Posted by: kidlatanvillage | August 4, 2008

Nagbabadyang Gulo bago Magtapos ang Panunungkulan ni Pangulong Arroyo (The Evil of Negotiating for the Ancestral Domain)

Papalapit na papalapit ang 2010 at nagkakagulo na naman ang mga pulitiko na nagbabalak sumabak sa susnod na election kung saan ay pipili na naman ang mga tao ng ilulukluk nilang pangulo na kapalit ni Ginang Arroyo. Ito marahil ang pinakahihintay ng mga taga oposisyon para sila naman ang malukluk sa puwesto.

Sa magkabilaang kampo, nagsismula na rin ang pakiramdaman at pagpaparamdam na makasali sa opisyal na ticket ng mga malalaking kwalisyon ng mga partido para sa mga senatorial candidates, vise presidente at ang tatakbong para sa pagkapangulo. Ngayon pa lang ay  tinitiyak na ni dating pangulong Estrada na makakalamang nang husto ang oposisyon (UNO) gaya nang nakaraang senatorial race.

Sinamantala din ng Pulse Asia ang pagkalat ng mga alingasngas kung sino ang mga nagnanais na tumakbo bilang Pangulo sa 2010. Kaya naman kahit na napakaaga pa ay naglabas na sila kung sino ang nangunguna sa survey sa na maihahalal bilang pangulo kung saan ay nangunguna si Kabayan Noli na kabuntot lang ni Erap.

Makahinga-hinga na sana ang Pangulo dahil hindi na gaanong nakakaalarma pa ang mga kinahaharap na krisis ng kanyang pamunuan, ngunit bigla na namang sumambulat ang isyu ng kasunduan ng pamahalaan at ang MILF sa pagbibigay sa mga ito ng hinihingi nilang ancestral domain. Ito lang kasi ang natatanging paraan para makamtan na sa Mindanao ang matagal nang mimithing kapayapaan. Subalit tutol naman dito ang karamihan lalong lalo na ang mga taga oposisyon. May nababala  pa nga na maaring basihan na naman ito (ang paglagda ng kasunduan) para mapatalsik ang pangulo. Pananaw kasi ng mga pulitikong kakampi ng mga taga oposisyon, na ang ano mang paglagda ng pangulo sa mga  kasunduan na taliwas sa panuntunan ngating Saligang Batas ay isang uri ng impeachable offense sapat na upang patalsikin ang pangulo.

Samantala ibat-ibang grupo naman ang nagbabala kay Pangulong Arroyo na maghinay-hinay muna sa paglagda ng kasunduan dahil malaking bahagi ng lupain o territoryo ng Pilipinas ang mapapasa kamay ng mga MILF.

Nanawagan naman nang United Opposition (UNO) ang Malacanang na i-defer muna ang pagpirma sa kasunduan “until such time that the Supreme Court rules on pending petitions questioning the legality of the agreement.” Mismong si Makati Mayor Jejomar Binay ay nanawagan ding sa Pangulo na pagilan muna niya sina dating Heneral Hermogenes Esperon jr.,Presidential Adviser on Peace Process, at panel chair Rodolfo Garcia na ipagpatuloy ang paglagda ng kasunduan hanggang wala pang ipinapalabas na disisyon ang korte sa mga ihinaing na kaso kontra dito. 

Naalarma din si Senador Pimentel sa maaring ibunga ng kasunduang ito kapag nagpatuloy. Malaking suliranin nga ang pagkakaroon ng isang estado sa loob ng isang estado. Marahil ay nakikita dito ng butihing senador na masalimuot at kumplikado ang ganitong sistema. Nakikita rin ito ng marami na sa halip na kapayapaan ang idudulot nito, isang napakalaking gulo.

Ngayon pa nga ay nagpapakita na ang mga tao sa mga lugar na kasali sa ancestral domain ng pagtutol, at hindi lang basta pagtutol, ipaglalaban pa nila ito marahil kahit dumanak pa ang dugo. Sa isang banda lalo pang nakakatakot na ang mga 12,000 na mandirigma ng MILF na ayaw magdidisarma pagkatapos malagdaan ang kasunduan.

At anong pinanghahawakan naman ng Pamahalaan na hindi mababale wala ang mga kasunduan? Ayon kay Retired Commodore Ismael Aparri, tagapagsalita ng Young Enlisted Soldiers and Retired Military, Police for Solidarity (YES-ARMS) ng ang proposed treaty na iyan ay illegal at unconstitutional. Nababahala sila at malaki ngang tipak sa ating teritoryo ang mawawala at mapupunta sa mga MILF. 

Dahil dito ay nagbigay babala naman si Aparri na ang  YES-ARMS “and other sympathizers of the group are now ready to fight a protracted legal battle with those involved in the signing of the treaty or agreement.”

“My group will file an injunction against the agreement,” ang sabi pa ni Aparri.

Ayon naman kay Mayor Binay muli na namang magbubuksan ang sugat ng lumipas.

“Tension is brewing in Mindanao and old wounds are being reopened unnecessarily because of this controversial GRP-MILF ancestral domain accord,” Binay said. “To defuse the tension, we are asking Malacanang to defer the signing of the MoA in deference to the Supreme Court.” Ang babala naman ni Binay. 

Ayon naman kay UNO Spokesperson Adel Tamano  maaring ginagamit lang di umano ng Administrasyong Arroyo ang Mindanao peace process para muling isulong ang pagamyenda ng 1987 Constitution para panatiliian pa sa kapangyarihan si President Arroyo’s pagkatapos ng May 2010.

“It is unfortunate for both Muslims and Christians in the Philippines that GMA has polluted the Peace Process by negotiating in bad faith, promising the MILF things she cannot deliver, using the process as a backdoor to Charter Change, and, ultimately, setting the conditions for escalating the conflict in Mindanao,” Ang sabi pa ni Tamano.

Dagdag pa ni Tamano, maaring gamiting ng MILF ang hindi pagpapatupad ng kasunduan para magdeklara ng giyera.

“GMA, being a highly unpopular President, does not have the social capital to convince Filipinos to cede their territory, even for something as laudable as peace in Mindanao . So when the inevitable occurs and the Government fails to deliver its promise to the MILF, the rebels will have a clear casus belli or a justification for acts of war.” 

Sana naman ay huwag munang matuloy ang paglagda ng kasunduan habang pinagaaralan pa ang legalidad sa pagbibigay ng ancestral domain sa mga MILF. Mas mabuti na ito kay sa dumanak pa ang dugo, after all mga dalawang taon na lang ang natitira pa sa rehimeng Arroyo.

Advertisements

Responses

  1. Doon ko naibuhos sa CD ang dapat pala ay dito ko naiposte ang tungkol sa state within a state. Mabuti naman at pinigil muna ng Supreme Court ang pirmahan na ngayon (Tuesday) sana magaganap sa Malaysia.

    Kahit magkaganoon, sa tantya ko, kanya kanya nang pormahan. Kung baga, nagka interes na ang iba na magplano na ring akuin ang kanilang lugar bilang anchestral domain.

    At Kapitan, tama ang ipinahayag mo sa CD. Sa iyo ang Barangay Kidlatan! Akin naman ang MyHomeTown Calauag!

  2. Here’s one disturbing news as written by Ninez Cacho Olivarez of Tribune. I’m sure it will be debunked as a figment of imagination and will be denied by the Malacanang spinmasters who are adept in denials at first instance: Please read on:

    http://www.tribuneonline.org/headlines/20080805hed1.html

  3. Caramba, tutoo lahat ang sinabi mo ka Joe. Dahil iyan din ang hinala ko nang sinusulat ko pa lang ang article na ipinoste ko ngayon.

    Kung sa iyo ang Calauag, at kay Cocoy at Chi ang Zambales, at sa atin lahat ang Kidlatan Village,
    hindi lang tayo maraming nagiisip din ang ganito. Masaya iyang nasa trono dahil lalo tayong magkawatak-watak at walang pagkakaisa. Sino ang makakapigil ng kanyang mga binabalak?

  4. kalokohan na po talaga ang nagyayari sa ating bansa… lahat na gusto ng kanya kanyang teritoryo.

    ganun na din ba nangyayari sa sinasakupan mo kap? baka nag aaklas narin mga tanod mo ah… hehe!!!

    gandang araw po!!!

  5. Mabuti na lang at ipinahinto ng korte suprema ang pagpirma ng MOA.Kapag nagkataon ay parang hinawing bibingka ang Pilipinas na magkakaroon ng North and South katulad ng Korea.Magkakagera na talaga ang mga muslim at kristiano.Hindi pa naman solido ang mga kristiano dahil nagpartihan na ang mga deboto.Nagtayo na ng religion si doc.bobonyo at maraming sumapi sa kanya na dating born again,dalawang daan,iglesia,metodista,romano at mga mambubuso.

    Maglalagay na rin siguro ng bakod at mangangailangan ng maraming border patrol,Kaya pala inilagay si Esperon doon dahil may balak sila ni Arroyo na paghatian ang Pinas.Either way ay talagang malas,mapunta ka sa South at North ay maghahari pa rin ang demonyo.Kaya mas maganda siguro kung sa central ng hita ko sila mapunta dahil sisingilin ko sila ng tax at magtatayo ako ng sarili kong isla sa China Sea.

  6. Umiral na naman ang pagkatalanding ni Gloria at gumagawa na ng paraan para hindi siya mapaalis sa hinihigaan niyang kantuteng kama.Ginagayuma na naman niya ang mga LGU para buhayin ang patay na na titi ng PI,Lbog na lbog talaga siya sa pangagahasa sa masang pilipino na walang pakialam kung ano ang gustong gawain ni talandings Gloria sa kanila,pinukpok,nagpapapokpok dahilan lang sa kaunting barya ay okey na sa kanila.Kapag ako ang nainis magmimiting ako dito sa barangay ni Kapitan at iipunin ko ang lahat ng tanod niya para kami magmartsa papuntang malakanyang at gagawin naming bandera ang panty ko na nakadisplay dito sa session hall ninyo na winisikan ni doc.bobonyo ng bendita.Tignan ko lang kung hindi ako makakahikayat ng mahigit milyon-milyon na sumapi sa aming samahan para patalsikin ang malbog na Gloriang iyan.

  7. Hayyyyyyy nandito na naman si idol… Yehey may mga nagaabang na naman baka magpamudmud ka ng iyong underwears at saka t-shirt na may larawan ng isang mabangong bulaklak.

    Kap puweding tumula?

    O eto:

    Kaunting bato, kaunting semento
    Monumento.
    kaunting asin, bawang at suka
    kapag hinalo sa bilasang isda
    adobong nakakasuka.
    Ganyan ang bayan kapag
    hinihiwahiwa
    Wala nang ningning pang natitira
    sa matang luhaan
    at hitang nakabukaka,
    dahil ang bayan ay hindi na buo pa
    kagaya ng birhen na bagong donsilya.

  8. Yhen solido sila dito dahil wla na silang makikita pang kasing kisig pa ni Bonifacio na Kapitan ng Barangay. At saka ang mga tao dito ay galing sa ibat-ibang panig ng bansa kaya wala silang maituturing na ancestral domain, takot lang nilang maibalik sa riles kasama si Kimuchi, HaHaHaHa.

  9. Kap,
    Puweding tumuloy. Amoy na amoy ang malinis na kapaligiran ng iyong Barangay. Parte pa ba ito ng Pilipinas? Napadaan lang at nakikibalita. Nandito pala ang mga prinsesa ng kagandahan. LoL.

  10. hi doc, kamusta naman po ikaw?

    galing palang riles si kimuchi. masarap sigurong manirahan don ano?

    naway maging payapa ang iyong nasasakupan kap…

  11. Hello doc.bobonyo, long time no hear. Buti napasyal ka uli. Kumusta na si biyenan mo? Available pa si Colegiala at Kimuchi, hahahah.
    Biro lang. Pero natutuwa ako sa iyo. Baka magagawi ako si DOH itong mga darating na araw, manghaharana kami doon hahaha.

  12. Yhen si kimuchi ang tagapagtanggol ng mga taga riles. Pero magmula nang binasted niya si kabayan, pinaalis sila doon, hahahahah. Nakatira sa isang mansion iyang star natin na napapaligiran ng mga superrich, guess ko lang ha.

  13. Colegiala girl may tampo si Banong sa iyo, bakit sinabi mong may little eggs and little bird siya kay kim? Kalapati ang alaga niyan hindi pipit, hahaha.

  14. Kap

    Lumalalim itong usapin ng MOA-AD. The latest from the MILF camp is it’s a done deal. Tapos na raw, nagkapirmahan na, wala nang pakawala.

    Read the rest of the story:
    http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20080806-152892/Its-a-done-deal-says-MILF-exec

  15. Hindi lang nagbabadyang gulo, ito nagsimula na.

    Sibilyan nag-aarmas na, MILF umatake!

    Ni Joy Cantos – Pilipino Star Ngayon
    Wednesday, August 6, 2008

    Nagsipag-armas na ang mga Civilian Volunteers Organization (CVO) matapos ang magkaka­sunod na pag-atake ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa tatlong bayan sa North Cotabato.

    http://www.philstar.com/index.php?Bansa&p=50&type=2&sec=54&aid=2008080572

  16. Kapal, kakapal ng mga ito, biro mo Ka Joe sinabi pa nila na tapos na at in-effect ang usapan.
    Ka Joe and the rest of my friends here, totoo ang mga sinabi ni Ka Joe, hindi na lang nagbabadya ang gulo, nagumpisa na marahil… Nakakatakot ang sinario na Pilipino Kapwa Pilipino ay nagpapatayan pa.
    Nakapanghihina ang mga kaganapan ngayon!

  17. hahaha…. sabi ko nga po kap…

    nwei, may pagtingin ba si banong kay ms colegiala?

    hehehe… showbiz ito.. kaloka…

  18. Hi yhen,
    May not so secret admirer pala kayo… Sigi kayo matatali kayo sa Barangay Kidlatan.

    Naku sana makuha ng mahinahon na usapan itong pagbibigay sa MILF ng teritoryo. Hindi kaya masyadong malaki naman ang ibibigay sa kanilang control, Kap and Mang joe?

  19. Kapitan K

    Hinatak ko rito from CD itong iyong tula with my Lost in Translation:

    Ngayon at nagkakagulo na sa Mindanao
    *Now, Mindanao is boiling hot
    Dahil lamang sa kagustuhan ng iba
    *Because of a few who make the shot
    Na hiwain na ang Pilipinas
    *To slice the country in smaller lot
    At mahiwalay na sila sa ating bansa.
    *And be separated like a spoiled brat.

    Bibig ko na dating tikom
    *Before, my lips are zippered and sealed
    Ngayon parang pekpek nang umaatungal
    *Now, I’m like a wound which never healed
    Sa galit at pagkadismaya
    *In my anger, on the top of my voice, I squealed
    Pilpinas magkawatak-watak na ba?
    *Pilipinas, game ka na ba? Na we will be divided?

    Sino ang may kagagawan sa Luneta
    *Those who have done this, Luneta is your destination
    Paasinta sa guwardiya sibil kung buhay pa sila
    *The security guard of old, line them up for inspection
    Kung wala na at mga kalansay na sila
    *No ID, No Entry – is their bone of contention
    Paputokan sa puwet ng baboy ng magtanda
    *Let’s target them as pigs and cook them as lechon.

    Hindi lang nagaamba ang gulo at panganib
    *We’re now in turmoil, dyoskoday in imminent danger
    Nagsimula na! MILF umatake, mga volunteers
    *MILF started attacking rendering the villagers in shiver
    Naman ay nagaarmas na.
    *So, the once peaceful volunteers are now armed with any caliber
    Ibig ba sabihin ang giyera nasa paligid-ligid lang
    *Which means war is now hovering as reported in the cyber
    At nagbabanta?
    *And the threat is clear! It’s not just another Saturday night fever.

    Nawa’y magkasundo at walang lamangan
    *Let there be peace and fair share in our nation
    Korte mangusap ng ayon sa batas,
    *Let the laws of the land prevail without violent objection
    Nakakarami ayaw sa bansang tinapyasan,
    *Let them realize Filipinos despise and oppose the division
    Nakakahiya sa mga bayani,
    *Let’s be ashame to Bayani Fernando and other heroes now in pantheon
    At ang buong liping kayumanggi
    *And to all brown skinned people, including those who changed their complexion.

  20. Ka Joe,
    Walang kupas na translation, nawala ang sakit ng ulo ni Tisay. Doon sa linya na may Bayani Fernando duet kami ng pagtawa. Galing galing ka Joe, salamat sa uulitin.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: