Posted by: kidlatanvillage | August 12, 2008

Hala, sabi ng palasyo it’s all systems go for federal government via ‘Con Ass’ na daw…

Anong ask my Ass, ikaw talaga Banong ka. Palibhasa’y pinaglihi ka sa puwet ng kaldero. Ang sinasabi nang balita  ay pinapapapalitan na ng malakanyang ang ating Konstitusyon sa pamamagitan ng constitutional assembly! It’s all systems go daw for charter change. Bakit, for the sake of peace in Mindanao… Bakit ka pumapalakpak dahil ba sa sabi-sabi nila na wala nang  giyera pa sa Mindanao? Tignan natin kung saka-sakali iho…

Hoy Banong, hindi ito biro-biro ha. Sabi ni Secretary Dureza, “Its systems go for charter change, and we are supporting Joint Congressional Resolution 10 which is pending in the Senate.”

Ano naintindihan mo ba ito ha Banong? Hindi?  Ay, nanay mong kalabaw makinig kang bata ka… Ito ay isang resolution na magpapatawag ng Constituent Assembly (Con Ass) para amiendahan ang Saligang Batas ng 1987 para magtatag ng isang Federal Form of government.

Ano kamo, kiss my ass… Hoy, Banong huwag kung ano-ano ang sinasabi mo baka marinig ka ng kabit ni Congressman.

Ayon sa balita, ang naturang resolusyon ay nagsasaad nang pagpapalit ng gobierno, from unitary to a federal system of government, daw. Ano ang masasabi mo ngayon? Isa sa mga labing-isang components ng federal  states ay ang Bangsa Moro Federal State. Kung saan ay mabibigyan na sila ng malawak na kapangyarihan na gawin ang nais nila, complete autonomy. Correct, nakuha mo rin ang ibig kung sabihin.

Pero Banong, sabi ni Dureza noong araw pa daw ay gusto nang baguhin ng Presidente ang Saligang Batas. “So it’s not correct to say that the cat is out of bag right now when she has been saying this when she campaigned for President, she supported it” 

Mali, mali na naman  iyang iniisip mo… Hindi mag-aalaga ng pusa ang lola mo. Hindi iyan mahilig sa pusa, sa mga tuta pa puwede. HA!HA!HA!, bakit ka natawa?. Nakarinig ka lang ng tuta e. Banong ha, huwag mong sabihin mga tuta sina Tongresman at Senatong. Hey, bakit nalayo na tayo sa usapan…

Ano naman daw ang masasabi dito ni Senator Nene Pimentel na noon pa ay nagsusulong na rin ng Federalismo. Sabi ng lolo mo, iyon daw resolution ng Senate ay nagsasaad lamang ng paglilipat sa Federal system ngunit  hindi pinapalitan ang presidential system of government. .

 At saka sabi pa niya: “I would like to say that Resolution 10 speaks only of a federal system. It does not deal with the adoption of a parliamentary system under which Gloria can conceivably extend her term by running for prime minister,”

Kita’m, hindi kasali ang lola mo dito sa Senate version ng lolo mo ng Federal system of government.

Alam kasi ng lolo Nene  Pimentel mo na kapag ibang resolusyon na ang ilalabas, na siyang papalit ng presidential systema natin sa parliamentay form of government, ang lola mo ay mananatili pa sa puwesto pagkatapos ng kanyang panunungkolan sa 2010. Nabasa mo ba iyong sinulat ng darling mong Colegiala sa kabila? Hindi na aalis pa sa trono ang lola mo after 2010..

Ito ang matindi Banong; sabi pa niya, “there may be truth to the insinuation that the peace agreement that the administration has worked out with the Moro Islamic Liberation Front may be used by Malacañang as a pretense to amend the Constitution to enable Mrs. Arroyo to circumvent the constitutional ban against her reelection.”

Dahil dito ay may warning shot  ang lolo mo sa mga taga administrasyon at ng  ruling party daw “not to commit the mistake of riding on the federalism proposal to perpetuate Mrs. Arroyo in power because this is bound to be repudiated by the people.”

Grabe, matindi pala ang pagnanasa ng lola mo na mabago ang Saligang Batas at nang mapalitan na rin ang sistema ng gobierno ng Pilipinas mula presidential to Pidalismo, ehe, Federal system. Dinaan pa sa kung ano-anong MOA-AD. Kaya masisisi mo ba ang tita Chi mo kung  magalit siya at magsabi ng PWEderalismo!

 

 

Advertisements

Responses

  1. Pagdating ni gloria mula sa China, laking galit niya nang malaman na hindi man lamang siya na-focus sa TV during the opening ceremonies. Kasama na rin ang pagka inis sa fiasco dulot ng MOA-AD na nauwi sa tuwirang firefight betwwen the government forces and MILF.

    Nangangalaiting pinatawag agad sa isang pulong ang kanyang cabinet members para pagusapan kung ano ang dapat gawin para magtakpan ang kapalpakan ng administrasyon.

    Isa sa naging mungkahi as diversionary tactic itong Federalism at sasakay sa resolution no. 10 ng Senado para raw OK sa mga senador ang Con-Ass.

  2. Ang panukalang Federal form of government ay naglalayong lumikha ng 11 states with specific boundaries.

    Ang nakikita ko rito, pipilitin ni gloria isama ang bilang isang bukod na Federal state ang area na nakapaloob sa MOA-AD para ipaalam sa MILF NA tuloy pa rin ang plano ng gobyerno para sa kanila. Dito magkakaroon ng giyera patani.

    MILF will insist na ang MOA-AD is a done deal at kanila na itong ipatutupad. Halimbawang pumayag ang mga senador, they will insist on the boundaries as listed under Res. no. 10. At habang pinagtatalunan ito dahil magiging mainitan, ayos na naman ang buto-buto. Makakalimutan ang ZTE-NBN, Northrail project at ang latest mining ventures ni Mike Defensor.

  3. Pangkiss my ass talaga ang sesti nila,hahaha.

  4. Sisihin ngayon ni gloria ang Senado sa hindi pagsang-ayon na boundaries ng Federal State. Maghuhugas ngayon siya ng kamay na ginawa niya ang nararapat ngunit ang mga buwisit na senador ay pinipilit na sundin to the letters ang nakapaloob sa Resolution no. 10.

    Sisihin din ang lahat na kontra sa MOA-AD. Lahat ay sisihin maliban sa kanya at kanyang alipores sa kanilang sekretong hangarin na gawing chop-chop republic ang Pinas.

  5. Tito joe,
    Magaling talagang magpalusot ang lola, hehehe.
    Kap,
    Ano iyong religion ninyo,pidalismo hehehe.

  6. Nabasa mo pala iyong bagong poste ni pareng cocoy. What a president he will be ha… hindi lang ako naaliw, nabuhay muli ang aking pag-asa na magbabago pa rin ang kapalaran ng ating bansa.

  7. Join the crusade to change the Philippines.I am running for president.Read my platform and reform.Hehehe1

  8. Tapos na akong manuod ng “Pineapple Express” pero ni hindi lumamig ang tuktok ko sa isyu ng impaktang Gloria na PWEderalismo!

    Ginagago ng husto ang Kapinuyan. Kung hindi iyan mamamatay ay habang buhay nga iyan na pResident Evil at baka kung mamatay man ay buhayin ang sarili at mamayagpag kahit zombie na dahil ang mga tao naman ay mukhang wala ng paki sa kanilang bansa!

  9. Galit na talaga si Manay Chi at sino naman ang hindi maaalibadbaran?

    Kung kaya, oh, my goodness! Sa kabulukang ng kasalukuyang gobyerno, kahit ang nanahimik na si Pareng Cocoy ay baka mapilitang pumalaot sa larangan ng pulitika. Ang mga komento sa CD na karugtong ng pusod nitong Kidlatan na kahit pabiro ay simbolo ng ating hangarin ng mga pagbabago.

    Everybody is dreaming but it’s not bad to dream dahil doon makakaya nating lahat. Kahit sa Sa Panaginip Lang, sa pamamagitan ng isang pindot dito.

  10. Ka chi,
    May halo-halong Bataan diyan, masarap pampalamig ng ulo, hahahaha. Mabuti na lang at tatakbong presidente si pareng Cocoy… hahahaha

  11. masyado talagang gahaman sa kapangyarihan si madam. gagwin at gagamitin ang lahat maging powerful lang ang lola mo.

    wel, to the highest level tlg si madam kap.

    may magagawa pa ba tayo?

  12. Yhen,
    Hindi na magtatagal may bago na tayong presidente, fresh from Zambales…nababanaagan na ang bagong umaga sa Pilipinas, hahahaha.

  13. hahaha. sb ko nag kap… cge suportahan ang bagong gobyerno!

  14. Ano kaya magandang itatak sa campaign t-shirt?

    Being from Zambales like Pareng Cocoy, Ramon Magsaysay was an instant hit with his:

    Magsaysay is my Guy!

    Ano kaya kung: Cocoy is my boy!
    (Pambata ang arrive baka sabihin nila, mama’s boy)

    Ano kaya kung: Cocoy, the new Macoy!
    (Ka-rhyme pero baka magalit ang anti-Marcos forces)

    Ano kaya kung: Cocoy, the real mcCoy!
    (Acceptable siguro ito sa mga antay Marcos at tiyak naiintindihan ito ni Kimuchi at Maningning, kasi tunay na tunay at matigas sa paninindigan)

    Sigurado may mas magandang pang iba.

  15. Habang binabasa ko ang editorial ng Malaya ngayong araw, napangiti na lang ako. Hindi ko iniisip na nagbabasa ng blog ni Kapitan ang mga taga Malaya pero halos iisa ang aming idea, sangayon sa poste ko sa bandang itaas, na gagamitin ni gloria ang Senate resolution no. 10 for personal interest.

    Narito ang Malaya article:

    http://www.malaya.com.ph/aug14/edit.htm

  16. Galit na galit si Sen. Nene Pimentel dahil nagiging sangkalan ang kanyang idea ng Federalism at siyang ginagamit ni gloria upang magkaroon ng con-assholes. Hindi raw siya papayag na ang version nila sa eleven Federal States ay babaguhin. Maging si Sen. Lacson ay nagpahiwatig na babawiin niya ang kanyang pirma sa nasabing resolution. Ibig sabihin, kokontrahin na rin nya kapag ang Resolution No. 10 ang ginamit ng Malakanyang.

  17. Samantala, pumalag na rin ang MNLF. Nauna na nga naman na sila ang may peace agreement, ngayon, yon palang ibang territory na sakop sa agreement nila, kasama rin sa MOA-AD.

    Ito ang nasa dyaryo: Gov’t can ignore us at its own risk — MNLF

    The government could find itself fighting a war bigger than the current conflict with the Moro Islamic Liberation Front if Malacañang will continue to fail to fully implement its peace agreement with the other secessionist group, Moro National Liberation Front, once led by Nur Misuari.

  18. Here’s more:

    “There will be another war that will possibly happen again in Mindanao and greater tension than what the MILF (has triggered) if the Arroyo administration would fail to implement the GRP-MNLF final peace agreement,” Utto Salem Cutan Al Haj, chairman of the Selatan Kutawato State Revolutionary Committee of the MNLF, warned.

    Cutan stressed the government had failed to really implement the genuine peace accord which is vital to the attainment of long lasting peace in Mindanao.

    “President Arroyo is dealing with the MILF’s ancestral domain claim which is already embodied in the 1996 peace agreement and obviously it continue ignored by her administration,” Cotabato City Mayor Muslimen Sema for his part said.

  19. Toka musika Duresa gusto kong magsayaw ng Cha-Cha patugtugin ng malakas ang trumpeta…

    Pero mahal na reyna,hindi na uso ang sayaw na iyan sa kabataan ngayon,pwedi ba break dancing ka na lang!

    Ah,basta! Mag Cha-Cha akong mag-isa kung ayaw nila dalawa kami ni Miriam kapartner namin si Bong at Lito,kaya ihanda mo na ang banda.

    Opo mahal na Reyna,ibando ko na sa buong kaharian ng mga unggoy ang balak mong sayaw.

    Siguraduhin mo lang na maraming kongressman ang papalakpak ha?

  20. Pareng Cocoy may mga nanginginig na ba sa pagsulpot mo bilang bagong simbolo ng panagarap ng bayan? May sinulat itong kumpare mo nang siya’y nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa lansangan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: