Posted by: kidlatanvillage | July 31, 2008

Sandamakmak na Isyu Habang Hinihintay si Kimuchi–sa Panaginip ni Kapitan Kidlat

Exited ang mga tanod maging si sikretaryo Banong nang mapabalitang bibisita si Kimuchi sa Barangay Kidlatan. Ang dinig kasi ng mga tanod ay si Kim Chui ng PBB ang darating kaya ginamit na nila ang bagong issuing kidlatan T-Shirt ng mga tanod.  Humingi pa sila ng permanent marker kay kagawad Manny para sa autograph nito. Ngunit nang linawin ni Kap na si Kimuchi  lang  ng Cocoy’s Delight ang darating ay biglang nawalang gana ang mga ito  at tangkang magsi-uwian na.

Napigilan lang ang pagalis nila nang sabihin ni Kap na mas maganda at mas sexy pa sa artista ang darating  na panauhin. Pero ang mga iba ay hindi interesado, dahil sa off duty na nila gusto nang umuwi. Bagamat nasa labas na ang karamihan, biglang nagsibalikan naman sila nang ibalita ni Kapitan Kidlat na maghuhubad ng “panty” sa barangay hall si kimuchi  at isasabit ito sa kanilang  conference hall.

At habang naghihintay ang mga tanod sa pagdating ni Kimuchi, mabilis namang umalis sina sikretaryo Banong at mga off duty na tanod para mag-inuman sa tindahan ni Britney Isper.  Si Banong naman ay may kupit sa padalang lapad ng kapatid na japayuki kaya malakas ang loob nitong omorder ng dalawang kahon na serbesa at limang latang karne norte  para sa pulutan.

Sa unang sabak pa lamang ay parang Pagsanjan Falls na ang pag-agos ng beer sa mga tigang na lalamunan ng mga tanod. Parang basurang tinangay naman ng baha sa Metro Manila  ang mga pulutan na naubos. Talagang maasahan mo ang mga tanod sa ganitong okasyon lalo na kung darating ang Pangulo. 

 Mga isyung naglabasan sa inuman

Kung enjoy na enjoy man ang mga tanod sa pag-inom at pagkain ng pulutan, kay aling Britney ay hindi. Kanina pa niya sila pinagmamasdan at pailing-iling na nanghihinayang. Una, hindi na naman sariling pera ni Banong ang ginagasta kundi ang padala ng ate niyang pinagpapasa-pasahan ng mga Hapon. 

Hindi siya nakatiis at nagsalita na; “ Wala akong pakialam kung ubusin ninyo ang pera n’yo, kaso diba kayo nanghihinayang niyan? Ang mga iba diyan halos na wala nang makain?”

 “Paminsan-minsan lang ito mare, it’s a celebration for kim’s arrival and removal…,” sagot naman ni Banong na medyo may tama na.

“Aba, magbasa kayo ng balita sa dyaryo laganap na ang kahirapan, ni hindi na nga kumakain ang mga iba diyan,” paliwanag ni Britney.

“Pambihira kayo,ano ang ginagawa ng NFA ni Gloria? At ano naman anong ginagawa ng mga  subsidy at dole out programs ni presidente? Katatanggap nga lang na misis ko noong isang lingo ang kanyang  500 pesos na allowance mula sa Malacanang. Sasabihin mo naghihirap ang bayan?” ang patutsada naman ni Dyanong.

“Dyanong, paano mo maiintindihan ang hirap ng buhay e, martir ang iyong asawa na nakukuba na sa paglalabada at pamamalantsa upang may makakain kayo ugok. Samantalang ikaw naman ay puro dyakol lang ang ginagawa maghapon sa Barangay outpost,” ang sabi ni Britney.

Sumabat naman si Menong Kayod ang barangay traffic enforcer. “Aling Britney di ba ninyo nadinig si Pangulong Arroyo sa kanyang SONA. May nabanggit ba siyang paghihirap ng bayan? Wala! Kayo lang naman ni kapitan Kidlat ang nagsasabi niyan palibasa’y mga oposision kayo.”

“Hoy Dyanong at Menong, pakinggan ninyo ito, ha, at ikaw din sikretaryo isulat mo kung gusto mo. Pulse Asia Survey, 75 percent of Filipinos said their quality of life are “worse off” now than last year. At ito pa, 84 percent believe other Filipinos are on the same situation. At saka 72 percent to 94 percent sa mga Filipino ay mas mahirap ang buhay nila ngayon kung ikukumpera noon isang taon. Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng worse, mas malala pa ang kahirapan ngayon!”

“Huh, survey lang iyan, maniwala ka. Bias at may kinikilingan. Gustong hiyain lang ang presidente bago mag-SONA ayun kay Dureza,” mabilis na sagot ni Menong pagktapos niyang ubusin ang laman ng baso niyang serbesa.

“Siempre taga-Malakanyang iyan, natural na ipagtanggol ang kanyang amo,” ang sabi naman ni Britney.

“Mali ka diyan Britney Isper. Analyze first the words of  Dureza; anong sabi-I question the methodology and the way the question was phrased. So ibig sabihin sinadya talaga ng Pulse Asia na lituhin ang mga tao upang masabi na matinding matindi na ang kahirapan ng Pilipinas, sa kabila ng lahat na  tayo ay isang yumayaman na bansa.” paliwanag naman ni sikretario Banong.

Kanina pang nanggigigil sa galit at pagkayamot itong si Britney, “Neknek mo, wala kang pinag-iba diyan sa lola mong sinungaling at nangangarap sa tanghaling tapat, pwe. Kung talagang umumlad itong Pilipinas, bakit palaging pabulusok ang rating ng iyong president?”

“Britney naman, para kang si Joey de Venecia magsalita—your president, my president, hahaha. Sabi ni Dureza tanggap na ni madam Gloria that her popularity ratings are low due to unpopular decisions  na ginawa niya such as keeping the 12% Value-Added Tax on oil products.” hirit namani ni Banong.

“Naman pala, e bakit nagmamatigas pa siya sa VA, ha aber?”

“Kailangan iyan sa social services…”  tugon ng  Sikretaryo

“Na pambili ng boto ng tao,” ang sagot naman ni Britney Isper.

Mayamaya humirit din Boy Balimbing hindi malaman kung saan siya panig. But it looks like kampi siya ngayon kay Kapitan Kidlat. 

“E kung si pareng Fidel nga e disappointed kay Gloria, si Britney pa kaya na loyalista ni ERAP?”

“S-s-sinonggg F-Fidel, Fidel Castro, HA-HA-HA-HA” ang sabat naman nitong si Merong na medyo lasing na.”

Si Britney na ang sumagot, “ si FVR iyan tanga, Fidel Valdez Ramos. Taga suporta ni Ginang Arroyo. Frustrated na daw siya sa gobierno ni Gloria at nanganganib na sumabog ito na parang “ticking time bomb.”

“Ano, si Tabako terorista na, member na na alkayda.” ang palukong sabat naman ni Boy Bentaboto.

“Hoy dakilang nagbebenta ng kanyang boto tuwing halalan sa Kidlatan makining ka, ang sabi ng lolo mo kapag hindi inayos ng lola mo ang kanyang panunungkulan ay oras na lang ang hinihintay at… Di ba sa isang pahayagan ay may sinulat siyang artikulo na patutsada niya sa  SONA. Ano ba ang mga iyon, ay ito wish list, gift list, hit list, or legacy?

 “Di ko maintindihan, masyadong malalim…ano ba iyon sikretaryo.”  kunwari di alam ni  Boy Balimbing.

”To the only balimbing of Kidlatan, FVR said that environmental degradation, corruption and red tape, the broken electoral process, abuses of traditional and turncoat politicians and a business environment favoring dynasties and oligarchs are headaches that need to be relieved soon. Do you understand Balimbing son,” ang pautot naman ni Banong.

Tawanan lahat pati na si Britney. Pero natigil ito ng biglang may text message na nasagap ang cellphone ni Sikretaryo Banong.

“Ay, libreng text iyan secretary, kung hindi ay fifty centavos text per message…” ang banat ni Enteng Ipot na kanina pang kain nang kain ng pulutan. Hindi niya namamalayan bukas pala ang zipper niya, walang brief, at kitang-kita ang kanyang maliit na batuta.

“Peke iyan, another pekeng balita mula sa SONA.”

“Ay hindi ganyan ang intindi ko,” ang pangontrang salita naman ni Enteng Ipot. May hirit pa siya,” sabi ni Madam, ‘Texting is a way of life. I asked the telecoms to cut the cost of messages between networks. They responded. It is now down to 50 centavos,’ kaya hindi peke ito. Nagtext pa nga kami na ilang ulit..”

“Gago, noong SONA lang iyon. Outdated na ang iyang memory mo,” ang sabi ni Britney. 

Sumagot naman si Banong, “ huwag naman hamakin ang pagmamagandang loob ni Ginang Arroyo gusto lang niyang isabit sa SONA iyang “short-term” promo para sa kapakanan ng milyong milyong  cellular phone users in the country.”

“Sinong nagsabi, si Dureza, pambubula lang iyan,” ang mabilis naman na sagot ni Britney.

Sasagot pa sana si Banong nang may narinig silang sulbato. Hudyat iyon na parating na ang convoy ni Kimuchi.

Excited na nagsitayo ang mga nagiinumang tanod para salubungin ang panauhing pantanggal, pandangal pala. Tumayo rin si Enteng na lasing na lasing para makiusyoso rin pero pinigilan ni Britney.

“Iyang zipper mo bukas, kitang-kita ko iyang tiny batuta mo. Baka mapintasan ka pa ni Kimuchi kung makita iyan.”

Dahandahan na tinaas ni Enteng ang kanyan zipper, hiyang hiya siya kay Britney at mabilis niyang nilisan ang tindahan nang pasuray-suray dahil sa kalasingan.

 

 

Advertisements

Responses

  1. kap, bakit kahit saan ako mapadpad SONA parin ang usap usapan?

    bakit di naman kaya mga UFO o chemical reaction pag usapan natin??? hehehe!

    pero nakakatuwa dahil ultimo sa barangay hall ninyo na kahit may sexing bumisita ay nawawalan ng exena dahil sa SONA…

    hehehe

  2. Hinila ko nang walang pasintabi mula sa isang website ang isang usapan tungkol sa hindi pa matapos na SONA:

    LADY 1: Bakit ba patuloy pa ring pinaguusapan ang SONA, OK ba o walang binatbat?

    LADY 2: The delivered a State of the Nation Address (SONA) to Congress was an accurate assessment of a nation’s state as well as a feasible plan for growth and prosperity. However, there is some confusion as to what country she was referring to even if it is a prediction of things to come.

    LADY 1: Hindi pala Pinas ang tinutukoy sa SONA. Santisima Trinidad valley el bobo delayuca, kailan pa matsutsugi o tatamaan ng kidlat yan?

  3. Naintindihan naman kaya ni Dureza ang kahulugan ng “methodology”,hahaha!

    At si FVR naman ay panay ang puna ngayon sa kanyang tunay na amo na si Gloriang Korap. Sigurado, meron na namang gusto/hinihingi si Tabako!

  4. Iyan ang abangan sa susunod na kabanata. Mamaya may puring tabako na naman sa mga taga Pasig River.

  5. yhen, hayaan mo at mababasa mo rin ang session dito sa Kidlatan sa Isyung Basura. Hindi ko sinasabi na isyung pambasura iyang SONA.

    It is all about the environment. Hayaan mo lang na malasing muna sa halik ni Tisay itong abang lingkud ninyo at pag-uusapan natin ang tungkol sa basura.

  6. Ka joe, medyo may sense of humor din si Lady 1, may crush siguro sa aking at nabanggit niya ang tungkol sa kidlat… HA-HA-HA.

  7. Kapitan,
    Dinugas mo yata ako.Wala pa raw pondo iyung tseking ibinayad mo sa talent fee ko ng rumampa ako dito sa barangay hall mo.Insufficient funds daw sabi ng bangko.Papanao na iyung inutang ko para pambayad ng convoy? Pag hindi raw ako makakabayad bukas ay ididimanda nila ako ng staffa.Magagagas ang putatsing ko roon alam mo naman puro manyakis ang mga jail guard doon.Nandoon pa naman si Calauan ex-mayor sanches,mabuti at wala na doon si Jalosjos.

  8. Naku dinugas din yata tayo ni Sikretaryo Banong dahil siya ang nagdeposito ng pera sa bangko. Kaya pala panay ang painom niya sa tindahan ni Britney.

    Kimuchi, kaya pa kaya ni ex mayor ang rumampa sa kama? Balita ko aksidenteng nakuryente iyon. I am not sure lang.

  9. Post ko ito doon kay Cocoy.Inimport ko dito

    Inarkila ni Kapitan ang aking alindog at kaseksihan para rumampa sa kanyang barangay at ang panty ko raw ang gagawin nilang pamalit sa larawan ni Gloria Arroyo doon sa bulwagan ng kanyang session hall.Kinansel ko ang iba kong entourage sa probinsya para pagbigyan siya dahil ang sabi niya sa akin for “Good Cause” lang daw ang kanyang sinimulang kawanggawa at may mga special pa raw siya mga bisita na mga sponsors niya sa kanyang proyekto,Dahil isa rin si Cocoy na sponsor sa kanyang schoolarships at maraming studyanti na nakakapag-aral ng dressmaking,cosmetology,home ecananay at mga OJT sa street sweeping ay pinagbigyan ko.

    Excited na ako at uamarkila pa ako ng convoy para attraction ang aking pagdating,taliwas sa inaakala ko na naligo na ang mga binata doon at ang kanyang mga tanod para mag-paimpress sa akin na mga pogi sila ay iba ang isinalubong nila sa akin,lasing na silang lahat nagtatalo at naghahabulan ng itak.’Out Control” baga at hindi nagamit ni Kapitan ang kursong seniminar niya sa PNP na “Crowd Control” Dahil siya lang at ang sekretaryo niya ang naka helmet na may hawak ng tungkod ng bintana.

    Mabuti at dumating ako kaagad bago pa dumanak ang dugo dahil sa Punyemas na SONA ng Lolang sinungaling na bumaba raw ng 50 cents ang text messaging,mga kontra at maka administrasyon ang mga taong may cedula doon sa Barangay ni Kapitan.Hindi sila solido.Nanalo nga raw si Kapitan sa mahigpit niya katungali na minamanok ng Administarasyong Arroyo dahil nagkasakit ng katarata si Bedol at nilagnat si Garci kaya hindi umubra ang “Dagdag-Bawas” at si Kapitan talaga ang lihitimong nanalo.Dahil malakas ang hatak ng pera,pina squat ki Kabayan ang mga tao sa barangay niya na naging biktima ng demolation sa tabi ng Riles dahil daw sa North Rail project.

    Ng Naghubad na ako ng panty at bra nadaig ko pa si Pakyawa na tigil trabaho at tigil pasada para panoorin lang ako. ng inihagis ko na ang aking panty ay biglang nag-anunsyo si Kapitan na bibigyan daw niya ng tatlong kilong NFA rice iyung nakasalo para iakyat sa entablado.Habang umaakyat sa entablado ay sinabayan ng tugtog na Cha-cha at medyo natagalan dahil nagsayaw ba naman ng urong-sulong at marami pang ceremonya.Ayun ng officialy idisplay na ni Kapitan at tinangal ang malaking larawan ni Gloria na nakakwadro ay sinabayan pa ng paputok ng kwitis at palakpakan ang mga tao, nagtatawanan,nagyakapan at doon ko nakita sa lugar ni Kapitan na napakarami palang mga bungal.HIHIHIHIHIHIHIHIHI.

  10. Bravo, you make me tawa again…Ngiaw, ngiaw, ngiaw….

  11. Kimuchi

    Sa palagay ko, isang araw bubulagain mo kami at di kaginsa-ginsa’y mayroon ka na ring sariling website.

    Ang pilantik ng iyong birada sa itaas ay may arangkada na kasing lasa nitong Barangay Kidlatan, may rekadong ala-Colegiala Girl at Yhen’s na binudburan ng pampagana galing sa kabubukas na delata na nabibili sa Cocoy’s Delight.

  12. Kimuchi.
    Talagang performer ka. Kakaiba ang dating ng kaseksihan mo, malayo ka pa lang ngunit tumamakbo na silang papalapit sa iyo. Yan ang magnet ng iyong feline body movement habang naglalakad at sumasayaw. Your words paint the beautiful you.
    Diba Kap, tito Joe ?

  13. naku magandang usapan yang basura kap. naalala ko nung huling umakyat ako ng baguio eh sandamakmak na basura ang bumati sa akin…

    wats wrong wid the world???

    anya metten!!!

  14. Ay wen ngarud yhen, kagapgapu mi met idi Mayo and we saw a lot of garbage. Kaya sabi ko kay Tisay ano ba ang nangyari sa City ninyo, hindi ganito noong mga bata pa tayo. Dito kasi lumaki si Tisay kahit hindi sila tunay na taga Baguio dahil purong tagalog ang mga parents niya na kapuwa taga Maynila. Nakapanghihinayang ang mga magagandang tanawin na nawala na ngayon.

  15. wen garud kap.

    apay nga agpaysu…

    nwei, hope the city government will do something about this issue. and tama din sila dapat maging disiplinado din dapat ang mga tao.

    kelangan panindigan ang waste segregation.

    pero yun nga sinara nadin ang irisan dumpsite.. paano na kaya yun?? haaaysh!!

  16. makisawsaw sa inyong usapan dahil galing din ako ng Baguio City. Siguro kung papayag ang Naguilian, baka dito na sila magtatambak. Kailangan lang i-secure iyong area na walang tatagas na chemical na manggagaling sa basura.

    Another possible dumpsite is Bauang La Union. The problem naman dito baka tumagas papuntang dagat ang mga chemicals. Again kailangan na naman ang preparation diyan.

    And to top it all the problem is ngayon na kailangan itapon ang basura. It will be a rapid clearing of garbage in Baguio kasi iyong meningo na kinatatakotan baka babalik na naman dahil lang sa mga basurang iyan.

  17. Saka ipatupad ng mahigpit ang recycling. Ang hirap sa Pinas e iyun lang magdya-dyaryo/magbobote/ at magbabakal ang marunong mag-reycle. Buti pa sila at meron conscience para sa mundo (though most of them don’t really realize the good they’re doing to the environmen, kasi ay hanapbuhay iyan para sa kanila).

  18. Tama yang sinabi mong papel ng magdya-dyaryo at magbobote at magbabakal. Malaki ang tulong nila sa recycling at pinagkakakitaan pa.

    Sa aming bayan, mayroon isang photographer na nagiba ng negosyo. Namili na siya ng luma dyaryo, bote, garapa at bakal. Ang kanyang studo na dati ay ang nakasabit na karatula ay Photogenic Studio pinalitan nya, at totoo ito, ng:

    Photogenic Dyaryo Bote Bakal

  19. Si Lucio Tan ay dati lang magbobote/diaryo. Ngayon, siya ang bilyunaryo na may-ari ng PAL at PNB, etc.

  20. Sana ganito rin ang panuntunan ng ating mga kababayan to start with small things at kapag may pagkakataon na umunlad tuloy-tuloy nang samatalahin ang pagkakataon. Gamiting ang utak, lakas, at positive attitude sa pagpapaunlad ng kabuhayan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: