Posted by: kidlatanvillage | August 19, 2008

Ang Walang Habas na Pagpatay ng mga MILF sa mga Sibilyan, Sino ang Dapat Sisihin?

Galit na ang Pangulong Arroyo sa mga ginagawang pagpatay, paghahasik ng kaguluhan, panununog sa mga bahay ng mga kawawang mamayan ng Kauswaga at Kolambugan Lanao del Norte. Inatasan niya ang mga pulis at militar na bantayan ang mga mamayan at tugisin ang mga rebeldeng gumawa ng malaking kapinsalaan sa buhay ng mga tahimik na mamayan. 

“I have ordered ther Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police to defend every inch of territory against the MILF force. We will not tolerate and will crush any attempt to disturb peace and development in Mindanao  

Ano ba ang nagbunsod sa mga MILF na gawin ang ganitong karumaldumal na krimen, ang pagsalakay at pagpatay sa  mga kawawang sibilyan. Hindi lang nagnakaw ng mga ari-arian, nanunog pa sila ng mga kabahayan. At habang nagkakagulo at nagkakabarilan na sa mga rumisponding mga pulis at militar, libu-libo namang mga tao ang lumikas at iniwanan na ang kanilang mga tahanan sa takot at panganib na dulot ng mga pananakit at pagpatay ng isinagawa ng mga rebeldeng MILF. Tapos sasabihin ng kanilang mga pamunuan na wala silang (MILF)kontrol sa kanilang mga field commanders? Lumang tugtugin na iyan ang sabi ni General Yano, hindi kapani-paniwala ang ganyang kuwento. Tatlo nang militar ang namatay kabilang dito ang isang Koronel. Mabalik tayo sa tanong, anong dahilan kung bakit nag-asal hayup ang mga MILF na ito sa pamumuno ni Komander Bravo. Ang pagkabigong malagdaan ang kasunduan dahil sa pagpigil ng Korte Suprema na siya namang ikinasama ng loob mg mga MILF. Akala kasi nila ay trinaydor sila ng pamahalaan.

Pero kung si Sikretaryo Dureza ang tatanungin, kahit ano pa iyan hindi katuwiran para sa mga MILF na magsagawa ng pananalakay, ang pumatay, ang manunog ng mga kabahayan at magnakaw ng ari-arian ng mga kawawang mamayan. Wala silang karapatang gawin iyan at dapat sila’y iharap sa batas ng maparusahan at pagbayaran ang krimeng ginawa. 

Nagkatraydoran nga ba? In the first place sino ang gumawa ng draft ng MOA-AD? Hindi ba nila naiisip ng mahirap maipatupad ang ganitong kasunduan dahil labag sa Saligang Batas? Baguhin mo man ang Saligang Batas para maisakatuparan ang ganitong kasunduan, papayag ba naman ang nakakarami sa mga mamamayan? Done deal na kasi, ito ang paniniwala ng mga rebeldeng MILF; kaya nang putaktihen nang katakot-takot na reklamo at tila umaatras na ang Malakanyang na ipagpatuloy pa ang kasunduan, ayun inaka na nila na naisahan sila at ginodtaym lang sila ng mga taga Palasyo. Kanino ba sila nakipagkasundo, di ba ka Dureza at ang Peace Panel. Bakit hindi sila ang kanilang balikan hindi ang mga tao na walang kamuwang-muwang sa usapan?

Mga pulitiko at Media naman ang sinisisi. Umapila naman itong magaling na lalaki na tagapagsalita ng MILF na si Eid Kabalu sa Media na huwag nang gatungan pa ang pagaalboroto ng mga rebeldeng Muslim dahil sila man daw naman ay nasaktan sa nabigong kasunduan. Kung makapagsalita naman itong magaling na spokesman ng MILF ay akala mong aping-api na ang MILF sa kanilang pagkatraydor sa usapan.Hello, ano ang gagatungan e sila na nga itong umaatake, pumapatay ng mga tao kabilang na ang mga bata  walang kamuwangmuwang na di umano’y kanilang pinagtataga at niratrat daw. Sa lagay na iyan may gagatungan pa ba ang Media? Sa lagay na iyan ay basta tatawa na lang ang mga biktima at sabihin thank  you, come again another day?

Kaya masisisi ba  natin kung naghahanda na ang mga taga Davao na mag-armas upang ipagtanggol ang kanilang mga sarilli laban sa mga rebelde? Hindi sa lahat nang pagkakataon ay nandiyan ang Militar upang ipagtanggol sila. Siyanga pala nandiyan din naman ang mga taga Human Rights upang pagsabihan ang ating mga kasundaluan na huwag munang magsagawa ng opensiba sa mga rebelde, hayaang makalikas muna ang mga tao.  Hindi ng po sila makapagopensiba dahil may mga hostages na hawak-hawak sa ngayon itong mga MILF na sibilyan.

Kung ang mga pulitiko naman ang tatanongin, sa mga kaguluhang nangyayari, ang gobierno rin ang siyang dapat na sisisihin.

Ayon kaySen. Aquilino Pimentel Jr. ang naturang kaguluhan ngayon sa Mindanao ay bunga lamang ng  kakulangan sa kaalaman ng administrasyon lalo na ang  kapalpakan sa nabigong paglalagda ng MOA-AD ng magkabilang panig sana doon sa Kuala Lumpur, Malaysia noong ika-5 ang Agosto.

Ayon naman kay Sendaor Roxas na nainterview sa ANC, ang pinagmulan ng mga kaguluhang din ito ay ang “bulok na kasunduan” ng MOA-AD.

“Ang may kasalanan dito ay ang nagsimula ng putukan at ang gobyerno kung saan pina-asa lamang daw ng government panel ang MILF, gayong alam naman nilang mahirap ma-attain ang mga nakapa-loob sa MOA… patunay lang ito na bulok ang MOA,” ang sabi ni Senador Roxas.

May pag-asa pa bang muling magharap ang gobierno at MILF upang muling isulong ang usapang pangkapayapaan?

Ayon kay  Dureza masusing pinagaaralan ngayon ng Malacañang ang posibiliday na baguhin ng nilalaman ng MOA-AD.  

Kung si Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio naman ang tatanungin mas makakabuting maghintay muna ng “decision of the Supreme Court.”

Nakakalungkot lamang dahil nagbabanta pa rin ng pagatake ang mga MILF hanggang hindi nalalagdaan ang controbersiyal na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD ) ayun na rink ay Mahagher Igbal ang MILF chielf peace negotiator.

Ang mga pag-atake daw noon sa North Cotabato, Lanao del Sur, at Sarangani ay bunga ng hindi umuusad na usapang pangkapayapaan.

Tsk Tsk, may kinalaman ba dito ang pamunuan ng MILF?

 

Advertisements

Responses

  1. Are we Filipinos worth dying for?
    When we speak of great souls or great leaders, surely everyone will raise eye brow as real leaders are becoming gradually rare. But, one name shines like eternal glittering star in the sky in the Pearl of the Orient as the rooster crow to give the signal of dawn, and that is late Ninoy the spark plug of EDSA.

    The slay of the late Ninoy is considered as the turning point in the hard-fought battle of Filipino leaders like him to regain our country’s democracy from the shackles of two decade-long of martial rule imposed by the late Ilocano Apo Lakay. But ,his sacrifice to restore our country’s democratic institutions seemed to have been only the dream of Filipinos are worth dying for. Our country still suffers from grave social disparities and the increasingly opportunistic behavior of its political-economic elite.

    Gloria’s immensely corrupt regime has destroyed a once democratic loving people country, leaving behind only the stench of decay.Right from her inauguration address as the president of our country, she has consistently pledged amongst many others to run a government , But as her regime’s days roll by and things unfold it is becoming obvious that those pledges were made merely to deceive Filipinos into accepting her, a woman who was fraudulently rigged into the highest office in the country by the worst President Philippines ever had.

  2. Tinanong ko ang aking binatilyo na si Magdiwang, alam mo ba kung bakit walang pasok kayo ngayon? Oo sabi niya, Ninoy Aquino Day. What do you mean ang tanong ko uli. Dad naman, heroes need one day to be remembered ang sagut niya.
    Medyo nasaktan ako ng kaunti dahil idol ko si Ninoy noong araw at hanggang ngyon na tinitingala pa rin bilang isang bayani sa kanyang paninindigan.
    Ikaw ba ay naniniwala sa mga ipinaglalaban ni Ninoy noong araw, ang muli kung tanong. Sagut naman, kahit ngayon kung buhay pa si Ninoy ay siyang mangunguna sa EDSA para magpeople power. Napangiti ako ng kaunti. Hirit uli ang tatay, paano na kung hindi namatay si Ninoy. Ano nan ang naging kalagayan ng ating bansa?
    E di walang international airport. E siguro di mas mainam pa ang ating buhay kay sa ngayon. Namatay lang ang bayani ngunit hindi ang kanyang mga ipinaglalaban–nandiyan pa rin ang korapsion, ang pagsasamantala ng mga nasa kapangyarihan, at hindi maampat na kahirapan, ang kamaganak system sa gobierno, ang labis labis na pamumulitika at kawalang prinsipyo ng karamihan sa ating mga pulitiko, at ang mailap ng kapayapaan sa Mindanao

  3. Pahabol joke only.

    Si biyenan naman ang nakausap ng kaibigan kong Hapon.
    Hapon: You know Ninoy Aquino?
    Biyenan: Yes, the father of Kris and the late husband of cory.
    Hapon: Of course we know that, he is also the rate grandfather of baby James… what I mean if you berreb him as hero?
    Biyenan: That is what they say, but my favorite hero anyway is Rizal…
    Hapon: Aaa, Rizarre yah monument Luneta ha?
    Biyenan: Yes, the author of Noli ang Fili, and he has a Japanese girlfriend.
    Hapon: Hahahaha, funny you (Napatawa ng malakas)
    Hapon: What about Aguinaldo and Bonifacio?
    Biyenan: That’s where the military brought Ninoy before…
    Hapon: What?
    Biyenan: Time for eating eating now, do not ask anymore.

  4. Malacañang announced Tuesday a 5 million peso reward each for the arrest of Moro Islamic Liberation Front (MILF) commanders who allegedly instigated recent deadly attacks in North Cotabato, Lanao del Norte and other areas in southern Philippines.

    Security officials, led by Defense Secretary Gilbert Teodoro and Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, announced that charges are being filed by police against Commander Ameril Umbra Kato, head of the MILF 105th Base Command leader, and Commander Bravo, head of the MILF’s 102nd Base Command in Lanao del Norte.

  5. Malinaw na ang MOA ay pailalim na isinagawa para sa mabisyong mag-chacha. Nagkabistuhan dahil sa ingay na ginawa ng media at bloggers.

    Ang hindi natin alam ay kung talagang ito ay ipatutupad ni Gloria o sadyang tatraydurin ang MILF para magkagulo nga at mapadali ang kanyang planong martial law. Aba, kesa sa maghintay ng mahabang proseso sa chacha ay instant TV announcement lang ang kailangan para ideklara ang martial law.

    Knowing Gloria’s disrespect of Pinas Constitution, sasabugan lang niya ang kanyang mga Tongressmen ng money bags at ang mga Senatongs ay itataas naman ang kaso sa Supreme Court na nasa bulsa naman ni Gloria.

    Ito ang pinakamasahol na rehimen…lahat ay kinukuhang PAILALIM!

  6. P5M for each MILF war instigator?!

    What are they thinking at EK? Hello, empty coconut shells. This is a war made up by your reyna-reynahan. Pati ito ay bina-bribe ninyo.

    Baki meron pang defense sec Harviardian Teodoro, wala namang laman utak. Buti pa si Banong.

    Bakit meron pang local gov’t sec Puno, puro porma lang. Buti pa si Britney.

  7. Hanggang sa ngayon na nakakulong na at unti-unti nang nangamatay ang mga naakusahan at naparusahan sa pagpaslang kay Ninoy. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kaninong daliri ang nagturo upang patayin si Ninoy. Kahit ang pamilya ni Ninoy ay handang magpatawad basta ituro lang ang mastermind as pagpatay kay Ninoy. At hanggang ngayon ay ni walang naglalakas loob upang ituro kung kaninong daliri ang siyang nagturo para barilin sa ulo si Ninoy sa tarmac.

    Hindi pa rin malinaw kung kaninong daliri ang kumalabit ng .357 Magnum na siyang kumitil sa buhay ni Ninoy. Si Galman ang itinuturong kumalabit sa gatilyo ngunit hanggang sa ngayon fall guy pa rin ang turing sa kanya, maging ang pamilya Aquino?

    Sino nga ba ang pistolero? Kaninong makating daliri ang kumalabit ng baril upang patahimikin na si Ninoy at nang maisakatuparan na ang salitang binitawan, the Filipinos are worth dying for?

    At huwag naman sana malisioso ang iba. Hindi po si Lolo Greggy ang may gawa niyan. Ni lamok ay hindi niya maaring sampalin kung ito ay nakadapo sa kanyang ilong. Hindi po makasalanan ang kanyang mga daliri. Hindi po ito kumakalabit ng gatilyo ng baril at pumatay ng walang kalaban-laban. Oo ang nga naghahatid sa glorya ang kanyang dakilang daliri ngunit iyan ay upang paligayahin lamang ang kanyang mga minamahal.

    No way, not his goldfinger may be so sinful to bring Ninoy to Heaven. Ang sino mang ihinahatid ng kanyang sampong mga daliri sa Langit ay bumabalik pagkatapos malasap ang walang kasing sarap na luto ng langit.

    Please don’t look at his fingers now. Not even his dirty finger which you may think it stinks. No, by all means let us spare Lolo Greg from suspicion. He did not pull the trigger. Ang markadong daliring iyan ay inosente sa pagkamatay ni Ninoy.

    Let us give Lolo Greg a smart salute for keeping his goldenfinger free from crime, we can not smell anything unusual but the aroma of his innocense. Let us say hurray to that wonderful finger of his… Greg’s goldenfinger is for life, and life has to be made happy and heavenly on earth!

  8. Ang palabas na pumalpak, mga taong inosente ang nabiktima. Hindi ba kayo kinikilabotan niyan? Ngayon papaano pa ninyo tutugisin si Kumander Bravo? Ngayon papano pa ninyo huhulihin ang mga warfreak na mamatay tao at nagdadamay pa ng mga Kristianong sibilyan? Ala e tugisin sila, kung kailangan pulbusin e di pulbusin… But justice has to be done.

  9. Tutoo iyang nabanggit ninyo kumareng Chi, nagkabukingan nga lang kaya naudlot ang sayaw na chacha. Ngayon nakikipagtanggo na ng kiss of death sa mga MILF.

  10. walng dapat sisihin. kaya mas nagkakagulo dahil nagsisisihan pa eh.

  11. Maliwanag naman ang tanong ni Kapitan K: Sa mga walang habas na pagpatay ng MILF sa mga sibilyan, sino ang dapat sisihin? Nandyan na ang kasagutan, pero bakit?

    Napanood ko ang video ng isang naghihinagpis na ginang dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak. Nakaka panindig balahibo ang kanyang pagdadalamhati kasabay ang hindi mapigil na patak ng luha. Ang kanyang mga kataga: Bakit sa kasalanan ni gloria, sila ang nadamay? Bakit sa kasalanan ni gloria, kaming nanahimik ang nagdurusa?

    Hindi natin alam kung anong kasalanan ni gloria, hindi tayo ang nagsasabing may kasalanan siya sa mga pangyayari. Pero bakit gloria, maliwanag na pangalan ni gloria ang binigkas ng isang ginang na ito na nawalan ng asawa at anak sa ginawang walang habas na pagpatay ng mga MILF?

  12. Pinaglalaruan lang nila ang mga buhay ng mga inosenting tao dahil lang sa mga isinusulong nilang pansariling agenda.

  13. Ka Joe sa tutoo lang maluhaluha ako habang binabasa ko iyang portion…bakit sa kasalanan ni gloria kaming nanahimik ang nagdurusa? Napakalakas ng mensahe, wala na akong maidagdag pa, tsk tsk.

  14. Excerpts from a column by Tony Abaya:

    That the GRP has been negotiating at all with a bunch of outlaws, as the MILF admit they are, who have been allowed to control vast territories in Mindanao-Sulu-Basilan-Tawi-Tawi, which the Philippine military and police cannot enter, is a de facto recognition that the MILF is a separate government. The MOA – even if only initialed – is the GRP’s de jure acknowledgement and guarantee (to the MILF) that the expanded Bangsamoro Juridical Entity will soon become the Bangsamoro Federal State. Since the MILF has always been separatist, it is only logical that it will separate itself from the Philippine Republic, at the Zero Hour that it will choose

  15. Dahil kasalanan lahat ni Gloria. Simple lang. As president and commander-in chief, as she claims she is…it’s a command responsibility!

    Bakit ibibigay sa iba ang sisi e siya ang nasa itaas ng kapangyararihan? Alangan naman na gawa iyan ni Juan. Kahit na ang MILF ay hindi maghuhuramentado basta-basta at aakto dahil alam nila na kaya silang pulbusin ng gobyerno kahit anong oras kung gugustuhin. Nagawa na iyan ni Erap ayon sa Konstitusyon, at magagawa pa ng kahit sinong administrasyon KUNG GUSTO.

  16. From the Inquirer– Malacañang on Wednesday acknowledged “flaws” in the memorandum of agreement on ancestral domain ((MOA-AD) with the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and said it is willing to do a “thorough review” and seek “further negotiations” with the secessionist group on the controversial accord.

    Inamin ng Malakanyang na may diperensya ang MOA-AD. Maliwanag kung sino ang dapat sisihin. Pero hanggang doon na lang ba? Paano ang mga nasawi, nasugatan, nasunog ang bahay, nagsilikas para umiwas sa kaguluhan?

  17. Mahilig sa rhetorics si gloria. Ang sabi da, defend every inch of the territory.

    Kaya nagka leche-leche, anyong ipamimigay na ang libo-libong hektaryang lupain at nagkakatuwaan na ang mga MILF sapagkat tagumpay sila. Biglang nabago ang pangyayari dahil nabisto na ang ipinamimigay na lupa, ayaw pumayag ang nakatira doon sapagkat una-una, hindi man lang napagsabihan na mayroon palang ganung kasunduan. Ngayon at nagkakagulo, kunyari ay matapang na orderan ang AFP na ipagtanggol at huwag payagan masakop kahit kapirangot na lupa.

  18. In the news: Palace: Arroyo orders ‘unrelenting pursuit’ of Kato, Bravo

    According to Sec. Ermita, at the National Security Cluster-Cabinet meeting last Tuesday, the President directed the military and the police forces to conduct full, vigorous, and unrelenting pursuit operations against rogue elements of the MILF.

    Full, vigorous and unrelenting. Rhetorics na naman. Ganyan din ang sinabi noong ilang taon na ang nakalipas na their days are numbered. Hanggang ngayon, nagbibilang pa ng numero.

  19. Palace: Arroyo orders ‘unrelenting pursuit’ of Kato, Bravo

    Ah, letse sya! Siya ang humabol dahil siya ang nag-utos sa dalawang iyan para manggulo!

  20. Malaking sakit ng ulo itong inumpisahan ni lola na gulo. Hindi kaya hilung-hilo na siya sa dami ng problema ng bayan na dumarating sa kanya araw-araw?
    Ayaw kung patulan iyong hinala ng iba na nakakarma na siya. Pero hindi kaya?

  21. Sa huling talata nitong topic ni Kapitan K, “may kinalaman ba dito ang pamunuan ng MILF?”

    Ito ang report mula sa Manila Standard:
    “They were laughing while firing. They were savages.”

    Here’s the link:

    http://www.manilastandardtoday.com/?page=news6_aug20_2008

  22. Ito ang isa kong nakalap na balita.

    During the rampage in some towns and villages, sumali na ang some Moro locals, meaning the residents in those places. Mga tricycles drivers daw joined in the sacking of the town.

    For all we know, these people were members of the MILF but the fact that the raid apparently turned into a free-for-all — at least as can be gleaned from official reports and, to some extent, the MILF leadership’s admission to media – indicates a serious lapse in discipline and betrays the MILF’s anti-Christian sectarianism

  23. Yes, the MILF are savages and Gloria knew it all along. And yet, she INTENTIONALLY made a pact with them.

    This time, she did not foresee the possibility that this MOA could finally bring her downfall. Her brazenness knows no bound , she did not pay attention to the mindsets and intentions of the MILF. Pinapaikot siya ngayon ng sarili niyang bola!

  24. Gloria Arroyo outbursts, nasa youtube na.
    From Abante: http://www.abante.com.ph/issue/aug2108/news06.htm

    Here’s the youtube links:

  25. Another coverage of GMA’s outbursts:

    http://www.jovefrancisco.com/?p=725

  26. Nakakatakot pala siya kung magalit, tsk tsk.

  27. dna ko makarelate… mga out of this world na ang pinag uusapan.. ehhee


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: