Posted by: kidlatanvillage | March 21, 2008

Barangay Kidlatan, atin ito …

Ang Barangay Kidlatan International ay idiya ni Kapitan Kidlat magmula nang siya ay managinip na inilipat daw doon sa gitna ng Pacific Ocean ang kanyang Barangay Hall. Kasama niya ang kanyang tapat na sekretaryo, pilit nilang binuo ang isang pangarap, ang magtayo ng isang Model Community sa gitna ng Pacific Ocean. Sa tatlong maliliit na isla na tinawag niyang Kidlatan Group of Islands, nagtatag siya ng isang international sanctuary para sa mga nalulumbay sa buhay, nababagot, nagngingitngit sa takbo ng pulitika, nababahala sa global warming, at marami pang isyung pandaigdigan.

Sa mga naglalakbay lang sa daigdig na walang ideya kung saan sila ipadpad ng kapalaran, dito na lang muna kayo at magmunimuni nang ating masilayan ang liwanag ng pag-asa.

Subalit isipin din natin na nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.

Mula sa panulat ni Dr. Jose Rizal, ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa patutunguhan. (Why not use your GPS baby ang sabi naman ng kabit ng Kanong itim.)

Bagamat kayo ay nasa duyan ng pagkakahimbing at pansamantalang iniwan ang mundong kinagisnan, paminsan-minsan ay ating balikan ang mga responsibilidad na ating iniwan, tapusin ang mga gawaing sinimulan, at magumpisa muli ng mga adhikain na nakakatulong sa bayan.

Sama-sama tayong mangarap, sama-sama rin tayong bumangon at gumising, at pagsaluhan natin ang biyaya ng ating mga tagumpay. Magka-isa bilang isang bansa, magka-isa bilang mamayan, magka-isa bilang mga Pilipino.

Sigi bilhin na ninyo lahat ang paninda kong ukay-ukay!

NOTICE: SA MGA BAGONG PASOK AT MGA NAGBABALIK DIN, DITO SA VILLAGE NATIN, MAGWISH LANG PO KAYO… 1. FOR A BETTER WORLD TO LIVE 2. FOR YOUR SUCCESS AND PROSPERITY AS A FAMILY 3. HEALTH AND HAPPINESS OF ALL PEOPLE IN THE WORLD. WHO KNOWS, SOMEONE UP THERE WILL HEAR YOU  AND GRANT YOUR WISH. SALAMAT PO.

Advertisements

Responses

  1. Sikretario ituloy mo lang ang magsulat ng iyong imahinasyon.

  2. gusto ko larawan

  3. Thank you Joan for visiting our village. Sige mag-enjoy ka lang dito sa amin. Sana palagi kang mamasyal sa paraiso ng pangarap. We can stay and dream together for a peaceful world and loving society of people.

    Ang larawan na ito ay kuha pa sa Baguio. Salamat at napansin mo. God bless.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: