Posted by: kidlatanvillage | August 2, 2008

Si Mike Defensor Trouble Shooter; the Northrail Connection

Umagang-umaga ay bigla na lang akong ginulat ng aking sikretaryo na si Banong nang napasigaw siya ng, “what, si Michael Defensor isa nang trouble shooter?”

 

May kausap siya sa telepono, mukhang serioso ang pinaguusapan nila kaya nagkainteres tuloy akong magusyoso.

 

 “S-saan pare? Ha, for the government stalled $503 million Northrail project?  Hmm, ano iyon?”

 

Muntik ko nang dinagukan ang gago. Kung makaporma akala mo business man ng Makati iyon pala ay hindi niya naiintindihan ang pinaguusapan.

 

“Pare ang ibig sabihin noon ay siya daw ang tutulong na makipagnegosasyon para matuloy na ang Northrail project. Iyong tren na papuntang Norte, itutuloy na ang construction ng riles… gets mo pareng Banong…” sabi ng kausap sa kabilang linya.

 

“A, oo… tren na papuntang Ilocos Norte, kina Bongbong Marcos…”

 

Humagalpak na ako ng tawa na ikinagulat naman ni Banong. Kinuha ko ang telepono at ako na ang nakipag-usap. Si Itong pala, dating leader ng mga squatters sa may riles ang kausap sa dulo ng linya.

 

“Ano ba iyang pinaguusapan ninyo ni Banong tungkol sa tren?”

 

“Kap si Mike Defensor nahirang daw na troubleshooter ng gobyerno para matuloy iyong $503 million na Northrail project…”

 

“A ganun pala… Ano ito official function na ibinigay sa kanya ng Malakanyang?”

 

“Hindi po Kap, in his private capacity daw. Sabi nga niya ay tulong na lang, kasi kung gagawin pang official capacity e magiging pabigat lang daw siya at papasweldohin pa.” ang sagot ni Itong na  nasa kabilang linya.

 

“Hmm, ibang Mike itong nakikita ko ngayon… may pagkapublic service ang dating, pero is this for real?” ang sabi ko naman.

 

“Ayon sa balita ay nagpatulong daw si Secretary Edgardo Pamintuan, chairman ng  Subic-Clark Alliance for Development Council. Actually Kap si Pamintuan ay inappoint ni President Arroyo upang muling buhayin iyon naantalang Northrail-related works. Alam ba ninyo iyon?, ” ang tanong sa akin ni Itong.

 

Bigla akong napaisip. Ano naman  ang gagawin ni Mike Defensor para sa Northrail na walang official function?

 

 “Itong, sa tutoo lang ay hindi ko maintindihan kung anong epal (papel) ang gagampanan ni San Michael dito?”

 

“ Iyan din ang hindi ko alam Kap. Pero ayon sa kanya ay masaya daw siya bilang bahagi ng kanilang team at ipinaalam pa nga niya ito sa presidente na tutulong siya.” ang sagot naman niya sa kabilang linya.

 

Muling nagisip itong kaibigan ninyo. “B-baka naman kinuha siya bilang isang private consultant?”

 

 “ Actually Kap iyan nga ang sabi ni Mike Defensor, pero wala daw siyang suweldong tatanggapin dito. Do you believe him?,” ang sagot ng kausap ko sa dulo ng linya.

 

 

Napatawa lang ako, at napatawa din si Itong sa kabilang linya.

 

Actually itong si Mike Defensor, talunan na kandidatong senador noong 2007, ay bilib na bilib sa kanyang sarili na kaya niyang tulungan ang grupo ni Pamintuan dahil sa naging karanasan niya  bilang pinunuo ng task force na itinalaga ni Ginang Arroyo para sa pagbubukas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Sabi nga niya ay kahit papaano a naiintindihan niya ang, “working dynamics of an engineering contractor and a consultant.” At dagdag din niya na makakatulong siya mismo sa mga “back channel talks” pero hindi niya nilinaw kung ano ang mga ito.

 

Hawak-hawak  ang extension ng telepono ay bigla namang nakisawsaw  sa usapan sa magkabilang linya si Banong.

 

“By the way Kap, Itong, di ba nag-resign si Mike na Task Force head noong nakaraang linggo? Sabi nga nitong kumpare ko na ang kanyang  job description daw ay para lang sa pagbubukas ng  terminal at gawin itong operational. Hayan nakapagpalipad na siya ng eroplano ng Cebu Pacific. Ibig sabihin wa na siyang function kaya leave na siya dahil he is just passing through daw lang naman katulad ng mga pasahero,” ang sabi ni Banong sa extension line.

 

“Pasaherong nagrereklamo ka mo sa kakulangan ng mga immigration staff sa mga immigration counters,” ang birada naman ni Itong sa kabilang linya ng telepono.

 

Sagot naman kaagad ang nagmamagaling kong sikretaryo.

 

“Kaya nga sabi ni pare, I have always been packed, I have always been ready to go.”

 

“To go to Northrail project, ha-ha-ha,” ang biro ko naman.

 

Gusto pang bumanat ni Banong pero naunahan siya ni Itong kung saan ay tinanong niya ito mula sa kabilang linya.

 

“Pare ka nang pare kay Mike Defensor talaga bang magkumpare kayo?”

 

“Hindi, sana lang kung sasagutin ako ni Colegiala girl at magpapakasal sa akin; siya ang magiging ninong ng panganay namin…”

 

“Ambisyoso!,” ang kantiaw naman sa kanya ni Itong sa kabilang linya ng telepono.

 

Hindi ko na mapigilan pa ang sarili sa pagtawa. May sense of humor din pala itong ambisioso kung sikretaryo.

 

“Ano Kap papalarin kaya si Mike dito sa Northrail kagaya nang naging suwerte niya nang mapalipad niya ang mga domestic flights ng Cebu Pacific, PAL Express, at Air Philippines sa Terminal 3 ng NAIA?”

 

“Depende iyan sa usapang, iba ang usapan sa airport at iba na man ang sa railroad. Kung susuwertihin baka nga may mangyaring maganda, kung hindi naman ay baka dito muli siya madiskaril kagaya ng pagkatalo niya noong nakaraang halalan.

 

“Pero Kap hindi naman maglalakas loob iyan na kikilos kung wala siyang basbas ng Malakanyang… Suportado iyan ng kanyang bosing na si Madam Gloria, “ ang sabat naman ni Banong sa extension line.

 

“Siguro,” ang aking naging kasagutan

 

Nagbiro naman si Itong sa kabilang linya, “e si Banong kaya Kap papalarin ba siya kay  College girl?”

 

Napatawa ako bigla. “Iyan ang hindi malinaw kagaya din ang usapan kung may pag-asang magpatuloy pa ang Northrail project o hindi. Abangan na lang susunod na kabanata, kung si Banong ba ay maglulupisay sa sahig sa sobrang pagdaramdam dahil binasted siya ni Colegiala.”

 

Tawanan kami ng matagal. Pero nakahalata ako, wala na sa extension line si Banong. Mabilis na nagpaalam naman si Itong at ibinaba ka na rin ang linya ng telepono.

 

Bigla namang naglaho si Banong sa Barangay Hall. Nagmamadali daw na lumabas, nakasimangot na tila nagtatampo ayon sa mga tanod.

 

 

Advertisements

Responses

  1. Alam nyo, personaly bilib akong kumilos dito kay Mike Defensor. Palibhasa medyo bata pa kumpara sa ilang functionaries sa Malacanang, mabilis kumilos and ika nga, would like to make things done.

    Ang problema lamang nya, naka-join sya sa grupo nina gloria na kung saan, lahat na gagawin ay kwestionable. Kaya nga itong si Mike D, nang mapakabit sa Team Unity, hindi kinagat ng madlang pipol ang kanyang candidacy, luhaang nag-concede agad, olat.

  2. Sa sinasabi ni Mike D na walang syang sahod bilang Task Force head sa NAIA opening, totoo yon. Wala kang makikita sa dokumento na sumasahod dahil hindi ilalagay sa payroll. Pero sinong uululin ng kumag na ito, eh style na yan sa gobyerno lalo na at malapit sa baul na puno ng datung. Anong ginagawa ng Social Fund ni gloria na walang accounting sa expenditures. Dyan nanggagaling ang mga lumalabas na perang pambayad sa lahat na aktibidades kapag may masamang pakana laban sa kalaban ng administrasyon.

    At kung kaya biglang nag-resign si Mike D sa NAIA Task Force, may nakasagupa syang taga NAIA management na may mafia, dehins sya uubra dun.

  3. Kung mapapansin natin, wala pa ring commitment si gloria na ipwesto si Mike D sa isang cabinet position dahil kabangga naman nya ang gurang na si Sec. Ermita. If we may recall, matindi ang balitaktakan nila noong nasa Malakanyang din si Mike D pero nag-prevail si Sec. Ermita due to FVR connection. Ngayong nasa dyaryo na umaaligwa si FVR at nagpapailanglang ng banat sa mga policies ni gloria, una na reproductive health bill, medyo alalay si gloria sa kanyang kilos at minamataan si Ermita. Kapag umalis si Ermita, simula na nang tuluyang pagtalikod ni FVR sa rehimeng gloria.

  4. At kung totoong si Mike D ay gagawing siyang trouble shooter sa Northrail project, ito ang kaabang-abang. Alamin natin na may JDV connection din ang project na ito at ang madlang pipol ay naghihintay kay JDV kung magsasalita na sya sa umaalingasaw na NBN-ZTE scandal. Malamang, gumagawa na ng mga advance manipulations para masangga ang gagawin ni JDV kung puro kasiraan ni gloria ang kanyang ibubulgar sa Senado. Malamang sa panahong ito, nagiisip si JDV kung talagang lalantad sya dahil baka sya kapusin, baka lahat na kasalanan ay sa kanya ibalandra kasama na ang pagpatay kay Ninoy Aquino at Jose Rizal.

    We can see the connections when we see Mike Defensor.

  5. Ka joe iyan din ang hinala ng mga nakausap kung kaibigan na mahilig maganalisa ng mga isyung pambayan. Iyong connection ng ibat-ibang personalidad sa northrail project ay maaring magsimula ng isang wild fire na ikasusunog o ikasisira na naman ng administrayong Arroyo. Posibli kaya?

  6. Kap,

    yung bagong handle mo sa CD, hindi gumagana.

    Wala akong masabi dito kay Little Mike dahil hindi ko gusto ang hilatsa ng pagmumukha. Ang alam ko lang ay gustong maging senador kaya nagkakalat na naman ng kanyang pangalan.

    Isa pa, sabi ng partner ko ay kasinlaki ng Araneta ang ego niya sa personal. No bilib!

  7. At bakit naman isasama ni Tonyboy C. si Gretchen sa kanyang will and testament? Ano sira? Ang anank, yes.

  8. Sigi ka chi, ibabalik ko iyong dati. Dumeretso kasi kaagad ako from the admin, nagaya lang kay sikretaryo Banong. Sorry.

  9. By the way ang tawag nga ng mga nakakakilala kay Mike Boy, ay feeling president and dreaming to be one like daw siya. I don’t know if it is true, and when he aims for it.

  10. May mga nagmamasid naman na kung tama ang kanilang mga hinala ay muling tatakbo si Mike Boy na maging Senador. If he wins baka magaambisyon naman siyang maging bise presidente.

    Baka itong airport at riles ng tren ang maging pasaporte niya sa muling pagsabak sa pulitika. Kung hindi man baka may naghihintay pang ibang makakatas na posisyon para sa kanya.

    Kung baga, tinitimbang muna nila ang init na kalan bago isalang ang panibagong resiping pampulitika.

  11. hehehe…

    wink wink*

    papcute lang po…

    hello po kay sikretaryong banong.. wahehe!!!

  12. Kapitan,kumusta na dito sa iyung Barangay.Hindi ba inaamoy amoy ng tanod mo ang panty ko?

    Ano kamo si Bingot magiging kumpare ninyo?
    Gusto ko sanang papirmahin ang mga tanod mo for my actress best nomination dahil magkatungali kami ni Colegiala Girl.Labanang magkapatid at hating magkapatid kasi para kaming arinola sa kagandahan at kaseksihan.Ako ang laging inuupuan at siya naman ang pantakip.

  13. Kimuchi kahit kailan, talagang napapatawa mo ako lagi. Sabi ni Tisay bakit daw hindi na mainitin ang ulo ko at bakit daw ako laging nakasmile na ngayon kahit puro palpak ang mga report na ginagawa ni Banong. Ang sabi ko sa kanya may actress kami na ka blog na mas matindi pa kay pokwang magpatawa ang sabi ko sa kanya. Kaya ng binasa niya ang posting mo, kailangan himasin ko pa ang kanyang dibdib, este likuran dahil hindi makahinga sa katatawa.
    Ang panty mo, laging nakabantay si Banong at kulas doon sa pinagsabitan dahil gustong sungkitin ni Britney Isper na may sari-sari store dahil mamahalin daw ito at gustong isuot at saka idispley sa kanyang tindahan. Hiraman lang kasi sila ng mister niya ng brief, Hahahahahaha.

  14. yhen,
    Naku namiss din kita neneng, pero ngayon kumpleto na uli ang mga hardin ni Kap sa mga naggagandahang bulaklak. Nadiyan kayo ni Colegiala at saka itong masayahin nating bida na si Kim. Kaya naman gusto nang mag-aral ni Banong para makaporma dahil napahiya siya sa pagpapantasya kay Colegiala. May bulong din siya sa akin, puwedi daw ba siyang makipagkaibigan kay yhen, sabi ko naman sa kanya huwag ka lang magkakakain ng kung ano ano lalo na ang hilaw na kamote baka ka utotin. Ayaw ni kasi ni yhen sabi ko sa kanya ang binatang nilalabasan lagi na masasamang hangin.
    Hahahahahah.

  15. Kap,

    Maganda nga na “kidlatanvillage” ang gamit mo, may dating. Kaya lang ay sabihin mo sa admin na paganahin dahil hindi umuubra ang pindot.

    Sige, kung hindi gagana sa pindot from CD ay ilalagay ko na sa TOPS ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: