Posted by: kidlatanvillage | July 25, 2008

Numero 13, Malas ba ito sa SONA ni Pangulong Arroyo?

Magsasalita na naman si Ginang Arroyo sa Kongreso para sa kanyang State of the Nation Address o (SONA). Dito ipapahayag at ipapaliwanang ng pangulo kung ano na ang kanyang mga nagawa sa isang taon na panunungkulan. Sa isang banda dito rin niya ipaliliwanag kung ano ang mga hindi niya natupad at kung bakit. At pagkatapos niyang ihayag ang mga matatamis na bunga ng kanyang panunungkulan, hihilingin din niya sa Kongreso at Senado ang pagpapatupad naman ng mga batas na lalo pang magpapasigla ng kanyang panunungkolan at pagtugon sa mga pangangailangan ng taumbayan.

 

Very Good. Walang masama diyan. Karapatan ng Pangulo na ihayag kung ano na ang kanyang mga nagawang ikina-unlad at ikinabuti ng buhay ng mga tao. Ang tanong, lahat ban ng mga sinabi at sasabihin pa ng Pangulo sa SONA ay makatotohanan at kapanipaniwala?

 

Tamang-tama naglabas naman kamakailan ang Pulse Asia ng resulta ng kanilang survey (July 1 to 14) tungkol sa SONA ng pangulo at nakapagtataka na “only 13%” sa buong kapuluan ang naniniwala dito. Sabi nga sa report na “there is much skepticism as to the truthfulness” ng SONA ni Pangulong Arroyo.

 

Sa isang banda hindi rin naman natitinag dito ang Malakanyang, bagkos sinabi pa nga ng palasyo na “the best  judge” sa performance ng pangulo ay ang mga taong mahihirap na kanyang natulungan sa panunungkulan niya.

 

Ngunit sabi naman ng kanyang mga kritiko, anong klaseng tulong? Mga pera ba at pagkaing ipinamumudmud na wala namang kongkretong naiaambag sa pag-unlad ng mga mahihirap? Idagdag pa natin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ang presyo ng gasoline at krudo at pagdami ng bilang ng mga walang hanap-buhay at nagkakasakit.

 

Sa mga ganitong pahayag (kung tutuusin) ay hindi nga matagumpay ang programa ng pangulo sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga mahihirap, ang edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at ang pag-angat ng ekonomya. Sabi nga ng Bayan, bagsak daw talaga an ating ekonomya sa pamumuno ni Pangulong Arroyo. May katotohanan ba ang mga ganitong pahayag? Kung gayon ito ba ang isa sa mga dahilan ng parating pagbulusok ng rating ni Pangulong Arroyo?

 

Tutukan muli natin ang report tungkol sa survey ng SONA ng Pangulo.

 

Among those aware (60%) of the SONAs, “a big plurality (46%) nationwide believes these SONAs had not been truthful, with another almost equally large number (41%) being undecided as regards their truthfulness.”

Only 13% nationwide said Arroyo’s SONAs had been truthful.

Mindanao had the highest percentage of people who didn’t believe in Arroyo’s SONAs with a slight majority of 53% saying her SONA’s were not truthful.

Urban Visayas registered the highest percentage of people who thought that Arroyo’s SONA’s were truthful with 21%.

In the various income groups, 49% in the poorest income group (E) said Arroyo’s SONA’s were untruthful; among the ‘masa’ (D), it was 46%, while among the upper- and middle-income groups, it was 41%.

In the age groups, older folks tend to be more doubtful of the SONA. In the 65 and up age group, 53% said Arroyo’s SONA’s were untruthful. In the youngest age group, 18 to 24, 33% said the SONA’s were untruthful.

SONA 2008

On the truthfulness of Arroyo’s SONA on Monday, Pulse Asia said “past patterns of public skepticism as well as outright disbelief regarding the truthfulness of President Arroyo’s SONA carry over into present times.”

A big plurality of 46% were undecided whether Arroyo’s SONA next week will be truthful.

Forty percent said the SONA on Monday will not be truthful while only 14% said it would be truthful.

Over time, from July 2005 to July 2008, Pulse Asia said the “perception of untruthfulness for her past SONAs has suffered attrition which is critical precisely because only a small number of people (at best 18% in July 2005, now down to 13% in July 2008 ) hold this positive view.”

“A marked, double-digit reductioin in public vacillation between July 2007 and July 2008 (from 52% to 41%) did not do President Arroyo much good as many among the undecided public apparently resolved their doubts in favor of a more negative assessment of her past SONAs,” Pulse Asia said.

The July 1 to 14 survey was based on a multistage probability sample of 1,200 adults (18 years old and over). It has a plus/minus 3 percentage points error margin at 95% confidence level, the polling firm said.

 

Sa Lunes mapapakinggan muli ng buong bansa at pati na rin ng ating mga kababayan sa ibat-ibang dako ng daigdig ang kanyang SONA. Malamang mapaguusapan muli sa buong daigdig ang laman ng SONA ng Pangulo at ang mga pangakong kanyang bibitawan. Magkakaroon muli ang paghahambing ang noon at ngayon.

 

Sa parting ito naalala ko ang sinabi sa aking nga king barbero habang ako’y kinakalbo…  “Dito ako natatakot sa pagpapakalbo mo bosing dahil baka sa isang taon ka na lang babalik at mawawalan na naman ako ng kikitain. Talagang pahirap na pahirap na talaga ang buhay dahil pati kayong aming suki ay natoto na ring magtipid at wise na rin sa pagpapagupit.”

 

What can I say, di yes?

 

Mabalik tayo sa unang katanongan, malas ba ang numero 13 sa SONA ng Pangulo?

Advertisements

Responses

  1. una, salamat sa blogroll, na add na rin kita! wala namang basehan ang malas di ba? parating co-insidence lang pero di naman masama kung maniwawala tayo sa malas…

    gawin na lang nya trabaho nya! tama na corruption…

  2. kung minalas si Erap sa numero 13, mamalasin din ang SONA kung hindi susuwertihin. A ewan, it all depends sabi da…

  3. wala naman malas sa 13… nasa isip lang natin yan..

  4. Kikidlat ng malakas sa Monday d’ 13 at masusunog ang Tongress of Pinas, kasamang malilitson ang lahat ng trapols na aatend!

  5. KapKidlat

    Ngayon lang ako napasyal dito sa iyong barangay.

    Kahit anong numero ang ikabit mo kay gloria, lalabas na malas. Kung partneran mo ng isang numero, sa jueteng ang labas, mga tsokaran din nya ang makikinabangan. Lalo na kung ikakabit mo sa SONA, lalo nang magkaka malas-malas. Wala na tayong mamalas na maaliwalas na araw. Hayan at may bagyo na namang nagbabanta, si Igme.

  6. Kapitan,
    Itong SONA ni Gloria Arroyo ay same bullshit na naman.Maganda lang ang nakasulat sa papel na matagal niyang iminimemorya at babasahin pero sa katotohanan ay ampaw at walang saysay.Sayang lamang ang kikitain ng mga mangagawa kapag makinig sila ng SONA.

  7. salamat sa pagsama rin sa amin sa iyong blogroll mangbadoy. Naniniwala din po ako sa mga sinabi ninyo. Mabuhay!

  8. Korrrrek ka diyan ka joe. sana dalas dalasan mo ang pagparito at kailangan namin ng isang magaling na adviser at analyst. Puro mga bagito pa kasi ang mga kagawad ko kaya kailangan pa nila nang matuto ng husto. Mabuhay ka Joe.

  9. Tamang tama ang tirada mo Kutsara. Ampaw, walang maasahan. Dalawa na kayo ni colegiala na nagsabi niyan. Paano kung puro ampaw na lang ang kakainin, di puro hangin lang ang pumasok sa ating bituka. Ano ang labas, di utot… at ito ang rating ngayon ng karamihan sa mga tao (sa palagay ko lang) sa SONA na naman.

  10. Kutsara,
    kailangan namin dito ang isang mahusay na electicians dahil maraming mahilig mag-jumper. Sana lagi kang papasyal sa amin. May safe conduct pass ka na at hindi ka na haharangin ng mga tigas boys sa kanto (tiga saing, tiga bili, tiga laba, tiga walis ng kidlatan, etc.)
    Hindi lang iyan kayong lahat na pumasok ngayon dito, by virtue of my authority you are hereby considered citizens of Barangay Kidlatan. Mabuhay.

  11. Hindi lang kikidlat mare, lilindol pa sa mga alingasngas at simangot ng mga tao.

    Kumare kailangan namin dito ang expert political analyst kaya iniimbita ka namin na maging citizen patrol ng Kidlatan village. Pakiusap ng aking ambisiosong sikretaryo de barangay ay turuan daw ninyo siya nang tungkol sa pulitika at gusto ata niyang kalabanin ako sa susunod na election, hahahaha.
    By the way kaya ko hindi sinipa ang aking secretary sa pakikialam niya sa aking barangay hall ay dahil naisip-isip ko rin na wala palang tambayan ang mga taga CD kung nagbabakasyon si pareng cocoy. Kaya pinayagan ko nang ilantad ang aming “La Solidaridad,” hahahaha. Salamat.

  12. Kung nalaman ko agad itong barangay mo, noon pa sana ako nangapit bahay d2.

    Hayaan mo at palagi akong mamamasyal para masaya. Kapag nagpatuloy umabsent sa CD itong si Pareng Cocoy, baka ang mga parokyano niya maglipatan dito. Pero hindi, siempre susuportahan nating lahat habang si gloria pa ang isyu. Itong topic na ito ang nagbuklod sa amin noon sa isa pang blog at lalong tumibay nang mabuksan ang CD.

  13. Katulad nang naiposte ko sa kabila, itong si Joker Arroyo ang diumano ay isa sa hindi dadalo sa SONA ngayong araw. Fashion show lang daw ang mangyayari. Ang pinatututsadahan nya nito ay ang benefactor nya dahil balitang naka green attire si gloria. Di kaya resbakan din sya ng mga alipores ni gloria kapag ganitong binabanatan ang senora nila?

    O di kaya’y padahak lang ito ni Joker para naman madyaryo. Kanya kanyang gimik ang mga karaho.

  14. Kaya dito sa Same Old Nonsense Address (SONA) ni Gloria, hindi na kailangan ang props tulad ng bangkang papel noon. Sapat na ang walang silbing ANGKLA na animo’y nagyayabang sa dagat. Yon ang simbolo ng mga umuugit sa pamahalaan. At ang lumubog na M/V Princess of the Stars… ganun maihahambing ang kalagayan ng bansa. Subasob at nakataob.

  15. Kapitan,
    Dapat si Maningning ang gawin mong muse ng barangay para naman ganahan ang mga tanod mo na magpatrolya at laging manghihimas ng kanilang mga batuta.

    Teka nga muna.Hindi na ako makabalik sa Cocoy’s Delight.Hindi mo pa yata ikinonek ang linya pabalik doon.Gusto mo ng electrician para iseries ang kuryenti?

  16. Kuya Joeseg,
    Sinundo na raw ni Kuya Badong si Manong Cocoy sabi ni FPJ sa probinsya.Kaya lang kahit dalhin pa niya ang laptop na bigay ni Artsee ay hindi rin uubra dahil walang linya ng internet.

  17. Sa minus 38% na popularity rating ni gloria, ang depensa ni Sec. Ermita, let the people judge daw sa kanyang sinasambang panggulo ng Pilipinas, not the survey.

    Baluktok na katuwiran ni Ermita dahil sadyang bulag, pipi at bingi ang mga taga Malakanyang sa mga kaganapan. Nagkaroon yata sila ng amnesia na inilampaso ng taong bayan ang mga kandidato pagka senador ni gloria noong last year’s elections. Pasya ng taong bayan yon. Hatol ng bayan yon.

  18. Hi Kutsara

    Napadpad na rin tayo dito. Kung gusto ni Pareng Cocoy magpost, may internet sa Iba, Zambales o kaya punta siya ng Gapo. Ang pakilasa ko, napapaligiran siya ng mga kaibigan na matagal na nyang hindi nakaka-jamming. Ang daming area sa Zambales na pwedeng puntahan, ganda ng mga beach doon, daming gagandang bitch.

  19. Hot issue ngayon ang Population Explosion dahil may bill upang mapigilan ito at kinokontra ng simbahan. Tunghayan natin sentro ng issue: Sex

    1. Sex is a beauty treatment. Scientific tests find that when woman make love they produce amounts of the hormone estrogen, which make hair shiny and skin smooth.

    2. Gentle, relaxed lovemaking reduces your chances of suffering dermatitis, skin rashes and blemishes. The sweat produced cleanses the pores and makes your skin glow.

    3. Lovemaking can burn up those calories you piled on during that romantic dinner.

    4. Sex is one of the safest sports you can take up. It stretches and tones up just about every muscle in the body. It’s more enjoyable than swimming 20 laps, and you don’t need special sneakers!

    5. Sex is an instant cure for mild depression. It releases the body endorphin into the bloodstream, producing a sense of euphoria and leaving you with a feeling of well-being.

  20. Karugtong noong sa itaas:

    6. The more sex you have, the more you will be offered. The sexually active body gives off greater quantities of chemicals called pheromones.These subtle sex perfumes drive the opposite sex crazy!

    7. Sex is the safest tranquilizer in the world. IT IS 10 TIMES MORE EFFECTIVE THAN VALIUM.

    8. Kissing each day will keep the dentist away. issing encourages saliva to wash food from the teeth and lowers the level of the acid that causes decay, preventing plaque build-up.

    9. Sex actually relieves headaches. A lovemaking session can release the tension that restricts blood vessels in the brain.

    10. A lot of lovemaking can unblock a stuffy nose. Sex is a natural antihistamine. It can help combat asthma and hay fever.

  21. Kapitan

    Sumaglit ako rito upang magpasalamat sa inyong pagdalaw sa aming hometown. Ako ay biglang binulaga sa inyong pagbisita sapagkat napakalayo noon upang ang mga Barangay Kidlatan ay makarating sa amin.

  22. Mga kaibigan natutuwa ako at binisita ninyo ang only kapitan na hindi nagpapahawak sa leeg ng mga pulitiko. I stand alone with my karsonsilyo, but with you around I feel I am standing on a rock, hahahaha.
    Dito lang kayo habang hindi pa available si kumpareng Cocoy.

  23. Ka Joe bumili na ako ng paniki para makalipad lagi papuntang Calauag. Mabuhay!

  24. Hi! I am just coming to return a blog visit to your site. Unfortunately, I cannot read the language, so all I can really say is hello, but I will keep checking back. 🙂

  25. Hellow!!!!
    meron po kaming QUIZ .
    eh hindi po ako masyadong nakanood.
    kalahati lang po pano ko po malalaman ang mga sinabi ni Pangulong GLORIA Arroyo noong SONA???
    sana po ma replay ang SONA…

    9 yrs. old
    grade IV
    Marian School of Q.C
    Lakeisha Joice L. Ganutan
    call me cutie princess joice

  26. Go!!!!!!!!!!!!!!
    Thanks
    For being a_____________________________….

  27. Hellow!!!!
    meron po kaming QUIZ .
    eh hindi po ako masyadong nakanood.
    kalahati lang po pano ko po malalaman ang mga sinabi ni Pangulong GLORIA Arroyo noong SONA???
    sana po ma replay ang SONA…
    Reply na lang po sa Friendster:
    lakeisha_joice@yahoo.com

    9 yrs. old
    grade IV
    Marian School of Q.C
    Lakeisha Joice L. Ganutan
    call me cutie princess joice


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: