Posted by: kidlatanvillage | July 15, 2008

This is a porn sight, (or porn site?) tama ba ang spelling o gamit na salita?

Which is the right word/term for it?

Kulas and Paning are among the jerks in the neighborhood, they quitted their job as carwash boys just to put up a website. And now they spend most of the day surfing the internet.  They have been contemplating log ago to put up a website for purposes of making money by exhibiting pornographic materials. They have collected a lot of nudity and porn pictures from the local bar girs ready for posting. But there is a disagreement between them as what title to use. The have not settled yet as to the right word to use; is it websight or  website. To date they are still arguing on what to use. It is a good thing their stupidity worked against them, or else the could have added another evil site corrupting the minds of people in the abuse and commercialization of human sexuality.

May halaga din pala ang isang pokpok

Sinong gago ang nagsasabi na walang kuwentang buhay ang pagiging isang pokppk, parang abogagong (abogado pala) lasing na nakikipagdiskusyon ni Paning sa kanyang kaibigan.  Parang pareng nanunumbat kung makatingin sa kaibigan habang siya’y nagsasalita.

“Bakit kung walang pokpok na matitisod mo sa kalye makakapagparaos ba diyan ang mga manyakis at batong-bato na sa libog na walang asawa at girlfriend?”

 Sumagot naman ang kaibigan na ala born against (born again pala) pastor na naninisi nang mga makasalanan kung makapagbitiw ng salita. “Bakit wala na bang paraan para makapagparaos ang isang lalaki na hindi vast basta-basta na na lang makikipagtalik sa mga pukpuk? Palagay ko meron, anong ginagawa ni Mariang Palad?”

Bwahhhhhhaahahhhah… Tawanan sila. Si Kulas ay napahalakhak din ng todo; parang kapreng naluluha na sa pagtawa habang naninigarilyo ng mumurahing brand.

May punto itong si Kulas. Dahil sa tukso ng laman marami diyang buhay ang nasira, mga pamilyang nagkawatak-watak dahil lang sa kagagawan ng isang pukpuk. Pero bakit mo sisihin ang isang pokpok, di ba trabaho nila iyan. At iyong customer naman na nagugumon sa tawag ng kamundohan, walang siyang dapat sisihin kung hindi ang sarili niya… Kung magkatulo, magkasakit ng AIDS, at kung maputulan siya ng kaligayahan dahil sa sobrang pagseselos na ng kanyang darling…

Teka, nalalayo tayo sa usapan. Pakinggan naman natin si Paning.

“Kulas hindi basta basta nagpapagamit ang mga ppkpok na walang bayad. May halaga sila kahit putik pa ang tingin sa kanila ng lipunan. Kung putik man, sila na ang pinakamasarap na putik sa balat ng lupa.”

Nagtawanan uli ang magkaibigan na parang sirang ulo na takas sa Mental Hospital doon  sa may  Nueve de Pebrero ng Mandaluyong City.

Ay, tama din si Paning. Sabihin mo mang kalapating mababa ang lipad, may halaga din ang mga pokpok na iyan. Mga tao din sila na may puso at damdamin. Puwedi rin silang magmahal at magpakasakit alang-ala sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay. Kaya nga tinitiis na lang nila ang paiba-ibang klase ng ari ng mga kalalakihan na pumapasok sa kanilang ari din na kung hindi man gasgas ay nagkakatulo na sa pagiging over used. At ang kaunting halaga na nakukuha nila sa pagbebenta ng kanilang “tapa” sa gabi at umaga ay kadalasan napupunta lang sa pagkain at bisyo. At may kabayaran din ang lahat… sakit at kung hindi man ay kamatayan.

Tumatawa man ang magkaibigan ngunit may isang bagay na pumasok sa makitid nilang pagiisip. Bakit ba mahalaga sa Diyos ang isang babaeng bayaran? Bakit hindi itinaboy ng Diyos, bagkos ipinagtanggol pa ang isang Magdalena sa kapahamakan? A, mahalaga din pala ang isang ppkpok dahil nabili sila sa dugo ni Kristo bilang isang Anak ng Diyos at tagapagligtas ng mga makasalanan.

Tama si Paning, may halaga din ang isang ppkpok, hindi bilang nagbebenta ng laman sa murang halaga, kundi isa rin siyang tao na may karapatang mabuhay ng makabuluhan sa mundong ating ginagalawan. Hindi sa presyo ng pagpapagamit ng pokpok siya mahalaga kundi ang kanyang pagkatao. Dito nasusukat ang halaga ng kanyang buhay at pagkatao. Kaya sa halip na dinuduraan siya sa mukha, pang-unawa at pagmamahal sa kapuwa ang tanging inaasahan niya sa bawat isa sa atin.

After all sino ba sa atin ang hindi putik at ni walang bahid ni isa man lang kasalanan?

Advertisements

Responses

  1. may tuldok ka.. i mean may point ka..
    tao din naman sila kahit papano at sino nga ba satin ang hindi natalsikan ng putik.. Nakasaad nga sa bible. sabi ni Jesus *kung sino man ang hindi nagkasala sa inyo ay kumuha ng bato at ibato ito sa babaeng ito (maru magdalene)

    Kung si Jesus nga binigyan nya ng pagkakataon si Magdalena. Sino ba tayo na para husgahan agad sila..

    may rason kung bakit sila nasadlak sa ganoong gawain. at kahit ayaw pa nila. wala silang magagawa dahil kelangan din nila mabuhay at bumuhay ng pamilya..

    Pukengina! ang seryoso ko potah!

    natuwa ako sa title kala ko mag eenjoy na naman ako kase PORN eh.. yun pala sus seryosong post din pala to..

    salamat nga pala sa pagdaan sa site ko.. 😀

  2. Ay naku, ang pokpok ay isang service oriented person, huwag siyang laitin dahil tao lang siya. Ewan ko sa mga kapitbahay mong pasaway, ambisioso pa pala ang mga carwash boys na iyan.

  3. Salamat kaibigan FerBert sa comment at pagbisita mo. Malaking bagay ang mga naturan mo komento, makakatulong ito sa mga kababayan natin na hindi pa ganap ng tanggap ang mga Magdalena sa lipunang ito. Salamat uli at welcome na welcome ka dito. May green card ka na at anytime na gusto mong mamasyal sa ating village libreng-libre ka. God bless.

  4. Women are usually the main victims of commercial sex exploitation. Women are always exhibited as sex objects. How I wish the world dominated by powerful men shall be more compassionate to women.

  5. Ako po ay may pokpok na asawa, may isa rin kaming anak, di nga ako makapaniwala na nagpopokpok sya sa loob ng 6 years naming pagsasama. nasa abroad ang mga magulang naming pareho na sumusuporta sa pangangailangan namin. Can you Imagine?!? Di naman nagugutom? Nag-aaral pa nga anak namin sa private school.

  6. May mga pagkakataon na inuunawa na rin natin ang kalagayan ng mga pokpok. Hindi natin sila basta-basta mahuhusgahan niya.
    Hindi mo naitatanong Kamotemo, isa akong social worker na humawak na ng maraming kaso ng mga sex workers. Ibat-iba ang dahilan, ngunit nasa tao pa rin ang huling desisyon kung gusto niyang magbago o magpatuloy sa pagiging pokpok.
    Isa lang ang maliwanag, bukas ang pintuan ng pagbabago sa sino mang nais magbago.
    Sana maka pagkuwentohan pa tayo lagi.
    Salamat sa iyo.

  7. Siguro nga sa paningin ng tao madumi at di kanais nais ang ganung uri ng trabaho.Yun nga lang sa hirap ng panahon ngaun masakit man tanggapin alam ko na pikit mata nilang pinasok ang ganun.Mahirap pero alang alang sa kalam ng sikmura at matinding pangangailangan pinili nila ang ganun.

  8. mga walang silbi sa lipunan ang pokpok’ na mga yannnnn hindi sila dapat pag usapan. at di rin dapat tularan sa kanilang maka mundong pagnanasa sa kasalanan na huwad.

  9. Ngayong semana santa ay ating alalahanin kung paano pinatawad ng ating panginoong Hesus ang mga makasalanan tulad ni Magdalena at at isang nakapakong kawatan sa krus na katabi din niya noong siya’y ipako rin siya sa krus dahil sa kasalanang di niya ginawa. Ang mahalaga ay ang aminin ang iyong kasalanan, magsisi ka, at tanggapin siya bilang iyong tagapagligtas.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: