Posted by: kidlatanvillage | August 25, 2008

May Punto si Senador Mar Roxas (Let the Supreme Court Decide on the MOA-AD Petition)

As far as Senator Mar Roxas is concerned he wants the Supreme Court to decide on the Constitutionality of the RP-MILF MOA-AD deal. Even if Malacanang is no longer interested to formally sign the deal, it is not enough that the Court shall dismiss the petition against the MOA-AD for lack of merits. Since it is not formally signed by both parties, there is no deal at all. There is nothing for the court to hear. Earlier the court ruled a TRO on the signing of the MOA-AD which frustrated the MILF.

Mga Pangamba ni Banong

May punto si Senador Mar Roxas na dapat lang ituloy ng Korte Suprema ang pagdinig sa pitisyong pagpapawalang bisa sa kasunduan ng gobierno at mga MILF tungkol sa MOA-AD. Kahit sinabi pa ng Malacanang na hindi na ito pipirma pa sa MOA-AD at kumakalas na sa napagkasunduan, hindi pa rin ito sapat para idismis ng korte ang naturang pitisyon. Kailangan magdisisyon dito ang Korte upang malinawan ang lahat kung ito nga ay unconstitutional.

Laman kasi ng MOA-AD ang pagbibigay ng malaking bahagi ng Pilipinas bilang ancestral domain para sa Bangsamoro. Hindi lang iyan mabibigyan pa sila ng malawak na kapangyarihan upang ito ay kanilang pamahalaan. Iyon nga lamang lumalabas sa kasunduan na binibigyan na ng sapat na kapangyarihan ang Bangsamoro upang ito ay maging isang ganap na estado.

Dito sumasang-ayon si Banong sa punto ng senador dahil ano mang oras ay maaring buhayin muli ng palasyo ang naturang kasunduan at baka magtagumpay pa ito na maisakatuparan. 

Pero salungat naman dito si Britney dahil sa pananaw na kung wala namang pinirmahan, mayroon pang paguusapan na kaso? Taliwas sa paniniwala ng mga MILF na done deal na daw ang MOA-AD, ito ay hindi pa dahil dadaan pa ito sa Kongreso at Senado para bigyan ng kapahintulutan. Bukod diyan dadaan pa siyempre sa plebisito at tanging mga tao lamang ang makapagpapasya kung ito ay tatanggapin nila o hindi. Ngunit ang natatanging dahilan kung bakit hindi pa ito done deal ay ang probisyon ng Saligang batas na hindi puweding paghiwahiwalayin ang ano mang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Hanggang walang nilalagdaan, walang nilalabag, at walang kasong paguusapan. Matigas ang paninindigan ni Britney dito. Kahalintulad din nito ang paninindigan ng Palasyo na dapat lang idismis na Korte ng korte ang pitisyon dahil tinatalikuran na ng palasyo ang nauna nilang kasunduan sa mga MILF.

Pero may katanungan din si Kagawad Raul, hindi kaya ito maihahalintulad din sa kasong ihinain ni dating kongresman Suplico tunkol sa ZTE deal. Dahil walang kontratang pinirmahan na naipakita ay walang deal o kasunduan na nangyari. Hindi kaya ganito rin ang magin punto de bista ng mga Hukom tungkol sa kaso ng MOA-AD.

Saglit na natigilan si Banong, paano kung sabihin ng Korte na walang dapat pagusapan dahil hindi pa opisyal at legal ang naunang kasunduan. Ploy lang kaya ito ng Palasyo para sa darating na panahon ay itutuloy at itutuloy pa rin ang deal sa ngalan ng kapayapaan. Paano na kung matutuloy ang charter change. May magaganap pa bang Presidential election ng 2010?

Pailing-iling si Banong na tila nawawalan ng pag-asa. Napansin ito ni Britney kaya biniro siya.

“Ano Banong di tama ako? Kagaya mo rin ba si Senador Roxas na nangangamba na hindi na matutuloy pa ang kanyang kandidatura sa 2010?”

Hindi naimik si Banong. Sina Kagawad Raul at Britney ay masaya namang nagbubulungan na parang magkalaguyong kung kailan muli sila sa kanilang tipanan.

Pauwi na kami ni Banong ng may sinabi ito.

“Kap bakit di mo man lang ako sinuportahan sa pakikipagdebate ko kina Britney at Kagawad Raul.”

Natawa lang ako. “Paano ako makikisawsaw sa debate ninyo ni Britney e gawa-gawa mo lang iyong para mabusohan mo siya sa dibdib habang nagpapaliwanag na parang senadora.”

“Hindi naman, iba na iyong kayo ang nagpapaliwanag,” ang sagot niya.

“Hahaba pa ang usapan,” ang wika ko naman.

Natahimik muli si Banong at biglang tumigil sa paglalakad. Siempre tumigil din ako para alamin kung bakit.

Palingun-lingon siya at nang natitiyak niyang wala nang nakikinig may binulong siya sa akin.

“Kap, nangangamba ako baka hindi na matutuloy ang presidential election ng 2010?”

“E sino nga naman ang hindi, tayong lahat,” ang mabilis kong sagot.

“Hindi lang iyong Kap…”

“E, ano pa ang kinatatakotan mo?”

Naging seryoso ang kanyang mukha at ako naman ay naging curious tuloy sa sasabihin niya.

“Kasi Kap, b-baka hindi na maging First Lady si Colegiala girl kung hindi ako makakatakbo bilang presidente sa 2010…”

Hindi ko na napigalan pa ang malakas kung pagtawa sabay hampas sa balikat ni Banong.

Advertisements

Responses

  1. Kap si Banong tatakbong presidente, at ako ang magiging First Lady niya? Hehehehehehehehe.

    Kay Mar Roxas puwedi pa dahil available na naman siya, hehehe. Type ko ang lalaking mahilig mamalengke,hehehehe.

    Iisa lang ang first lady dito sa atin, si Kimuchi lang, hehehehe.

  2. Colegiala Girl

    Hindi na rin available si Mar Roxas dahil nandyan na s Korina Sanchez na lagi ngayong kaalakbay. Noong birthday ni Cristy Fermin last July, goody-goody silang dumating. Isipin mo, mga showbiz personalities ang nandoon sa party, pero biglang sumulpot si Mar Roxas at karag karag si Korina. Ang ibig sabihin, gagamit na rin si Mar Roxas ng star power para mailunsad ang kanyang ambisyon na maging president.

  3. At itong topic ni Kapitan K ay dapat din talagang pagusapan kahit sa barangay level dahil may punto at napapanahon. Ang body language na nakikita nating mula sa mga nandoon sa Malakanyang ay pabago-bago, waring may palabas na naman at wika nga, itong nangyari sa Bangsamoro, sadya yatang sinadya na maging isang moro-moro.

  4. Tumpak din ang hangarin na Mar Roxas na bigyan ng final decision ng Supreme Court itong MOA-AD. Alam natin ang sistema ni gloria, palaging may hidden agenda at baka kamukat mukat natin, pirmado na rin ang MOA-AD sa kabila ng giyera pataning nangyayari. Hindi nga ba’t ipinamamarali ni Dureza na ibang kopya ng MOA-AD ang nalagyan ng initials at yun daw authentic copy ay wala ang mga provisions na siyang naging dahilan ng kaguluhan? Wala ring pinagiba sa “I have two discs” ni Bunye sa Hello Garci!

  5. Malaking palaisipan din kung matutuloy o hindi ang 2010 presidential elections. Siempre, kahit sinasabi ng administrasyon na tuloy at walang dapat ikabahala dahil tatapusin ni gloria ang kanyang termino at bababa siya sa pwesto sa takdang panahon, kahit sinong makausap mo sa kalsada, palaging may kaba na baka hindi talaga matuloy. Ang isang dahilan, wala nang naniniwala sa sinasabi ni gloria. Tuluyan nang nawalan ng kredibilidad. Ang ibidins? The negative rating, the lowest in our political history.

  6. Hanggang walang nilalagdaan, walang nilalabag, at walang kasong paguusapan. – Britney

    Mali! Ang INTENSYON mismo ay dapat bigyan ng parusa at labag sa batas dahil kung walang intensyon ay walang MOA-AD.

    Ito ay isang PRE-MEDITATED na pandaraya sa kapinuyan at Pinas Konstitusyon gaya ng ginawa sa Hello Garci, ZTE/NBN. etc.

    Mayroong pag-uusapan dahil hindi pa natin nalalaman ang buong istorya at masamang intensyon ni Gloria, at dahil siya ang presidente raw meron tayong karapatang malaman/pag-usapan kung ano ang kanyang tunay na binalak. Iyan ang demokrasya…ang mag-usap at makilahok sa usapan kahit ang isyu ang binawi para masalba ang sarili sa kasalanang TREASON!

  7. Naku hindi raw po makapasok si Pareng Cocoy, may himala na namang nangyayari. Tinignan na namin sa Admin, wala siyang comment na under moderation. Pareng Cocoy Pasensiya na lang at may milagrong nangyayari.

  8. Si Kimuchi at Banong nag-cosplay sa Luneta. Banong ginawa kang bida ni Colegialagirl bilang si Hard Gay, hehehehe. Bagay. Malaking katawan at maliit na…hehehe. I mean maiksing short at makipot na vest, hehehe.

  9. Kailangan nang magsabi ang Korte Suprema na mali at illegal ang MOA-AD nang hindi na ito magamit pa sa ibang pagkakataon. Marahil hindi sa Mindanao, baka sa Luzon o Visaya pa–kahit isang dangkal pa hindi dapat ipamigay ang teritoryo ng Pilipinas na siyang ipinaglaban ng ating mga bayani na nagubuwis ng kanilang dugo at buhay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: