Posted by: kidlatanvillage | July 12, 2008

Ligawan sa Kalye (Hot Dogs Jogging on the Road, Ha-ha)

It is really disgusting, these dogs one female and several macho mongrels are chasing each others around the neighborhood. They are very noisy. I got mad and stoned them, they ran away. I went inside the house and again they came back still fighting each other as to who will be the first one to meat, sorry, to mate  Judy Ann our sexy mongrel dog. Neighbors are also mad with dogs barking everywhere like mad.

Kaya laging pinagsasbihan ako ng aming mga kapitbahay na ikulong at itali (as in talik) ko raw ang aking aso dahil masyado daw silang naiingayan. Ang sabi ko naman, pasensiya muna sila dahil in-love iyong aso kaya lagi siyang nakakatakas sa kulungan upang hanapin lang ang kanyang mga lovers na askal. Nagalit iyong matrona, malandi daw kasi ang aking aso… Sabi ko naman e sinusunod lang ng hayop ang kanyang nararamdaman. Mabuti nga iyan at inaasawa siya sa kalye kaysa tumanda siyang dalaga na di man lang nakatikim ng kahit isang pulgadang grasya man lang ng kaligayahan.

Aba bastos ang matrona, kinakausap e, bigla na lang akong tinalikuran. Pilosopo daw ako at isip askal na rin. Aba sinagot ko nga ang senioritang pinagtampohan ng tadhana. “Hoy bruha huwag mo akong matawag-tawag na askal dahil hindi ako mestiso. Maitim nga lang (psst pati ang aking…). Bastos man si ako pero hindi isip askal… ” Maginoo ito hoy… (at saka kuripot).

Sagot uli ang bruha, ayaw kong makipag-usap sa iyo sayang lang ang oras ko. Hindi ko na siya sinagot pa, dahil kumakapal na ang mga usi (usyosong mga kapit-bahay, pati mga pusang ligaw nakikipanood na rin).

Lagi na lang kayo nagaaway ni Malou, ligawan mo kasi ang biro ni Kapitan. Paano ko naman liligawan ang tapiang iyan e sa mukha pa lang e ni ayaw mo na siyang tignan. Parang pelikulang nilalangaw sa takilya starring Sandara and Bhoy Bakulaw. Anyway itinali ko na nga si Judy Ann kahit ayaw niya, nagpupumiglas, nagmamakaawa dahil parang kawawang cowboy na nakatingin sa di Kalayuan si Rayan na kanyang giliw. Tinalo kasi ni Rayan si Batista sa dog fight kaya siya daw ang may karapatan na maki-pagdogfight naman sa kanya.

Matagal-tagal ko ring di nakita si Malou. Bakit ko nga ba pagaaksayahan ng panahon ang maluwang na iyan, maluwang ang tornilyo sa kanyang ulol, hmmmm ulo pala. 

Pero parang nananadya yata si Kap, kapalaran. Dahil sa isang Mall bigla ko na lang siyang nakitang may kasamang guwapo. Hindi ko alam kung matatawa ako o… kasi biglang gumanda ang bruha, nagmukhang disiotso-otso siya. Ang ganda pala ng bruha kung magayos at saka sexy. Ang puputi ng kanyang mga legs na matagal nang itinatago ng kanyang pantalon. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya. Pero ang kanyang kasamang guwapo ay nakasimangot. Suntokin ko kaya.

Ako naman ang hindi nakatulog kinagabihan. Hindi ako makapaniwala na napakaganda pala ni Malou. Ang kanyang tipo ang dahilan kung bakit hindi pa ako nagaasawa, siya lang pala ang kasagutan sa matagal ko nang hinahanap na pisikal na katangian ng isang babae.

Mabuti na lang at nakasagutan ko siya dahil sa mga hot dogs at dahil dito I am now in hot pursuit with her. Malalim pa ang gabi, pero maraming araw na ang nagdaan, hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa aming dalawa, dahil hindi pa ako sinasagot ng pinakamangandang bruha, sorry, take two–pinakamangandang babae sa balat ng mundo.

Pahabol: makailang ulit nang manganak si Judy Ann pero hindi kay Rayan ang huli dahil lumipat na ang amo ni Rayan sa Bulacan. Sana sagutin na rin ako ni Malou at nang mapakasalan ko siya sa Huwes (nagtitipid for the future) at nang maanakan ko naman siya dahil gusto ko nang lumagay sa tahimik at magka dayunior.

Advertisements

Responses

  1. malapit na ang earthquake, paikot-ikot lagi si Judy Ann na parang may hinihintay na…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: