistisgasyon.

    Iyong perang naharang sa Moscow ay nasa kamay pa ng mga Russo. Ibabalik na lang daw nila sa gobierno ng Pilipinas. Tignan mo nga naman, hindi na pinagkatiwalaan pa iyong tao. Nalagay tuloy sa kahihiyan ang ating mga kapulisan.

    Kung bakit naging mainit ang isyung ito sa mata ng publiko ay dahil na rin sa masamang image ng mga pulis na kagagawan naman ng ilang tarantado sa serbisyo.

  31. Si Segundina nagdeklara na naman ng war, ayaw akong papasukin sa kanyang blog. Kaya dito ko siya sasagutin. Hindi porke nakakatanda ka sa akin na masasabi mo na kung ano ang gusto mo. Wala naman akong sinabing sa Divisoria nanggaling ang mga gamit mong panty at bra? Bakit kita pakikialaman doo? Kausapin mo ang mga staff mo kung sino ang sipsip diyan.

  32. Sinasabi ko na nga na dito na naman ang tuloy mo. It is not my staff who said it, it’s your text to somebody. Kung paano nasagap ng staff ko I don’t know. Sana nga nagbibiro ka lang but that is unacceptable.

  33. Wala si Kap ngayon, ako ang kapitan ngayon. Just call me Chairman Banong.
    Kayong dalawa ha, huwag magaaway dito. Hindi ko ugali ang magpalayas ng mga dalaga sa Barangay pero kapag hindi kayo tumigil pahahalikan ko kayo kay mang Baste na masahol pa sa amoy ng imburnal ang baho ng kanyang hininga, hahahayyy.

  34. Reactions to the apology of Gen. dela Paz:

    Mar Roxas -While people are suffering from belt tightening, we see this shameful spectacle of high PNP officials traipsing about with $105,000, unaccounted for and no explanation. Nanggigigil ako sa galit . Saan ka nakakita ng cash advance na ganito? Saan ka nakakita na ganito ka laking pera, ganyan na lang binibitbit? Ginagago niya tayo.

    Sen. Pimentel – It’s so incredible. He [Dela Paz] should tell it to the marines.

    Sen. Lacson – The PNP could only get out of the mess by simply telling the truth. Whether the money in question was contingency fund, as claimed earlier, or cash advance, as they now say, won’t change a thing. First, no such items are allowed under auditing rules; and second, both claims are not believable.

    Lolit Solis – Pengeng pera.

  35. I am sure the truth shall come out after the Senate’s hearing on this issue. But, will the Senate call also the wives of the generals to be asked regarding their inclusion on the trip? I am just curious, are our police generals that pampered with the Arroyo’s administration? And why? Just asking you may have the answer.

  36. Hi pareng Joe and Segundina,
    Darating na pala si Joc.joc. Just on time na may mga scandalo na gustong imbestigahan na naman ng Senado. Mukhang tumatamis ang ngiti ng mga taga oposisyon sa pagka-deport ni Bolante sa Senado. May mapipiga kaya ang mga Senador sa kanya?

  37. Hindi kaya makidnap itong si Jocjoc paglapag nya sa eroplano? Kapag humarap sa imbestigasyon at mapilitan magbulgar ng maraming kakuwanan sa mga pinagkuwan na fertilizers fund, maghahalo ang balat sa tinalupan

  38. Ito, nagsimula na si Miriam buskahin si Puno:

    Administration Senator Miriam Defensor Santiago on Thursday said President Gloria Macapagal should sack Interior Secretary Ronaldo Puno for failure to implement the administrative and executive orders banning foreign travels.

    In an interview with reporters, Santiago said Puno could be held liable for malversation or illegal disposal of public funds.

    “The mere fact they admitted that they knew the order banning government-funded foreign travels is still enforceable is already an admission of an illegal act. They have to be held responsible,” Santiago said.

  39. Maraming naglabasang komento tungkol sa Senate hearing na ginanap kung saan hindi sumipot si Gen. dela Paz at ngayon ay mayroon nang warrant of arrest.

    Dalawang artikulo ang medyo tumawag ng akin pansin dahil sa naglalakihang letra na pwedeng ipaghinagpis ni Gen. dela Paz.

    Ayon kay Sen. Mar Roxas, PABAONG EURO, NAKAW

    http://www.abante.com.ph/issue/oct2408/default.htm

    Ayon naman sa kolumnistang si Raymond Burgos, GUILTY NA SI GEN. DELA PAZ

    http://www.abante-tonite.com/issue/oct2408/opinions_out.htm

  40. Sayang, ayaw pirmahan ni Senator Pia Cayetano ang warrant of arrest. Kailangan pa ray ang pagsangayon ng mga nakakaraming Senators. Kaya hapa-hapi muna sa dela Paz. Iyong matagal nang alitan nina Mirriam at Puno ay lumabas kahapon sa patutsadahan nilang dalawa. Mahaba-haba pa ang usapang ito, heheh.
    Magbasa muna kayo ng tungkol sa isang retired General na naging beautician. http://colegialagirl.wordpress.com

  41. Ano ba ang pagmumukha ni Pia Cayetano at napaka-inutil pala!

    OK, next korapsyon galore…walang mangyayari sa mga imbestigasyon na yan. Tambangan na lang sila. Ooppss…sila pala ang taga-tambang!

  42. Nanay Chi,
    Itong si Chavit at Erap ay nagpapatutsadahan pa tungkol sa pagpapatawad. Talagang ganyan ang pulitika. You have no permanent friends and enemy. Sa mga Heneral na ito, gagawin silang tinola ng mga senador na may ambisyon sa 2010. http://bobonyo.wordpress.com

  43. Kap,
    Naghihintay ako ng bagong issue.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: