Posted by: kidlatanvillage | August 14, 2008

Nang manginig sila sa pagsulpot ng bagong tinig ng pangarap ng bayan mula sa Zambales…

Karangalan kong mapansin ni pareng Cocoy ang aking pangarap at damdamin na siya ring damdamin at pangara ng nakakaraming Pilipino; ang magkaroon ng isang alternatibong kandidato upang maging pangulo ng Pilipinas. Biro ko nga sa kanya kung si Palito lang ay daan-daang libong milya niyang iiwanan ang kalaban gumamit man sila ng mga taktikang pamimili ng boto, dagdag-bawas, flying voters, paggamit ng mga menor de edad na botante, etc.

Pero si Palito ay posporo, nakakasunog, nakakapaso. Hindi basta-basta nagpapatalo. Ngunit bilang matatag na Sambalenyo katabi lang ni pareng Cocoy ang malalim na dagat at malakas na ihip ng hangin na siyang papatay sa sindi ng posporo bago pa magkasunog at makapaminsala ang apoy ng kataksilan, pambubusabos at pagpapahirap sa mga mamamyan, at pagnanakaw ng kaban ng bayan…

Kaya ganyan na lang ang pagkabigla ng lahat, isang napakatalas na guhit/kislap ng kidlat sa kalangitan at dumadagundong kulog ang bumungad sa cyberspace nang bigla na lang lumantad ang mabikas at mapangakit na bagong tinig ng mga pangarap mula sa Zambales upang ihayag ang plataporma ng kanyang panunungkulan bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Maraming natuwa, maraming nagdiwang, maraming nagpahiwatig ng suporta, at maraming naglahad ng kanilang mga pangarap at damdamin. Pero mayroon ding nanginig, nangamba, at hindi nasiyahan. Dahil dito ilang oras din siyang hindi makakonekta sa ibat-ibang site ng mga kakilala at kaibigan upang ilahad ang plataporma ng kanyang administrasyon. Ngayon pa lang ay hinaharang na siya, pinipigilan, ni ayaw madinig ang kanyang pangalan; siya ang sagabal sa kanilang ambisyon sa 2010.

Ngunit sino ba itong bagong tinig ng Zambales na sa pagsulpot niya ay may pinangingilagang dating, kinagiliwan ng marami na tila baga’y nakita sa kanya ang dating charisma ni Apo Monching noong nabubuhay pa. Siya lang naman si Cocoy na isang kaibigang tapat, may puso at damdamin sa mga mahihirap, isang blogger na nangangarap na pagdating ng araw magbabago rin ang takbo ng buhay natin sa bansa, may ganap na pagbabago, at kaunlarang ni kailan man ay di nalasap. Siya ang simbolo ng mga pangarap at adhikain ng mga Pilipinong matagal nang umaasam ng tunay na pagbabago sa bayang sinilangan.

At kahit sa pangarap lang ay nabigyang daan ang hangarin at damdaming iyan.

Mabagsik pa pala sa dragon at kamandag ng Cobra ang babalang dulot ng on-line at cyberspace sa mga nasa puwesto na balot ng salapi at kapangyarihan tungkol sa tunay na nararamdaman ng bayan.

Gising na ang mga tao! Bagamat tahimik, ang diwa naman nila ay nagpupumiglas, kumukulong asupre sa ilalim ng bulkan, at sumisigaw na wakasan na ang bangungot ng pagkaalipin sa isang rehimeng matagal ng ninanais na baguhin.  

Bilang simbolo ng isang matamis na pangarap, si Cocoy ay daig pa ang isang himig na nakakaaliw upang himukin at pagbuklorin ang damdamin at isipan ng mga mamayan sa pagkamit ng isang dakilang layunin para sa inang bayan. Cocoy Delight for president, masama bang mangarap?

Advertisements

Responses

  1. hindi nga masamang managarap kap!

    naway matupad lahat ng pangarap.

    mabuhay ang samabayanang Pilipino! mabuhay si sir cocoy!

    mabuhay ka kap!

  2. Tuloy na ngang umusbong ang munting pangarap at hindi na mapipigilan ang dagundong ng nag-iinit na boses ng pag-asa.

    Mambo,Mambo Magsaysay
    Cocoy is my new Guy.

    Masuwerti ang panty ko dito sa barangay ni Kapitan
    Lahat ay nabuhay at ngakamalay.

  3. Solido pala ang cocoy for president dito sa village mo kapitan.Palagau ko landslide sa bundok ang tama ng makakalaban ni coccoy.Sama akong sampu.

  4. Salamat mga kaibigan, muli akong nabuhayan ng loob dahil ang alab ng ating pagmamahal sa bayan ay ni kailan man di nanlamig o naglaho na nang tuluyan. Nandiyan pa rin parang isang ibong sumisipol at umaawit na nagsasabing malapit na ang pagbubukang liwayway.

  5. Kimuchi mabuhay ka… Yhen at kumander pipi, sama tayo ng sampu, panalo na ang bayan hahaha.

  6. lapit na ba ulit election? sorry, ni di nga ako updated sa current events, kahiya naman.. buti na lang eh dito sa blogosphere, medyo nakaka update.

  7. Iboto natin for President…

    Cocoy, the real mcCoy!

  8. May nakalimutan pala ako.

    Iboto natin para sa makatotohanang pagbabago..

    Vote for Cocoy, the real mcCoy

    Pag tinalo, dinaya!

  9. Kapitan Kidlat

    Maraming grupo na ang naghahanap ng alternatibo sa kasalukuyang hanay ng mga presidentiables. Mayroong lumabas sa Inquirer na panawagan at nagpanukala ng isang movement para magkaisa ang mga Pinoy lalo na ang mga overseas Filipinos na suportahan ang isang kandidato sa pamamagitan ng pondong malilikom. Isa ako sa unang nagkomento na kahit may pondo, ang importante ay sino ang pwedeng isabak na may kaalaman, sinseridad at higit sa lahat, yong winnable. Buhat nang malathala ito, sandamakmak na ang nagkomento. Narito yon:

    http://blogs.inquirer.net/philippineelections/2008/07/30/a-call-to-all-overseas-filipinos/

  10. Sumaya na ng husto sa pagbabalik ni Cocoy.Naging artista na si Yhen,panay na ang miting de abansi ni kapitan.Matutupad na rin ang mga pangarap ko na maging role model ng mga japayuki,magiging fashionista capital of the world na ang Philippines.Hindi na magiging United States of the Philippines.Philippines na ang mag-iimport ng mga super maids galing sa middle east.Mag do doctor na ang mga nars.Magiging legal na rin ang pagpapakasal ng mga bakla sa tomboy.Si freddie Aguilar na ang magiging National hero kung payag siyang pabaril muna sa Luneta.Ay Anak magsumikap ka.

    May nakikita na akong pag-asa,nangungumpanya na si Tongue at pati si Ellen,magsisimba na ang mga muslim sa Manila Cathedral.

  11. Kap,
    May contribution na ako para sa iyong mga tanod, apat na kahon ng kape para hindi sila makatulog habang binabantayan ka na nangangampanya sa kabilang bayan.

  12. I am running for President for a few reasons. One of the main reasons I am running is because I can not drive in Metro Manila,I figured it out if I become president someone will drive for me.The Kotong Cop will not stop me for carrying number 1 license plate on my limousine made by prisoners. I have been telling people for years that I am going to run for marathon so I am. I would also like to see if I could change some of how things are done in our political system. I feel that our system is stagnated. I think that it is time for someone of a different background that usual to be elected President.A Zambalenong Ilocano,Bisaya at Cebuano. It does not have to be me, but that would be nice if it’s me. I can not remember in my lifetime having a President that was not already wealthy when elected. Not that money buys the office as I have seen some very wealthy people run and loose. I just do not think that the majority of the people of the country are being properly represented. I am also running for the office of President because it is my understanding the job comes with a pension. That is something that is hard to come by these days.

  13. I am not very polictically mind compared to my Ninong who always run for Mayor,Governor,Congressman and oftentimes lost. He finally became barrio captain and died. I grew-up in a smog free environment and did not really pay attention to who was voted in until I graduated high school with honor and Macoy was the president.I joined the ROTC. I have kept my pants zipped as squad leader, but I have voted for the best cadet after I spent a lot of money buying snacks and drinks for the entire platoon then I realized a feeling of being a boss.That’s my p

  14. That’s my political experience.”If I can make my platoon happy, why not the whole army?”

    A politician will do anything to keep his/her job- even become kurakot. While no president can fix all the problems we have today that Gloria created, The next President we must elect should have moral character and be that leadership by example. So all those candidates might have missed a drill here and there. Maybe,my credential is par excellence.I have 89% average in moral guidance during high school because i never missed mass,it boost my average by dropping a large amount on offertory box.

  15. We all have our opinions and ideas but no one has all the answers. I give Gloria the credit for standing up against all the world leaders on her high hell shoes and still she’s a midget. As for duty to her country … she’s doing it this very day,stealing money, If Patil need a target practice for his sumpit,it would be the ass of the president.

    The basis for my platform is truth and honesty to all the girls i’ve love. This is something that I feel has been missing in our political system for too long. Without truth and honesty I have no woman to play horsie.

  16. Great, marami na po ang natutuwa sa pagsulpot ng mga ganitong pagpapahayag. Alam na ng mga lolo at lola sa administrasyon na wala na silang maasahan pa sa 2010.

  17. mukang mabilis ang progreso ng kandidatura ni sir cocoy ah…

    abay anong sinabi ng mga yan sa mga billboards ni bayani f, sa mga commercials ni manny v., sa mga photo ups nila sacy at sec ace!!!

    bonggang bongga ang plataporma ni sir cocoy!!!

    cno pa ang lalaban niyan…

  18. Hahaha! Si Kimuchi first lady.Marami ang magsilabasan.Great writing Colegiala girl.
    Nagkaroon na tayo ng Magnificent Sex,este Magnificent Six pala sa cyber space.
    Magnificent Sex sa blog ay ang mga sumusunod;
    Cocoy’s Delight
    Colegiala Girl
    Kidlatan Village
    Yhen
    doc.bobonyo
    Calauag.com

    Talaga naman na magagaling kayo at nakakaaliw basahin ang mga isinusulat ninyo.

  19. Hangang doon kay ET ay tuloy-tuloy na ang pangungumpanya ng kandidatura ni cocoy.Nabasa ko na magbibigay daw ng supporta si Tongue Twisted.Inilatag ni cocoy ang plataforma doon,sino pa ang maglakas loob na kakandidato pa.Hahaha!

  20. A Filipino and his Japanese friend had a lunch together. While eating they had a lengthy conversation about Philippine politics. Then the Japanese started to ask questions about 2010 presidentila election.
    “I understand you have now an automated erection, do you think this werr stop cheating?
    “I am not sure about it,” ang sagot ng kanyang kaibigan.
    Humirit uli siya ng tanong. “By 2010, do think you werr have no more erection problem?”
    “I am not sure, may be…”
    “Okay, I werr visit you then and personarry see your erection.”
    Akala ng Pinoy ay tapos na. Pero habang papalabas sila sa kinainan muling humirit na naman ito ng tanong.
    “Suppose by 2010 you werr discover that you have a fairure of erection, what werr you do?”
    Natatawa na ang Pinoy pero kino-control lang niya. “Will, I will go and see my urologist for consultation, I hope a simple medication will do it…”
    “What,?” nabigla siya sa sagot ng kaibigang Pinoy.
    “Psst don’t talk so much about Philippine election issues here, there might be some government spies observing.”
    Biglang nanahimik ang kaibigang Hapon.

  21. Doc Bobonyo

    Nice joke you got there.

    We should not have erection problems had gloria did not resorted to all kinds of trickery to fake her orgasm and unabated lust to perpetrate her unglorious desire to stay on top without exhaustion. It’s a turned off indeed and don’t know if erection will be the same again.

  22. Kumander Pipi

    Maraming salamat po for including our website in your list. But I have to accept that my site pale in comparison to the others you mentioned. It does not have the ingredents like the menu being offered at Cocoy’s Delight, the brick brats and kwentong tambayan often seen at Barangay Kidlatan, nor the finesse of Colegiala Girl’s writings, the many ways of present living by Yhen and the multifaceted topics of Doc. Bobonyo.

  23. Kumander pipi salamat at nakasama ang ating Barangay sa iyong listahan, hayaan mo kasama at pagibayuhin natin ang pangangalampag at paghahanap ng katotohanan at katarungan para sa inang bayan. Mabuhay!

  24. Presidentiable Cocoy, in one of his forays somewhere in Gapo together with his supporters and cheering squad stopped by a Karaoke Bar to shake hands with the customers. But there, some people asked him to say something. So, Presidentiable Cocoy gave a gave a blistering speech condemning the Arroyo administration and calling for everyone in her cabinet to resign from office immediately.

    Finally the owner of the karaoke bar said, ‘Are you going to sing or what?'”

  25. Some interviews on Presidential Cocoy that appeared in today’s tabloid:

    Reporter: We have the biggest deficit in history. In case you win, what’s your approach to minimize if not totally erase it from the books.

    Cocoy: I am not worried about the deficit. It is big enough to take care of itself.

    Reporter: With so many conflicts around, are you ready for any emergency?

    Cocoy: I have left orders to be awakened at any time in case of national emergency — even if I’m in a Cabinet meeting.

  26. Somebody handed me a pamphlet about Presidentiable Cocoy. The opening statement explains why he’s running for President:

    I need to do something concrete. I need to let others know that ordinary citizens like me do not remain lukewarm to issues that would later affect me and my children. I want to make it known that there are also Filipinos who dream of something better for the Philippines. I want them to know that my country is not filled with scalawags and crooks in every corner, and that there are citizens left who believe in decency, fairness, a right to speak, a right to voice out ideas, a right to tell the people we have trusted to lead us that they have abused their power and that it is time for them to step down. I refuse to let this country go to hell because it is the only country I call mine and it is my responsibility to make sure I have done what I could for it.

    Samahan po ninyo ako. I need volunteers. Please visit my headquarter is at Cocoy’s Delight and register your support. Maraming salamat po.

  27. By the way, I saw the above statements of Pareng Cocoy at http://calauag.com/home.

    Somebody siguro na malakas doon must have brought it to the attention of the site administrator and had it posted. It means, CD’s candidacy at this early, is gaining adherence in many places and in the cyberspace.

  28. Habang nagluluksa ang ang mga nakatira sa Palasyo ng Reynang nasa tabing ilog, panay naman ang ikot ng mga kolehiyala sa mga Unibersidad habang sinasabayan sila ng mga cute at guwaping na estudyante mula sa ibat-ibang paaralan na nagsasaya na tila nakaamoy na ng bagong pag-asa sa darating na umaga. Nagdeklara na rin ang samahan nina Colegiala Girl ng national day of rejoicing kasama ang kanyang mga sisters sa kumbento, mga street children, mga street vendors, mga magbobote at magdidiaryo, mga magbabalot na inaaboso ng mga lasing, at mga urban poor na ngayon ay handa nang ipaglaban ang kanilang karapatan pagkatapos magising sa matagal nilang pagkahimbing.

    Sa Luneta, oo doon sa Luneta sila nagpunta kasama si Mayor Lim. Dito nila ipinagdiwang ang pagbabago ng isip ng mga Senador at Congressmen upang sa tronong inodoro na lang ilukluk ang panukalang pagbabago ng Saligang Batas.

    Bisita doon si Kumander pipi na siyang nanguna sa pagawi ng Bayan ko at pagkatapos non ay umaatikabong sayawan na. May sumayaw ng pandanggo sa ilaw, may madreng nagtinikling na halos matapakan na nila ang laylayan ng kanilang mga uniporming pangkumbento, tumula si kapitan na diehard supporter ng CD at sinabing walang katutuhanan ang mga paratang ni Tang tarang tang tang. Umawit din si Yhen ng Amazing grace at lahat ng mga nagngangalan ng grace ay naiyak sa natamong grasya ng pagbabago. Mga urban poor ay nagpakita rin ng gilas sa pagsayaw naman nila, at pag-awit ng rap. Kahit umuulan noon dahil nag-rain seeding ang mga inutusang piloto sakay ng kanilang kalawanging eroplano ng PAF hindi pa rin umaalis ang mga tao. Ni hindi inalintana ang ginaw nang mga kolehiyalang nagsusumiksik sa mga guwapong binata.

    Dahil sa laki ng mga taong dumalo, sinamantala naman ito ng mga pulitiko upang maghugas kamay sa matagal na nilang pagpapagamit sa reynang pinagsilbihan. Muha sa batya ng mga labandera na nagrally noon sa EDSA dito naghugas kamay ang mga bagong Pilato nang bayan. Dahil patapos na ang takdang oras na siyang ibinigay ni Vice Mayor Isko, tinapos na ang programa sa maiksing pananalita ni Mayor Lim na nagsabi daw ng Thank You, Come Again to Manila.

  29. Mer,
    Habang nasa Luneta kayo,kami naman ay dito sa bayan ng Tinigasan.Kaya tinawag na tinigasan ang bayang ito dahil pinamumugaran ng mga siga.Lahat ng kalalakihan dito ay may mga tatoo.Mayroon nga akong nakausap na nagpatato ng “In God We Trust” sa kanyang noo,ipinatato raw niya para malaman ng mamamayan dito na nagbalik loob na siya sa Diyos ng napaliwanagan siya ni doc.bobonyo tungkol sa aral ng Diyos.

    Nagbigay ng libreng tuli si doc,at pinapila niya ang mga kalalakihan nahirapan siya sa isang mama dahil hindi umobra ang labaha at jungle bolo ang ginamit,pinagpawisan na si doc at naisip niya para raw mapabilis dahil marami pang nakapila ay mag burlis na raw ako kaya medyo napabilis ang pagtutuli niya dahil tinigasan silang lahat.Kinapos ng mertayulit at pinag dive na lang sila sa batya.

    Maraming tao ang naipon dahil may libreng cine na panonoorin nila.Binotleg namin ang caregiver na padala ni Joeseg sa computer.Natuwa silang lahat at gusto na raw nilang mag-aral ng care giver para maka pag abroad.Nagbigay din kami ng libreng tsinilas para sa mga bata na ginaya kay Korina.Dahil na rin siguro na dito sa bayang ito ang pagawaan ng bata ay nagseminar na rin kami sa kanila ng family planning.Tamang paraan ng pagda dyakul.

    Ang mga matatanda ay pinasigarilyo namin ng Bataan Matamis na bigay ni Ate Chi.Nagpakain na rin kami ng luto ni kutsara na sinakal na manok at ginamitan nila ng tinidor sa paghigop ng soup no,5 ni Artsee.

    Hinahanap nila ang magiting natin kandidato at sana raw ay matuloy na ang erection dahil kung hindi ay kukulamin na nila si Arroyo.Habang inaatake ni Mang Greg ang mga galamay ng kurakot na presidenti ay pumalakpak ang lahat ng libre,Not once,not twice,not trice but many many times sabay sigaw ng Cocoy is my Guy.Panalo dahil lahat ng tao sa bayang ito ay solidong bumoto kay Trillanes noong nakaraang election.

    Tutuloy kami sa bayan ng Pinagdyakulan pagkatapos dito doon kami mangungumpanya at ibabalita ko sa iyo.

  30. Hahahahahahaha! Ang galing galing talaga ninyo,nakakalimutan ko na tuloy sipingan ang kumander ko dahil sa mga nakakaaliw na pangungusap ninyo.

  31. Kasalanan ninyo ito,hindi na ako makahabi sa computer dito sa bahay,pumipila na ako para makagamit.Lalo na ngayon na nagsanib ng ng pwersa ang magagaling na manunulat ang Magnificent Sex.

  32. Habang nagpapamudmud sa Bayan ng tigasan si Kimuchi ng gold coin mula kay artsee, sinamantala naman naming mga taga Kidlatan ang nagpunta sa Bayan ng Balimbing, dahil gusto naming makuha ang suporta ng mga dating supporters ng reyna na ngayon dahil sa naamoy na ang tagumpay ni Cocoy’s Delight ay may balak nang kumampi sa partidon CD.

    At least hindi rin kami nawawalan ng mga pangakit sa tao dahil sumama na rin sa amin si Britney, tinanggal na ang kanyang panty at handang magbold show kung sakasakali. Dahil si Banong ay laging lango sa alak magmula ng binasted siya nina Colegiala at Yhen, iniwanan na namin sa Barangay Hall kasama ang isang banig na aspirin baka sakaling kakailangin niya ito kapag may hang-over na nararamdaman pa rin.

    Sumayaw ang mga maglalatik na tanod habang hawak ko ang lahat ng kanilang mga batuta. Palakpakan ang mga tao dahil may tanod na hindi na bao ng niyog ang kanyang pinupukpuk kundi ang kanyang dalawang itlog. Kung dati si Mayor nila ay patago-tago ngayon ay lumantad na at tawa siya ng taw habang nginangatngat ang Bataan Matamis na regalo ni manang Chi.

    Dahil naman sa nakasama namin si Kumander pipi at yhen, nagduet silang dalawa ng awiting Maala-ala mo Kaya na sinasaliwan ng gitaristang putol ang isang daliri ka kapi-finger sa flower shop ng kanyang darling. Dito naiyak si Mayor dahil maala-ala pa niya nang maiwanan niya ang isang supot na pera na inabot noon ng di kilalang staff sa Malacanang dahil sa pagmamadaling pumunta sa kubeta at malapit nang tumulo ang dyingel niya.

    At dahil sa nagaalangan pa sila noon na magpahayag ng suporta kay Cocoy Delight, sinenyasan ko si Britney upang siya na ang umapila. Dala ang isang may sinding kandila, nagrequest siya ng isang tugtugin mula kay Kenny G, at nang magkalights off tinanggal na ang kanyang damit. Dito tumambad sa madla ang kanyang dalawang mabibilog na papaya at ang kanyang hiyas na natatakpan naman ng kandila.

    Walang kaano ano ay sumigaw na ang mga tao:

    Cocoy, Cocoy, Cocoy is my Guy!

  33. Ayos iyan Kapitan hindi namin pababayaan ni Ilocana ang barangay mo.Pinabilib mo ako.Papano mo nga pala nakumbinsi si Manong na pumasok sa pulitika? Kung wala man ako dahil syempre ako ang chief security si biyenan ko ang bahala.May magic daw ang Samurai niya na kinuha niya sa napatay niyang sundalong sakang kaya wala siyang inaatrasan at tinatakbuhan liban lang sa mga tindera na hanga ngayon ay hindi pa nababayaran ang kanyang mga inutang.

  34. Kutsara mahal talaga ni Pareng Cocoy ang Pilipinas. Nakita niya na wala nang pagasa pa sa iba kaya napilitan siyang kumandidato dahil ayaw na niyang mapunta pa sa mga mapagsamantalang kamay ang ating gobierno. Kaya ito gusto siyang patigilin ng mga puwersa ng mga pulitiko dahil milya milya na ang layo ng suporta sa kanya ng bayan.
    Ihanda mo ang iyong pala at bareta uli nang mapigilan itong mga puwersa ng kadiliman na maghasik ng lagim, hehehehe.

  35. Si Ilocana ko ay iipunin daw niya ang mga kabagis niyang mga dating amazona at mag training daw sila ng watusi at pagsasampalin nila ng mga slipper ang magtangka pang mangulo sa miting di abanse kapag magsasayaw na ang mga nakabikining japayuki na kinontak ni Kimuchi.

  36. Hindi kaginsa ginsay nanahimik ang noong ilang araw ay napakaingay na kampanya para sa kandidatura ni Cocoy D. Bakit kaya?

    Baka naman nagpapahinga lamang at nagiipon ng logistics na pangunahing kailangan para sa isang malawakang kampanya.

    Doon naman sa aming bayan, hindi kami talaga maingay dahil nagtayo kami ng Bulong Brigade at Text Brigade. Yong hindi muna magastos sa unang arangkada. Mahirap na ang magarbo sa una pero sa bandang huli ay kakapusin.

  37. aba aba aba ibang araw lang ako nawala nakapamasyal na pala ng luneta si mer gayundin si ms kim na asa bayan ng tinigasan. hehehe…

    ano na ba nangyari sa iyong kandidatura sir cocoy? ano bang update natin jan?

    kailngan pa bang maghakot ng pwersa mula sa outer space? hehe

  38. Kararating lang mga kasama mula sa maiksing bakasyon. Ngayon narito na naman tayo at aarangkada na naman ang makinarya ng pangangampanya. Hahahah. Pero may giyera ngayon sa Mindanao at ito ang ating tututukan.

  39. yhen malaki na ang lamang natin… Kaya lang nagbabanta na naman ang mga lighter boys na mangugulo sa ating miting de abanse.

  40. thanks for the great post. Best regards


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: