Posted by: kidlatanvillage | September 2, 2008

Silang mga Pumanaw sa Kasagsagan ng Labanan sa Mindanao at Ramadan

Sa kasagsagan ng labanan sa Mindanao, at sa pag-obserba Ramadan ng mga Kapatid nating Muslim, dalawang taong nagkaroon ng mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating lipunan ang sumakabilang buhay naman. Ang mga tinutukoy ko ay walang iba kung hindi sina Ginang Fidela Magpayo na mas kilala sa tawag na Tiya Dely (isang beteranong broadcaster sa radio), at si Felipe Natanio na mas kilala sa tawag na Mang Pandoy (dating TV host ng channel 4). 

Ito ang inyong tiya Dely… 

Namatay si tiya Dely sa edad na 87 kahapon (Monday) pagkatapos siyang ma-stroke noong gabi ng Sabado. Bilang isang batikang radho host, newscaster, singer, writer at producer sa radio magmula pa noong 1940s, siya ay pinaarangalan at pinagkalooban ng Gawad Plaridel ng University of the Philippines noong 2006 dahil sa kanyang dedication, integrity at progessionalism sa trabaho. 

Bata pa ako ay nadidinig ko na sa radio si tiya Dely. Bukod sa kanyang pagbabalita kung saan ako kumukuha ng aking report para sa aking assignment sa current events, madalas din akong nakikinig ng kanyang mga drama sa radio talaga namang kapupulutan ng maraming aral. Talagang pinanindigan niya ng kanyang apilyedong Magpayo, dahil napakagaling niya talagang magpayo. 

Hanggang sa ngayon parang naririnig ko pa ang kanyang musical intro sa kanyang mga programa—tarararaa rara, tapos sasabihin niya naman sa kanyang malambing na tinig ang– “ito ang inyong tiya Dely…” Isa si tiya Dely sa mga nagtataguyod ng paglago ng langwaheng Filipino. Madalas ko siyang napapakinggan itinutuwid ang mga maling paggamit ng salita at pananalita ng mga radio broadcasters sa sa Filipino. Bukod pa diyan natatangi rin ang kanyang mga nai-ambag sa pagtataguyod at pagpapanatili ng mga mabubuting kaugaliang Filipino, mga tamang panuntunan sa buhay, at pagmamahalan sa pamamagitan ng kanyang mga pagpapayo sa kanyang mga radio listeners. At isa na rin ako sa mga libu-libong nakinabang sa mga kaisipan at butil ng liwanag na kanyang ipinamahagi sa kanyang mga tagapakinig. 

Tiya Dely, paalam. Hindi ka makakalimutang ng milyon-milyong Pilipino na naging tagapakining sa iyong programa. 

Si Mang Pandoy 

Una kung nakita si Mang Pandoy sa isang TV talkshow noong araw. Naging matunog ang pangalan ni Mang Pandoy bilang simbolo ng mga mahihirap ng Pilipino pagkatapos niyang sabihin ka Propesor Randy David, isang Sociologist na pumapayag siyang pabaril kapalit ng isang daang libong piso na maiiwan para sa kanyang Pamilya. Siya ang naglalarawan sa kawalang pag-asa ng mga mahihirap na Pilipino. Namatay siya sa edad na 73 dahil sa sakit na Tuberculosis. 

Kung tutuosin, maaring magamot pa ang kanyang sakit ngunit gaya ng nasabi ng kanyang anak na si Lynn, namatay ang kayang amang mahirap pa rin. Ni hindi nagbago ang kanyang kapalaran magmula nang naging popular siya sa Media, at nang gawin siyang halimbawa ni dating Pangulong Ramos sa kanyang SONA kung papaano niya pabubutihin ang takbo ng buhay ng mga mahihirap ng Pilipino. 

Ayon sa kanyang anak na si Lynn, hindi pa raw nila nakukuha ang death certificate ni Mang Pandoy dahil wala silang perang pambayad. Ni hindi nga raw nila itong maipalibing nang disenteng libing dahil sa kawalan. Ayon sa balita, nakasuot lang ng faded na violet t-shirt si Mang Pandoy na nakahimlay naman sa loob ng isang ordinaryong ataul na yari sa kahoy. Sa panayam ng DZMM kay Lynn, humihingi naman ito ng tulong para mabigyan si Mang Pandoy ng isang disenteng libing. 

Nagpahayag naman sa telebisyon si dating Pangulong Ramos na hindi raw siya makakadalo sa burol ni Mang Pandoy. Tanging ang kanyang tulong at sulat pakikiramay na lang ang makakarating daw. At may patutsada pa ang dating pangulo na huwag daw siyang husgahan sa naging kapalaran ni Mang Pandoy dahil sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang isang Pangulo ay nakatuon daw sa buong bansa hindi sa iisang tao lamang. 

Dating TV host sa channel 4 si Mang Pandoy, ngunit ng sibakin ang kanyang programa “Tambayan ni Mang Pandoy” ay bumalik siya muli sa pagtitinda ng gulay kung saan ay kumikita lamang siya ng sinkwenta pesos kada araw. 

May nagsasabi na biktima daw si Mang Pandoy ng pamumulitika, ginamit lang siya upang makakuha ng suporta mula sa mga tao. May mga nagsasabi rin na tanging si Mang Pandoy lamang ang nakakaalam ng kanyang sinapit dahil nasa kanyang mga kamay ang kanyang kapalaran. May mga nagsasabi rin na si Mang Pandoy ay biktima ng ating maling sistema kung saan ang mga mahihirap ay lalong naghihirap, at ang mga mayayaman ay lalong yumayayaman sa gobyernong ito. 

Araw-araw ay maraming Mang Pandoy ang namamatay, hindi nga lang nabibigyan ng ganitong publisidad dahil tanging si Mang Pandoy lang ang nagsasalarawan ng tindi ng kahirapan na kanilang dinaranas. Sa kamatayan ni Mang Pandoy, hindi rin namatay ang kahirapan na sinasalamin ng kanyang buhay mahirap, muli itong bumabalik sa katauhan naman ng iba.    

Advertisements

Responses

  1. Galing ako sa ibang probinsya nitong ilang araw at ngayon lang ako muling nakatapak dito sa Barangay Kidlatan. Kahapon, una kong pinuntahan ang CD at doon ko naiposte na pumanaw na si Tia Dely.

    Ang pagpanaw ni Mang Pandoy ay naging laman din ng pahayagan ngunit hindi gasinong naging bukambibig hindi katulad noon naging panauhin pa siya sa Batasan sa SONA ni FVR. Matapos gamitin ang kanyang pangalan at panandaliang nagkaroon ng trabaho sa telebisyon, nawala na ring parang bula at kinalimutan na ng mga taong kumaladkad sa kanya upang ilantad sa madla.

    Totoo man o hindi ang balitang P10K lamang daw ang abuloy ni FVR sa pagpanaw ni Mang Pandoy, ang pinupunto rito ay ang maruming larawan ng pulitika: GAMITAN. Ginamit siya noon sa publisidad at nang wala nang pakinabangan sa kanya, isinantabi na at tuluyang kinalimutan.

  2. Kap, tito Joe,
    For a while nasilaw din si Mang Pandoy sa publisidad na kanyang tinatamasa noon. Napaniwala siya sa mga pangako ng mga pulitiko na gumamit sa kanya. Ito ang larawan ng patronage politics, kapag hindi ka na kailangan pa wala ka nang maasahan sa kanila. Tama nga ang sabi nila na huwag umasa sa mga pangako ng mga pulitko, matuto kang kumita sa sarili mong pawis at dunong. Ang sarili nating dunong at pamamaraan upang kumita ay pangmatagalan, ngunit ang tulong at biyayang natatamasa sa mga pulitiko ay pansamantala lamang. Hindi lang ang nasirang si Mang Pandoy ang nakaranas nito, marami sa ating mga kababayan ang nauna pa sa kanya.

  3. Pinagsamantalahan ni Ramos, sinakyang ng media at siya mismo ay nasilaw sa tawag ‘kasikatan’. What a sad sad life story of Mang Pandoy.

    Masaya sana ang kanyang paglalakbay tungo sa kabilang buhay.

  4. Nakikiramay ako kay Tiya Dely at kay Mang Pandoy.
    Ipagdasal na lang natin ang kaluluwa nila at sana ay makarating sila sa inaasam nilang langit ng nabubuhay pa sila.

  5. Sana nga mga kasama, makarating nawa ang kaluluwa nila, and may they rest in peace.

  6. sa totoo lang naluluha ako na mabasa tong tungkol sa kanya. Hayy hindi na ba talaga magbabago tong sitwasyon ng bansa natin? paulit-ulit lang kasi eh.. Pero nakakapagtaka lang, wala man lang ba naipon si Mang Pandoy habang may desente pa syang trabaho? Yung mga anak naman hindi man lang pinahalgahan yung iskolarship na binigay sa kanila.. Tsk! Hayyy..bUhay..

  7. Meitan, welcome ka dito sa Barangay Kidlatan. Mabait po itong kapitan natin.
    Speaking of Mang Pandoy, ako rin ay lubos na nalulungkot sa kanyang sinapit. Wala rin siyang naipon noong may trabaho pa siya. Pero kahit mayroon man, mauubos din dahil wala na siyang ibang pinagkakakitaan pa. Sana nabigyan ang kanyang pamilya ng isang matatag na livelihood project na makakaahon sa kanila sa kahirapan. Perception ko lang puro press release lang yata ang karamihan sa mga naipangako sa kanya. Anyway sana may mga mabubuting mamayan at ginintoang pusong pulitiko na tutulong sa mga gastosin ng pagpapalibing sa kanya.

  8. sumalangit nawa ang mga kaluluwa! nawa’y hustisiya’y makamtam.

  9. Ang balita ko ay sinalo ni Joe de Venecia si Mang Pandoy ng minsang nagkarun ng balita na pinabayaan na lang basta ni Fidel ito at mawala ang kanyang tv show.

    Mang Pandoy was given a ‘consultancy’ job in Congress with a small salary but after a short period ay tinanggal rin. Siguro ay nang malingat uli ang mga kritiko. And then, bumalik siya sa pagtatanim ng gulay.

    I wanted to believe that Mang Pandoy’s life was not a total failure at all. It brought to the pinoys’ consciousness the importance of the word “BEWARE” of the promise of the politicians, it would kill not your physical but your dreams!

    Magkaiba sila ng buhay ni Tia Dely. This one brought womanhood to its finest . Sabi nga, “job well done”.

  10. Tagahanga ako ni Tiya Dely ka Chi, parang nanay ko ang turing ko sa kanya dahil iyong mga ibang panuntunan sa buhay na hindi ko nadining sa aking ina ay narinig ko kay tiya Dely.
    Isa siyanng urilang babae, isang magandang halimbawa who a Filipino woman should be. Recently napaguusapan namin siya ni Tisay, dahil at her age ay nasa radio pa siya ay napapakinggang nagpapayo. Sabi ni Tisay mahirap na raw abutin ang ganitong edad na wala ka nang dinaramdam.
    At sino ang magaakala sa bigla na lang niyang pagpanaw?
    Napaganda ang halimbawa ng kanyang buhay mga kasama, at kung sino mang nakakakilala sa kanyang Pamilya ipaabot lang ito, kailan man ay hindi niya iniwan ang paglilingkud sa sambayanan sa abot ng kanyang makakaya hanggang sa kanyang kamatayan. Mabuhay ang iyong ala-ala tiya Dely.

  11. Noong nagtuturo pa ako sa kolehiyo tungkol sa social policy and development, isa sa mga nanging paksa namin sa klase ay tungkol sa buhay ni Mang Pandoy. Pinasikat siya ng pulitka, piaasa siya ng mga pulitiko, kumagat siya sa pain, sa huli ay siya ang talunan sabihin mang kahit papaano ay nakinabang din siya. Sabi nga ng isa sa aking matatalinong estudyante noon araw (naging guro din siya ng sociology) kung si Mang Pandoy na ginawang object of development ay hindi mabigyan ng tunay na development transformation ang kanyang buhay, (body, mind, and spirit) he is bound to fail. Hindi ko pinansin ang opinion ng aking estudyante dahil hindi ganon ang itinatakbo ng buhay ni Mang Pandoy, not until recently nang nabalitaan ko na lang na pumanaw na siya na buhay mahirap pa rin.

  12. Maiba lang ako, mukhang number 1 sa internet searches ngayon si Sarah Palin. May pag-asa kaya si Governor of Alaska na manalo bilang VP? Wala pang babae na naging presidente at VP sa America. Baka si Sarah Palin ang siyang mangunguna? Hindi kaya?

  13. Kapitan,parang good combination ang nangyari Mc Cain-Palin.—Mc Cain Parin.

  14. Panalo tayo diyan Pareng Cocoy, hahahaha.

  15. There are many good reviews on the entry of Sarah Palin in tandem with John McCain.

    Ang isang nakatawag pansin, biglang siya ang naging sentro ng media na kung saan si Obama ang kanilang favorite. Biglang naglabasan ang mga paninira kay Sarah na ang ibig sabihin, nawindang din ang kampo ni Obama with this surprised choice made by McCain as compared to JObama’s picking up of Joe Biden.

  16. I bet Sarah will bring John to the US presidency.

    She represents middle America as against the traditional Harvard/elite urban America. She’s getting support from hockey moms and dysfunctional families. Hahaha! I like it…it’s real!

    I had some doubts about her ability but after her acceptance speech last night, I become quite comfortable.

    The Barackians now panic because of the suprises she delivered in the stage.

    Anyways, I like what Rudy G said: Change is not a destination as Hope is not a strategy. I think that this is an excellent line to ponder.

  17. …on the stage….(typo check)

    No doubt, this woman is an important asset to the Reps who is losing its luster.

  18. Hehehehe, Palin pa rin. She is a sweet no nonsense woman. Cool and witty.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: