Posted by: kidlatanvillage | April 6, 2010

Madaling Tumakbo; Paano na Kung Manalo?

Nagmuni-muni din ako sa Holy Week sa paggunita ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Natuon ang aking pansin sa mga salitang kamatayan, pag-asa, at pagkabuhay. Aking pinagnilay-nilayan ang kahulogan ng bawat salita sa aking buhay bilang isang Kristiano, isang mamayang Pilipino, at isang taong pulitikal sa pag-iisip.

Sa kamatayan ni Kristo ay naghatid ito ng kapatawaran sa pagkakasala ng mundo, at kalayaan sa parusang kamatayan na sanhi ng pagkakasala na tao sa Diyos. At ang muling pagkabuhay ni Kristo ay nagdulot din ng pag-asa sa atin na may buhay palang walang hanggan para sa mga taong may pananalig sa Diyos. Bilang mga Kristiano ay batid natin kung gaano tayo kamahal ng Diyos. At ganon din ang nais ng Diyos na ating gawin sa ating mga kapwa ang mahalin sila, unawain, at patawarin sa kanilang mga pagkukulang sa atin. Ito’y halimbawang iniwan sa atin ng ating taga-paglistas na si Hesu-Kristo. Kaya din kaya nating gawin? Mahirap ngunit kung ito ang bilin sa atin ng Diyos ay bakit hindi tupdin? Pero sa isang banda ay kailangan din nating mabuhay ng tapat, parehas, at hindi taliwas sa kagustohan ng Diyos. Bilang mananampalataya ay kailangan din nating sumunod sa mga batas ng ating lipunan sa batas ng Diyos. In other words, be a good and law abiding citizen , di po ba?

Kung mahal natin ang ating Diyos, dapat ay mahal din natin ang ating bansa at ang mga namumuno. Dapat ay concerned din tayo sa mga kaganapan sa ating lipunan at pamahalaan. Dapat tayo ay maki-alam, purihin ang mabuti at itakwil o tuligsain ang mga masasamang bagay na nangyayari sa ating kapaligiran na maaring kagagawan mismo nating mga mamamayan o kapalpakan ng ating mga namumuno ng bansa/bayan. This is in line with what God means of righteousness. Let us be righteous not only in our religious or spiritual conviction. Let us be righteous too in dealing with the affairs of our government, our civic responsibilities, and our concern for others and the environment. Ang pagsunod sa bataw at paggawa ng mabuti para sa ating kumunidad at lipunan ay isang pagpapatunay lamang na tayo ay sumasampalataya sa Diyos.

Itong darating na halalan ay napakahalagan ating tutukan. Dito muling uusbong ang ating pag-asa bilang isang bansa at lipunang Pilipino. Dito muling mabubuhay ang ating pag-asa na unti-uti nang iginupo ng kataksilan, kasakiman, at kapalaluan ng ating mga namumuno. Karamihan sa ating mga hinaing ngayon ay iniuugnay natin sa hindi mabuting pamumuno, pangungurakot, at korapsiyon sa gobiyerno. Ang kadalasan nating nakikita sa problemang ito ay ang ating pangulong si Gloria Macapagal Arroyo. Ngunit hindi rin kaya kasabwat din tayo sa malakihang sistema ng graft and corruption ng pamahalaan at ang pribadong sektor ng ating lipunan? Sa pagpili ng mga taong mamumuno sa atin, tayo ba ay tumitingin sa kakayahan at intigridad ng mga tumatakbong pulitiko sa halalang ito o nabibili at nagpapagamit para isulong lang ang interes ng mga hindi karapat-dapat?

Pagkatapos ng halalan at nanalo na ang mga kandidatong ating sinuportahan, sa kanilang pag-upo ay hindi ba natin sila dapat subaybayan? Magagaya din kaya tayo sa iba na pilit na ipinagtatanggol ang mga maling gawain ng kanilang mga sinusuportahang pulitiko at opisyal ng gobierno? Isang malaking kasalanan iyan sa mata ng Diyos at tao. Kung ang isang pulitiko na ating ibinoto ay magiging korap at inutil lang sa puwesto, wala ba tayong karapatan na sila ay tuligsahin upang ituwid ang kanilang maling gawain alang-ala sa kapakanan ng ating bansa, mamayan, at ang lipunang Pilipino? Sa isang banda kung natalo ang ating mga sinusuportahan  at ibinotong mga kandidato, tayo ba ay parang mga batang nagmamaktol diyan at di na makikilaam pa? Kapatid, ito na yata ang pinakapalpak nating magagawa para sa ating bansa. Makialam, purihin sila at suportahan kung tama ang mga ginagawa, tuligsahin kahit umabot pa tayo sa parliamento ng kalsada kung kinakailangan para gisingin lang ang natutulog at di gumagawang mga pulitiko. Ngunit ilan sa atin ang may ganitong adhikain? Hindi kaya karamihan sa atin ay puro reklamo pero wala namang ginagawa para ituwid ang maling gawain ng ating mga namumuno?

Sa mga tumatakbong kandidato sa halalang ito paano na kung manalo kayo? Paano kaya ninyo maisasagawa ang mga programang ipinangako ninyo sa mga tao upang tuparin? Ang lagay ba ay babawiin muna ninyo ang mga ginasta ninyong bilyon-bilyon o milyon-milyong piso sa pagtakbo kapag nakaupo na kayo? Aba gutom na naman ang aabutin ng mga tao sa inyo kung gayon. Sa halip na mabubuhay muli ang pag-asang uunlan ang bansang ito baka panibagong dagok at dilubyo na naman ang aabutin ng mga tao sa maling gawain at pamamahala ninyo. Hindi porke nakuha na ninyo ang mga boto namin ay puwedi na kayong magsaya at sasabihin: “Till we need your votes again!” Huwag naman sana kayong mapabilang sa mga tinatawag nilang “HUDAS IN THE MAKING.”

About these ads

Responses

  1. Paano kung manalo?

    Bah, tinatanong pa ba ‘yan?

    Siyempre, maglilingkod ako ng buong puso’t katapatan sa aking mga nasasakupan.

    Lahat ng ipinangako kong pagbabago noong nangangampanya pa ako, tutuparin. ko. Hindi ako katulad ng mga nauna sa akin at ‘yung mga nakalaban ko.

    Meron akong puso para sa mahihirap. Dama ko ang kanilang mga karaingan. Handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya.

    Lahat ng proyektong pangkaunlaran para sa kanila ay aking ipapatupad. Wala akong sasayanging pondo. Tandaan n’yo ‘yan.

    Ibahin n’yo ako!

    ‘Anlagay ba naman, ganun na lang?

  2. Sana po tito ganito ang layunin ng bawat isang kandidato. Napakaganda po ang inyong sinabi, “ibahin n’yo ako.”

    Bakit ko po nasabi iyon. May paksa kami kasi sa college ng aking mga students tungkol sa “cultural assimilation.” Kapag ang isang tao o sino mang mapadpad sa isang lugar na may kakaibang cultura, pamamaraan, at nakagawian, siya ang lalagumin ng mga ito(ng naturang mga kultura at nakagawian) hindi ang kanyang taglay (his own cultural values and processes) ang siyang lalagum sa komunidad.

    Ano po ang aplikasyon ng konseptong ito sa ating sistemang pullitikal? Ang mga bagito pong pulitiko na nabigyan ng pagkakataon na mamuno bilang elected officials ang siyang mahahawaan. At hindi magtatagal ay assimilated na po sila sa sistema.

    Halimbawa hindi siya korap bago manungkolan, sa pagdaan po ng mga panahon at madalas na pakikisalamuha niya sa mga korap na pulitiko ay di maglalaon siya ay nasa kanilang mga hanay na rin.

    Iyong salitang “ibahin mo ako” sana po ganito ang magiging panuntunan ng mga bagito nating pulitiko. Sila ang magbabago ng takbo ng ating sistema hindi sila ang lalamonin ng korap na sistema pulitikal at sa pamamahala ng ating gobiyerno.

    But this is easier said than done. Tanong nga ng aking estudyante, ;posible kaya na may isang matinong pulitiko ang maging ilaw sa mga ibang pulitikong nabubuhay sa dilim. Posible kaya na ang mga korap na pulitiko ay magbabago sa magandang halimbawang ipinapakita ng mga bagito ngunit hindi korap na elective officials?

    “Ang lagay ba naman. ganun na lang?” Tama po kayo, babawiin din nila ang bawat sintemong ginasta sa election sa ano mang kaparaanan.

    Ang nagkakaisang sagot ng aking mga estudyante bagama’t hindi ko ito sinasangayonan, “Once you enter politics everything goes. Even you own righteousness has to go only to perpetuate yourself into power.”

  3. Mer, kumambyo ka pa. Puwedi namang ang hindi korap na opisyal o pulitiko ay ipagpatuloy niya ang kanyang ginagisnan at kinalakihan na mabubuting asal. Kaya kung ito’y kanyang paninindigan habang siya ay nasa poder, hindi siya lalamunin ng sistema, siya ang magiging gabay at magandang halimbawa para sa mga sinasabi mong nabubuhay sa kadiliman.
    Classic example Mer ay si Among Ed. Di ba ipinapatuloy niya ang matino at malinis na pamumuno bilang gubernador?
    Huwag padadaig sa mga korap, manindigan para na rin sa iyong kinabukasan at kinabukasan pa ng mga susunod nating henerasyon.
    Ang lagay Mer kung korap na ba ang ating sistema ay magiging korap na rin tayo?
    Mali yatang prinsipyo iyong sinasabi nila na “if you are in Rome do as the Romans.” Why don’t act in righteous values and principle like the Pope in Vatican?

  4. Mah-hirap na kasheng magmayabhang, eh. Hik. Akhalah nhang mga nakalaban kho sha pulitika eh khatulad nilah akhong korap din. Hik.

    Shige pha mga bata. Ilabas n’yo ang alak at beer. Magsaya tayoh. Hik.

  5. Halu! Halu!

    Madilim sa bahay na ire. Wala na ‘atang tao.

    Saan kaya nagpuntahan?

    Nangatakot sa multo?

    Bumalik na kayo dine!

  6. :Pareng Mags nandito lang ako. Naputulan tayo ng Meralco kaya madilim pero nasa loob lang ng bahay at nagmumunimuni tungkol sa mga kaganapan ngayon sa ating bansa.
    Problema kong iniisip itong mga political butterflies pareng Mags, sila na naman ang sisira sa susunod na administrasyon.
    At si aling Gloria naman ay hindi pa rin siya naiitsa-puwera. May mga galamay pa rin siyang maaring tutulong sa kanya para ma-achieve ang kanyang political agenda.

  7. By the way mukhang umaangat na naman ang rating ni pareng Erap pumapangalawa na lang siya kay Habnoynoy ayun sa survey ng mga Magdalo soldiers.
    Ang hirap kasi kapag pinaglalaruan mo ang kahirapan ng mga tao upang ilukluk ka sa rurok ng tagumpay.
    MAKAKARMA kayo diyan. Kay Erap talaga namang para sa mahihirap ang mama. Mahihirap maintindihan ang sitwasyon ng bayan.

  8. Hay, salamat!

    Akala ko’y hindi na magkakaroon ng ilaw dine.

    Maige sana kung merong patay-sinde at me multong sumasayaw na kamukha’t katulad ni Luningning para okey ang tomaan namin ni Pareng Irap.

    Kaps, ang tunay na hindi natin maintindihan ay ‘yung mga taong ibinibenta ang kanilang sagradong karapatan sa pagpili ng karapatdapat na mamuno sa bayan. Hangga’t hindi natututo ang mga ‘yan ay damay tayo sa kanilang kapalpakan at mamamayani ang mga tiwali’t magnanakaw sa pamahalaan.

    Hige’t baka lumipas na ‘yung lamig ng beer na iniinom namin ng mga alalay ko.

    Sa atin lang ito, hane? Kumita kami ng malaki sa bagong proyekto ko, kaya binobloawt ko ireng aking mga kumpare’t kaibigan. Ipapadala ko na la’ang sa iyo ang iyong kaparte. Okey ‘yung kontraktor na inirekomenda mo. Madaling kausap. He he he he !

  9. Congrats pareng Mags. I am happy for you. Kaunting ingat lang at may mga nagmamatyag ditong mga pulitiko baka next time na may project sila ay kukunin nila ang inyong kumpanya para sa kanilang proyekto. Kaya lang lagnatin ang kanilang mga ibon kung hindi ninyo sila mapagbibigyan sa kanilang mga hinihinging tongpats, hehe.

    Kagabi binalak kong manood ng political debate sa isang TV Network pero inilipat ko kaagad sa ibang estasyon nang magumpisa nang magbangayan sina Satur Ocampo at si Jovito Palparan tungkol sa isyu ng human rayts bayolesyon.

    Nanood na lang ako ng cartoons at nag-enjoy pa ng husto sa katatawa, hahaha!

  10. Hayaan mo na lang ‘yang dalawang ‘yan!

    Wala akong bilib diyan kay Satur Ocampo. Ginagamit la’ang niyan ang sentimyento ng mga sibilyan at ginagatungan upang magkaroon ng balidong rason ang kuno’y kanyang ipinaglalaban. Ilang taon na rin ‘yan sa pantylist, meron bang nagawa? Ano’ng proyekto ang pinaglaanan niya ng kanyang pork barrel?

    ‘Yang si Palparan, dati kong kasama noong katatapos ng Edsa 1. Maprinsipyo ‘yan noon. Ewan ko kung bakit nabulag at nabihag ng mahika ni gloria. Maaaring dahil kababayan niya ‘yung bulugang baboy sa malakanyang. Nagpagamit siya sa pagsalaula sa konstitusyon ng mag-asawang ganid.

  11. Gising na bayan ko, oras nang makilala
    Namamayaning bulok at maruming pulitika
    Mga kandidatong bulok walang mahalaga
    Kundi ang manalo’t bawiin ang puhunan nila.

    Masarap pakinggan matatamis na pangako
    Matimyas na bukas huwag lang mapapako
    Ang siste’y ang ugaling buwaya at tuko
    Kapag nanalo na’y biglang maglalaho.

    Dadaaanin ka pa sa pagbabait baitan
    Kunyaring sa pagbabago sila ay katuwang
    May ipit na sobre sa pakikipagkamay
    Masaklap ang bunga iyong kabayaran.

    Kapag napapuwesto na’y parang mga linta
    Hindi gustong mapuknat walang pagkasawa
    Lahat ay sisipsipin hindi gustong masawata
    Iiwang buto’t balat na’y said na said ang taba.

    Dapat ay magsilbing aral nagdaang siyam na taon
    Kung kailan ang baya’y nalugmok sa gutom
    Bunga ng panlilinlang ng sugo daw ng Poon
    Ganid na babaeng kawatang mandarambong.

    Kaya sa darating na araw ng halalan
    Huwag hahayaang manaig ang garapal
    Mga mapagkunwaring dating mahirap daw
    Pagkat sila’y salot hindi mapagkakatiwalaan!

  12. Pagkatapos ng election, sino mang uupo diyan na presidente ay gutom at kasawian pa rin ang aabutin ng mga tao. Iyong mga pulitikong nagsasabi na sila ay malinis at nangangakong lilinisin nila ang pamahalaan sa mga korap at buyang opisyal ng gobyerno, ewan ko lang kung mapapanindigan nila ang kanilang mga ipinangangako sa mga tao ngayon na nakipagalyansa na sila sa mga bumalimbing na taga suporta ng korap na administrasyon.
    Malayo pa ang umaga bayan ko. Marami ka pang luhang malalaglag sa iyong mga mata kabayan na Juan.
    May pag-asa pa ba ang bansang ito? Mukha lang ang nagpapalit pero pareho pa rin ang sistema.
    Hindi lang ang mga pulitiko ang korap, mga mamayan din na mahilig maglagay sa mga pulis trapiko kung sila ay nahuhuli ng traffic violation, kabilang din sa mga mamayang korap ang mga nagsusuhol sa mga kawani ng gobierno para mabigyan sila ng pabor.
    Paano mo kaya babaguhin ang isang bansa na karamihan sa mga mamayan ay insensitive, oportionista, pasaway, walang disiplina, at mahilig makipagsabwatan sa mga ganid na lingkud bayan para yumaman?
    Madaling sabihin magbabagong buhay tayong lahat pero mahirap gawin.
    Sana ay mali ako pero hindi kaya na pagkatapos ang halalan–kung ano ang mga nangyayari noong panahon ni Gloria ay gayun din sa susunod na pangulo?
    Nevertheles sasabihin ko parin, Pilipinas magbago ka na, and I AM SAYING THIS to myself.

  13. Ako? Magbabago na rin.

    Aalisin ko na ang hindi maganda sa akin.

    Magpapa-bleach ako. Magpapa-skin peeling. Magpapamanikyur, pedikyur, eyelash augmentation, breast implant, nose lift at wrinkle removal.

    Basta, magpapabongga ako ng husto!

    Ahahahay!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: